Ika-15

319 18 10
                                    

ILANG ARAW NANG hindi nauwi sila Ama at si Esteban. Mamaya na ang bagong taon pero wala padin sila. Napabuntong hininga ako. "Ina asan ba talaga si Ama? Makakauwi ba sila mamaya?" Nag babakasakaling saad ko.

Gusto ko kasing maranasang mag bagong taon na kompleto. Hindi man yun na ibigay sa akin sa panahon ko m sana naman ay maranasan ko dito.

Ngumiti si Ina sa akin. Hinawi nya ang buhok ko. "Huwag kang mag alala Eeya, Anak. Nakakasiguro akong makakauwi ng ligtas at maayos ang iyung Kuya at Ama." Nakangiting saad ni Ina. Tumango nalang ako dito.

Napatingin ako sa likod nung mag bukas ang pintuan ng kusina. Nandito kami ngayon ni Ina sa kusina. Tinutulungan ko syang gumawa ng letche plan. Niluwa ng pintuan ang ngiting ngiti na si Aexniqn.

"Estela Asuncion, ikaw ay may panaohin." Mapang asar na saad ni Aexniqn. Tinaasan ko sya ng kilay. "Sabihin mo may ginagaw ako, tinutulungan ko pa si Ina kaya mag hintay sya." Mataray na saad ko kay Aexniqn nung malaman ko kung sino ang panaohin ko. Tsk.

Sino paba ang panaohin ko? Walang iba kung hindi sya.

"Kung ganon ako na ang tutulong kay Ina. Para naman makaharap mo na ang iyung panaohin." Ngiting ngiting na saad ni Aexniqn. Inagaw nya pa sakin ang hawak kung lanera.

Sinamaan ko sya ng tingin. Mag sasalita sana ako nang unahan ako ni Ina. "O nga naman Eeya, Anak. Andito naman na ang iyung kapatid kaya maaari mo nang harapin ang iyung panaohin." Mapang asar na saad ni Ina bago kumindat sa akin.

Napataas pa ang kilay ko. Wala na akong nagawa nung sila na mismo ni Aexniqn ang nag palabas sa akin sa kusina. Napanguso naman akong pumunta sa sala.

Nang makarating kami sa sala ay nakita ko si antipatikong naka upo sa sala kausap nya ang mataray naming Mayordoma. "Ayan na pala si Señorita Estela Asuncion, iho." Saad nung mayordoma namin. Tinaasan ko lang sya ng kilay sabay irap.

Umopo ako sa harap ni Antipatiko. Nag cross arms ako habang nakatingin sakanya na puno ng inis. Lalo akong nainis nang matawa sya ng mahina. "Anong nakakatawa? Hindi ako nag papatawa kaya huwag kang tumawa." May pag kairitang saad ko kay Antipatiko.

Ngumiti lang ito sa akin. Tumayo ito at nilahad ang kamay nya. "Pinapatawag ka ni Ina, nais kanya raw turuan kung paano mag luto ng mga pang himagas." Ngiting ngiti na saad ni Antipatiko.

Napataas naman ang kilay ko, tiningnan ko si antipatiko ng masama. Pinaningkitan ko sya maigi ng mata. "Kapag saan mo ako ipunta, lagot ka talaga sa akin." Mariing saad ko kay Antipatiko sabay kuha ng naka lahad nyang kamay.

Napangiti naman ito kaya napairap ako. "Hoy mag papaalam muna ako kay Ina!" Mabilis na saad ko nung makita diretso kami sa pintuan ng manson.

Narinig ko ang malakas na tawa nito nung makita nyang balisa ako. "Nag pa alam na kita kay Donya Esther kanina, batid nya din na tuturuan ka ni Ina ng pang himagas." Masayang saad ni Antipatiko nang makasakay kami sa kalesa nila.

Hinampas ko naman ang braso nya. "Kung ganon bakit ngiting ngiti ka?! May balak kabang kidnapin ako?!" Nanlalaking matang saad ko.

Humagakhak naman ito. "Hindi ko man batid ang iyung ibig sabihin ngunit parang alam ko na ang depinisyon ng ki-----Aray Eeya!" Pinag hahampas ko sya.

"Ayokong marinig yang tawa mo! Masakit sa tenga lalo na kung aasarin mo lang ako!" Inis na inis na saad ko pero tumawa lang ito. "Eeya, ikaw lang ang Binibining kilala ko na hindi nais marinig ang aking pag tawa." Pilyong saad nito na animong nag mamayabang.

Tinaasan ko sya ng kilay at hinatak yung tenga nya. Napasigaw naman sya sa sakit. "E-Eeya! Aray!" Mangiyak ngiyak na saad nito habang natawa kaya lalo akong nanggigil.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon