Ika-39

213 9 15
                                    

"EEYA MAG AALAS OTSO na hindi kaparin nabangon." Mahinang saad ni Andrea habang inaalog ang balikat ko. Dahan dahan ko namang binuksan ang mata ko. Napangiwi ako nang may sinag nang araw na tumama sa mata ko.

Napatakip ako nang unan. Nang makabawi ako ay mabilis akong tumayo. Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman kung mabigat ito. Aish. Sa sobrang tigas nang ulo ko bumibigat na. Tsk. Tsk.

"Ayos kalang ba Eeya?" Nag aalalang saad ni Andrea. Napanguso ako sabay hawak sa nuo ko. Napangiwi ako nang maramdaman kung napaka init ko. "A-Ayos lang ako." Pag sisinungaling ko kay Andrea.

Tiningnan nya ako na nag aalala. "Maari ko bang hawakan ang iyung nu----" hindi ko na sya pinatapos. Agad akong umilag kay Andrea. Sunod sunod akong umiling rito.

"A-Ayos lang ako!" Mabilis na saad ko dahil ayaw kung mag alala sila sa akin. Tsk. Bakit naman kasi ako nilagnat eh? May virus yata ang halik ni Antipatiko. Tsk. Imbes na lumakas ako eh lalo pa akong nanghiya. Bwesit.

"Ngunit namumula ang iyung muk-----" nakangiti nalang akong natawa kay Andrea. Bumangon ako sa papag. Nakuyom ko ang aking kamao nang makaramdam ako nang pag kirot ng aking ulo. Aish. Bakit ang sakit ng ulo ko?

Wala naman yata akong tubor sa utak no? Impossible naman kung meron.

"Ayos lang talaga ako! S-Saka may nangyari lang kaya namumula ang m-mukha ko!" Muling pag sisinungalin ko kay Andrea. Napabuntong hininga ito. "Ikaw ay mag pahinga nalang kaya? Huwag kanang sumonod sa palengke baka anong mangyari sai-----" nanlaki ang aking mata sa sinabi ni Andrea.

"Nasa palengke na sila?!" Nagugulantang na saad ko kay Andrea. Nakagat naman ni Andrea ang ibaba nyang labi sabay tango. "Aish. Kailangan ko nang tumakbo para pumunta sa palengk-----" nag mamadaling saad ko. Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mag salita si Andrea sa likod.

"Eeya makakaya na nila yun, mukhang masama ang iyung pakiramdam kaya mag pahinga kanalang." Ani ni Andrea.

"Hindi masama ang pakiramdam ko Andrea! Namumula lang yung mukha ko kasi natutok sa araw kaya ayos lang ako! Ano kaba!" Natatawang saad ko habang nag susuklay. Nakagat ko pa ang ibaba kung labi nang kumirot ang aking ulo.

"Eeya? Sabihin mo sa akin ikaw ba ay may nararamdaman? Ako'y nag aalala na baka may mangyayari masam-----" hindi ba natapos ni Andrea ang sasabihin nya nang bigla kung mahulog ang suklay.

Napahawak ako sa aking ulo habang umuungol sa sakit. "AHHHHAHHH!" Malakas na sigaw ko na parang binibiyak ang ulo ko. Hindi ko alam kung bakit sumasakit nang ganto ang ulo ko.

"E-EEYA! ANONG NANGYAYARI SAYO?!" Natatarantang saad ni Andrea. Halos mag wala na ako dahil sa sakit ng ulo ko. Wala na akong naririnig kung hindi ang pag sigaw lang ni Andrea. Wala nang iba.

"Tiya Eleha! Si E-eeya! Tiya Eleha!" Malakas na sigaw ni Andrea. Nakita ko sa gilid nang mata ko ang pag bukas nang pinto bago nag dilim ang lahat.

DAHAN DAHAN kung minulat ang mata ko. Napahawak ako sa aking nuo nang makaramdam ako nang kirot. Napangiwi nalang akong bumangon. Nilibot ko ang aking buong paningin sa kwarto.

Parang nanlumo ang aking katawan nang makita ang pamilyar na silid. Bakit ako andito? Kumakalabog ang puso ko sa sobrang takot. Hindi ko alam kung paano ako makakapunta dito.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon