Ika-16

291 17 17
                                    

"NARIYAN NA SI Ama at Esteban, Eeya. Kasama nilang dalawa ang pamilyang Buenaventura mukhang isa ang pamilya nating mag babagong taon." Ngiting ngiti na saad ni Aexniqn.

Napatingin naman ako sakanya. Napangiwi ito nung makita ang aking itsura. "Hoy gaga ka! Bakit ka naka itim?! Walang may patay ngayon! Mag pula ka! Bagong taon kaya!" Mabilis na saad nito.

Kinuha nya ang baro't saya kung susuotin ko sa gilid at mabilis itong binato sa akin. "Bakit hindi mo yan suotin? Yan ang dapat mong suotin!" Singal nito sa akin. Napakamot naman ako sa ulo.

"Ayokong bumaba." Mabilis na saad ko. Ayaw kung bumaba dahil andyan sya. Nakita ko ang pag laki ng mata nito. "Anong ayaw mong bumaba? Tanga kaba Reighn? Look itigil mo yang kaKJyan mo. Nag mumukha kang lola, eh." Natatawang saad ni Aexniqn.

Sinamaan ko sya ng tingin. "I'm not KJ! Ayaw ko lang talagang bumaba kasi...." Napahinto ako nung makalimutan ko ang dahilan ko. "Aray!" Saad ko nung batukan ako ni Aexniqn.

"Kasi nahihiya kang bumaba dahil andyan sya? Tama ba ako Reighn Yverdei? Slash Estela Asuncion?" Nakangising saad ni Aexniqn. Napaiwas naman ako ng tingin. Kilala nya nga ako. "Share mo naman! Uso mag share teh!" Natatawang saad nito.

Napakagat naman ako sa ibaba kung labi. Tama naman si Aexniqn uso mag share pero nahihiya ako sakanya. Alam kung girlbestfriend ko sya slash kapatid at pinsan pero nahihiya padin ako sakanya.

Ano yun sasabihin ko sakanya na nakuha ni antipatiko ang unang halik ko? Aish nakakainis naman! Bakit ako nahihiya ng ganto? Kasalanan kasi yun ni antipatiko, eh. Kapag ako hindi makatulog humanda sya sa akin.

"Reighn what now? Teka? Are you blushing? Teh! Nag ba-blush ka!" Nanlaki ang mata ko nung sabihin yun ni Aexniqn. Mabilis kung sinampal sampal ang mukha ko. "Wala ito! Stop thinking to much!" Parang tangang saad ko kay Aexniqn.

Napakunot naman ang nuo nya sabay turo sa sarili nya. "I'm not thinking anything! Reighn sabihin mo kasi sa akin! Ano bang nangyari? May nangyari ba sainyong dalawa ni Ex crush ko? Did you kiss or wh---" hindi ko na pinatapos si Aexniqn dahil mabilis ko syang binato.

"No! Hindi pa kami nag kiss! He didn't get my first kiss! Huwag kang mag isip Aexniqn!" Mabilis na saad ko kay Aexniqn. Nakita ko ang pag laki ng mata nya sabay talon talon sa kama ko. "So nag kiss kayong dalawa ng ex crush ko?!" Ngiting ngiti na saad ni Aexniqn.

Nanlaki lalo ang mata ko. Mabilis kung sinara ang pintuan at tiningnan sya ng nag papanic. "No! No! That's not like that! Hindi yan ganyan! Uhmm---paano ako mag sisimula? Oh gosh ugh!" Para naman akong hibang na nasa harap nya.

Ugh! Anong i-explain ko kay Aexniqn! Tatawanan nya ba ako dahil nawala ang first kiss ko? At take note sa panahong ito pa! Sa panahon pa ng mga Español nawala ang first kiss ko ugh!

Nagulat ako nung bigla akong yakapin ni Aexniqn. "Dalaga kana Reighn, you got your first kiss masaya ako para sayo." Nakangiting saad ni Aexniqn na ikinagulat ko.

Parang nawala ang kaba sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong naiyak. "Aexniqn! What should I do? Where just friend with benefits I think? Paano ko na sya haharapin?" Mangiyak ngiyak na saad ko habamg natawa.

Tiningnan nya naman ako sabay tawa din. "Just relax huwag mong ipakita na na apektuhan ka, kahit ang totoo naapektuhan ka talaga." Natatawang saad nito. Nahampas ko naman sya sa balikat nya.

"Eh? Paano? Nakatakda kami sa isa't isa saka hindi ko alam kung an--- " hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung takpan ni Aexniqn ang bibig ko. "Ganto gawin mo, huwag mo muna syang kausapin tapos kapag lumipas na ang ilang araw kausapin mo na sya siguro makakalimutan nya na yung halik nyo." Natatawang saad nito.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon