Ika-5

572 38 71
                                    

"NAKA BUSANGOT NANAMAN ang iyung mukha Eeya? Ano bang nangyari habang wala kami ni Ina?" Tanong sa akin ni Andrea. Inaayusan nya ang buhok ko. Samantalang si Aexniqn naman ay nilalagyan ako ng kolorete sa mukha. "Uso mag share." Nakangiting bulong sa akin ni Aexniqn.

Napairap naman ako. Tinuro ko ang nuo kung namumula. "Nakikita nyo yan?" Inis na saad ko. Sunod sunod silang tumango sa akin habang nag tataka. "May antipatikong pumitik nyan." Sarkastikang saad ko na ikinataas ng kilay ng dalawa.

"Antipatiko? May Ginoo kabang kinatagpo kanina?" Mapang asar na saad ni Andrea kaya lalo akong nainis. Inis na inis akong umiling sakanya. "Wala no! Huwag na nga nating pag usapan lalo akong naiinis, eh!" Inis na inis na saad ko.

Tumawa naman silang dalawa. Sinundot ni Aexniqn ang gilid ng tyan ko. "Asus maang maangan." Mapang asar na saad ni Aexniqn kaya mas lalong akong nainis. Lalong tumawa ang dalawa.

Napahinto silang dalawa sa pag tawa nung mag bukas ang pintuan. "Mga anak naka ayos naba kayo?" Mahinhin na saad ni Ina kaya nakangiti kaming tumango na tatlo.

Pumasok si Ina sa loob ng kwarto ko namay ngiti sa labi. "Napaka ganda talaga ng tatlo kung Binibini, lalo na ang aking bunso." Nakangiting hinaplos ni Ina ang pisnge ko kaya napanguso ako.

"Ina matatanggal yung make---kolorete na nilagay ni Elisabet." Parang batang saad ko. Mahina namang tumawa si Ina. "O sya tara na magagandang Binibini ko." Nakangiting saad ni Ina at ginaya kami palabas ng silid.

Umangkla si Ina sa akin samantalang si Andrea at Elisabet ay nag uusap. Inferness close din pala Andrea at Aexniqn.

Nang makababa kami sa hagdan ay nakita ko si Ama at si Esteban na nag uusap. Nang makita nilang pababa kami at napatingin sila sa amin. Nakita ko ang pag taas ng kilay ni Esteban mukhang aasarin nanaman ako ng magaling kung Kuya.

"Nag mukhang tao si Estela, kailangan yata Ama pala tayong dumalo sa mga kaarawan para palaging tao si Estela." Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Esteban. "Anong tingin mo sa akin hayop?" Inis na saad ko.

Nag kibit balikat naman si Esteban. "Ikaw ang nag sabi nyan, mahal kung kapatid." Nakangising saad ni Esteban. Mangiyak ngiyak ko namang tiningnan si Ina. "Ina kapatid ko ba talaga yan?" Parang batang saad ko.

Ngumiti si Ina at hinaplos ang mukha ko. "Hayaan mo na si Esteban, talagang sa dista lang yan." Bulong sa akin ni Ina sa dulo kaya napangiti ako. Nakangiti akong bumaba. Nang mag tama ang tingin namin ni Esteban ay inirapan ko sya kaya tumawa ito.

Umangkla ako kay Don Amando slash Ama ko, na ikinangulat nilang lahat. "Ama! Let's go na! Arat! Arat!" Tuwang tuwa na saad ko. Napakunot naman ang nuo nila samantalang si Aexniqn ay napapa sapo lang sa ulo.

"Lit go? A-arat? A-arat?" Napangiwi ako nung sabihin nila yun. Oo nga pala hindi nila yun alam. "Tara po, kaya naging Arat kasi binaliktad ko yung Tara." Ngiting ngiti na saad ko na parang ako ang nakagawa nun.

"Puro ka kalukuhan Estela Asuncion, Arat na nga." Natawa kami nung sabihin yun ni Ama. Sabay sabay kaming sumakay sa kalesa. Kasama ko sila Andrea at Estela. Si Esteban, Ama, Ina ay mag kasama sa unang kalesa.

Habang nasa daan ay nag usap usap kaming tatlo nila Aexniqn at Andrea. "Alam nyo, mas bagay sa akin yung kulay pulang baro't saya." Saad ko habang nakatingin sa baro't saya kung violet.

Napangiwi naman silang dalawa. "Eeya bagay nga sayo ang baro't saya na pula ngunit hindi naman ikaw ang may kaarawan." Natatawang saad ni Andrea. Napangiwi naman ako. So kailangan pala born day mo para mag suot ka ng pula? Tsk.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon