Ika-20

293 14 19
                                    

"MAG KAKILALA KAYO ng natitipuhan ko Eeya?!" Bumalik ako sa realidad at automatikong tinulak si Antipatiko. Tiningnan ko sya ng walang gana. "Hinahanap na ako ni Tiya Eleha, tara na Minda, Leticia." Saad ko sabay tingin ng seryoso sa dalawa kung kasama.

Sunod sunod namang umiling si Minda. "S-sandali lamang Eeya! Ipakilala mo naman ako sa iyung Ginoo? Diba sya ang iyung kasintahan?!" Nakangiting saad ni Leticia. Napataas naman ang kilay ko.

"H-hindi, ha! Naka----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung biglang hawakan ni antipatiko ang aking kamay at hinigit papalapit sakanya. "Pascual, Necolaus, si Estela Asuncion pala sya ang aking kasintahan." Nakangiting pag papakilala sa akin ni antipatiko sa kaibigan nya.

Nanlaki naman ang mata ko. "A-ano bang sinasabi?!" Iritang bulong ko kay antipatiko habang pinanlalakihan sya ng mata. Nginitian nya lang ako na animong sinasabi nya na sumabay kanalang. Napairap nalang ako sa hangin.

"Eeya! Hindi mo naman sinabi na ang aking napupusuan ang iyung kasintahan!" Nakangiwing bulong sa akin ni Minda. Ngumiti pa sya nung tumingin sakanya si antipatiko. "Tsk malay ko ba, meron kanang Pascual kaya huwag mo nang agawin ang isang ito sa akin." Bulong ko rito sabay irap.

Napanguso naman ito. "Minda? Tila na iinggit ka kila Estela Asuncion? Nais mo rin bang hawakan ko ang iyung kamay." Automatiko kung binitawan ang kamay ni Antipatiko. Mukhang walang naka halata nun dahil ang tingin nila ay nakila Minda at Pascual.

"Kung isumbong kaya kita kay Ama? Hmp!" Umirap si Minda kaya napailing ako. "Tara na baka hinahanap na tayo ni Tiya Eleha." Saad ko. Mabilis namang humawak sa akin si Minda.

"Maigi panga! Ayaw kung maagang mawalan ng hininga! Hindi ko nais na maubos ang aking dulo dahil sa kulugong ito!" Natawa naman ang mga kaibigan ni Pascual.

"Nakikita ko na si Tiya Eleha! Paalam Kuya!" Nakangiting saad ni Leticia. Mag sisimula na sana akong mag lakad nung biglang may humawak sa pulupulsuhan ko. Nang hinarap ko si antipatiko ay nakita ko ang na ngungusap nyang mukha.

Bumontong hininga ako. "Mag uusap tayo mamaya." Saad ko bago marahang ngumiti. Para namang nawalan sya ng tinik sa lalamunan bago ngumiti. "Hihintayin ko yan, Eeya." Nakangiting saad nito.

Tumango nalang ako at nag lakad. Habang nag lalakad kami ay biglang bumolong sa akin si Minda. "Akala ko panaman ay kagaya ni Pascual ang iyung Ginoo, walang modo at masama ang itsura, yun pala eh, isang napaka kisig at matipunong Ginoo ang iyung Ginoo!" Kinikilig na saad ni Minda.

Napataas ang aking kilay. "Anong makisig? Matipuno? Si antipatiko matipunot Ginoo? Ngayon ko lang nalaman yun, ha?" Sarkastikang saad ko na ikinangiwi ni Minda at Leticia.

"Kayo talagang dalawa ay parehas ni Minda, Eeya. Palagi nyong itinatanggi kung gaano kakisig ang inyong Ginoo." Pailing iling na saad ni Leticia. Napataas naman ang kilay namin ni Minda.

"Saan ang Matipuno sa butong yun, aber?"

"Kita sa buto ang katipunuan ng iyung Kuya Leticia."

Nag katinginan kani ni Minda sabay ngiwi nung sabay kaming nag salita. Mukhang parehas ang nararamdaman naming dalawa, ha? Tumawa naman si Leticia. "Mukhang parehas kayo ng nararamdaman, nakakatuwa namang parehas na umii----" hindi na namin pinatapos si Leticia.

Tinakpan namin ang kanyang bibig na ikinalaki ng mata nito. "Subukan mong ituloy Leticia, baka ipakulong kita kay Ama." Mataray na pag babanta ko.

Umiling iling naman ito mukhang hindi na nakakahinga.  Ikaw panaman tapalan ng dalawang kamay sa bibig na napaka higpit kung hindi kapa makahinga. "Hmp! Hinde akow ingaw! Tangulin nyow naw!" Parang pipeng saad ni Leticia pero hindi namin sya pinansin.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon