Ika-9

491 25 26
                                    

"SESENTA ANG BEWANG ni Estela Asuncion kaya huwag mo nang sukatin Don Renaldo." Mapang asar na saad ni Esteban. Kanina pa kami nandito sa patahian ni Don Renaldo. Halatang lang first class at mamahalin ang patahian nya.

Sa ganda panaman ng baro't saya sa labas at sa ganda ng shop ni Don Renaldo. Mabilis mo talagang mano-notice na pang mayaman ang shop na ito. Tsk.

Tapos lahat kami tatahian ng baro't saya? Buti nalang yung traje de boda ko ay sila Ina ang gagawa. Bawas bawas na yon sa babayaran. 

Teka nga! Bakit ba nag aalala ako kung sino ang mag babayad ng mga baro't saya? Mayaman naman ang pamilya Buenaventura kaya matic nayan. Sila na ang mag babayad ng lahat.

Saka hindi na sila lugi sa akin, oy. Magandang ang hahawak ng apelyedo nila. At maganda din ang lahi namin HAHAHA.

"Ikaw talaga iho, masyado kapading pilyo." Natatawang saad ni Don Renaldo. Mahinhin ang kilos nya hindi kagaya ni Don Dario. Maginoo pero medj bastos. Tsk.

Rubin Padilla lang ang peg? Rubin Padilla namay pag kasanta clause. Just kidding.

"Veintiuno ang bewang ng Señorita." Saad nung babaeng kakasugat lang sa bewang ko. Kaming dalawa nalang ni antipatiko ang sinusukatan. Ewan ko nga kung bakit ako sinusukatan, eh.

Sabi ni Ina silang dalawa daw ni Donya Adelle ang gagawa ng traje de boda ko. Pero bakit pa ako sinusukatan?

"Napaka liit naman ng bewang mo iha, nakaka inggit ka pagkat may roon kang magandang hubog ng katawan." Saad ng asawa ni Don Renaldo na si Donya Georgia.

Kagaya ni Don Renaldo ay mahinhin din ang kilos nito. Parehas silang dalawa na hindi maka basag ng pinggan pero si Donya Georgia ay utak pagets, alam mo na.

Kanina nga akala ko sya yung Georgia doon sa ika anim na utos eh. May hawig kasi. Just kidding.

"Palagi ka kasing kain ng kain mahal kung kaya't paano ka mabibiyayaan ng magandang hubog ng katawan?" Natatawang saad ni Don Renaldo. Pati pag tawa nya ay parang mag kakantahan ang ibon sa labas sa sobrang hinhin.

Napataas naman ang kilay ni Donya Georgia. "Nung ako'y dalaga ay maganda din ang hubog ng katawan ko kaso----" hindi na natapos ni Donya Georgia ang sasabihin nya pagkat na unahan na sya ni Don Renaldo.

"Kaso treinta y cinco ang iyung balakang." Humahagakhak na saad ni Don Renaldo. Nakita ko ang pag irap ni Donya Georgia sa inis. Napangiti nalang ako sa relasyon nilang dalawa.

Para silang bagong mag asawa na nag aasaran. Ang ganda ng relasyon nila sa isa't isa, kahit ganyan ang pakiki tungo nila sa isa't isa nakaka siguro akong puno ng pag mamahalan ang pundasyon nila sa isa't isa.

"Mukhang naiinggit si Estela Asuncion sainyo Don Renaldo, Ezequiel iyo nga ding asarin si Estela Asuncion para hindi mainggit." Humahagakhak na saad ni Esteban. Napa poker face ako sakanya.

Inaasar na ako nila Ina at ni Donya Adelle na lalo kung ikinangiwi. "Si Estela Asuncion ganyan ang mukha nyan pero gustong gusto naman nyan, ayieeee, Ezequiel yanigin mo daw ang buhay ni Estela Asuncion." Parang timang na saad ni Aexniqn. Nag hagakhakan lalo sila ina.

Nakita ko ang pag ngiti ni antipatiko mukhang nakiki sabay lang din sya sa mga kalukuhan ng mga baliw naming pamilya. "Namumula yata si Eeya." Saad ni Andrea. Mukhang natutuwa talaga silang asarin ako. Tsk. Napairap nalang ako.

Lumapit sa akin si Donya Georgia habang ngiting ngiti. "Sa oras na ikasal kayo ng batang Buenaventura, makaka siguro akong mas masaya pa ang magiging buhay nyong dalawa." Ngiting ngiting bulong sa akin ni Donya Georgia.

Nakangiwi nalang akong tumango at tumingin ng palihim kay antipatiko. Napataas ang kilay ko nung makitang naka tingin din ito sa akin habang may ngiti sa labi.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon