Ika-10

464 20 35
                                    

"AMA MALAPIT NA ang kaarawan ni Eeya? Tayo ba ay mag hahanda sa kaarawan nya, bukas?" Nakangiting saad ni Andrea kay Ama. Nakain kami ng umagahan ngayon. Napaangat ang tingin ko kay Andrea nung sabihin nya yun. "Nais mo ba ng magarbong kaarawan, Estela?" Seryosong saad ni Ama sa akin.

Umiling ako kay Ama. Ayoko naman ng magarbong handaan, mas nasanay na akong hindi ako nag ce-celebrate ng birthday. Natutuwa ako dahil parehas din kami ng Birthday ni Estela Asuncion. Parehas kaming tatlo ni Papa God na birthday bukas. "Huwag na Ama, mas ayos na sa akin na hindi mag handa, saka kung mag papahanda ka wala namang pupunta kasi pasko bukas." Nakapangalumbabang saad ko.

Humagakhak naman si Esteban na ikinataas ko ng kilay. "Ano nanaman?" Inis na saad ko. Nakangiti syang umiling iling. "Sa tagal kung nag tatanong sayo kung bakit ayaw mong mag karoon ng magarbong handaan yun pala nag aalala ka na walang pumunta hahaha." Tumatawang saad ni Esteban na ikinangiwi ko.

Same vibes talaga kami ni Estela Asuncion no? Baka ako talaga ang reincarnation nya? Akalain mo nun ayaw nya din ng magarbong handaan. Tsk.

"Eeya bakit natatakot kana walang pumunta? Sa dami nang kaibigan ni Ama makaka siguro akong mapupuno ang ating mansyon bukas, kahit kakaunti lamang ang pumunta." Natatawang saad ni Andrea. Nakitawa din sila Ina kung kaya't napanguso ako.

"Nais mo bang mag karoon ng magarbong kaarawan Eeya? Malapit kanang ikasal kung kaya't malulungkot kami kung hindi ka pumayag na mag karoon ka ng magarbong handaan." Parang batang saad ni Ina.

Napakamot naman ako sa ulo. "Tama ang iyung Ina, Estela. Mas maganda kung mag karoon ka ng magarbong handaan bukas." Nakangiting saad ni Ama. Nakangiti na sya kung kaya't wala na akong magagawa pa.

Minsan lang Ngumiti si Ama kaya kailangan pag bigyan.

Nakangiti nalang akong tumango. Mukhang dito sa panahon ko ma-e-experience ang mag karoon ng bonggang handaan. "Gusto ni Ama kaya gusto ko narin." Nakangiting saad ko.

"Sabi sayo Ina nag kasakit si Eeya ng pag kawala ng memorya, eh." Bulong ni Esteban na narinig ko naman. Nakita ko ang pag sanggi ni Ina kay Esteban na ikinataas ng kilay ko. Mag sasalita na sana ako pero may pumasok si Liwayway na ikinataas namin ng kilay.

"Don Amando, Donya Esther pag pasensyahan nyo na po ang aking pag pasok ngunit meron pong panauhin si Señorita Estela Asuncion." Nakayukong saad ni Liwayway.

Nakakaawa pala si Liwayway no? Napaka payat nya. Parang hindi pinapakain. Dapat pala hindi ko nalang sya tinarayan pa. Tsk.

Nakakainis kasi naman kasi ang antipatikong yun. Dahil sakanya nag karoon tuloy ako ng masamag gawain sa mga katulong tsk. Bad influencer ang isang yun kaya babala na warning bawal lumapit sakanya lalo na kung lalandi. Just kidding.

"Sino naman ang bisita ni Estela Asuncion?" Seryosong saad ni Ama kung kayat napalunok ako. Napatingin ako sa tatlo kung kapatid. Napangiwi ako nung nag sign lang sila ng 'Lagot ka', inirapan ko nalang sila.

Ang babait ng kapatid ko ano? Nakakatuwa naman tsk. Parang gusto ko silang ihagis sa Mars lalo na si Esteban. Tsk.

Nakita ko ang pag lunok ni Liwayway mukha pati sya ay takot din kay Ama. Paano ba naman parang mangangain ng tao si Ama sa tingin nya huhu.

"S-si Señorito Ezequiel p-po Don Amando ang bisita ni Señorita Estela Asuncion." Nauutal na saad ni Liwayway. Nanlalaki naman ang mata ko. Bakit naman ako bibisitahin ng antipatikong yun?

Wala naman akong sakit?

Tsk. Naalala ko nga pala may crush nga pala ang isang yun sa akin kaya nya ako binibisita ngayn. Tsk.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon