Ika-41

233 12 6
                                    

INAANTOK AKONG Tumingin sa Bintana. May engot naman kasing katok nang katok doon. Tsk? May nakalimutan ba sila Tiya Eleha, Aleng Benang, Aexniqn, Ligaya, Luningning, at Liwayway kaya sila kumakatok sa bintana?

Maaga kasi silang umalis dahil mamimili nang pantinda namin mamaya. Maaga kasi ang baksakan sa palengke nang murang mga gulay kaya kailangan maaga din sila Tiya Eleha na pumunta sa pamilihan.

Wala na si Mang Ernesto. Kasama na nito si Carlo samantalang si Ama naman ay natutulog pa. Impossible namang lumabas si Ama para lang kumatok sa bintana ko diba? Tapos sabay sabing gusto mo bang gumala?

Napailing nalang ako at binuksan na yung bintana bago pa magising si Calista. Ang hirap panamang patahanin ang batang yun kapag wala ang Ina nya. Tsk. Napataas ang kilay ko nang makita ang maaliwalas na mukha nya.

"Magandang umaga, Eeya." Nakangiting saad nito sa akin yumuko pa ito para sa pag bati. Imbes na batiin sya ay tinaasan ko lang sya nang kilay habang inaantok. "Bakit? Anong ginagawa mo dito? Ang aga aga nambubwiset ka." Pag tataray ko kay Antipatiko.

Natawa naman ito. "Ang ganda mo parin Eeya kahit ikaw ay bagong gising." Mapang asar na saad nito na lalong nag pakunot sa nuo ko. Palihim kung kinapa kung may puto ba ako, nakakahiya naman kung ganon tsk.

Nang masiguro kung wala na ay humarap ako kay Antipatiko. Napataas ang kilay ko nung makita ko syang palihim na natawa habang nakatakip sakanyang bibig. Lalo naman akong nainis. "Pinag loloko mo ba ako Antipatiko?" Nakataas ang kilay na saad ko kay Antipatiko.

Inangat nya ang kanyang tingin sabay nakangiting umiling sa akin. "Paano ko lulukuhin ang Binibini ko, Eeya? Kahit napaka raming palay ang nasa paligid ko ay kahit kailan hindi ko yun tutukain." Nakangisi nitong saad habang nakatitig sa aming mata.

Naramdaman ko ang mabilis na pag tibok nang puso ko kung kaya't napaiwas pa ako nang tingin. Nang makabawi ako sa kabaliwan ni Antipatiko ay hinarap ko sya. "Tsk? Pake ko naman kung wala kang tukain? Hindi kanaman manok ni Mang Ernesto? At saka walang palay dito sa Silayan, maraming isda oo, pero palay? Tsk." Napairap ako.

Nang mag tama ang mata namin ni Antipatiko ay nakita ko ang hindi maipintang mukha nya. Natatawa ito na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Muli nalang akong napasinghal. Isasara ko na sana ang bintana nang pigilan ako ni Antipatiko.

"Sandali lamang!" Mabilis na saad ni Antipatiko. May hawak syang paper bag na ngayon ay nakatutok sa akin.

Tinaasan ko sya nang kilay. "Bakit? At ano yang dala dala mo?" Mataray na saad ko habang nakataas ang aking kilay. Nakatingin ako sa paper bag na dala ni Antipatiko. Nakita ko ang pag tingin nya sa kamay nya na ngayon ay hawak hawak ang paper bag.

Napakamot ito sakanyang ulo habang nag iiwas nang tingin. "B-Binilhan ko k-kayo nang mainit na p-pandesal." Nahihiyang saad ni Antipatiko. Nakataas naman ang kilay kung kinuha kay Antipatiko ang pandesal na hawak nya.

"Ano to suhol?" Mataray na saad ko. Inangat nya naman ang kanyang tingin sa akin bago umiling iling habang natawa. "Hindi po Eeya." Natatawang saad nito napairap nalang ako.

"Wala ba itong lason?" Muling pag uusisa ko. Natatawang umiling si Antipatiko. "Hindi ko yun magagawa sainyo Eeya, lalo na saiyo." Natatawang saad nito. Nakangiwi nalang akong tumango.

"Tsk." Singhal ko kay Antipatiko bago lumabas sa kwarto ko. Nilapag ko ang pandesal na bigay nya sa lamesang gawa sa kahoy. Tinali ko nang isa ang buhok ko bago pumunta sa pugon. Nag simula akong sindihan yun.

Nag lagay ako nang tubig sa palayok at nilagay sa pugon. Nilagyan ko nang bigas yung pugon. Yung bigas na nilagay ko ay parang sinunog syang bigas. Ginawa ito nila Tiya Eleha kahapon para daw mapadali ang pag gawa namin nang kapeng bigas.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon