Ika-27

220 11 0
                                    

NAALIMPUNGATAN AKO nung may malamig na hangin ang tumama sa aking katawan. Dahan dahan kung minulat ang aking mata. Napakunot ang aking nuo nung makitang nasa silid na ako ng bahay ni Tiya Eleha.

Dahan dahan akong tumayo. Napahawak ako sa aking ulo nang makaramdam ako ng sakit. "Hoy Estela Asuncion! Muntik kanang mahulog kagabi sa daungan, buti nalang ay nandyan si Ezequiel para saluhin ka." Napaangat ang aking tingin nang may mag salita sa gilid ng kama ko.

Napataas ang kilay ko nung makita ko ang maaliwalas na mukha nya na animong walang problema. Inirapan ko sya. "Tsk, hindi naman sa lahat ng oras andyan sya para saluhin ako." Nakangiwing saad ko sa hangin.

Narinig ko ang mahinang tawa nya. "Maraming salamat saiyo dahil naparamdam mo sa akin na meron akong mabuting kapatid na kagaya mo..." Nakangiting saad nito.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko. A-Alam nya naba? Ano bang sinasabi ng isang ito?

"Higit sa lahat ay napaka laki ang pag papasalamat ko saiyo dahil nasalba mo ako..."  makahulugang saad nito na lalong ikinakunot ng nuo ko. "A-Ano bang sinasabi mo?" Nakangiwing saad ko.

Umiling lang sya habang nakangiti na nakatingin sa akin. "Masaya akong nakilala kita, masaya akong natupad mo ang misyon mo sa Reign...." nanigas ako nung bigla nyang sinabi ang aking pangalan.

Mag tatanong sana ako sakanya kung paano nya yun nalaman nung may kumatok sa pintuan. Tiningnan ko muna sya. Nakangiti syang tumango sa akin. "S-Sandali lang, ha? Dyan kalang." Kinakabahang saad ko sakanya.

Hindi sya kumibo kaya mabilis akong tumakbo papunta sa pintuan. Nang buksan ko ang pintuan ng bahay ni Tiya Eleha ay napakunot ang nuo ko nung bigla akong yakapin ni Aexniqn habang humahagulgol sa iyak.

"A-Aexniqn? What happend? Are you hurt? Did somebody hurt you?" Natatarantang saad ko nang makapasok kami sa loob ng kwarto ko. Sunod sunod syang umiling sa akin. "N-No, he's d-die, Reighn, He is d-dei...." Parang batang saad ni Aexniqn.

Nagulat naman ako. S-Sino? Sino ang namatay? Huwag naman sana si Ama! Huwag naman sana sya! "Who? Sino Aexniqn tell me? Oh god please huwag naman sana si Ama please...." mangiyak ngiyak na saad ko.

Ngumiti si Aexniqn ng marahan sa akin. "H-hindi si Ama Aexniqn, hindi sya...." humihikbing saad ni Aexniqn. Nagulat naman ako sa sinabi nya. "Kung ganon, s-sino? Sino ang namatay?! Sino!" Nahihibang na saad ko kay Aexniqn habang kinakalog ang balikat nya.

"E-Esteban, wala na si Kuya Esteban, Reighn." Lalong humagulgol si Aexniqn. Napaupo pa sya sa sobrang kakaiyak. Natawa ako sa sinabi ni Aexniqn. "A-Are you kidding me Aexniqn? Buhay pa si Esteban! K-Kausap ko palang sya ng----" napahinto ako sa pag sasalita nung tumingin ako sa pwesto ni Esteban kanina.

Parang nanigas ang buong katawan ko nung marealize na walang Esteban ang nandito. Walang Esteban ang nakangiting naka upo sa kama ko. Walang Esteban ang mang aasar o natawa kahit seryoso ang usapan.

W-Walang Esteban ang handang isugal ang buhay nya para sa pamilya nya...

Mabilis akong tumakbo papunta sa balkonahe ng bahay ko. Tumingin tingin ako sa paligid. "ESTEBAN! ESTEBAN! ESTEBAN MAG PAKITA KA! PARANG AWA MO NA!" Pahina ng pahina ang boses ko na parang napapaos.

"E-ESTEBAN! ESTEBAN KAILANGAN KA NGAYON NI AMA! KAILANGAN KA NGAYON NG BUONG PAMILYA NATIN!" Napaupo nalang ako sa sahig ng balkonahe habang nakahawak sa kahoy na hangganan nito.

Umiling iling ako sa hangin at iniisip na panaginip lang ang mga ito.

Parang nung isang araw lang ay masaya kaming nag uusap dito sa silid na ito. Parang kailan lang ay buo kami. Parang kailan lang ay masaya kaming mag kakasama. Parang kailan lang ay nag aasar kami.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon