Ika-43

297 17 40
                                    

"BUTI NA LAMANG ay meron na tayong hinahatiran nang ating paninda kung kaya't mabilis tayong natapos." Nakangiting saad ni Liwayway. Napangiti ako. "Oo nga, eh! Nakakatuwa dahil hindi na natin kailangan mag pakutong sa mga buhaya." Nakangiwing saad ko.

Mahina namang tumawa sila. "Ikaw talaga Señorita napaka rami mong kalukuhan." Pailing iling na saad ni Luningning. Napakamot nalang ako sa ulo ko. "Tsk tara na nga malapit nang mag tanghali ang dami ko pang gagawin!" Nakangiwing saad ko.

Inayos na namin ang mga bilao namin. Habang nag lalakad kami ay reklamo ako nang reklamo sa suot kung baro't saya. "Nakakainis talaga ang saya na ito! Napaka haba! Lalo na ang suot ko! Kailangan ba talagang ganto?! Bakit naman kasi walang payong dito! Aish! Napaka init talag----- " Napahinto ako sa pag rereklamo nang may tuwalyang tumaklob sa ulo ko.

"Ano to?" Nakangiwing saad ko habang nakatingin sa tuwalya na malaki na naka lagay sa ulo ko. "Para mabawasan ang init na nararamdaman mo." Kamot ulong saad ni Carlo. Napangisi naman ako.

"Ayieeeee, naman akala ko kay ano kalang may pake, eh...." pag parinig ko kay Liwayway. Nag iwas sya nang tingin nang makita nya akong nakatingin sakanya. Napangisi nalang ako sa loob ko. "Salamat, ha? Balik ko mamaya sainyo." Nakangiting saad ko.

Tumango nalang ito. Mabilis kaming nakarating sa bahay. Nakaluto na si Tiya Eleha nang pananghalian kung kaya't pag kauwi namin ay kumain agad kami. Si Andrea na raw ang mag huhugas kaya hayahan ang buhay ko ngayon.

Nilaro laro ko si Calista. Nang mapagod ito sa kakatawa dahil sa bulaga ko ay pinatulog ko ito. Hindi ko namalayang nakatulog narin pala ako. Ang ganda kasi nang boses ko kaya pati ako naka tulog nadin. Tsk.

NAALIMPUNGATAN ako nang makarinig ako nang malakas na tunog nang palakol. Siguro ay nag sisipak na si Mang Ernesto. Agad akong bumangon. Napatingin ako sa bintana. Napangiwi ako nang makitang hapon na.

Nang makalabas ako sa kwarto namin nila Andrea ay bumungad sa akin sila Aexniqn na nakain nang banana q. "Bakit nyo yan kinakain?" Nakataas ang kilay na saad ko. Napatingin naman sila sa akin.

"Hindi ito pantinda! Naubos na ang panindang Banana Q! Hindi kanga nakapag tinda eh!" Nakangiwing saad ni Aexniqn. Napakamot nalang ako sa ulo ko. "Señorita Estela Asuncion, ito po, mag meryenda muna kayo." Nakangiting saad ni Aleng Benang.

Nakangiti akong kumuha sa plato. "Salamat po, buti maraming sobra?" Nakangiting saad ko. Tumango si Aleng Benang. "Walang sobra Señorita, nanguha lang sa kakahuyan sila Carlo kanina kung kaya't naisipan kung gumawa nang ating meryenda." Napatango tango ako.

Nanlaki ang mata ko nung maalala si Carlo. May ibabalik papala ako sakanya. Mabilis akong tumakbo pabalik sa kwarto at kinuha ang pinahiram nya sa akin kanina.

Lalabas na sana ako sa kwarto nang maalala kung ang baho ko. Fresh from palengke pa ako tsk. Muli kung binalik ang pinahiram ni Carlo sa akin at inubos ang turon na hawak ko. Kumuha ako ng malinis na baro't saya. At pumunta sa maliit na banyo.

Buti na lamang ay may poso na sa loob ng banyo kung hindi hirapan ang pag ligo ko tsk. Nang matapos akong maligo ay pinunasan ko ang aking buhok nang tuwalya. Nag suklay lang ako bago bumalik sa kwarto at kinuha ang pinahiram sa aking tuwalya ni Carlo.

Nang lumabas ako ay nakita kung nag uusap usap sila. "Tiya Eleha alis lang po, ako, ha?" Pag papaalam ko. Tumingin muna ito sa akin bago tumango. "Iyo lamang bilisan." Tumango nalang ako rito bago lumabas sa bahay.

Malapit lang ang bahay nila Carlo sa bahay nila Liwayway. Ngunit mas malapit sa bahay nila Liwayway ang bahay nila Seguzam kung kaya't madadaanan ko ito. Hindi pa kami nag kikita ngayong araw kung kaya't maganda siguro kung daanan ko sya diba?

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon