Prologue

4.2K 53 1
                                    

Prologue

“Iska, bumangon ka na riyan, hindi ba’t may trabaho ka ngayon?”tanong ni Mama sa akin nang makitang nakahilata pa rin ako sa kama dahil sa pagod at puyat na rin.

“Next week pa magsisimula ang trabaho ko, Ma…”sambit ko naman at nagtalukbong pa ng kumot para hindi na ako guluhin pa nito bgunit hindi pa rin siya nakontento at niyugyog pa ako ng kaunti. Hindi ko naman maiwasang mapakamot dahil do’n.

“Nako, Iska, dapat ay ginagamit mo ‘yang pagiging kilala mo ngayon, sa susunod ay malalaos ka na rin.”ani Mama kaya inalis ko ang pagkakatakip at sinimangutan siya.

“Ma! Ang aga aga!”iritado kong saad at tinakpan na lang ang tainga. Dinig ko pa rin ang sermon niya ngunit hindi ko na lang pinansin at ginamit na lang bilang heleng pampatulog sa akin.

Alam kong bungangera si Mama at lagi’y pagiging practical ang mindset. Madalas kaming mag-away noon pa dahil do’n. Sa ngayon, ganoon pa rin.

Pagkauwi ko rito sa pilipinas ay ganoon pa rin, kahit tingin ng lahat ay successful na ako, iba ang tingin niya, dapat daw ay mas paghusayan ko pa. After years of being abroad, nakapagpublish ako ng mga libro, ang ilan ay naging movies pa ngunit hindi naman din kasi lahat ay mananatili lang na ganoon.

Nagising ako sa tawag nanaman ni Mama, kakasabi ko lang na next week pa ako magtatrabaho.

“Iska, may premiere night kang dadaluhan, hindi ba? Ano pang ginagawa mo riyan, aba?”tanong ni Mama sa akin.

Well, hindi ko namalayan na late na rin pala. Mabuti na lang ay pinaalala niya dahil nakalimutan ko ‘yon.

“Hoy, Chico,”halos mapatalon naman sa gulat ang kapatid kong si Chico. Malapad naman ang ngisi ko nang makitang may katawagan siya sa phone.

“Si Ate naman parang sira!”reklamo niya kaya pinaningkitan ko siya ng mga mata.

“Aba’t kaya pala kapag tinawatagan kita, hindi ka available, susumbong kita kay Mama.”sambit ko sa kaniya at ngumisi pa. Sigaw naman ‘to ng sigaw kaya hindi ko na pinansin. Aba’t tagal niya ng nililigawan ‘yon, hindi pa rin ata siya sinasagot.

Kumain muna ako bago ako naligo at nag-ayos na. I just wore my usual look. Black top with vintage blazer and a vinatage pants pagkatapos ay sinuot ko ang pumps, ngayon ko lang ‘to maisusuot muli dahil hindi naman ako madalas magsuot ng ganito. This night is just extra special. Kahit hindi ko sabihin, alam ko sa sarili kong gusto ko pa rin siyang makita.

Sumakay lang ako sa kotse ko at nagtungo na sa pagdadaungan ng event. Nang makarating do’n ay agad akong sinalubong ng mga security at iginiya sa loob ng sinehan.

“Ms. Sumilang! I’m glad you’re here!”nagawa pang makipagbeso sa akin ng isang producer na noon lang kung tratuhin ako’y parang isang alipin. Plastik na lang akong ngumiti sa kaniya bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Marami pa ang bumati ngunit ngiti lang ang naisukli ko dahil hindi ko mahanap ang uupuan ko.

“Good evening, Ms. Sumilang.”nakangiting saad sa akin ng isang producer nang maupo ako. Katabi ko lang kasi ang upuan nito.

“Oh, Mr. Abadilla! Ikaw pala!”bati ko sa kaniya. Makakatrabaho ko ‘to sa kauna-unahang movie na ako ang magsusulat dito sa pilipinas ngayong nagbalik na ako.

“I watched your films, ang gaganda lalo na ng story line, I’m a fan.”anang katabi nito.

“Wow… thanks po.”nakangiti ko ring saad pabalik. Unti-unti lang nawala ang ngiti sa mga labi ko nang makita ko kung sino ang naglalakad patungo sa harap na upuan. Hindi ko akalain na makikita ko ito agad, bahagya akong nahiya lalo na nang maalala ko ang ganap kahapon. Sana’y hindi niya nabasa.

Expected ko na na makikita siyang may kasamang babae at expected ko na rin na hindi niya ako papansinin ngunit nang makitang napatingin siya sa gawi ko kaya lang ay parang walang nakita, para pa rin pala akong binuhasan ng malamig na yelo. Of course, Iska, anong ineexpect mo? Na salubungin ka niya ng mainit na yakap pagkatapos mo siyang iwan?

Nang ipakilala siya bilang director ng movie, hindi na ako nagtaka nang marinig ang palakpakan ng mga tao para sa kaniya. He’s still the old Silas na kinagigiliwan ng lahat. A real legend.

Tahimik na ako buong movie kahit na kinakausap ako ng mga masa gilid ko. Nang matapos ‘yon ay naharang pa ako ng ilang hindi ko naman kilala.

“Ms. Iska! Omg! I’m a fan! Ang gaganda ng mga movies mo!”anang isang mukhang artista. Pagod na agad ako sa pakikipag-usap sa mga ‘to. I mean I can still remember how they treat me back then, ngayon ko lang talaga napagtanto na kapag may kapangyarihan ka, they will treat you right. That’s how important power is.

“Baka gusto mong sumama sa amin? After party!”nakangiti namang saad no’ng isa pa.

“Hmm, I’m sorry but I really need to go today… next time…”sambit ko at nginitian sila.

Marami pang nagtanong sa akin ngunit nawalan na ako ng gana lalo na nang makasalubong pa ang dalawang taong iniiwasan ko.

“Oh, hi, Iska, long time no see…”nakangising saad ni Eva habang nakalingkis ang mga kamay sa braso ni Silas. Ako dapat ‘yan e.

“Hi, how’s life?”nakangiti ko rin namang balik sa kaniya. I won’t let anyone see ny weakness.

“Hmm, I’m completely fine!”aniya na ipinapahiwatig pa na sa kaniya si Silas.

“Oh, good to know. I need to go.”paalam ko pa sa kanila na hindi pa rin tinitignan si Silas na ramdam kong malamig lang akong tinitignan.

“Mukhang madami kang kailangang gawin, that’s because of Silas, right?”nakangisi niyang saad. Kumuyom lang ang kamao ko at nginitian na lang siya bago nagpatuloy sa paglalakad.

At kung minamalas ka pa nga, natapilok pa ako sa punyetang pumps na ‘to. Iritado ko na lang na inalis ‘yon, bakit kasi pumunta ka pa, Iska? Kung hindi ka ba naman tanga.

Patungo na ako sa sasakyan ko nang may humawak sa palapulsuhan ko.

“Bakit bumalik ka pa?”mariin niyang tanong. Ang malamig na kulay abong na mga mata nito’y nanatili lang ang tingin sa akin.

Take two, pleaseWhere stories live. Discover now