Chapter 24

705 27 0
                                    

Chapter 24
Iska’s POV

“Gago ka! Masiyado ka ng mayabang, alamin mo kung saan ka nagmula!”galit na saad ng Papa nang masuntok din siya sa wakas.

“Hay, required pa lang alamin? Galing kami kay Mama, obviously.”sambit naman nang kararating lang na si Mr. Axel. Mukhang narinig ang ingay dito sa sala.

“Required ba na kapag matanda na, malandi pa rin?”natatawang saad pa ni Mr. Axel habang nakatingin sa Papa niya.

“Mga bastos, talagang dito niyo pa ako nagawang pahiyain.”galit na saad nang papa niya at hinila na lang ‘yong babae habang palabas sila. Napakunot ang noo ko nang mapagtantong baguhang artista ang kasama niya. Mukhang kasama sa set nila. Nakasunod lang ako ng tingin doon habang ‘tong dalawang kasama ko parehas na gustong magwala at sumunod sa labas kaya lang inaalala siguro ang Mama nila dahil paniguradong sira ang party kung sakali.

Dire-diretsong nagtungo sa taas si Mr. Axel. Mukhang pakakalmahin ang kaniyang sarili.

Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa isang bulto nang tao mula sa gilid. Her mom… she’s here… I don’t know if she was torn between going out or what.

“May first aid ka?”tanong ko kay Silas. I know her mom wouldn’t want to let them see her break out. And I know Silas is also want to breathe but he’s with me. I would like to put a ease with her mother’s face. Saka nag-aalala rin ako rito. Mukha siyang sasabog pa rin anytime.

“Uyy may first aid kako?”tanong ko ulit dahil tulala lang siya. Tumango naman siya sa akin at naglakad na paakyat ng bahay nila. Nakatayo lang naman ako rito at hihintayin na lang siya dahil alam kong he was going to calm himself din.

“Thank you, Iska… but can you go with my son?”tanong sa akin ni Tita na siyang lumabas din sa pinagtataguan niya nang alam na wala ng tao. Hindi ko naman alam kung paano ko siya ikocomfort so I just gave her my handkerchief.

“Tita, I… I don’t know if I should say this… baka sabihin niyo po nagmamagaling ako o ano… I don’t really have the right to say this but my father use to say to me po na… okay lang bumitaw... kapag lamang na ‘yong lungkot sa relasiyon… mas okay na palayain mo na ang sarili mo…”sambit ko sa kaniya. Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin dahil nakakahiya naman kung manggagaling pa talaga sa akin ‘yon. I don’t even have any experience with love.

But Mama and Papa does. Nag-umpisa lang naman na maging ganoon si Mama noong mawala si Papa, yeah, nalulong sa sugal but still kahit kailan hindi niya na rin napalitan si Papa. That kind of love exist. ‘Yong pangmatagalan.

“Sorry po.”sabi ko agad dahil mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

“You’re right about that but love make us stupid. Kahit ano pang gawin natin, babalik at babalik tayo sa taong ‘yon.”aniya. God, don’t make me that kind of stupid. Hindi ko ata kakayanin kapag naging ganoon ako kamartyr. That pain will be too hard to bear.

“But that doesn’t make you happy. Once na nagloko na po, magloloko uli. Sorry po kung nakikialam ako.”sambit ko na pinaglalaruan pa ang aking mga daliri.

“Just like what I said in my poetry, you’re a diamond. Don’t let them treat you like tanso po.”sabi ko pa.

“Just leave. Puntahan mo na lang ang anak ko.”sambit niya sa akin kaya napatango ako. Ayaw ko namang dumagdag pa sa isipin nito.

I’m not really fond of second chances. I mean kung nagloko na noon, paniguradong uulit lang ‘yon ng uulit dahil paulit ulit mo ring pinapatawad. Diyos ka ba?

Once na nasanay na, ayos lang dahil nga may babalikan pa rin. Oo, magagalit lang sandali pero kapag natapos tatanggapin nanaman. Siguro nga madali lang akong magsalita dahil hindi ko pa nararanasan pero kapag dumating ako sa puntong ‘yon? I really won’t toletate cheaters.

Bahagya naman akong nahiya nang paakyat na ako. Hindi ko rin talaga sigurado kung anong dapat kong gawin. Should I comfort Silas or should I let him be? Napabuntong hininga na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Natigilan lang ako nang makita ko ang isang pintong nakaawang. Si Silas. Nasa may mini studio siya rito sa bahay nila. Tulala lang sa isang tabi. Kita ko rin ang pagtulo ng kaniyang luha. He was probably really frustrated. Alam ko dahil kita ko kung paano siya nagpigil.

Naghintay lang ako sa harap ng pinto. Ayaw ko naman bigla na lang pumasok. Parehas naman kaming nagulat nang buksan niya ang pinto.

“Hi, uh… sorry…”sabi ko agad at tumayo.

“Nah, I should be the one saying sorry.”sambit niya naman. Umiling lang naman ako. Part of me, naiintindihan ko rin ang nararamdaman niya.

“Saan ‘yong first aid?”tanong ko sa kaniya.

“Right…”aniya naman na nagtungo sa loob, mukhang nakalimutan ding kunin ang dapat na kukuhanin. Nang lumabas siya’y nakaupo pa rin ako sa may tapat ng pinto. Medyo nangangalay na kasi ako sa heels ko.

Umupo naman din siya sa tabi ko. Naglabas lang din ng first aid at napatikhim ako nang imbis na sugat niya ang gamutin. Ang paa ko ang nakita niya.

“Ako na.”sambit ko na inagaw ‘yon sa kaniya ngunit hindi siya pumayag. Nang sa kaniya naman ang gagamutin, ako na ang kumuha sa kamay niya. Parehas na walang nagsasalita sa amin. Nang matapos ‘yon ay patingin tingin ako sa kaniya ngunit siya’y nakatulala lang kaya hindi na ako nagsalita pa.

“My Dad… we’re not that close… he was that kind of that na gustong disiplinaryo ang anak. Gusto niya na sundan namin ang yapak niya…”panimula niya. Napatitig lang naman ako sa kaniya dahil do’n.

“At first it was really fine, nasanay kami ni Kuya na ganoon nga. Respetado siya dahil malaki ang ambag niya sa pamilyang ‘to. But he started wrecking the family na pinagmamalaki niyang siya ang bumuo.”sarkastiko pa itong tumawa. Kita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao.

“I was 16 when he started cheating. Nakakagago na makikita mo siyang nagdadala ng babae sa bahay kapag wala si Mama. Madalas niya akong isama sa shoot no’n, tandang tanda ko pa kung paano sila maglandian ng mga naging kabit niya. Sa harap ko mismo. Kitang kita ko kung paano siya makipaghalikan na akala mo’y walang asawang inuuwian. Tangina niya.”para bang bumabalik siya sa nakaraan, halatang tandang tanda pa rin niya ang lahat ng ‘yon.

“He wants me to be a direktor like him, hindi niya kasi mapasunod si Kuya dahil sa aming dalawa, ‘yon ang pinakarebelde kaya ako ang pinag-iinitan niya. I want to be a pilot. I want to travel the world. Fuck, hindi ‘yon ‘yong gusto ko. Hindi ko gustong makulong sa industriyang naglikha ng halimaw sa kaniya.”sambit ni Silas. Noong una’y I was irritated dahil 17 lang siya noong naabot niya ang pangarap niya, ang sabi ko. But now? I don’t think na nakuha agad ng mga tao ang gusto nilang makuha. Minsan kasi’y nakapokus lang tayo sa bagay sa narating, hindi sa dinaanan. Guilty ako sa part na ‘yon.

“Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Mama, alam ko may alam na ako, 16 na ako e. Sobrang duwag ko.  I was 17 when I started in that industry. Fuck, everyday is a fucking nightmare… it makes me hate him more… he wants me to fucking have sex with his colleague para lang makasama sa shoot, para lang maging maganda ang kalabasam ng movie ko. Tumanggi ako. I don’t even have sexual experience that time pero gusto niya akong makipagtalik sa kasamahan niya dahil lalaki rin naman daw ako… it’s a win win situation for me he said…”aniya kaya napaawang ang labi ko.

What the heck? I never knew he experience that kind of thing. I thought he has perfect life. I was lost for words, hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

“Kahit anong pilit niya, hindi ako pumayag. But that was when the sexual abuse started. Lagi niya akong dinadala sa hotel para makipagkita roon sa babae. Habang kumakain ka? Mararamdaman ko ang kamay niyang dumadapo sa kung saan saan… maybe you’ll find it funny and say na lalaki ako, kahit haplusin lang ay titigasan.”aniya kaya kumunot ang noo ko.

“Sexual abuse is no joke, you’re just child that time. That’s not easy to deal with… I’m sorry na naranasan mo ‘yan…”sambit ko sa kaniya. I tried to wipe his tears. Mukhang naalala nanaman kasi niya ang mga naranasan noon.

“Hindi ko alam kung paano ako babangon, araw araw natatakot ako… I finally said to my Mom ‘yong alam ko… Kuya started to hate me, galit siya dahil saka ko lang sinabi ‘yong bagay na noon pa. Sinisi ko rin ang sarili ko dahil Mama became depress. Hindi niya alam kung paano niya itetake ang lahat ng ‘yon. That time… I want to end my life… gusto ko ng matapos dahil pagod na ako… araw araw kong gumigising na bumabalik lang ang lahat… tutulog na ganoon pa rin… papakamatay na ako e… but then you save me…”pabulong na saad niya.

“I was walking in the hallway. Paakyat sa rooftop ng school when I saw your book… nakalapag sa bench, naiwan ng kung sino… funny how my tears fell dahil lang sa title ng libro mo… handa na ako e… handang handa na… sabi ko, isang pahina lang bago ako mamatay. But that one page said ‘If it’s hard today? Baka ganoon din bukas pero baka naman masaya na... Isa lang ang solusiyon para malaman mo… bumangaon ka at silipin kung ganoon pa rin’.”hindi ko mapigilang magulat dahil memoryado niya pa ang linya sa librong ‘yon.

“’Yong isa pahina? Naging dalawa? Hanggang sa naging tatlo, hanggang sa natapos ko ang libro. Parang naglahong parang bula ang kung ano mang iniisip ko na tapusin ang buhay. I started consulting our family doctor.”sambit niya.

“I was depress, anxiety and stress keeps on bugging me…”aniya. Nakatitig lang naman ako sa kaniya dahil do’n. Everything that has happen to him build him. Siya si Silas dahil do’n. But no one even know na ganoon na pala ang nararanasan niya. Lahat kami’y achievements niya lang ang nakikita. No one really ask him if he was fine.

“Nagpagaling ako, ang daming check ups at kung ano ano pa,  sinubukan kong bumangon muli, I became my mom’s strength, nagkaayos din kami ni Kuya kahit paano. But my relationship with my Dad is not really good. Hanggang ngayon ay ganoon pa rin, I really hate him you know…”aniya. I was father’s girl but I understand how he felt. Napakahirap siguro ng pinagdaanan niya.

“That’s why I want to say thank you… thank you, Iska… for writing your book.”sambit niya. I didn’t know that my book save a life but I’m glad it did.

“There’s no need to thank me, you were the one who choose to keep going. Ikaw ‘yong lumaban, ikaw ‘tong nagpatuloy, you were the one who help yourself na tumayo muli. Maybe it was also God’s way to save you… it’s not me or my book, It’s Him.”sambit ko at ngumiti. It was His way on helping him, I mean hindi naman pupwedeng nahulog na lang bigla ‘yong libro ko, ‘di ba? Sobrang coincidence naman kung ganoon.

Ang galing Niya talaga, He’ll help you in His unexpected way.

“I’m glad He let me met you…”pabulong na saad niya. Ako rin.

“Thank you, Iska…”pabulong na saad niya uli.

“Wala ‘yon, sabi ko nga sa—“bago ko pa matuloy ay nagsalita na ulit siya.

“Thank you for listening…”sambit niya kaya nginitian ko lang siya.

“Salamat din… thank you for trusting me.”sambit ko sa kaniya.

“Can I hug you?”tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya sa akin dahil do’n. Dahan dahan ko naman siyang niyakap.

“You fought well, Silas…”sambit ko habang hinahaplos ang buhok niya.

Take two, pleaseWhere stories live. Discover now