Chapter 43

914 27 0
                                    

Chapter 43
Iska’s POV

Nagising na lang ako dahil sa alarm ko, agad naman akong lumabas ng kwarto. Hindi ko maiwasang mapangiwi dahil kita ko agad ang kalat mula sa sala.

“Lilinisin pala, huh?”bulong bulong ko habang tinitignan ang apat na bagsak na bagsak na talaga. Si Silas na nasa maliit na sofa hindi ko alam kung paano niya napagkasiya ang sarili. Si Chico at Axel naman ay nasa sahig na, si Chico ay may hawak pang bote.

Naiiling na lang ako habang inaalis ang bote sa kamay ni Chico. Halos mapatalon naman ako sa gulat dahil kay Silas na sinubukan pang bumangon ngunit nasobrahan din sa inom kaya naman hindi niya rin magawang makatayo ng maayos. Hindi ko naman maiwasang mailing do’n.

Pagkatapos kong kumain kagabi, diretso na ako sa kwarto at nagkulong do’n. Soundproof naman kaya hindi rin ako nadistract sa ingay nila dito sa labas. Ni hindi ko sila nilabas dahil naiinis lang ako sa mukha ni Silas. Umay sa kaniya.

“Heck.”dinig kong bulong niya nang sa wakas ay nakaupo na ng maayos. Hawak hawak niya ang sentino niya.

“Alak pa.”bulong bulong ko kaya napatingin siya sa akin bahagya lang akong pinagkunutan ng noo. Kahit mukhang nahihirapan, tumayo pa rin naman siya para tumulong sa pagliligpit. Dapat lang. Kalat kaya nila ito. Ayaw ko namang iwanan na ganito kadumi ang condo.

“I thought you were going to drink, Leb?”tanong ko nang makita si Lebon na nagluluto ng hang over soup at almusal.

“Hmm, they ended up being drunk kaya tinulugan ko na lang, Ate. Sorry, Ate. Lilinisin ko po ‘yan. Ako na po.”aniya sa akin ngunit umiling na lang ako.

“Ako na, sandali lang naman ‘to.”sambit ko bago nagkibit ng balikat. Nagpumilit pa siya sandali ngunit tapos na ni Silas. Bitbit na nito ang ilang bote ng alak at pinlastik na muna.

“Kuya, nagmamadali ka, ‘di ba? Sabay ka na ka Ate tutal parehas naman kayo kung saan nagtatrabaho.”sabi ni Lebon kaya agad ko siyang binalingan ng tingin. Napaawang pa ang labi ko ngunit kalaunan ay pinaningkitan ko lang siya.

“Ayaw ni Kuyang nalelate, Ate, sige na, isabay mo na, may clothes naman ako rito na kakasiya sa kaniya.”ani Lebon.

“Bakit ‘di niya ba dala ang kotse niya?”tanong ko naman na kunot ang noo.

“Commute?”sambit naman ni Lebon. Commute e siya nga ‘tong nauna sa akin dahil pinaharurot ang kotse niya?

“Totoo nga, Ate, hinila lang ‘yan ni Kuya Axel kanina.”sabi ni Lebon dahil alam na hindi ako naniniwala.

“Sige na, Ate, nakakahiya namang hayaan mo.”aniya pa na para bang konsensiya ko ‘to kung hindi isasabay. Sa huli’y tumango na lang din ako. Malapad naman ang ngiti ni Lebon nang pumasok siya ng kwarto para kuhanan ng damit si Silas. Halos pare-parehas lang din naman silang apat na matatangkad kaya alam kong kakasya naman talaga ang mga damit ni Leb sa kaniya. Kita ko naman si Silas na abala pa ring nililigpit ang ilang gamit dito sa condo, iniiwasan din ata ang awakwardness.

“Let’s eat.”sambit ko sa kaniya.

“Leb, kain na!”ani ko kay Lebon.

“Sige, Ate, una na po kayo, may aayusin lang po!”aniya naman. Anong oras na rin kaya kumain na kami ni Silas. Tahimik lang kaming dalawa habang nandito. Paniguradong mamaya lang ay mag-iiringan nanaman kami sa shoot.

Nang matapoa kumain ay nagtungo lang kami sa mga cr dito sa condo. Mabilis lang din naman akong nakaayos dahil hindi naman ako mabagal kung kumilos. Nang makalabas ay kita ko na agad si Silas na siyang nakasuot na rin ng white t-shirt ni Lebon at black pants. Hindi ko naman maiwasang titigan siya, infairness mukha talaga siyang model. Madalas na suot nito’y longsleeve at pants dahil wala namang dresscode sa shoot.

Napatikhim lang ako bago nagsalita, masiyado na kasi akong titig dito.

“Let’s go.”sambit ko bago naunang maglakad.

“Leb, una na kami, ikaw na bahala sa kapatid mo at sa isa pang bwisita mo.”bilin ko kay Lebon.

“Opo, Ate.”sambit niya naman sa akin.

“So you’re telling me na I’m bwisita?”tanong ni Silas na nakataas pa ang kilay sa akin habang papalabas kami ng condo.

“May sinabi ba ako?”tanong ko na nakataas pa ang kilay. Assuming.

“You said isa pang bwisita, what do you mean by that then?”tanong niya na nakataas pa ang kilay sa akin. Napairap na lang ako dahil wala naman akong lusot. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad, iniwanan siya roon.

“Ayaw pa lang malate, bakit kasi iinom inom pa?”bulong ko na napairap sa kaniya. Ang lakas ng loob niyang mang-inis ngayon ay kailangan niya ng tulong ko.

“Ayaw pala akong isabay, bakit kasi hindi tumanggi?”bawi niya naman. Lahat na lang. Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi na pinansin pa. Ang epal niya kasi masiyado. Kainis.

Natahimik na rin naman kami nang makasakay na sa kotse. Nagpatugtog lang ng kung ano. Kulang na nga lang pati sa tugtog ay magtalo pa kami. Mabuti na lang ay nakarating na din kami sa trabaho.

“Hala! Magkasabay kayo ni Mr. Herrera, Ms. Iska?”nakangiting tanong sa akin ni Jade. Napailing naman ako dahil sa tanong niya. Dire-diretso lang akong pumasok sa loob ngunit ang ngisi nito’y hindi nawawala. Hindi ko na lang din naman pinansin.

Maya-maya lang ay nag-umpisa na rin ang shoot.

“Hi, Ms. Iska? Can you type your number here? It’s not for personal purpose anymore, it’s for work.”ani Tome sa akin. Tinignan ko naman siya na nakataas ang kilay. Hindi ko na lang siya pinansin para iwas stress. Sapat na si Silas para stress-in ako. Huwag ng dagdagan pa.

Katulad ngayon, ang dami dami niya nanamang gustong baguhin, ni hindi muna nagtatanong ng opinyon ko.

“Ano?”tanong ko dahil kay Jade niya sinabi. Kunot na kunot naman ang noo ko, ako ‘yong nandito bakit sa iba niya pa sinasabi? Dire-diretso naman akong lumapit sa kaniya.

“What?”tanong niya nang makitang masama ang tingin ko. Wow, may pawhat what pa siyang nalalaman, what what-in ko ‘yang mukha niya e.

“Bakit babaguhin?”tanong ko sa kaniya.

“Hindi pa babaguhin, we’re suggesting about it pa lang. Advance ka masiyado.”sabi niya na umirap pa. Wow, huh?

“Bakit hindi mo sa akin idiscuss?”tanong ko. Tinignan niya naman ako bago siya napabuntong hininga.

“I don’t want to fight with you…”aniya sa akin.

“We’ll discuss it with you rin, hindi pa naman sure kaya huwag na lang muna.”aniya.

“Discuss it to me. Gusto ko malaman kung ano man ang tingin mo. Tumango naman siya sa akin dahil do’n at nagsimulang sabihin ang mga napupuna niya. Noong una’y naiinis pa ako pero sinubukan ko naman intindihin at gets ko naman ang pinupunto niya.

“Let’s change it then.”sambit ko dahil nakaisip naman ako ng scene para roon. Tinignan niya naman ako na para bang ngayon lang sumang-ayon sa kaniya. Napairap na lang ako at hindi na pinansin pa ang tingin niya.

Nang matapos kami roon, nagkaroon din kami ng meeting para sa place na pupuntahan namin next week, kailangan kasi naming maghanap ng forest para sa maraming scene, para mas makatotohanan.

Nang makahanap sila ng location natapos na rin naman ang meeting.

Ganoon lang ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw, medyo nagkakasundo naman kami ni Silas kahit na minsan ay talagang hindi ko lang maiwasang mapikon sa kaniya pero mas maayos kami ngayon kaysa noong unang shoot.

“Hanggang kailan ka roon, te?”tanong sa akin ni Chico.

“Hindi ko lang sigurado. Baka dalawang linggo, Chico.”sambit ko naman sa kaniya kaya napatango siya.

“Ingat ka roon, Te, huwag kang papalipas ng gutom.”aniya pa kaya nginitian ko lang siya.

“Oo, kayo rin dito.”sambit ko sa kaniya. Tumango naman siya sa akin dahil sa sinabi ko.

Inihatid lang ako ni Chico sa media star. Sasabay lang din naman ako sa van dahil ayaw kong magmaneho patungo roon.

“Ms. Iska, oks lang po ba na kay Direk na lang kayo sumabay? Wala na po kasing pwesto rito e.”sabi nila sa akin. Napatingin naman ako kay Silas na siyang tinignan lang ako at kalaunan ay tumango rin. Pumayag na lang din ako, alangan naman magpakipot pa. Sumakay naman na ako sa kotse niya.

Tahimik lang kami buong byahe, wala talagang nagsasalita sa amin. Pakiramdam ko’y mapapanisan talaga ako ng laway kapag ‘tong si Silas ang kasama ko. Napakibit na lang ako ng balikat dahil wala rin naman akong balak na kausapin siya.

Kung ano ano lang ang ginawa ko para libangin ang sarili. Nang makarating do’n ay kaniya kaniya naman na silang tayo ng ilang tent na gagamitin. May pagsstay-an naman kaming hotel. Doon namin dineretso ang mga gamit kanina. Kasama ko sa kwarto ang mga co-writers ko. Sa kabilang kwarto lang ay nandoon sina Silas.

“Ms. Iska, sandwich ka muna.”ani Jade sa akin habang abalang abala ako sa pagsulyap sa forest. Iniisip na kung saan magandang maganap ang mga scene dito sa script, although naayos naman na ng art designer ‘yon.

“Direk!”malakas na sigaw ng isang production assistant habang hingal na hingal na lumapit kay Silas na siyang katabi ko lang, abalang abala rin kasi ‘to sa pagtingin sa paligid.

“What?”tanong niya ma seryoso lang habang nagtetake down ng notes.

“Si Mr. Tome po! Tumawag po ang manager niya. Hindi po siya makakaalis sa manila!”sabi nito. Napaawang namang ang mga labi ko sa biglaang sambit nito. Leading man si Tome, hindi pupwedeng ganoon ang mangyari.

“What? Why?”kunot noong tanong ni Silas.

“Kumalat po ang scandal nila ni Ms. Julian saka lumabas din po lahat ng mga katarantaduhan niya. Sorry for the words, Direk. Pati po ‘yong sa mga bar incident at mga car accident niya lumabas po.”anito.

We’re screw.

Shit.

Bulungan naman ng mga crew members ang narinig. Kita ko pa kung paano hilutin ni Silas ang kaniyang sentino, mukha siyang stress dahil sa nangyari.

“Call his manager, I’ll talk to him.”aniya na mukhang nagpipigil ng inis. Pinapakalma rin ang kaniyang sarili.

“Back to work.”aniya pa kaya iniwas naman ng mga kasama namin ang kanilang tingin ngunit hindi pa rin talaga maiiwasan ang magbulungan.

Lumayo naman siya nang ibigay ang phone sa kaniya. Tinitigan ko lang naman kung paano nagbago ang ekspresiyon ng mukha niya. Halatang inis na inis na.

Hindi ko naman maiwasang kumuha ng malamig na inumin at lumapit sa kaniya. Mukha siyang sasabog na anytime nang ibaba niya ang phone niya.

“Inom ka muna.”sambit ko at nilahad ‘yon sa kaniya. Tinignan niya lang naman ang hawak ko bago niya ako nilingon. Kita ko pa ang bahagyang pagtaas ng kilay niua. Hindi niya naman ‘yon tinanggap bagkus ay nagsalita lang siya. Mga katagang tuluyang nagpayamot din sa akin.

“I told you that he’s not good, right? Kung nakinig ka lang kasi sa akin edi sana hindi tayo dadating sa ganito.”aniya sa akin kaya napaawang ang labi ko. Wow, ako na nga ‘to nagmamagandang loob. Ang kapal naman ng ampog ng isang ‘to. Sarkastiko pa akong tumawa dahil sa sinabi niya.

“Bakit parang kasalanan ko?”kunot noo kong tanong sa kaniya. Bakit parang sa akin ang sisi? Oo, ako ang nagsuggest na siya ang kunin. Pinaglaban ko ‘yon pero bakit? Ako lang ba ang nagdesisyon?

“Hindi lang naman ako ang nagdesisyon dito!”masama ang loob na saad ko sa kaniya. Hindi naman siya nagsalita nang makitang napipikon na ako sa kaniya pero ganoon din naman siya. Mukha rin siyang inis na inis at frustrated ngayon pero bakit nga ba sa akin niya binubuntong ang inis? Hindi ko tuloy mapigilan ang mayamot din sa kaniya. Ang ganda ganda ng mood ko, sisirain niya lang. Kainis.

Bakit nga ba lumapit pa ako sa kaniya e hindi naman talaga kami ayos? Tanga ka rin, Iska.

“Act professional. Para kang bata. Kung may galit ka sa akin, huwag mong idamay ang trabaho.”inis kong sambit.

“Sorry ahh. Kasalanan ko e.”sarkastiko ko pang saad.

“Then take resposibility, alam mo pala.”aniya rin ng sarkastiko.

Wow.

Take two, pleaseWhere stories live. Discover now