Ika-7

602 30 39
                                    

"TSK! NAG CHACHANSING kayata sa akin, no?" Kunwaring inis na saad ko habang nag lalakad kaming dalawa ni Antipatiko. Mag kahawak ang kamay namin kung kaya't marami ang napapatingin.

Tsk. Bakit kaya sila napapatingin?

At bakit maraming gustong makakita sa mukha ko?

Napapansin ko kasi na halos lahat ay silip ng silip sa mukha ko. Naka takip kasi ako ng belo, ayaw ko namang maarawan ang mukha ko, sayang ng glutathione at kojic. Just kidding. Wala akong ginagamit no, except sa mga mosturizer or nvrmd.

"C-changsing?" Nag tatakang saad nito. Nakangiwi akong tumango. "Oo, para paraan, kita mo, para paraan kaya ang pag hawak sa kamay." Nakangiwing saad ko.

Tumawa naman si Antipatiko. "Hindi ko alam na kapag humawak ka sa kamay ng magiging kabiyak mo ay para paraan." Pailing iling na bulong nito sa hangin habang may ngiti sa labi.

K-kabiyak? Hati?

"Ano yung kabiyak? Akala mo hindi ko narinig." Mataray na saad ko. Natatawa syang kumamot sa ulo. "Hindi mo talaga alam yun, Eeya?" Natatawang saad nito.

"Mag tatanong ba ako kung hindi?" Mataray na saad ko sabay irap. Lalo lang akong nainis nung tumawa ito. Tiningnan ko sya ng masama. "Pwede ba iikot mo nalang ako sa pamilihan? Para matapos na." Mataray na saad ko.

Nakangiti syang tumango. "Opo, Señorita." Parang hibang na saad nito kaya pinaningkitan ko sya ng mata. "Opo, Señorita." Pag gagaya ko sakanya na parang bata. Inikot ko pa ang mata ko na ikina tawa nya.

"Pft, Eeya doon muna tayo sa tindahan ni Don Dario." Nakangiting saad nito. Tinaasan ko sya ng kilay. "Sino yun?" Takang saad ko. Umiling sya habang may ngiti sa labi. "Sikreto binibini." Nakangiting saad nito.

Tinaasan ko sya ng kilay. "Baka ibebenta mo ako sa isang matandang mayaman, ayokong mag karoon ng sugar daddy depende nalang sa yaman." Mataray na saad ko.

Humagakhak nanaman si Antipatiko. "Hindi ko man maintindihan ang ibang sinabi mo, Eeya ngunit ako'y natatawa, pft." Inirapan ko sya ng sunod sunod.

"Halata nga tsk." Mataray na saad ko rito.

Walang ginawa si antipatiko kung hindi tumawa ng tumawa. Wala rin akong ginawa kung hindi ang umirap. At mag paikot ng mata. Tsk. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sakanya.

Pumasok kami sa isang magandang shop. Hindi kagaya ng mga tindahan sa labas ang tindahan na ito. Gawa ito sa simento at hindi sa kahoy.

Nang makapasok kami sa loob ay napa 'Wow' nalang ako dahil sa ganda ng mga alahas. Hindi man ako mahilig sa alahas pero nang makita ko ang tindahan na ito parang gusto ko nang bilhin ang lahat.

"Magandang umaga sayo, iho, sino naman ang kasama mong Binibini?" Napatingin ako sa gilid nung may mag salita.

Halata sa kulay nya na may lahi syang pilipino, samantalang ang tindig naman ay Español. Mukhang kasintanda na sya ni Ama at Don Fortunato. At halatang halata din ang pag kababaero nito. Lihim akong napairap.

Nag mano si Antipatiko sa Don habang mag kahawak ang kamay namin. Tinanggal ko naman ang belong naka takip sa mukha ko nung makaramdam ako ng init.

"Magandang umaga po sainyo Ninong, si Binibining Estela Asuncion nga po pala." Nakangiting pag papakilala ni Antipatiko sa akin.

Ngiting ngiti namang tumingin sa akin si Don Dario. Sya yata yun ewan. Halos mag taasan na ang balahibo ko sa ngiti nya. "Kay gandang pangalan, at tila pamilyar sa akin ang iyung pangalan Binibini." Nakangiting saad ni Don Dario habang ang tingin nito sa akin ay napaka lagkit.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon