Ika-19

316 17 97
                                    

NAALIMPUNGATAN AKO nung makaramdam ako ng gutom. Napatingin ako sa bintana ng kwarto ko rito sa bahay ni Tita Eya. Sarado na ang bintana, iniwan ko yung bukas bago ako matulog, mukhang pumasok si Tiya Eleha sa silid ko habang ako ay natutulog.

Bumangon at lumapit sa bintana. May unting liwanag na nanggagaling sa paubos nang kandila kung kaya't nakikita ko pa ang aking dinadaanan. Nang mabuksan ko ang bintana ay sumalubong sa akin ang malamig na hangin.

Mukhang alas onse na ng gabi pagkat wala nang masyadong tao sa paligid. Sarado narin ang mga ilaw sa mga katabing bahay namin rito sa loob ng Intramuros.

Bumuntong hininga ako at muling sinara ang pintuan. Kinuha ko ang kandilang malapit nang maubos. Nag lakad ako palabas ng aking kwarto at nag lakad papuntang kusina.

Buti na lamang ay hindi masyadong malaki ang bahay ni Tiya Eleha kung hindi baka maligaw ligaw ako kagaya nang nangyari sa akin doon sa mansyon ng mga Buenaventura.

Nang makarating ako sa kusina ay bumungad sa akin ang napaka raming gulay, prutas at malalaking tinapay. Napangiwi ako nung maalalang wala palang Ref sa panahon na ito.

Tsk. Hindi naman ako mabubusog sa tinapay lang diba?  Hindi rin naman ako masyadong nakain ng tinapay dahil hindi naman ako nabubusog don.

Mas bet ko pa nga ang kain, eh. Pero paano ako kakain ng masarap kung hindi naman ako marunong mag luto? Aish. Gigisingin ko ba si Tiya Eleha?

P-pero pagod si Tiya Eleha. Ayoko namang maistorbo ang matandang yun. Kung mag hihintay naman ako na mag umaga para sa umagahan mukhang hindi ko yun makakayanan. Aish.

Inis akong kumuha ng tinamay. Nang makita ko ang gatas sa gilid ay inamoy ko ito bago nag salin sa baso. Nilapag ko ang magiging hapunan ko sa lamesa. Tiningnan ko ito at nag buntong hininga.

Mukhang kailangan kung mag diet ngayon. I need to less a food kaya ito lang ang kakainin ko. Ayoko namang tumaba dahil walang gym dito. Tsk. Saad ko sa sarili ko.

Uupo na sana ako para simulan ang walang ganang kainan nang biglang may narinig ako nang yapak ng paa. Napatingin ako sa may pintuan ng kusina.

P-possible ba namay mag nanakaw dito? Gosh! Napaka possible nga! Hindi lang mag nanakaw ang pwedeng pumasok dito sa mansyon kung hindi rebelde!

Kailangan kung gumawa ng paraan! Sisigaw na ba ako?! Tatawag naba ako ng pulis o Guardia na Civil?! Omg! Mukhang kailangan kung mag handa. Tama! Tama! Kailangan kung mag handa dahil baka gaha-----No!

That's not gonna happened! Mababait naman ang ibang pilipino right? Hindi nila magagawang gahasain or what ang kapwa pilipino nila?

P-pero I have a problem! Sa panahon ito ay may lahi akong Español! At ang may mga lahing Español ay hindi nila pinapalagpas! Oh no!

Mabilis akong luminga linga sa paligid. Nag hanap naman ako ng pwedeng armas. Huminto ang tingin ko sa palakol sa gilid. Mukhang pantadtad ito ng malalaking baboy.

Pwede kaya itong gamitin sa tao? Tsk. Baka mataga ko pa sa leeg yung rebelde na yon! Ayoko namang makasuhan ng pag patay! Excuse me ayoko namang mapa sama sa history sa pilipinas!

Tapos ilalagay nilang headline ay 'Isang anak ng magiging Gobernador Heneral ay naka patay ng isang rebelde, matapos umanong muntik itong gahasain sya kahit ang totoo ay iinom lang naman ang rebelde.'

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon