Ika-6

627 31 51
                                    

"KAYA NAMAN PALA HINDI ko nakita yung crush ko doon sa munisipyo kasi kasama mo sya, kaya rin pala hindi ko sya nakita sa simbahan dahil kasama mo sya." Parang tangang saad ni Aexniqn.

Ang sabi nya ay kailangan nyang mag emote ngayon. Nandito kami ngayon naka upo sa lamesa.  Katabi ko si Aexniqn sa gilid ko naman ay si Ina. Hindi parin tapos ang party. Nag sisimula panga lang, eh.

"Tsk, tumahimik kanga dyan, malay ko bang crush mo si antipako." Mataray na saad ko habang naka pangalumbaba. Napanguso lang syang umirap. "Hindi ko na sya crush, sana all nalang ikakasal." Nakangiting saad ni Aexniqn sa akin kaya napairap ako.

"Maligayang kaarawan, Señorita Eva Maria." Nakangiting saad ni Esteban sa babaeng naka pula na ngayon ay kadadating lang. Taas kilay kung tiningnan si Esteban tumingin ako sa babaeng binati nya.

Para namang nahiya ang kulay ko nung makita ko ang napaka puting babae. Kagaya ni Antipatiko ay singkit din ang mata nito. Tsk? Kailangan ba talagang maging singkit?

"Salamat Ginoong Esteban." Nakangiting saad ni Eva Maria kay Esteban natawa naman ako ng mahina kaya napatingin si Ina sa akin. "Ina, si Esteban ba ay may gusto kay Eva Maria?" Malakas na saad ko na ikinapula ni Eva Maria.

Nakita ko ang pag sama ng tingin ni Esteban kaya lalo akong nangiti, ngumiti lang sa akin si Ina bago tumingin kay Donya Adelle.

"Humanda ka sa akin, Eeya." Dinig kung bulong ni Esteban pero inirapan ko sya. Napataas ang kilay ko nung makitang umopo si antipatiko sa harapan ko. Sinamaan ko sya ng tingin pero ngumisi lang sya at tiningnan ang kamay ko na may suot na singsing.

Mabilis kung tinago ang kamay ko at inirapan sya.

Tumikhim si Don Fortunato, mag sisimula na yata ang kainan. Kanina pa ako nagugutom. Pinauna kasi nilang kumain ang mga bisita. Nang maka uwi ang mga bisita ay kami naman ang kakain. Ano kaya yun? No?

Saka inferness mas marami at mas masarap ang pagkain namin dito.

"Bago tayo mag simulang kumain ay maaaring hintayin natin ang aking panganay na anak? Alam nyo namang napaka rami ang gawain ng isang Heneral." Nakangiting saad ni Don Fortunato na animong nag mamalaki.

Tumikhim lang si Ama na ikinakagat ko sa ibaba kung labi. May kayabangan pala ang Don na ito, ha? Kaya naman pala mana sakanya si antipatiko.

Napatingin kami sa pintuan nung mabukas ito nagulat ako nung makita ang pamilyar na tindig at multo. "C-calix." Bulong ko sa hangin.

Naramdaman ko ang pag hawak ni Aexniqn sa kamay ko. "Hindi sya si Calix, Reighn, Calisto ang pangalan nya siguro sya si Calix pero hindi sya ang lalaking minahal mo Reighn, mag kaiba sila." Mahinang bulong ni Aexniqn sa akin.

Napakagat ako sa ibaba kung labi nung mag tama ang tingin namin. "Iho, nariyan kana pala." Rinig kung saad ni Don Fortunato. Ngumiti ito sa akin bago lumapit kay Don Fortunato. Nag mano sya kay Ama at sa Don. Nakangiti din syang bumati kay Ina.

"Magandang umaga sainyo mga Binibini, lalo na sayo Señorita Asuncion." Nakangiting saad nito sa akin. Hindi ko inalis ang tingin ko sakanya hanggang sa maka upo sya.

Bumalik lang ako sa realidad nung tumikhim si Don Fortunato. "Tayo ay mag dasal." Baritong saad nito. Tumingin mun ako kay Calix I mean calisto bago ipinikit ang mata.

Napangiwi ako sa loob ko nung Español ang ginamit ni Don Fortunato para mag dasal.

Tsk. Baka sinama na ako ni Don Fortunato sa dasal nya. Tsk. Malay ko ba kasing kwarto pala yun ni antipatiko?

Nang imulat ko ang mata ko ay nag tama ang tingin namin ni antipatiko tinaasan ko sya ng kilay sabay irap.

Buong pagkain namin ay wala akong naintindihan dahil puro Español ang mga pinag sasabi nila. At buong pagkain din namin ay ang mata kobay nakatingin kay Calix I mean Calisto.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon