Chapter 27

712 26 0
                                    

Chapter 27
Iska’s POV

“Hoy, bakit ang aga mo?”tanong sa akin ni Leo nang bumalik ako sa apartment. She was looking at something bago siya napatingin sa akin. Hindi naman ako nagsalita at inalis na ang suot na sandals.

“Bigla akong inantok, hindi na ako tumuloy.”sabi ko kaya agad niya akong nginiwian at pinagtaasan ng kilay.

“You think maniniwala ako sa’yo sa palusot mong ‘yan, Iska?”tanong niya sa akin. Napakibit lang naman ako ng balikat.

“Ewan, bukas na lang natin pag-usapan. Bihis lang ako.”sabi ko at kinuha na ‘yong pajama ko bago ako nagtungo sa cr. Ramdam ko naman ang pagsunod niya ng tingin sa akin na siyang hinayaan ko na lang din.

Matagal akong nasa cr. Nakatulala lang at ramdam ang pagbagsak ng luha. Well, sa loob ng 25 kong taong namumuhay, ngayon lang ako nagkagusto ng ganito.

Nang makalabas ako’y kita ko pa rin ang tingin ni Leo sa akin. Mukhang gusto niyang magtanong ng magtanong ngunit hindi na lang din nagsalita at hinayaan na lang ako rito.

“Resbakan ko na ba ‘yang f bf mo?”tanong niya sa akin na nakataas ang kilay. Umiling naman ako agad.

“Hindi ko naman na siya fake boyfriend. Tapos na kami no’ng nakaraan pa.”sambit ko.

“So? Kaya ka nagkakaganiyan? Shot, tara.”aniya na niyaya pa ako kina Aling Osang, tinawanan ko lang naman siya at inilingan.

“Huwag na, ayos lang ako. Itutulog ko na lang ‘to.”sambit ko sa kaniya.

“Fine, basta sabihin mo lang ako kapag need mo ng tagapakinig at shot buddy, dito lang me.”aniya sa akin. Tumango naman ako at nginitian siya. Nahiga naman na ako sa kama. Alam kong nagtetext ang Mommy ni Silas sa akin kaya pinatay ko na ang phone ko kanina pa. Sinubukan kong magsulat sa laptop ngunit masiyado ko lang naiisip si Silas.

Napabuntong hininga na lang ako bago ako nahiga sa kama. Sinubukan ko pang mahiga at matulog ngunit hindi rin ako mapakali. Ramdam ko na lang talaga ang inis sa sarili. Kailangan ko nga talagang uminom, pampaantok.

Agad naman akong sinilip ni Leo nang marinig niya akong tinatawag siya.

“Ano, tara, shot na?”tanong niya sa akin.

“May trabaho ka pa bukas?”sambit ko naman sa kaniya.

“Sus, easy lang ‘yon. Halika na!”aniya na hinila na ako patayo. Nagpahila rin naman ako sa kaniya.

“Teka lang, Girl, nandito ex fbf mo.”aniya sa akin at nginuso si Silas na siyang nakasandal lang sa kotse niya. Napatikhim naman ako dahil do’n.

“Ano?”tanong sa akin ni Leo.

“Kausapin ko lang sandali.”sambit ko naman kaya tumango siya.

“Senyasan mo ako kapag kailangan suntukin.”aniya kaya bahagya akong natawa at umiling. Bumalik naman na siya sa loob. Nang makaalis ito’y agad kong sinalubong ang malamig na tingin ni Silas sa akin. Bakit? Nalaman niya bang dumalo ako sa party niya? Sorry agad kung nakita ako ng girlfriend niya.

“Oh, anong ginagawa mo rito?”tanong ko sa kaniya, wala ring kangiti ngiti sa mukha. Tinignan niya naman ang suot ko. Mukha siyang mas lalong nainis. Ano nanaman ba?

“Nagpunta ka ba?”tanong niya. Napatikhim naman ako dahil do’n.

“Anong meron?”tanong ko naman sa kaniya. Kita ko ang pagsimangot niya at pagkunot ng kaniyang noo. Huwag kang sumimangot, I know your night is already wholesome, hindi mo na kailangan ng kaibigan. Hindi mo na ako kailangan pa lalo na’t nandoon naman na ang girlfriend mo.

“It’s my birthday.”aniya na mukhang iritado pa habang sinasabi ‘yon.

“Ahh, oo nga pala, sorry, nakalimutan ko.”parang wala lang na saad ko.

“Ahh,”aniya.

“Sige, alis na ako. Good night.”sambit niya na tinalikuran ako. Tinignan ko lang naman siyang makasakay sa kotse niya

Hindi ko siya hinabol o ano, pinanood ko lang siya kung paanong tuluyang maglaho sa harapan ko. Masanay ka na dahil tuluyan na ring mawawala kung ano man ang namamagitan sa inyong dalawa, Iska. Masanay ka dahil tapos na talaga.

Nang makaalis na ang kotse niya, napaupo na lang ako sa kinatatayuan ko at tila ba isang iglap, naluha na lang ako.

“Para kang tanga, tumayo ka nga riyan, Iska. Halika na.”ani Leo sa akin na mukhang awang awa sa akin.

“Tangina talaga no’ng ex fake boyfriend mo. Punta punta, iiwan ka rin pala.”aniya sa akin. Hinaplos niya pa ang buhok ko para patahanin ako.

“Tara na.”sambit ko kahit na alam ko namang makakatulog na ako nito dahil sa iyak ko. Nagtungo kami kina Aling Osang.

“Oh, girl, bakit parang magang maga ‘yang mata mo?”tanong sa akin no’ng babaeng nag-iinom din sa tapat ng tindahan. Hindi naman ako nagsalita doon.

“Huwag mong sabihing umiiyak ka dahil sa lalaki?”tanong niya.

“’Yan kasi hirap sainyo e, masiyado kayong nagpaadala sa mga salita ng hinayupak na ‘yan.”sambit pa niya. Kinausap naman siya ni Leo, dahil masiyadong friendly ang isang ‘to, akala mo’y sampung taon na silang makilala.

“Aling Osang, tatlong red horse po.”ani Leo kay Aling Osang na nakikichismis pa sa amin. Tahimik lang naman ako habang nagchichikahan sila no’ng babaeng nagngangalang Esme. Habang nag-iinuman kaming tatlo, bigla na lang nag-emote si Esme at Leo. Hindi ko alam kung ako ba dapat ang nag-iinom o ‘tong dalawang ‘to.

Hindi naman kasi ako ‘yong tipong kapag may kaharap ng alak, ibubuga na ang lahat. Sabi ko nga, antok lang ang nadadala sa akin nito.

“Gago, pagod na ako, pagod na akong laging umintindi, pwede bang magpahinga na? Nakakapagod.”ani Esme habang tumutungga ng alak.

“Sana naman, kahit kaunti lang, kaunting improvement lang, gustong gusto ko pang makita ang kapatid ko.”sambit naman ni Leo. Hindi ko naman alam kung paano sila patitigilin dahil naghahagulgulan na sila. Nailing na lang ako at imbis na uminom pa’y huminto na rin ako dahil kawawa kaming tatlo kung sakaling lahat kami’y tengga.

“Iska, hindi ka iinom?”tanong sa akin ni Leo na pulang pula na ang mukha.

“Hindi na, nakakahiya naman sa’yo.”pagbibiro ko kaya agad nanlaki ang mga mata niya.

“Your turn, inom ka na, tapos na akong magdrama. Sorry.”sabi niya kaya napatawa ako.

“Ayos lang gaga, ge na, inom ka na, ako na bahala sainyo.”sambit ko at ngumiti pa. Umiling naman siya kaya ang ending pinanood lang namin si Esme na uminom. Mukhang ang daming pinagdadaanan ang isang ‘to.

“Aling Osang, saan bahay nitong si Esme?”tanong namin sa kaniya.

“Hindi ko rin alam e, mukhang napadpad lang ‘yan dito. Bracelet nga ang ibinayad sa red horse niya.”sambit ni Aling Osang at pinakita pa ang mukhang mamahaling bracelet ni Esme. Well, mukha naman talaga siyang yayamanin.

Nagkatinginan naman kami ni Leo. Hindi naman namin siya pwedeng iwanan dito dahil baka mapagtrip-an ng kung sino. Wala kaming nagawa kung hindi ang dalhin siya sa apartment, buti na lang din ay tulog na si Aling Nora. Hiniga lang namin ni Leo si Esme sa may kama ko. Bagsak na bagsak na ‘to nang nakahiga na.

“Gusto mo na bang pag-usapan?”tanong sa akin ni Leo nang maayos na namin si Esme.

“Pwede?”tanong ko sa kaniya.

“Oo naman, makikinig ako.”aniya. Naupo lang kami sa sahig dito sa apartment. 

“Wala na… tapos na kung ano mang mayroon kami…”sambit ko at napakibit ng balikat. Napatitig naman siya sa akin dahil do’n.

“Tinapos niyo na? Anong sabi niya?”tanong niya sa akin. Umiling naman ako.

“Oo, tapos naman na ang contract at sila na ni Ms. Eva, kahit ano roon ay void na ang contract, tapos na.”sabi ko.

“Alam mo tanga ka no?”sambit niya kaya nginiwian ko siya at inirapan.

“Kinausap mo?”tanong niya. Umiling naman ako.

“Sana kinausap mo, nilinaw mo, hindi ‘yong nagmumukmok ka ngayon diyan.”sambit niya sa akin.

“Ayos na, tanggap ko naman na. Ilang beses mo na rin akong binalaan pero tinuloy ko pa rin, ako talaga ‘tong tatanga tanga.”sambit ko na napailing pa.

“Buti alam mo! Girl, umpisa pa lang alam mong sobrang delikado niyang pinasok mo. Hay nako, buti nga’t nahanda mo pang kaunti sarili mo, paano kung hindi? Edi wasak na wasak ka!”sambit niya. Napanguso ako dahil parang alter ego ko ‘tong si Leo.

“But still I want tell you na linawin mo muna, I don’t think na ‘yong nararamdaman sa’yo ni Silas ay wala lang. Grabe, sa araw araw ka ba naman niyang sinusundo at nagagawa pang magdala ng donut dito para lang ibibigay sa’yo. Imposibleng wala lang ‘yon.”aniya pa sa akin. Sobrang mapagmatiyag nitong si Leo, minsan nga naisip ko na pupwede siyang maging imbistigador.

Naalala ko no’ng nakaraan, may nawawalan ng pera rito sa apartment at siya ang sinisisi dahil siya lang naman daw ang mukhang magnanaw dito. Ako ‘yong naoffend para sa kaniya, inis na inis siya no’n pero ang ending siya rin ang nakapagpalabas kung sino ang kumuha ng pera dahil alam na alam niya pa kung anong oras lumalabas ng apartment ang mga kasama namin. Kaya nga tanungan ‘yan ng bayan e.

“You know hindi sa nanghihimasok but I know he likes you… alam ko ‘yon kasi may mata ako.”sabi niya sa akin.

“Alam mo ikaw, hindi talaga kita maintindihan, anong gusto mong mangyari?”natatawa kong tanong.

“I just want you to be happy. Deserve mo ‘yon e.”aniya sa akin at malapad na ngumiti.

“Thank you…”sambit ko bago napakibit ng balikat.

“Alam mo minsan naisip ko na ang galing talaga ng mundo no? Minsan maririnig natin ‘yong mga katagang gusto nating marinig, sa ibang tao pa.”ani ko.

“Ulol, anong ibang tao? Best friend na kaya tayo! Huwag mong itanggi, suntukan na lang.”aniya kaya napatawa ako. If Marisa will hear this, paniguradong aawayin ako no’n. Kapag nagkukwento ko nga si Leo ay agad niyang ginigiit na siya raw ang best friend ko. But I like them both, they are both the bestest.

Kapag nalaman din ni Marisa na hindi ko sinabi sa kaniya ang tungkol sa totoong relasiyon namin ni Silas, patay ako roon. She’s going to kill me. Alam kong pipigilan agad ako ng isang ‘yon sa katangahan ko, katangahan preventer ang isang ‘yon.

“You know what I’m glad I met you.”nakangiti kong saad kay Leo. Sobrang swerte ko talaga sa mga kaibigan. Kaunti pero sigurado.

“Girl, huwag kang ganiyan baka maging crush kita.”aniya kaya hinagisan ko siya ng tissue na iniabot niya kanina. Ang kanina’y malungkot na usapan namin ay nauwi tuloy sa kwentuhan na puno ng katatawanan. She’s really good at making people happy.

“Sige na, itulog na natin ‘to.”sabi ko dahil ang tagal naming nagkukwentuhan.

“Sure ka makakatulog ka? Pupwede naman kitang kausapin na lang, sabayan kitang magpuyat.”natatawa niyang saad.

“Makakatulog ako.”sabi ko naman ng natatawa. Tumango naman siya sa akin bago umakyat na sa may bed niya.

I was about to go to bed nang makita ko ang regalo ko dapat kay Silas. Parang sa isang iglap ay nawala ang tawa ko dahil sa pakikipagkwentuhan kay Leo.

I brought a film slate movable pin. Pinacustomize ko ‘yon noong nakaraan month pa ata dahil nga handa na talaga akong ibigay sa kaniya ‘yon, may kasama rin ‘yong penpal letter and poetry that I wrote specially for him. Hindi ko naman maiwasang titigan ‘yon. Anong gagawin ko ngayon dito? Dapat ko bang ibigay? Huwag na, Iska. He won’t probably need this.

Gusto kong matulog ngunit ayaw pa rin ng mga mata ko. Nagdadalawang isip pa rin kung dapat ko ba siyang batiin ng happy birthday o huwag na. Sa huli’y para matahimik na ang utak ko at makatulog na ako’y kinuha ko ang phone ko para itext siya.

Napanguso ako nang makitang punong puno ‘yon ng call mula kay Tita at Axel. May text dib galing kay Silas. Bago siya magtungo kanina rito.

I was about to proceed in my plan on chatting him kaya lang ay nakita ko ang sinend ni Niel sa messenger. Post ni Ms. Eva. Litrato nilang dalawa ni Silas.

‘Happy birthday to you, My Direk! I love you!!’

Ibinaba ko na lang din ang phone ko dahil do’n. Kompleto na ang birthday niya, binati na siya ng girlfriend niya. Hindi niya na kailangan pa ng birthday greet mo, Iska.

Take two, pleaseWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu