Ika-31

230 14 20
                                    

NAPATINGIN AKO kay Antipatiko nang makita ko syang may dalang hinog na mangga. Yes! Hindi ko na kailangang pumunta sa pamilihan para hanapan ng mangga si Andrea! Nakakainis naman kasi si Calisto bakit ang aga namatay.

Kung nandito lang sana si Ina at Esteban lalo na si Ama. Magiging masaya parin ba ang pag sasama namin?

Ilang lingo narin simula nang mag tapat si Antipatiko. Ilang lingo narin syang sweet sa akin na ikinatuwa ko naman. "Hindi kaba nag lilihi Eeya? Parang kahapon lang ay nag hanap ka ng gatas ng bibe." Nakangiwing saad ni Antipatiko.

Napakamot naman ako sa ulo ko at kinuha sa kamay nya yung Mangga. "Tsk! Hindi no! Saka paano naman ako mag lilihi hindi naman ako buntis?" Nakangiwing saad ko. Inamoy ko pa ang mangga.

Sabi kasi ni Andrea dapat daw amoy mangga ang mangga na ito. Naguluhan pa ako sa sinabi nya. Hanggang sa marealize ko na gusto lang pala ni Andrea na hinog na Manga. Tsk.

"Malay mo Eeya, bigla kang mag dalang tao." Natatawang saad ni Antipatiko. Binatukan ko sya. Kung alam lang talaga ng lalaking ito na buntis si Andrea at si Calisto ang Ama. Baka gisingin nya ang kapatid nyang matulis. Tsk.

"Timang kano? Tsk. Paano mo naman na sabi na nag lilihi ako?" Taas kilay na saad ko kay Antipatiko. Kinagat nito ang ibaba nyang labi at napaisip. "Ang sabi ng tindira na aking binibilhan ng mga prutas na ang isang Binibining palaging humihiling ng kung ano ano ay ito daw ay sanhi ng pag dadalang tao, at isa pa Eeya magiging doktor din ako sa hinaharap." Mayabang na saad ni Antipatiko sa dulo.

Napairap naman ako. "Siguraduhin mo lang na mataas ang gradong makuha mo kung hindi...." pinutol ko ang sasabihin ko. Napakunot naman ang nuo ni Antipatiko. "Kung hindi?" Takang saad nito.

Ngumiti ako sakanya. "Hindi ako sasama sayo, hindi narin kita papansinin." Mapang asar na saad ko kay Antipatiko. Napasimangot naman ito. "Makakaya mong hindi ako pansinin, Eeya?" Parang timang na saad nito.

Sinabunutan ko sya na ikinangiwi nya. "Syempre hindi no!" Natatawang saad ko kay Antipatiko. Napangiti naman ito bago tumayo mula sa pag kakaupo. Napataas naman ang kilay ko. "Uuwi kana?" Nag hihinayang na saad ko.

Nakangiti syang tumango sa akin. "Opo, Eeya. Nag tataka na si Ama sa aking ikinikilos, iniisip nya na meron daw akong Binibining pinag kakalibangan." Kamot ulong saad ni Antipatiko. "Totoo naman, ha? Ako yun diba?" Natatawang saad ko kay Antipatiko.

Umiling ito. "Hindi kita pinag kakalibangan Eeya, ikaw ay ang nililigawan." Nakangiting saad ko. Bigla namang bumilis ng napaka bilis ang pag tibok ng aking puso. Napaiwas pa ako ng aking tingin dahil feel ko namumula ako. Sheet.

"N-Nanliligaw ka?" Takang saad ko kay Antipatiko. Napaiwas pa ako ng tingin nang mag tama ang aming mata. Ngiting ngiti itong tumango. "Opo Eeya, akala ko iyo nang nabatid na ako ay nanliligaw." Natatawang saad ni Antipatiko.

Kagat labi kung inangat ang aking tingin. Sumalubong sa akin ang maaliwalas na mukha ni Antipatiko. "H-Hindi ko alam." Kinakabahang saad ko. Hindi ko naman alam ang isasagot ko, eh.

Paano ba naman. Iba ang epekto sa akin ni Antipatiko. Hindi ganto ang nararamdaman ko kay Calix nung nag tapat sya sa akin na may gusto sya sa akin. Ngumiti ako kay Calix at sinabing may gusto din ako sakanya.

Pero bat ganon? Hindi ko masabi kay Antipatiko na gusto ko din sya? Nagustong gusto ko sya at mahal na mahal ko sya. Sheet. Nababaliw na ako.

"Kung ganon..." biglang bumilis ang tibok ng aking puso nang hawakan ni Antipatiko ang dalawa kung kamay. Lumohod nanaman ito sa akin harap na parang ikakamatay ko na. "A-Antipatiko...." Kinakahabang saad ko. Nginitian nya lang ako.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon