Chapter 7

806 27 0
                                    

Chapter 7
Iska’s POV

“Hala! Sorry po!”hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad sa pinaggagawa ko. Punyeta ka, Iska, mamaya na ‘yang pagpafangirl mo!

“Are you okay, Iska?”tanong ni Mr. Clark na siyang hinawakan pa ang kamay ko dahil nga medyo mainit ‘yong coffee na nahulog.

“Ayos lang po.”sambit ko naman na inalis ang kamay ko sa kaniya ngunit agad niya ‘yong nahila dahil nakitang namumula ang likod ng palad ko.

“Clark, kailan ka pa nagkaroon ng pake?”natatawang tanong ni Ms. Eva kay Mr. Clark.

“Simula no’ng dumating siya.”turo ni Mr. Clark sa akin. Agad naman akong nahiya dahil sa tinuran ni Clark. Mas lalo pa nang makita ko ang tingin ni Ms. Eva sa akin.

“Let’s treat it first.”aniya sa akin at hihilain niya na sana ako kaya lang ay nagsalita si Direk.

“Let’s start the shoot.”malamig na saad niya. Agad naman akong napanguso dahil nagsimula nanaman ang pagkabadtrip nito, lagot nanaman kami. Nag-iisa pa naman ‘yong order namin na para sa kaniya.

“Bibili na lang po ulit ako, Direk, pasensiya na po.”sambit ko sa kaniya kaya nilingon niya ako ngunit ang abong mga mata nito’y akala mo’y nagyeyelo. Nilingon niya pa ang kamay ni Mr. Clark na nakahawak pa rin sa akin.

“Huwag na.”malamig na saad niya at nauna nang magtungo roon. Nagsisunuran na rin naman ang lahat sa kaniya. Pati nga si Ms. Eva ay sumunod. Manghang-mangha pa rin akong nakatingin sa kaniya dahil mukha siyang modelo kahit na naglalakad lang.

“Niel, first aid.”utos ni Mr. Clark kay Niel ngunit agad akong umiling.

“Ayos na po, kaya ko naman.”sambit ko sa kaniya.

“What about you, Clark? Just leave it to Niel. ”nilingon siya ni Direk kaya no choice siya kung hindi ang sumunod doon. Noong una’y ayaw niya pa ngunit pinilit ko dahil mas lalo pang mahahighblood ‘yang si Direk lalo na’t ayaw na ayaw pa namang sinusuway, akala mo’y tinatapakan ang psgkatao niya.

“Sorry, Iska,”ani Mr. Clark ngunit umiling lang ako at ngumiti

“Girl, masiyado kang lutang, anyare sa’yo?”tanong sa akin ni Niel na siyang may dalang first aid. Hinila niya na ako sa malapit na upuan saka niya ‘yon ginamot.

“Hb nanaman tuloy si Direk.”bulong niya sa akin kaya napanguso ako.

“Sorry, medyo gulat lang naman kasi ako.”sambit ko.

“Ang ganda pala ni Ms. Eva sa personal.”ani ko sa kaniya.

“Maldita naman.”aniya kaya nilingon ko siya. Bahagyang nanliit ang mata.

“Paano mo na sabi? Parang hindi naman.”sambit ko dahil mukhang mabait naman si Ms. Eva. Nagkibit naman siya ng balikat, hindi rin sinagot ang tanong ko.

Nagpatuloy na rin naman kami sa pagtatrabaho.

“Iska, copies ng script.”ani Niel sa akin. Agad akong tumango at lumapad ang ngiti bago nagtungo sa may office.

Naging abala naman ako sa pagbabasa habang nagpiprint.

“You really like reading?”nakangiting tanong sa akin ni Ms. Mint. Siya ‘yong assistant writer dito sa may Dusk. Bali siya ‘yong nag-aasikaso ng lahat kapag wala si Ms. Eva.

“Ms. Mint, hangang hanga po talaga ako sa paraan ng pagsusulat niyong lahat.”nakangiti kong saad.

“Salamat, Iska. Writer ka no?”nakangiti niyang tanong sa akin. Hindi ko alam kung nanghuhula lang ito o ano.

“Minsan nakikita kita kapag nagsusulat ka.”aniya sa akin nang nakangiti. Tumango naman ako roon.

“Any tips, Ms. Mint?”tanong ko sa kaniya.

“Hmm, one of the best teacher is experience. If you want your readers to feel it, you should also know what it feels.”aniya sa akin at ngumiti.

“Pero hindi naman ibig sabihin na kapag tatalon sa bangin ang character mo dapat tumalon ka rin sa bangin para alam mo ang feels, huh?”natatawa niyang biro. Napatawa lang din ako ng mahina roon.

Natigil lang kami sa pag-uusap nang ipatawag na siya ni Ms. Eva habang patapos naman na ang mga piniprint ko. Hindi ko naman maiwasang maisip ang sinabi nito. I should know what ig feels, huh? Baka kaya siguro hindi ako makapagsulat ng romance dahil hindi ko alam kung anong pakiramdam. Well, hindi naman kasi talaga ‘yon ang genre mo noon pa, Iska. You’re more capable of writing fantasy than anything else at sa television? Hindi naman sila gaanong mahilig gumawa ng fantasy. Maybe I should start writing rom com?

Nagpatuloy na rin naman ako sa pagtatrabaho kalaunan. Naging abala na rin kami buong araw.

“Iska, aalis na idol mo, baka hindi ka na makahingi ng autograph kung hindi na siya babalik pa.”ani Niel sa akin.

“Pasulpot sulpot lang ‘yan dito.”aniya sa akin. 

Hindi na tuloy ako nakatiis nang makita kong paalis na si Ms. Eva, agad akong napatakbo patungo sa gawi niya.

“Ms. Eva…”tawag ko sa kaniya. Malapad naman ang naging ngiti niya sa akin. Ang ganda talaga…

“Hmm, what is it?”tanong niya na nakangiti pa rin.

“Pupwede po ba akong manghingi ng autograph niyo?”nahihiya man, kinapalan ko pa rin ang mukha ko dahil walang mangyayari kung hindi ako magsasabi.

“Sure!”nakangiti niyang saad sa akin. Para talaga siyang anghel, bakit ganoon? Hindi lang maganda, mabait pa.

“Salamat po.”tulala pa rin ako habang nakatingin sa kaniya ngunit nginitian niya lang ako bago siya sumakay na sasakyan niya.

Malapad naman ang naging ngiti ko habang papasok, nakasalubong ko naman si Mr. Clark na siyang mukhang paalis na rin.

“Uyy, Iska. Ayos na ba ‘yang kamay mo?”tanong niya tinignan pa ang napaso kong kamay.

“Ayos na po, Mr. Clark.”sabi ko sa kaniya, hindi pa rin nawawala ang malapad na ngiti.

“Napakapormal mo naman! Mas matanda ka kaya sa akin ng ilang months. Clark na lang!”aniya na malapad ang ngiti sa akin.

“Saka huwag ka ng mag’po’, pwede ba?”natatawa niyang sambit.

“Baby face ko kaya, feel ko tuloy ang tanda tanda ko na.”biro niya pa. Ang awkward naman kung tatawagin ko siya sa pangalan niya lang lalo na’t boss ko rin siya. Ngumiti na lang ako at magpapaalam na sana nang kausapin niya muli ako.

“Dinner tayo, gutom na ako!”aniya sa akin. Hindi naman ako nainform na hawak ko pala ang kaldero?

“I’m inviting you…”aniya nang natatawa dahil narinig nanaman ata ang sinasabi ko sa isip ko. Pacheck up na kaya ako? May mali ata sa utak ko, nagsasalitang mag-isa.

“Medyo busog pa ho ako e.”sambit ko kahit ang totoo gustong gusto ko na ring umuwi para makakain. Ayaw ko lang na may isipin ang mga kasama ko sa trabaho tungkol sa akin.

“Awwe, ganoon ba? Ang lungkot kumain mag-isa.”pagpaparinig niya. Natigil naman ako roon. That’s kinda true dahil madalas ko rin ‘yong naranasan.

“Hmm, next time na lang, Mr. Clark.”sambit ko sa kaniya. Agad namang lumapad ang ngiti niya sa akin. 

“Sure, hatid na lang kita today?”tanong niya sa akin.

“Ako rin, Clark! Sabay ako!”sabi ni Niel na malapad ang ngiting nagsabi kay Mr. Clark. Well, madali lang naman kasing makaclose si Mr. Clark, malandi lang talaga.

“Kung sasabay si Iska, sure.”aniya kaya si Niel na ang pumayag para sa akin. Tinignan ko naman siya na nakataas ang kilay ngunit malapad lang akong nginitian ni Niel.

“Sige na, Iska, para tipid pamasahe. Wala na akong pera.”bulong niya sa akin.

“Kakasahod lang natin, gaga ka.”bulong ko rin naman pabalik sa kaniya.

“Pinadala ko na halos lahat sa pamilya ko.”bulong niya ulit. Napakibit naman ako ng balikat doon, kahit ako rin kasi’y pinadalhan din ang mga kapatid ko kahapon. Napapayag niya rin ako kaya malapad na malapad ang ngisi niya.

“Hindi ka man lang magpapadinner, kuripot mo naman sa harap ng crush mo, Clark.”aniya kay Clark. Hindi ko alam na ganito pala sila kaclose.

“Gago, bakit naman nambubuking?”natatawang tanong ni Clark sa kaniya.

“Tagal mo, ako na ang maglalakad para sa’yo.”ani Niel nang natatawa.

“Iska, si Clark, pinsan ko.”ani Niel na nakangisi, agad naman nanlaki ang mga mata ko dahil do’n. Hindi ko alam na magpinsan pala sila. Parehas naman silang natawa sa akin.

“Hindi mo nabanggit.”sabi ko kay Niel.

“Hindi ka naman nagtanong.”natatawa niya namang sambit. Ang ending ay napadinner kaming tatlo dahil talagang namilit si Niel. Sobrang kulit niya at gusto pang uminom. Ayaw ko namang uminom dahil paniguradong aantukin ako at hindi nanaman makapagsusulat.

Mas kumulit pa siya nang nakainom na. Awkward naman na ngumiti sa akin si Mr. Clark nang kinukulit kaming kumuha ng litrato ni Niel. Hindi ako mahilig kumuha ng litrato kaya pakiramdam ko sobrang awkward ng mukha ko sa naging resulta ng picture.

“I’m sorry about that, ganoon talaga ‘to kapag nakainom. Sinasabi lahat ng hinanakit sa buhay.”natatawa niyang sambit.

“Pero kapag tinulungan mo, ikaw pa ang masama sa bruhildang ‘to.”aniya nang tuluyan ng maipasok sa apartment niya si Niel.

Lumabas na rin naman kami nang maiayos na namin siya sa kaniyang higaan.

“Hatid na kita, nakakahiya, dinner ang order mo pero binigyan ka ng inuman.”nahihiyang saad niya sa akin. Natawa naman ako roon.

“Ayos lang, nakakatuwa nga dahil hindi ko alam na may side pa lang ganoon si Niel.”sabi ko sa kaniya.

“Bawi ako, proper dinner talaga next time.”aniya sa akin.

“Kung may next time pa.”pabiro ko namang saad kaya agad nanlalaki ang mga mata niyang napatingin sa akin.

“Hoy, grabe!”aniya kaya napatawa ako.

“Joke.”nanliliit pa rin naman ang mga mata niya sa akin ngunit natawa na lang ako.

“Wow, nagjojoke ka pala, wala sa mukha mo, parang lagi kang seryoso sa lahat ng bagay, minsan ka nga lang ngumiti e.”aniya sa akin. Bahagya naman akong nahiya dahil pakiramdam ko’y pinapanood ako nito, it’s kinda weird.

“Hmm, sa trabaho naman kasi natin, para naman talagang kasalanan ang ngumiti. Halos lahat naman ay seryoso.”sabi ko sa kaniya.

“Totoo naman ‘yan, takot kasi halos lahat kay Direk e. Kahit nga si Mr. Tan takot do’n, ewan ko ba kung saan pinaglihi si Boss. Napakamoody no’n, nakangiti at nakikipagtawanan ngayon tapos maya-maya lang ay sumisigaw na.”pagkukwento niya. True naman din talaga ‘yon. Buti nga nagtagal si Mr. Clark sa kaniya.

“Pero mabait ‘yon, ganoon lang talaga siya minsan. Sana huwag lang matakot at umalis. Ganoon kasi ang ilang staff e. Hindi nakayanan kaya lumisan.”aniya.

“Wow, lalim.”nag-uusap lang kami hanggang sa makarating na sa may apartment ko.

“Thank you, Mr. Clark.”nakangiti kong saad sa kaniya.

“Clark.”pagtatama niya naman.

“Thank you, Clark.”sabi ko naman because he’s not that bad. Mabait naman pala.

“See you tom, Iska.”aniya na nginitian pa ako. Ibinalik ko naman sa kaniya ang ngiti niya bago naglakad papasok.

May mapang-asar na ngiti naman akong nakita mula kay Leo na siyang nasa labas pala habang nagyoyosi.

“That’s not good for the health.”sambit ko.

“Pero masarap.”aniya naman pabalik. Makikipagtalo pa sana ako kaya lang ay sa istura ni Leo parang walang magpapaamo. Para siyang isang mailap na tupang hindi mo magagawang ihanay sa mga maaamo.

“Ayos ‘yan, best way to write it is to experience it firsthand.”nakangisi niyang saad sa akin. Naikwento ko kasi sa kaniya na gusto kong magsulat ng romance no’n dahil siya lang naman ‘tong madalas kong makausap dito sa apartment.

Natapos naman ang araw kong ‘yon na late na akong nakatulog dahil sisimulan ko sanang magsulat ng love story kaya lang ay walang pumapasok sa isip ko. Ang ending blangko pa rin ang wordpad kahit na inabot na ako ng alas dose kakasulat. Ang nakakainis pa kapag nagsisimula akong magsulat ng characteristic ng character ko, si Direk ang pumapasok sa isip ko kung hindi ba naman parang tanga.

I mean bakit siya? Masiyado na ba akong nadadala sa kasungitan ng isang ‘yon? O dahil ba madalas ko siyang makita?

Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa kaniya ngayon, well, he’s not that bad, kahit ubod ng sungit ito, magaling siya pagdating sa trabaho niya. He’s professional. Minsan nga ang hot niya pang tignan kapag sinasabi niya ang mga gusto niyang mangyari, para kasing ang tali-talino at talented talaga siya sa ginagawa. Ano, Iska? Anong hot ka riyan? Nasisiraan ka na ba?  Noong nakaraan lang ay stress ka roon kaya bakit kung ano anong naiisip mo tungkol sa kaniya ngayon?

“Hoy!”halos matapalon na lang ako sa gulat dahil kay Niel.

“Malusaw ‘yan.”natatawa niyang saad.

Take two, pleaseWhere stories live. Discover now