Ika-2

1K 42 91
                                    

NAGISING AKO NUNG may malamig na hangin na tumama sa katawan ko. Dahan dahan kung minulat ang mata ko. Napakunot ang nuo ko nung makita ang paligid.

Kagaya ng kwarto ko nung dumating ako sa San Andres ang theme ng kwarto kung saan ako andito ngayon. Pero iba nga lang ang kulay. Puro crema ang nasa paligid. Meron ding salamin na puno ng kung ano anong alahas sa gilid. Mahahalata mo na babae ang may ari ng kwarto na ito.

May malaki ring damitan na gawa sa Narra. At iba narin ang amoy ng kwartong ito. Ibang iba sa amo'y sa unang kwartong tinulugan ko. Amoy sampanguita na ito at vanilla na hindi ko alam ang amoy. Basta nakaka siguro akong isang babae na maalaga sa katawan ang may ari ng kwartong ito.

Napangiwi ako sa na isip ko. Baka sa anak ni Tita Adelaida ang kwarto na ito. Nakakahiya naman kung ganon. Bakit naman kasi dito pa kami nakiki tulog kila Tita Adelaida eh, may bahay din kami dito sa San Andres, bakit dito pa kami naki tulog sa bahay nila Tita Adelaida! Tsk. Hmp!

Nakangiwi nalang akong tumayo.  Muntik pa akong matapilok nang tumayo ako dahil naapakan ko ang damit ko. Hindi pala sya damit kung hindi isang saya. Napaka habang saya. Muli tuloy akong napa upo sa kama na napaka tigas. Aish! Bakit ang tigas naman nito! Ang umay naman! Asaang kwarto ba ako?! Mas gusto ko pang matulog doon sa kwarto ko nung una kesa dito. Bakit kasi ako nalipat?

Napapikit naman ako sa inis. Aish! Napaka dami kung problema ngayon. Bakit ako nakasaya? Aish. Naalala ko na kapag pala dito ka nakatira kailangang naka baro't saya ka. Tsk. Nakakainis naman. Mukhang wala akong choice kung hindi ang pakisamahan ang mga tao dito. Pero teka! Sino naman ang nag bihis sa akin?! Agad kung kinapa ang dibdib ko. Mabilis akong tapatayo habang nanlalaki ang aking mata.

Sino nga?! Ang nag bihis sa akin?!

Napabuga ako sa hangin nung maalala ko si Mom. Kaya wala dapat akong ipag alala.

Bumontong hininga ulit ako bago itinaas ang saya na suot ko. Tumayo ako. Bago ko kinapa kapa yung ilalim ng kama gamit ang paa ko para hanapin ang tsinelas ko. Napataas ang kilay ko nung wala akong makapa.

Nakangiwi akong yumoko sa ilalim ng kama. Kinapa kapa ko yung ilalim ng kama gamit ang kamay ko. Napataas ang kilay ko nung may makapa akong matigas na bagay. Ano naman to?! Bakit nawala yung tsinelas ko! Pero eh ang tigas talaga eh. Ano naman kaya ang bagay na ito?

Hahatakin ko na sana yung matigas na bagay pero hindi ko na nagawa nung may iba akong makapa, automatikong nanlaki ang mata ko nung may gumapang sa kama'y ko na nangangapa sa ilalim. "WHAAAAA! OMG! COCKROACH! COCKROACH! AHHHHHHH!" Malakas na sigaw ko at agad na nag tatatalon. Parang na silihan ang pwet ko sa kakatalon. Dahil sa takot at pang didirin! Yak! May ipis na gumapang sa kama'y ko!

Napaayos lang ako ng tayo nung biglang bumukas ang pintuan. "Anak anong ingay ang aming narinig?! Ikaw ba ay may kailangan?!" Isang babaeng natataranta ang pumasok sa loob ng kwarto na ito habang may naka suonod sakanyang apat na babae. Naka sunod lang sa likod nung babaeng mukhang Donya ang apat na babae. Nakatayo lang ito sa likod nung babae. Pero nung lumapit sa akin yung babae ay agad na huminto sa may pinto yung apat na babae. Naka suot din sila ng baro't saya. Kagaya ko.

Agad na hinawan nung parang Donya ang kama'y ko. Tiningnan nya maigi ang kama'y ko na puno ng pag alala. Mas lalo akong nagulat nung bigla akong yakapin nung babae. "Hindi ko kakayanin na ikaw ay mawala sa akin Estela Asuncion, anak." Mangiyak ngiyak na saad nito. Agad na nanlamig ang buong katawan ko nung madinig nanaman ang pangalan naiyon. E-Estela Asuncion. Estela Asuncion. Anong?! Biglang nag flash back sa utak ko at naalala ang lahat na nangyari sa boutique nung Mang Ga nayon!

Para naman akong na tuod habang yakap yakap ako nitong babae na parang Donyo. Nakatulala lang ako sa gulat dahil sa biglaang pag yakap nya. Bumitaw yung babae sa pag kakayakap sa akin mula sa bago akobtiningnan ng puno ng lungkot ay pag aalala. "G-Galit kaparin ba sa akin Anak? Sana ay mapatawad mo ako sa aking nagawa kung ikaw ay aking napag taasan ng boses nung araw nayon, kung gusto mong maitigil ang kasal maaari kung hilingin sa iyung Ama ang bagay na iyon. Alam kung hindi nya ako pag bibigyan pero gagawa ako ng paraan para hindi ka maikasal." Saad nung babaeng parang Donya gamit ang boses nya na napaka lumanay. Para syang si Mommy kung mag salita. Para akong timang na nakatulala sa mukha nung babae. Dahil sa bilis nitong mag Tagalog!

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon