Ika-14

328 19 2
                                    

"ANDREA DAHAN DAHAN LANG sa pagkain nyan, baka mabilaukan ka." Nakangiwing saad ko kay Andrea. Nandito kami ngayon sa bayan para lang mag Betamax at Kwek kwek.

"Grabe Estela Asuncion napaka sarap talaga nito! Maraming salamat talaga sa pag sama mo sa akin hayaan mo babawi ako sayo!" Nakangiting saad ni Andrea. Nakangiwi nalang akong tumango.

Nang matapos syang kumain ay napa kamot nalang ako sa ulo ko. Grabe inubos nya ang tinda ni Manong. "Salamat po Manong sa uulitin!" Masayang saad ni Andrea habang may hawak na Betamax.

Betamax ito yung dugo o kulay itim na Street Food. Merong ganto sa labas ng school namin kaya nakatikim na ako. Take note isa sya sa fav na street food ko. Kaya hindi ako nandidiri. Duh.

"May nais kabang puntahan Eeya? Nasa Tribunal si Ama at Esteban kaya't nakakasiguro akong mamaya pa ang kanilang uwi, samantalang si Elisabet at Ina ay may pinuntahang kasiyahan kaya maaari pa tayong mag lakad lakad dito sa bayan." Nakangiting saad ni Andrea.

Napangiwi naman ako at tinuro yung araw. "Hindi kaba naiinitan Andrea?" Kunot nuong tanong ko umiling naman ito. "Naiinitan, ngunit nais kitang masulo kaya tara doon sa tindahan ni Don Faustino! Tiyak akong mapupusuhan mo ang kanyang mga paninda!" Wala na akong nagawa nung magiliw akong hilahin ni Andrea.

Pumasok kami sa isang tindahan yata ito ng mga School supplies. Napahinto kami sa pag lalakad nung may lalaking maton ang sumalubong sa amin. Sa aking palagay ay kasing edad ito ni Ama at ng ibang Don na nakilala ko.

"¿Qué fuiste a mi tienda hermosa dama?" [Ano ang pinunta nyo sa aking tindahan magagandang Binibini?] Gusto ko sanang mapangiwi dahil nag Español ito.

Tsk? Bakit kasi wala akong interpreter? Need ko talaga yun ngayon. Kahit si mister Google lang ayos na sa akin.

Nakita ko ang pag ngiti ni Andrea. "Nais ko sanang ipasyal ang aking naka babatang kapatid sa iyung tindahan Don Faustino." Nakangiting saad ni Andrea. "Kapatid?" Nakita ko ang pag tingin sa akin ni Don Faustino.

Napataas naman ang kilay nito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Tsk. Malamya ang Don na ito. Nakakasiguro akong pusong mamon ang isang ito. Tsk.

"¡Por supuesto! Ikaw ang bunsong Andres pag paumanhin mo Señorita, maligayang kaarawan nga pala, pasensyahan mo na ako kung huli ang aking pag bati." Nakangiting saad ng Don.

Ngumiti ako sakanya. "Salamat po." Saad ko. Tumango tango naman ito. "O sya maiwan ko na muna kayo, sana'y may mapili kayo sa aking tindahan." Nakangiting saad ng Don bago pumunta sa Casher.

"Tara Eeya." Nag simula kaming mag libot libot ni Andrea. Napangiwi ako nung mapunta kami sa mga libro na puro Español. Napangiwi nga ako nung nais akong bilhan ni Andrea ng napaka kapal na libro ng Español.

Ang sabi nya mahilig daw akong mag basa. Si Estela Asuncion lang naman ang mahilig mag bansa hindi ako. Buti nalang nag dahilan ako na hindi muna ako mag babasa hanggat hindi ko pa nagagawa ang goals ko.

Tsk. Nag tanong pa sya kung ano yung goals kaya yun. Humaba lalo ang usapan namin dahil pinaintindi ko pa.

Nag lakad kami sa mga libro nanaman. This time ako naman ang nag yaya. "Eeya ano naman ang hinahanap mo riyan?" Nag tatakang saad ni Andrea habang nag kakalkal ako sa mga libro. Napabuga naman ako sa hangin. "Alam kung meron nang kopya yun ngayon, eh!" Saad ko habang nag kakalkal sa mga libro.

"Eeya maaari nating tawagin si Don Faustino para hanapin ang librong hinahanap mo!" Sigaw nito dahil nasa dulo ako ng hagdan. Umiling iling ako. "H-hindi na kailangan! Kaya ko na ito! Mahahanap ko din nama----OMG! The old copy of my favorite story!" Tuwang tuwa na saad ko.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon