Ika-29

251 7 4
                                    

"M-MAY BALITA NABA kay Ama?" Matamlay na saad ni Andrea. Bumontong hininga ako bago umiling. "W-Wala pa ngunit gagawa ako ng paraan para makita sya." Nakangiting saad ko kay Andrea. Tumango sya sa akin.

Tumayo ako at kumuha ng gatas sa Kusina. Bumalik ako sa hapag at inabot kay Andrea yung gatas. Tiningnan nya naman yun. "Walang lason yan, inumin mo na para maging malakas ang pamangkin ko." Nakangiting saad ko kay Andea.

Kinuha nya yun sa kamay ko. Napasimangot naman ako nang makitang hindi sya ngumiti sa akin. "Andrea! Kailangan mong ngumiti! Baka maging ganto anak mo!" Nag bingot bingotan ako sa harap ni Andrea.

Napataas ang kilay nya habang nakatingin sa akin. Ikang segundo lang ay bigla syang humagakhak ng tawa. Napangiti naman ako ng malawak. "Yan nakangiti kana!" Tuwang tuwa na saad ko habang pumapalakpak.

Napangiti si Andrea sa sinabi ko at ininom ang gatas na binigay ko. "Napaka swerte ko talaga pagkat nariyan ka Eeya, hindi ko aakalaing magagawa mo ito para sa akin para sa ating pamilya." Madramang saad ni Andrea. Nakita ko ang luhang tumulo sakanyang mata.

Napangiwi naman ako. "Andrea! Bakit parang nagiging iyakin ka?!" Takang saad ko sakanya. Napasimangot naman sya. Aish. Ang gulo talaga ng isang ito. Ang bilis mag bago ng expresyon. Tsk. "Aish! Aalis na nga ako! May pupuntahan pa kami nila Minda at Leticia ngayon!" Pag tukoy ko sa dalawa kung kaibigan.

Ang sabi kasi ni Minda at Leticia ay may pupuntahan kaming tatlo. Isang piging daw yun. Ayokong lumabas dahil mainit init pa ang balita sa amin ngunit kailangan kung samahan ang dalawa.

Napakamot naman si Andrea. "Bilisan mo Eeya, bilhan mo narin ako ng kulay berdeng mansanas." Nakangiting saad nito. Tumango ako rito. "Sigeh! Ubusin mo yan Andrea kung hindi, wala kang berdeng mansanas!" Nakangiting saad ko.

Nakanguso lang itong tumango. "Masusunod po Eeya!" Pahabol nito nang makalabas ako sa kusina. Napailing nalang ako. Tiningnan ko ang suot kung baro't saya. Wala namang sarsa ng Caldereta kaya ayos na ito.

Mabilis akong tumakbo palabas. Nang makalabas ako sa mansyon ay ang pag hinto ng kalesa sa tapat ng mansyon. Nakangiti akong sinalubong ni Minda at Leticia ngumiti din ako sakanila. "Napaka aliwalas yata ng iyung mukha Estela! Para kang isang mirasol na nadiligan ngayon!" Malakas na saad ni Minda.

Sinanggi naman namin sya ni Leticia. "Ang bibig mo talaga Minda, walang preno..." Nakangiwing saad ni Leticia. Napanguso naman si Minda. "O sya tara na nga! Ayokong makita ang parang bibeng nguso ni Minda." Natatawang dugtong ni Leticia sa sinabi nya. Natawa naman ako.

Umakyat ako sa kalesa kasama ang dalawa malamang. Mabilis na umandar ang kalesa mukhang alam ng kutsiro kung saan punta nito. Nasalubong namin ang kalesang sinasakyan ni Aexniqn at Tiya Eleha. Galing silang munisipyo. Nag tanong sila kung merong balita tungkol kay Ama.

Kumaway kami nila Minda at Leticia. Nakita ko ang pag ngiti ni Aexniqn at kumaway rin ito ng marahan. Nang makatapos kami sa maingay na kawayan ay umayos na ulit kami ng upo.

Tumikhim ako. "Saan nyo ba ako dadalhin?" Taas kilay na saad ko sa dalawa. Ngumiti naman silang dalawa ng nakaka luka. "SA ISANG PIGING!" Tuwang tuwa na saad nung dalawa.

Napasapo naman ako sa nuo ko. "Alam kung sa isang piging tayo pupunta, pero ang ibig kung sabihin ay saan? Sino ang nag pahanda? At bakit ako imbetado dito?" May pag kairitang saad ko.

Napakamot naman sa ulo yung dalawa. "Iyo kasing ayusin Eeya, alam mo namang mahina ang utak ni Leticia." Pag turo ni Minda kay Leticia. Napataas naman ang kilay ni Leticia sa sinabi ni Minda. "Hindi mahina ang aking utak Minda!" Mabilis na angal ni Leticia.

Napabuga ako sa hangin. "Aish! Can you p----Ibig kung sabihin, pwede nyo nang sabihin nalang kung kaninong piging ang pupuntahan natin!" Iritang saad. Baka mamaya ay magaya nanaman sila nung isang araw.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon