Ika-44

298 11 10
                                    

NAPAHAWAK AKO Sa aking likod. Aish. Kairita. Nakakapagod ang araw na to ha? Ang dami naming ginawa nila Carlo at Liwayway ngayong araw. "Ayos lang ba ang iyung pakiramdam Señorita?" Mahinang bulong ni Liwayway sa akin. Tumango ako sakanya.

"Ayos lang ako tara." Mahinang saad ko bago pumasok sa loob nang kubo. Ginilid namin yung bilao na pinag tindahan namin bago dumiretso sa kusina. Nakita ko si Aleng Berna at Tiya Eleha na nag luluto na. "Oh? Hinapon kayo." Agad na puno ni Aleng Berna nang makita nya kami.

Ngumiti ako kay Aleng Berna. "Marami po kasing huli nang isa kanina kaya po mag hapon din kami sa palengke." Nakangiting saad ko. Ngumiti naman sa akin si Aleng Berna. "Ganoon ba? O sya kainin nyo muna yung tanghalian nyo, baka malipasan na kayo nang gutom nyan." Saad ni Aleng Berna. Tumango naman kami ni Liwayway at umopo sa upuan na kahoy.

Nag simula kaming kumain ni Liwayway. Nag hugas kami nang kamay sa gilid at kumuha nang pag kain na naka takip. Habang nakain kami ay narinig ko ang pag tikhim ni Tiya Eleha. Napatingin ako sakanya nang puno nang pag tataka.

"Nabalitaan mo naba Estela?" Mataray na tanong ni Tiya Eleha. Mabilis akong umiling kay Tiya Eleha. "Hindi po, ano po yun?" Takang tanong ko kay Tiya Eleha. Tipid itong ngumiti matapos syang mapatitig sa akin nang ilang minuto. Nag taka naman ako. Mag tatanong na sana ako pero agad akong na unahan ni Tiya Eleha.

"Wala Eeya, aking naulinangan na." Tipid na ngiting saad ni Tiya Eleha. Kagat labi nalang akong tumango kay Tiya Eleha at nag matuloy sa pag kain. Nang matapos akong kumain ay mariin akong napapikit nang may makalimutan akong itanong.

"Asaan na nga po pala si Ama? Akin syang naulinangan, dala po yata sa payog." Nakangusong saad ko. Ngumiti si Aleng Berna sa akin. "Sya ay nag papahinga na Señorita. Kung kaya't ikaw din ay mag linis na nang iyung katawan at ikaw ay may pag hinga narin." Malumanay na saad ni Aleng Berna.

Agad namang tumango tango si Tiya Eleha at tinulungang mag limot si Liwayway nang aming pinag kainan. "Tama si Berna, ikaw na ay mag linis nang iyung katawan. Maaga pa kayo bukas. At nakaka siguro akong mas maaga kapa sa amin bukas." Pataray na saad ni Tiya Eleha.

Napataas naman ang aking kilay. "Bukas? Ano naman pong meron bukas? Bakit naman ako mas maagang magigising bukas? Ano po bang meron?" Kagat labing saad ko. Mag sasalita na sana si Aleng Berna habang mag sumilay na ngiti sa kanyang labi pero hindi nya na naituloy nang biglang may kumatok sa may pintuan.

"Pag buksan mo Estela." Masungit na singhal ni Tiya Eleha. Taka nalang akong tumango kay Tiya Eleha. Tumayo ako bago nag lakad papunta sa pintuan nang aming munting tahanan. Binuksan ko ang pintuan. Agad na nangunot ang aking nuo nang makita si Antipatiko nama'y maaliwalas na mukha.

"Magandang gabi mahal." Nakangiting saad ni Antipatiko bago marahan na binaba ang kanyang suot na sumbrero. Agad na nag taas ang kilay ko. Mabilis akong napatingin sa gawi nila Tiya Eleha. Nang masiguro ko na walang nakakita sa amin at walang nakasilip ay mabilis kung tiningnan si Antipatiko.

Pinaningkitan ko sya nang mata. "Niloloko mo ba ako ha?" May pag kainis na saad ko kay Antipatiko. Ramdam ko ang kaba sa aking puso na baka mahuli kami ni Tiya Eleha sa patawag tawag nya nang mahal. Aish! Bakit ba?! Bakit mahal?!

Bakit mahal pa ang tawag nang Antipatiko sa akin. Oo mahal ko sya pero aish! Tama na! Sumasakit ang ulo ko! Bwiset na mahal nayan! Kinikilig ako ano ba! Tsk. "Eeya." Tinaasan ko nang kilay si Antipako nabang naka kunot ang aking nuo.

Napahawak ako sa gilid nang pintuan nang dahan dahang lumapit sa akin si Antipatiko. "H--Hoy..." Nanlalaki ang aking matang saad habang nakatitig sa mata ni Antipatiko. Nakaramdam ako nang kaba nang ngumisi lang sya sa akin habang papalapit nang papalapit ang kanyang mukha sa akin mukha.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon