Ika-13

310 18 54
                                    

NAALIMPUNGATAN ako nung may bumato nanaman sa bintana ko. Tsk? Si antipatiko nanaman bayon? Bakit ba ang hilig nyang mag bato sa bintana?

Inis akong napabangon. Napahigab pa ako. Lumapit ako sa bintana at dahan dahang binuksan ang mata ko. Napangiwi ako nung napaka dilim pa ng paligid.

Tsk. Hindi payata nakaka dalawang oras ang pag tulog ko, ha?

"Pst! Eeya!" Napatingin ako sa baba ng bintana ko nung marinig ang pamilyar na boses. Napataas ang kilay ko nung makita si antipatiko. "Ano nanamang ginagawa mo dito? Kapag nakita ka ni Ama lagot ka." Iritang saad ko kay antipatiko. Pabulong lang yun dahil baka marinig ni Andrea sa kabilang kwarto.

Nakita ko ang pag kamot nito sa ulo na akala mo ay may kuto. "M-may ibibigay lang ako sayo E-eeya." Kahit hindi ko sya nakikita nakakasiguro akong nahihiya nanaman ito. Tsk.

Napairap ako sa hangin. "Sandali lang." Saad ko at sinara ang bintana. Inayos ko ang buhok ko at nag lagay ng balabal. Tumingin ako sa kaliwa't kanan at mabilis na tumakbo pababa. Dumaan ako sa likod, nagulat ako nung makita si Antipatiko.

Napalunok ako nung makita ang maaliwalas na itsura nya. Naamoy ko ang shampoo at pabango nya. Mukhang kakaligo nya lang hindi kagaya ko amoy banig pa.

Inamoy ko yung damit nya, takte ang bango. "Eeya?" Nag tatakang saad nito. Napangiwi ako sakanya. "Bakit ganon? Ang bango ng damit mo? Anong sabon at pabango mo?" Nakangiwing saad ko sakanya habang nag lalakad kami papunta sa pang pang.

Nagulat naman sya sa tanong ko at mahinang natawa. "Hindi ko alam kay Ina, wala naman akong pabango Eeya." Natatawang saad nito. Napataas naman ang kilay ko sabay irap. "Tsk! Anong wala dapat meron! Saka itanong mo din kay Donya Adelle kung anong sabon nyo para sa hinaharap yun ang magiging sabon na gagamitin na----ko." Saad ko.

Nakita ko ang pag ngisi ni Antipatiko. Alam ko na kung saan sya nag mana ng ngisi. Walang iba kung hindi sa pilyo nyang Ama na si Don Fortunato. Tsk. "Natin ba ang iyung babanggitin Eeya?" Mapang asar na saad ni Antipatiko. Sinamaan ko sya ng tingin ngunit lalo lang itong natawa.

"Huwag kang mangamba Eeya, sikreto lang natin na nais mo akong pag silbihan sa hinaharap." Natatawang saad nito. Pinag hahampas ko naman sya. "Anong pag silbihan?! Gagawin mo pa akong katulong mo!" Iritang saad ko kay Antipatiko.

Lalo itong tumawa. "E-eeya hindi naman yan ang aking ibig sabihin sa pag lingkuran." Mapang asar na saad ni Antipatiko. Nanlaki naman ang mata ko. At muli syang pinag hahampas. "Hoy! Seryoso bayan?! Tadyakan kaya kita! Ayaw nga kitang maging asawa baka pumuti agad ang buhok ko sayo!" Malakas na sigaw ko sakanya.

Lalo lang itong tumawa. "Huwag kang nag alala Lola Eeya, tanggalin mo na lamang ang iyung buhok para hindi na pu--" hindi ko sya pinatapos. Inis ko syang binato ng dahon sa gilid nang makaupo kami malapit sa pangpang.

"Papansin ka talag ano?" Nakasimangot na saad ko kay Antipatiko. Tumawa lang ito kaya sinamaan ko sya ng tingin. "Hayz! Naiinis na ako sayo! Bakit mo ba kasi ako ginising?! Kapag tayo na huli ni Ama baka maatake na yun sa puso nya at kapag nangyari yun hindi kita mapapatawad!" Iritang saad nito.

Napatitig naman sya sa akin bago napa iwas ng tingin. "M-may nais sana akong ibigay sayo E-Eeya." Kinakahabang saad nito habang nakatingin sa karagatan. Napataas naman lalo ang kilay ko. "Ano naman yun? Tsk! Dapat kasi dinala mo na kagabi yung regalo mo! Hulaan ko regalo mo yung ibibigay mo sa akin no?!" Mapang asar akong ngumiti kay Antipatiko sa dulo.

Nilahad ko yung kamay ko sa harap nya. "Akin na regalo mo! Huwag kanang mahiya sa akin! Parang hindi naman tayo mag kaibigan nito!" Nakangising saad ko kay Antipatiko.

Nakita ko ang pag pula ng kanyang tenga kaya lalo akong tumawa. "Hoy dali na! Ibigay mo na sa akin! Baka mahuli ako ni Ama at Ina nito! Malapit na silang magising! Nakikita mo yung araw! Nag papakita na sya!" Natatarantang saad ko nung makita ko ang pag silip ni haring araw.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon