Chapter 17

745 28 5
                                    

Chapter 17
Iska’s POV

“Sorry…”mahina kong bulong nang makalabas kami sa bahay. Marami pang kalat kalat na kapitbahay na mukhang hinihintay na may magsigawan sa bahay. I wasn’t in my best mood para palagpasin ang ngisi mula sa kanilang mga mukha. Iritadong iritado ako habang tinitignan ang kani-kanilang mukha.

“Kumusta, Iska? Pinalayas na ba agad kayo ng Mama mo? Ang aga naman.”nakangising saad ni Diane, ‘yong anak ni Aling Sandra na maagang nabuntis. Ako wala akong pakialam sa mga buhay nila pero talagang naiirita ako ngayon.

“Tangina ka, pinakialaman ko ba ‘yang pagiging sakit mo sa pamilya niyo? Hindi ako nangialam no’ng nabuntis ka at sa nanay mo pinaalaga ‘yang anak na ikaw naman dapat ang bumubuhay. Huwag mo akong sagarin at baka masungalngal kita.”seryoso kong saad. Natahimik naman siya roon at hindi nagsalita. Kayang-kaya kong isa-isahin ang bago nilang lahat.

I don’t really like fighting pero huwag lang talaga akong sagarin ng isang ‘to.

Hila-hila ko lang si Silas hanggang sa makarating kami sa kotse niya. Kita ko na pinagkakaguluhan ng ilang kapitbahay ang lambo niya. May ilan pang nakasilip sa loob.

“Alis,”seryoso kong saad. Kaniya-kaniya naman silang alis. Binigyan kami ng way. Iritado lang ako nang umupo na sa loob ng kotse ni Silas.

“I’m sorry about that.”sambit ko sa kaniya. Nakakainis lang kasi talaga. Inis ako sa mga kapitbahay namin pero mas inis kay Mama.  Bakit ganoon siya? Bakit laging wala siyang tiwala sa akin?

“It’s fine…”aniya sa akin.

“I know you’re not fine so I’ll just drive. Cry if there’s a tears waiting to fall… sigh if your breathe is heavy to bear… rest if you’re tired.”aniya sa akin at nginitian lang ako. Hindi naman ako umiyak. Tahimik lang akong nakatulala sa kawalan habang nagmaneho siya. Hindi siya nagsalita. He was just waiting for me to talk, hindi naman din ako binigo ng katahimikan na namamagitan sa aming dalawa, it’s kinda comforting me.

Matagal lang kaming natahimik, ni hindi na jga ata namin parehas na alam kung na saan kami. Hinayaan niya lang akong magdrama habang nakatingin lang sa daan. Ilang oras pa ang lumipas hanggang sa mapagpasiyahan kong magsalita.

“I’m really sorry about my Mom and I’m sorry if I snapped. Sorry kung nakita mo pa ‘yon. Ang worst ng fam ko no?”awkward pa akong ngumiti sa kaniya bago iniwas muli ang tingin.

“You don’t have to say sorry about that… I know it doesn’t feel right… I kinda know what you feel…”pabulong na saad niya. Nilingon ko lang naman siya dahil sa kaniyang sinambit ngunit tipid lang siyang ngumiti.

“We aren’t really close… mas close siya sa mga kapatid ko. Kasalanan ko rin naman e. She stop trusting me no’ng huminto ako sa pag-aaral. Sobrang nadisappoint siya sa akin lalo na’t wala akong ginawa kung hindi tumutok sa laptop para magsulat. Pero bago pa ‘yon, mailap na ako…”sambit ko na napakagat lang sa aking labi.

“Siguro dahil akala ko siya ‘yong dapat na maging sandalan namin no’ng mawala ‘yong taong sandalan naming lahat pero sa huli parang tinalikuran na rin niya kami.”pabulong na saad ko pa. Hindi ko alam kung paano pero sobrang gaan no’ng pakiramdam ko sa kaniya na ikinukwento ko na ‘yong parte ng buhay ko na ayaw kong marinig ng kahit na sino.

“Alam ko naman na nahihirapan lang din siya. Sinubukan ko namang intindihin e pero wala, unti-unting nagkaroon ng crack ‘yong relasiyon namin hanggang sa tuluyan ng lumala.”sambit ko na tipid na ngumiti. Kita ko naman ang titig niya sa akin. 

“I don’t know what to say. I’m not good in comforting people but if you need shoulder to cry on, you can use mine.”aniya kaya ngumiti lang ako muli ako.

“Hmm, sapat ng pinahiram mo tainga mo sa akin.”sambit ko.

“Edi wala na akong pandinig?”tanong niya naman kaya nagtataka akong napatingin sa kaniya ngunit nang nagets ang sinasabi’y hindi ko maiwasang mapairap at bahagya na lang ding natawa.

“Epal ka, ang seryoso ng usapan natin.”naiiling ko na lang saad at natatawa pa rin.

“You’re prettier when you smile. Nakakatakot ka palang magalit.”nakangiti niyang saad.

“Mas nakakatakot si Mama magalit, mild pa lang ‘yon.”sabi ko kaya nilingon niya ako.

“Eyes on the road, baka malove alarm tayo rito.”sambit ko.

“I think your Mom is just really concern with you… sabihin na nating she’s really mad but still alam kong mahal ka no’n.”aniya kaya napakibit na lang ako ng balikat. Kung concern talaga siya sa akin, bakit ganoon niya ako tratuhin? Wala siyang katiwa-tiwala.

“I can see while looking at her eyes. Trust me.”sambit niya pa dahil mukha akong hindi naniniwala.

“Siguro. Sana.”sabi ko na lang na nangalumbaba bago ko binalik ang tingin sa daan. 

“Want to go to mini tayak?”tanong niya sa akin. Tumango naman ako, kanina pa kami palibot libot dito sa laguna na wala naman talagang specific na destinasiyon.

“Alam mo ba kung saan ‘yon?”tanong ko sa kaniya.

“Yeah, pumunta kami ni Mama last last year ata.”aniya kaya napatango ako.

“Are you close with your Mom?”hindi ko maiwasang itanong.

“Oo.”aniya at tumango pa.

“Want to grab a snack before we go there?”tanong niya. Nang itanong niya ‘yon, saka lang ako nakaramdam ng gutom. Ni hindi ko na naisip pang kumain dahil nawalan na ng gana. Nakakahiya dahil ganoon din pala si Silas.

“Sorry, hindi ka tuloy nakakain ng maayos.”sambit ko na napakamot sa ulo.

“It’s fine. Marami rin naman akong nakain. Masarap magluto kapatid mo.”aniya kaya bahagya akong natawa.

“Kapag narinig niya ‘yan, kikiligin ‘yon.”natatawa kong saad. Sobrang suplado ni Lebon pero kapag pinuri mo, talaga namang pamumulahan ng mukha.

Bumili lang kami ng mga pagkain bago kami nagtungo sa mini tayak dito sa San Pablo, Laguna. Hindi ko naman mapigilan ang ngiti habang nakatingin sa daang tinatahak namin. Nakakarelaks talaga ang kulay berdeng mga puno. Kahit na tagarito ako sa laguna. Hindi naman ako madalas mamasyal kaya namamangha pa rin ako kapag nakakakita ng ganitong lugar. Madalas kasi’y nasa bahay lang ako, hindi naman ako palagala. Mas gusto kong manatiling nakahiga habang sinusulat ang mga nasa imahinasiyon ko.

Once in a month lang din ako magexercise at ang madalas pang kainin ay fast food dahil hindi ako sumasabay kapag naroon si Mama. Ang unhealthy ng lifestyle ko, alam ko. Sa tingin din siguro sa akin ng iba, sobrang taas ng pride. Siguro nga pero kasi naman mas gusto ko na lang magkulong sa kwarto kaysa marinig ang walang katapusang sermon sa akin ni Mama.

Maya-maya lang ay nakarating na kami sa mini tayak. Bumaba na rin naman kami nang makarating sa paanan. Medyo matirik pa ang sinag ng araw kahit mag-aalas quatro na. Habang paakyat tuloy kami’y hindi ko maiwasang magreklamo dahil pagod na agad ako.

“Malayo pa ba?”tanong ko kay Silas na parang wala lang naman ang nilalakad namin.

“Malapit na, ‘yon na oh.”aniya na tinuro pa ang pinakatuktok. Bahagya akong napasimangot dahil ang sakit na ng paa ko. I’m not that adventerous person pero ‘tong si Silas mukhang sobrang hilig.

“Enjoy the view muna, ang ganda kaya.”aniya nang nakangiti pa rin sa akin.

“I know. The view really look good, ang init lang talaga at ang layo.”bulong bulong ko kaya napatawa siya habang nakatingin sa akin.

“Anong gusto mo? Pasanin kita?”tanong niya. Umupo pa siya at sinenyasan akong sumakay sa likod niya.

“As if naman sasakay ako riyan no, may hiya pa naman ho ako, Direk.”sambit ko. Ang ganda talaga ng view kahit dito sa pwesto namin kaya lang ay gusto ni Silas na sa pinakatuktok pa kami magtungo.

“Nakakaawa ka e. Para kang mamatay diyan.”sambit niya kaya inirapan ko siya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Kada isang hakbang ata’y humihinto ako.

“Nag-eexercise ka man lang ba, Iska?”tanong sa akin ni Silas.

“Oo naman!”sabi ko at inirapan siya.

“Once a month.”pabulong na sagot ko kaya tumawa siya.

“Susunduin kita minsan, exercise tayo.”aniya kaya agad nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kaniya.

“Hala, hindi ko pa kayang isuko ang bataan.”sabi ko kaya kumunot ang noo niya sa akin. Maya-maya lang ay hunagalpak na ng tawa. Pulang pula na ang mukha niya at gustong gusto ng huminto ngunit hindi niya magawa.

“What the heck? Ano naman ‘yang iniisip mo, Iska! Dirty minded!”mapang-asar niyang saad sa akin.

“Shut up! Knowing you? Malay ko ba sa exercise mo,”sabi ko na inirapan siya.

“Wow, sa akin pa napasa. Ang sabihin mo may pagnanasa ka sa akin.”natatawa niyang pang-aasar.

“Ang feeling mo, asa ka naman.”sabi ko na inirapan pa siya. Malakas lang ‘tong tumawa at hanggang ngayon hindi pa rin alam kung paano niya pakakalmahin ang sarili. Nang makita niyang hindi ko na siya pinapansin pa at nauna nang naglakad dahil sa kahihiyan. Sumunod din siya.

“I mean let’s go to gym together, susunduin kita next time.”aniya. Umirap lang aki dahil nandoon pa rin ang mapaglarong ngisi mula sa kaniyang mga labi.

Nilibang ko na lang ang sarili sa view na nakikita kaysa mapikon sa pang-aasar niya. Marami ring kumukuha ng litrato no’ng nadaanan namin. I’m not actually fan of pictures kaya hindi ko inaaya si Silas. Mukhang ganoon din naman siya dahil nililibang niya lang ang sarili sa pagtingin doon. I like it more when I was the one describing it’s beauty, the feeling, and everything about the place. 

“Grabe, sobrang lapit, huh?”sambit ko nang makarating na kami sa pinakatuktok. Sinalubong naman kami ng medyo malamig na hangin.

“Malapit naman.”sabi niya kaya napairap ako. Para sa kaniya, sa akin hindi.

Hindi ko naman na mapigil ang ngiti ko habang nakatingin sa baba.

“Ang ganda…”pabulong na saad ko.

“Right…”ani Silas na siyang nakatingin din sa view sa baba. Bawat parte’y tinitignan ko, gusto ko lang memoryahin. Umupo naman kami sandali para kumain. Sabi kasi namin, magpapagutom muna kami bago kakain. That’s why naisipan naming dito na.

Nagkwentuhan lang kami tungkol sa kung ano ano habang kumakain, hindi naman na siya nagtanong pa about kay Mama. Parang wala lang nangyari and I really like it. Ayaw na ayaw ko kasi ng binibring up pa ‘yon kapag natapos na. Naalala ko no’ng nagdala ako ng kaibigan sa bahay at napahiya ako, sa araw araw ata naming pagkikita’y lagi nilang pinapaalala ‘yon. I mean can you just shut up? Kailangan pa bang ulit-ulitin gayong aware naman ako?

“You like to travel?”tanong ko sa kaniya.

“Hmm, yeah. But I don’t really have time.”aniya naman na nagkibit pa ng balikat.

“That’s my dream. Travel the world.”aniya kaya napatango ako.

“You can do it naman.”sabi ko ngunit nagkibit lang siya ng balikat. Iniba niya na rin naman ang usapan naming dalawa. Nagkwento lang din ako ng kung ano ano sa kaniya. Umabot kami ng isang oras na nagkukwentuhan, napangiti na lang ako nang makitang papalubog na rin pala ang araw.

Tumayo kami para tignan ‘yon. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti.

“You won’t take pictures?”tanong niya nang makita ang ilang babae na kumukuha ng litrato ng view sa paglubog ng araw. Umiling lang naman ako.

“I like looking at it more.”sabi ko habang nakatingin sa paligid.

“What about you? Picture-an ba kita?”tanong ko habang nakatingin sa kaniya. Umiling naman siya sa akin dahil do’n.

“Hmm, I’m not fond of taking pictures.”sabi niya naman. Same. If you’re not fond of taking pictures it doesn’t mean na you hate it naman. We just really have different preferences siguro. Minsan din kasi may mga bagay na hindi nakikita ng camera na siyang nakikita naman ng mga mata. Depende na lang din siguro talaga sa kung anong gusto ng tao.

“Silas…”tawag ko sa kaniya kaya nilingon niya ako at pinagtaasan ng kilay.

“Salamat…”sambit ko at ngumiti.

“Wala naman akong ginawa?”patanong na sagot niya.

“Basta, salamat. Tanggapin mo na lang, dami pang sinesay.”sambit ko kaya napatawa siya ng mahina.

“Fine. Welcome. Thanks din.”aniya pa.

“For?”tanong ko naman.

“Basta rin. Tanggapin mo na lang, dami pang sinasabi.”balik niya sa akin ng sinabi ko. Napailing na lang ako ngunit hindi na mawala ang ngiti sa mga labi.

Minsan mayroon ding mga bagay na hindi mo mararamdaman sa camera dahil ‘yong mismong tao ang nakadama…

Take two, pleaseDär berättelser lever. Upptäck nu