Ika-21

268 15 2
                                    

"PAMILYA ANDRES." Saad nung lalaking hindi ko kilala. Basta sya ang taga sabi ng mga pamilyang nadating. Kasabay ng pagkasabi nung lalaki nun ay ang pag bukas ng malaking pintuan.

Bumungad sa akin ang napaka gandang palasyo at kulay pulang carpet na ngayon ay tinatapakan namin. Nag simula kaming mag lakad sa Red Carpet.

Halos lahat ay masayang nakatingin sa amin. Halos lahat ay nakangiti. At halos lahat sakanila ay peke. Napabuntong hininga nalang akong tumingin sa paligid.

May lalaking lumapit sa amin at niyaya kami sa isang mahabang lamesa. Nakita ko si Eva Maria na naka upo doon at si Calisto. Kasama nadin si Donya Adelle at Don Fortunato. Nakangiting tumayo si Donya Adelle.

Ganon din si Eva Maria. Kumiti sya kay Esteban na ikinatango ni Esteban. Asus, parehas na torpe. Buti ako ganon din. Tsk. "Napaka ganda mo iha." Nakangiting saad sa akin ni Donya Adelle sabay halik sa aking pisnge.

Ngumiti naman ako. "Salamat po." Saad ko at tumingin sa mga upuan. May hinahanap ako. Hindi si ano ha! Hindi yung nasa isip mo! Yung daga hinahanap ko. Tsk.

"Si Ezequiel ba ang iyung hanap, iha?" Natatawang saad ni Don Fortunato. Napataas naman ang kilay ko. Nakita ko ang pag sama ng mukha ni Ama. "Fortunato asan ba ang iyung pangalawang Buenaventura? Naaamoy ko na wala sya rito, hindi sya naka buntot sa aking bunso, eh." Nakangiwing saad ni Ama.

Tumawa naman si Don Fortunato at tinapik ang balikat ni Ama. "Amigo Amando, ang iyung dugo baka tumaas, huwag kang mag alala, wala syang ginagawang kabalastugan, may examen lang ang batang yun kung kaya't nahuli sya." Nakangising tumingin sa akin si Don Fortunato.

"Hintayin mo na lamang sya iha, huwag kang mag alala sya ay darating." Napaiwas ako ng tingin kay Don Fortunato. Tumikhim naman si Ama. "Asan nga pala ang Gobernador Heneral?" Takang saad ni Ama. Mukhang binabago nya ang usapan.

Pumunta na kami sa kanya kanyang upuan. Kagaya ng dati ay pinagitnaan ako ni Ina at ni Aexniqn. Lumapit naman ako kay Aexniqn. "Aexniqn samahan mo nga ako mag Cr." Bulong ko sakanya.

Napatingin naman sa akin si Aexniqn. Napataas ang kilay nya, nakain na ito ng letchon. Sya palang ang nakain sa aming mga naka upo rito sa mahabang lamesa. Tsk. Makapal talaga ang mukha ng isang ito.

"Ayoko kay Andrea na!" May pagkainis na saad ni Aexniqn. Napairap naman ako at tumingin kay Andrea. Busy syang makipag usap kay Eva Maria. Nahuli ko namang nakatingin si Calisto kay Andrea kaya napailing nalang ako.

Ganon din ang tingin sa akin dati ni Calix. Nakakatuwa namang makita ko si Calix sa panahong ito. Kung ano si Calix na nakilala ko sa panahon ko ganon din sya ngayon dito. Ang kaso matured tingnan si Calisto.

Siguro dahil sa pag mimilitar.

Napabalik ako sa realidad nung sanggiin ako ni Aexniqn. "Hoy, kay Andrea nayan, huwag mo nang kahasain sa imahinasyon mo." Natatawang saad ni Aexniqn na ngayon ay sumusubo na ng Letche Plan.

Sinamaan ko naman sya ng tingin pero tinawanan nya lang ako. Kinalapit ko si Ina kung kaya't naputol ang usapan nila ni Donya Adelle. Napatingin tuloy sa akin ang dalawang Donya. Tsk.

"Ano yun Eeya, anak?" Malambing na saad ni Ina. Hinawi nya pa ang buhok kung nalaglag sa pag katali ni Aexniqn sabay ngiti. "Mag babanyo lang po ako Ina." Saad ko kay Ina.

"Mag babanyo daw, baka hihintayin si Ezequiel sa labas, asus napanood ko nayan." Napataas ang kilay ko nung marinig na bumolong sa hangin si Aexniqn. "May sinasabi ka Elisabet?" Mataray na saad ko dito.

Nakangiti naman itong umiling iling. "Wala no!" Natatawang saad nito, napairap nalang ako. "Nais mo bang samahan kita Anak?" Nakangiting saad ni Ina. Umiling nalang ako dito.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon