Ika-12

331 17 23
                                    

"HINDI KO inaasahan na mas mapapa aga ang kasal nyo mahal kung kapatid." Mapang asar na saad ni Andrea habang inaayusan ako. Ito ang araw ng kaarawan ko ngunit naka busangot ang aking mukha dahil sa nangyari kagabi. "Tsk, tumahimik kanga Andrea! Hindi naman yun yung nangyari saka walang nangyari!" Mabilis kung depensa na nag pahagakhak sa dalawa.

"Ganon ba Estela Asuncion? Baka nag sisinungalin ka." Mapang asar na saad ni Aexniqn, sinamaan ko sya ng tingin. "Sinabi ko na ngang wala diba? Walang nangyari!" Inis na inis na saad ko na lalong nag patawa sa dalawa.

Nakakainis naman. Bakit ba kasi ang bibilis mag isip ng mga tao dito? Umiwi lang ng gabi na kasama ang lalaki may nagawa na agad na kung ano ano?

Hayz. Mag kaiba talaga ang panahon ko sa panahon ni antipatiko, nakaka lungkot naman.

Hindi na i-enjoy ng kagaya kung dalaga ang buhay nila. Buti nalang talaga hindi ako dito lumaki. Akalain nyo yun? Bawal ang mga kagaya kung babae na gabihin ng uwi. Lalong bawal ang kasama ang lalaking umuwi ng gabi.

Tsk. Sa panahon ko nga, halos mga lalaki kasama ko tuwing gabi. Ang kaso nga lang hindi ako umuuwi, nakikitulog ako sa condo ng mga kaibigan ko.

Duh, huwag kayong mag alala nasa akin pa ang bataan.

Mababait naman ang mga kaibigan kung lalaki saka hindi ako bigla biglang nasama sa hindi kakilala. Tsk.

Pero! Pero! Hindi ko parin talaga makalimutan ang nangyari kagabi! Halos buong bayan ay inakalang tinakas ako ni antipatiko! At ang issue buntis daw ako kaya nya ako tinanan!

Grabe ang OA nila! Grabe!

Ito pa may isa pang balita akong narinig. Sinabi ito sa akin ni Aexniqn. Isa daw akong makating babae. Tsk. As if naman totoo yun? Duh. Kung jowa ko nga pinamigay ko si antipatiko pa kaya?

Btw, wala pala akong jowa. Si Calix ang nangiwan kaya hindi ko sya pinamigay. Pero Whaaaa! Nakakahiya talaga ang nangyari kagabi!

Muli nanamang bumalik sa isip ko ang nangyari kagabi.

Flash back.....

Napalunok ako nung makita ko ang galit sa mukha ni Ama. Bakas sa mukha nya ang pag aalala kay Estela Asuncion. Hindi ko sya masisi dahil isa syang Ama na handang gawin ang lahat para sa anak. Naobserbahan ko lang yan.

"Inuulit ko?! May ginawa kaba sa aking anak na hindi mo dapat gawin habang hindi pa kayo kasal?!" Umuusok ang ilong na saad ni Ama. Napalunok ako at muling pumagitna kay Ama at antipatiko. "A-ama, wala po kaming ginawa..." Kinakabahang saad ko.

Sunod sunod akong napalunok nung maotoridad akong tingnan ni Ama. "Hindi kita tinatanong Estela Asuncion." Mariing saad ni Ama. Napayuko naman ako. Naramdaman ko ang pag lapit ni Ina at Donya Adelle.

"Ano ba't nanahimik ka batang Buenaventura? Bakit kayo tumagal ng aking anak?! Saan mo sya dinala?!" Nakita ko kung gaano matakot si Antipatiko kay Ama. Napalunok muna ito bago nag salita. "D-Don Amando, sana'y mapatawad nyo po ako sa aking ginawang pag lagpas sa or----" nagulat ako nung biglang sinuntok ni Ama si antipatiko.

Mabilis akong napabitaw kay Ina at Donya Adelle. Lumapit ako kay antipatiko, nilagay ko ang ulo nya sa hita ko. Nakita ko ang pag dugo ng ilong nya dahil sa malakas na suntok ni Ama. Hinawakan ko ang kamay ni antipatiko.

"A-ama wala po talaga kaming ginawang masama." Mangiyak ngiyak na paliwanag ko kay Ama. Pinisil nama ni antipatiko ang kamay ko. Tinulungan ko syang maka upo. Sunod sunod na tumango si antipatiko kay Ama.

"W-wala po talaga kaming ginawa ni E-Eeya, wala po kaming ginagawa na ikakagalit nyo Don Amando, ginagalang ko po ang anak nyo kagaya ng pag galang ko sainyo ni Ama, Don A-amando." Saad ni antipatiko. Gusto ko sanang kiligin pero nung maalala kung may iba syang gusto ay nawala ang kilig at kidlat ko sa katawan. Tsk.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon