Ika-3

855 37 41
                                    

"AT NGAYON SA akin kanaman nakatitig, Binibini." Nakangising saad nung antipatikong lalaki. Inis ko syang tinulak palayo sa akin. Umayos ako ng tayo at nag cross arms bago ko sya pinag taasan ng kilay. Lalong napataas ang kilay ko nung tumawa sya ng puno ng sarkastika. "Happy feel mo ako?" Sarkastikang tanong ko dito sa antipatikong lalaki na nasa harap ko sabay irap.

Nakita ko ang pag kunot ng nuo ng antipatikong lalaki na nasa harap ko. "A-Appy? P-Peel?" Kunot nuong tanong din sa akin nitong antipatikong lalaki. Ngumisi naman ako sakanya. "Nevermind, huwag mo nang alamin." Mataray na saad ko bago nag lakad papunta sa pintuan. Agad akong lumabas sa pinto kung saan may mga nag tatraining.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag sunod nung antipatikong lalaki sa akin. "Binibini! Iyong naka ligtaan ang iyung abaniko." Habol na saad ni Antipatiko sa akin inis naman akong napahinto. Bago ko sya tiningnan.

Tsk. Bakit ba kasi kailangan pa ng pamaypay para maging isa kang Maria Clara? At bakit ba kailangan ng pamaypay ang isang babae? Napaka umay naman.

Alam ba nila na maraming kagaya ko ang nakakalimutan ang pamaypay nayan? Saka pabigat lang yan, eh.

Inis na inis kung inirapan si Antipatiko. "Pwede ba? Sayo nayan, ayoko naman talagang mag dala nyan, ewan ko ba kung bakit kailangang mag dala ng pamaypay, hindi naman kami mag sisimba." Inis na inis na saad ko habang naka cross arms na nakatingin sa antipatikong lalaki na ngayon ay nag tatakang nakatingin sa akin.

Pinag kunutan nya ako ng nuo sabay tingin sa akin na parang hindi makapaniwala. Tinaasan ko sya ng kilay. "Ano? May dumi ba ako sa mukha?" Mataray na tanong ko kay Antipatiko sabay irap.

Napataas ang kilay ko nung tumawa ng napaka lakas ang antipatikong lalaki. Baliw na to. Ano namang nakaka tawa? May dumi ba talaga ako sa mukha? Palihim kung kinapa ang mukha ko. Tsk. Parang wala naman! Pinag titripan talaga ako nitong Antipatiko na to! Umay sya ha! "H-Hoy! Bakit ka tumatawa? Happy feel mo talaga ako no?" Nakataas kilay na tanong ko kay Antipatiko.

Natatawa syang tumingin sa akin sabay iling iling habang naka hawak sa tyan nya. Tawang tawa talaga sya ha! "Kakaiba kang Binibini, ngayon lang ako nakakita ng kagaya mo." Nakangiting saad nito na para bang hindi makapaniwala sa akin. Umiling iling pa ang antipatiko. Na hibibang ba sya? Baliw. May itsura naman sana. Kaso baliw ang bwiset.

So ano naman kung kakaiba? Kakaiba naman talaga ako. Wala kayang kagaya ko na maganda. Sexy. Mabait kapag may kailangan. Marunong ng tamang asal kapag nadisplina. Saan kapa? Kay Reighn Yverdei mo lang makikita ang ganyang ugali. Tsk.

"Akin na nga yan, baka may pangalan pa yan." Isearch mo pa ako sa facebook. Idudugtong ko sana yun pero naalala kung wala palang Social Media dito sa Old San Andres, kaya inirapan ko lang sya sabay lakad.

Nakakailang hakbang palang ako pero napahinto ako nung may tumawag sa akin. "Binibini! Binibini!" Habol nung antipatikong lalaki sa akin. Inis ko syang ni lingon.

Taas kilay ko syang tiningnan. "Ano nanaman? May crush kaba sa akin o ano?" Iritang tanong ko. Napakunot naman ang nuo nya habang may ngiti sa labi. "K-Krass?" Nag tatakang tanong ni Antipatiko sa akin.

Ay oo nga pala hindi uso dito ang crush. Sarap panamang ibida sa antipatikong ito na maraming nag kakacrush sa akin.

Mayabang akong sunod sunod na tumango habang naka taas ang kilay. "Oo crush ibig sabihin ay pag hanga, parang gusto mo ako dahil sa pers----ibig kung sabihin ay gusto mo ako o yung pag katao ko. Ganon! Kaloka ka ha!" Iritang saad ko.

Nakita ko ang seryoso nyang mukhang nakatingin sa akin. Mukhang interesado ang antipatiko sa mga pinag sasabi ko, ha? "Kung K-Krass ay gusto? Ibig sabihin ba ay Mahal ang ibig sabihin nun? Tama ba binibini?" Napatitig ako sakanya dahil sa sinabi nya. Ano daw?! Crush lang ang pinag uusapan namin! Naging mahal na! Ay grabe! Ayoko na! I quit!

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon