Chapter 47

914 32 0
                                    

Chapter 47
Iska’s POV

“Ma.”tawag ko kay Mama nang makita ko siyang abalang nag-aayos ng mga pagkaing nakastyro na ipamimigay niya sa mga batang kalye mamaya.

Nandito ako sa amin ngayon, ang last shoot namin ay sa warehouse na pagkatapos no’n ay may panibagong movies nanaman ako na si Silas din ang Direktor. Iba nga lang ang producer.

“Ano?”tanong niya na hindi man lang ako binalingan man lang ng tingin.

“Saan mo nakalap ang balitang may girlfriend nga si Silas?”tanong ko na nakataas ang kilay sa kaniya. Napatikhim naman siya dahil sa tanong ko. Bahagya naman akong napangisi dahil sa itsura nito ngayon. Kumunot pa ang noo niya sa akin dahil do’n.

“Sa mama niya nga.”sabi niya na nakatingin lang sa mga styro. Naningkit naman ang mga mata ko. Bakit nga ba hindi ko nahalatang nagsisinungaling ‘to? Masiyado akong nabulag ng sakit. Si Mama pa ‘di rin ‘yan sanay na kung ano ano ang sinasabi.

“Bakit mo na tanong?”tanong niya pa kunwari. Pinapanood ko lang naman ang ekspresiyon ng kaniyang mukha habang nakangisi.

“Wala lang.”sabi ko na napakibit ng balikat.

“Bakit? ‘Di ka pa ba nakakamove on?”tanong niya pa sa akin. Hindi ko naman pinansin ang tanong niya dahil natatawa talag ako.

“Kailan pala tayo pupuntang orphanage, Ma?”tanong ko sa kaniya.

“Bukas. Huwag ka ng magpunta pa sa kung saan saan.”aniya. Tumango naman ako bago nagscroll scroll sa phone ko. Nakita ko naman na may chat kay Silas.

Ex/Suitor:

Inaya rin ako ni Mama. See you?

Ako:

Yup! See you kung sabay oras ng pagpunta ng mga nanay natin!

Tinawag naman na ako ni Mama dahil nagpapatulong siya sa pagbibigay ng mga ‘yon. Habang nilalagay ko sa sasakyan ang mga pagkain, dinig ko ang usapan ng mga kapitbahay namin. Hindi ko naman maiwasang mapailing dahil do’n. Kahit ano talagang gawin mo may masasabi at masasabi ang mga ‘to.

“Sus, bait baitan, ni hindi niya nga mapautang nga kapitbahay dito.”dinig kong saad ni Aling Susan. Napatawa naman ako roon, wow, responsibilidad pala ng pamilya naming pautangin sila? Medyo makapal, huh?

Hindi ko na lang din pinatulan, hindi ko alam kung bakit hindi nila magawang maging masaya para sa ibang tao, I mean hindi naman sila yayaman kakachismis nila, ‘di ba? Nailing na lang ako bago ako sumakay sa kotse ko. Kapag narinig pa sila ni Mama na nag-uusap ng ganiyan talaga ‘di na sila makakautang, pinapautang kaya sila no’n, sadyang ‘di pa lang nila nababayaran ‘yong nakaraan.

“Ma, bakit ba ayaw mong lumipat ng bahay?”tanong ko sa kaniya.

“Wala, natatandaan ko lang kasi ang sinabi ng lola mo noon.”aniya sa akin.

“Huwag ko raw pababayaan ang bahay natin, huwag ko raw ibenta o ano. ‘Yon na lang ‘yong bagay na magagawa ko sa kaniya dahil alam mo naman na? Hindi ako naging mabuting anak no’ng nandidito pa siya. Imbis na makatulong ay naging pabigat lang.”sambit ni Mama. Napatango naman ako dahil do’n. Nagkwentuhan lang kami habang nag-aabot ng ilang pagkain sa mga batang kalye.

Hindi ko maiwasang matuwa kapag makikita mo ang galak sa kanilang mga mukha, ang sarap sa pakiramdam kapag makakarinig ka lang ng simpleng salamat sa mga ito. It’s my father’s birthday today kaya namimigay kami although gawain naman na ni Mama ‘to, doble nga lang ngayon dahil parang si Papa na rin ‘yong nag-aabot sa mga bata.

Nang matapos kaming mamigay ay dumeretso na kami sa sementeryo, wala kasi sina Chico at Lebon dahil parehas na may pasok ngunit nang makarating kami sa sementeryo, bahagya akong nagulat nang makita ko silang nagtitirik na ng kandila habang may mga hawak pang pagkain.

“Akala ko ba’y may mga pasok kayo?”tanong ko sa kanila na nakataas ang kilay.

“Meron nga, Ate, pero tapos na.”sabi ni Chico na malapad ang ngiti. Mukhang nagcommute lang sila rito.

Napangiti na lang ako bago sila tinabihan. Nag-usap lang kami tungkol sa kung ano ano. Ikinukwento rin sa amin ni Mama ‘yong mga ganap noong bata kami.

“Ma, bakit hindi ka na nag-asawa ulit?”hindi ko naman maiwasang itanong sa kaniya. Bahagya siyang natawa dahil sa tanong ko.

“Wala e. Wala na akong mahahanap pa na katulad ng Papa mo, sabihin na nating marami pang taong mababait diyan o ano pero may pagmamahal talaga na pangmatagalan, lumipas man ang oras, buwan o taon ngunit siya pa rin, hindi nawawala, hindi nagbabago…”aniya sa akin.

“Ma, korni mo, Ma.”sabi ni Chico kaya sinamaan siya ng tingin ni Mama. Napatawa na lang kami dahil do’n. Maya-maya ay tumayo na sila dahil balak ng umuwi. Nagpaiwan naman ako sandali dahil gusto kong kausapin si Papa.

“Hi, Pa, kumusta ka? Happy birthday po…”nakangiti kong tanong.

“Pa… writer na po talaga ang anak niyo. Hindi ko alam kung proud ka po but I hope you’re. Sana…”sambit ko na nakangiti. Nakipagkwentuhan pa ako sa kaniya bago ako tumayo na at umuwi na.

Our night ended really nice, nagcelebrate din kami sa bahay, nagrenta ng karaoke si Mama na napuna pa ng mga kapitbahay dahil masiyado raw maingay. Wala na atang katapusan ang inis ko sa mga ito. Pati pag-aasawa ko rin ay nagtatanong sila, wala ba silang sariling buhay?

“Iska, saan ka na? Ang tagal mong kumilos!”sambit ni Mama sa akin. Nailing na lang ako bago tuluyang nakapag-ayos. Nang makita kong maayos naman na ang damit ay tumayo na rin ako, ready na ring umalis.

Sa manila kami ngayon, inihatid ko muna ang dalawang kapatid bago dumeretso sa orphanage. Hindi ko alam kung anong meron sa sarili ngunit nagawa ko pang tignan ang mukha sa salamin, baka mamaya’y may dumi pala ako sa mukha, ‘di ba? Lokohin mo, Lelang mo, Iska.

Tinulungan ko lang si Mama sa mga bitbit niya, as usual sinalubong ulit siya ng mga bata rito sa orphanage. Hindi ko pa maiwasang mapatingin nang makitang nandito na rin sina Silas. Agad tumayo si Tita nang makita kami. Nagbatian agad sila ni Mama. Parehas naman kaming napangisi ni Silas dahil balak namin silang komprontahin ngayong araw.

“Iska, hija, nandito ka pala!”nakangiti pang saad sa akin ni Tita bago siya nakipagbeso. Malapad ko lang din naman siyang nginitian. Palihim naman kaming nagsesenyasan ni Silas, parehas na lang na natawa nang makahalata na talaga kina Mama.

“Diyan muna kayo, kauusapin lang namin sina Sister, huwag kang aalis diyan, Iska. Baka mamaya’y sa kotse ka nanaman maghintay.”sabi ni Mama sa akin. Nagkibit lang naman ako ng balikat kunwari.

“So? Did you already ask her?”tanong ko sa kaniya.

“Yeah, she really said that it was your mom who said that.”aniya kaya bahagya akong napatawa.

“Ganoon din si Mama.”sabi ko na naiiling. Nagkwentuhan lang kami tungkol sa kung ano ano, nang mapansing papalapit na sa gawi namin sina Mama. Malapad ang mga ngiti ng mga ito habang nasa amin ang tingin. Hindi ko naman maiwasang mapailing doon.

“Wala naman kayong mga trababo, hindi ba? Kain na muna tayo, marami pa kaming pag-uusapan ni Fe.”ani mama. Bahagya lang tumaas ang kilay ko sa kaniya.

“Huwag kang magreklamo riyan, Iska, maglakad lakad ka naman, araw araw ka na lang nakakulong sa kwarto mo.”aniya sa akin. Napailing naman ako at sumunod na lang sa kaniya. Ni hindi pa nga ako nagrereklamo? Advance talaga masiyado si Mama. Hindi ko naman maiwasang matawa dahil do’n.

Nakasunod lang kami sa kotse nina Silas hanggang sa huminto ang mga ‘to sa isang mamahaling resto. Wala pa man din ata akong dalang pera. Kita ko namang palihim na nagbibilang ng pera si Mama.

“Ako ng bahala, Ma.”sabi ko dahil may laman naman ang card ko.

“Anong palagay mo sa akin, mahirap?”tanong niya. Napailing na lang ako bago sumunod sa kaniya sa paglabas.

“Hija, balita ko nagpunta ka sa paris no’ng nakaraan?”tanong ni Tita sa akin.

“Nagpunta rin doon si Si, sayang lang at hindi kayo nagkita.”sabi niya sa akin.

“Alam mo bang may kasama siyang natatravel ngayon? Si Saturday ayy? ‘Yong artista.”ani Tita. Tinignan ko naman si Silas.

“We aren’t traveling together, Ma. Saan mo naman nabalitaan ‘yan?”sabi ni Silas sa kaniya. Pinagmasdan ko naman kung paano manliit ang mga mata ni Tita at sumipa pa sa baba ng lamesa, wow mali nga lang dahil paa ko ang nasipa niya.

“Ito ring si Iska, nagpunta pa kayong japan ni Clark, ‘di ba? Sigurado akong nag-enjoy ka. Magkasama pa kayo sa iisang hotel ni Clark, ‘di ba?”nakangiting tanong ni Mama. Si Silas naman ang napatingin sa akin.

“Hmm, enjoy naman ang japan, Ma, pero mali ka lang sa part na nasa iisang hotel kami ni Clark.”sabi ko na napakibit ng balikat.

Maya-maya lang ay sila naman ang nag-usap ni Tita, senyasan lang kami ni Silas hanggang sa dumating na ang pagkain. Tahimik lang naman kaming kumakain habang sila naman ay nagkukwentuhan.

“Shall we start?”I murmured. Tumango naman siya kaya nakangisi ko siyang hinarap, ‘yong kita talaga nina Mama. Tinignan naman nila ako dahil do’n.

“Si, may girlfriend ka na ba?”tanong ko kay Silas. Pinigil ko naman ang matawa nang makitang nasamid ang mga ina namin. Pigil din ang ngiti ni Silas dahil do’n.

“Hmm, I don’t have one.”sambit niya kaya nilingon ko si Mama.

“Akala ko ba mayroon, Ma?”tanong ko. Nagkatinginana naman sila ni Tita at parehas na napatikhim.

“Wala, baka mali ka lang ng pagkakarinig.”sabi ni Mama sa akin. Tumaas lang naman ang kilay ko at kumurba ang ngisi sa mga labi. Maya-maya lang ay si Silas naman ang nagtanong sa akin.

“How about you may boyfriend ka ba?”hindi ko naman na napigilan pa ang tawa ko nang makita kung paano namutla si Tita habang si Mama’y hindi alam kung paano ibubuga ang tubig na iniinom.

“Wala rin.”sambit ko na napakibit pa ng balikat..

“Hala, why, Ma?”tanong ko na bahagya pang hinagod ang likod niya. Sinamaan naman nila kami ng tingin.

“Bakit ba ganiyan ang mga tanong niyo?”kunot na kunot ng noo nito. Napakibit naman ako ng balikat doon.

“Wala, you said na mayroon e.”sabi ko lang. Nakatingin naman si Silas sa mama niya.

“Bakit na kasi kayo nagtatanong? Hindi pa ba kayo nakakamove on?”tanong nilang dalawa na iniiba na ang usapan.

“Who knows?”sambit ko naman na napakibit pa kunwari ng balikat. Iniinis lang din ang mga ‘to.

“I’m already courting her, Ma, stop spreading fake news.”sambit ni Silas kay Tita. Nagkatinginan naman silang dalawa ni Mama dahil do’n.

“Sabi sa’yo effective e.”dinig kong bulong ni Tita. Napailing na lang ako dahil do’n.

“Bakit nanliligaw ka pa? Bakit hindi mo sagutin, Iska? Hindi ka pa naman talaga nakakamove on.”pambubuking ni Mama. Sus, kung hindi sana sila nangialam edi no’ng nakaraan pa’y kami na sana ni Si. Hindi ata nila alam na maharot ang mga anak nila. Napatawa naman ako sa naiisip.

“Totoo ba talagang nanliligaw ka, Nak? Sa wakas!”napapalakpak pa si Tita dahil do’n. Hindi ko naman maiwasang mapailing. Nakita ko naman ang paniningkit ng mga mata ni Silas sa kaniya.

“Are you the one who made the article, Ma?”tanong ni Silas sa kaniya. Napanguso naman si Tita dahil do’n.

“Oo, sabi kasi nila effective ‘yon,”sabi ni Tita.

“Paanong effective? Mas gusto ng taong kumabit?”nakataas kilay na tanong ni Silas. Bahagya maman akong napatawa dahil do’n.

“Hindi sa ganoon, effective ang selos sabi nila.”aniya na inirapan din ang anak.

“Basta ang mahalaga kayo na, huwag na kayong marami pang sinasabi.”sabi ni Mama.

“Luh, desisyon ka, Ma?”natatawa kong tanong. Ni hindi ko pa nga sinasagot si Silas, kami na agad.

“Kailan ang kasal?”tanong ni Tita. Mashoshock ka na lang talaga sa tanungan ng mga ‘to. Parehas kaming natawa ni Silas dahil sa kanila. Wala man lang paawat ng kaunti.

“Kapag nagkaanak kayo, gusto ko ng babae, sana hindi kasing pasaway ni Iska. Pwede rin namang lalaki, basta pakibilisan na lang, baka mamaya’y patay na ako, hindi pa rin ako nakakakita ng apo ko.”sabi ni Mama. Akala mo’y umoorder lang ng graham sa online.

Take two, pleaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon