Chapter 1

1.8K 35 0
                                    

Chapter 1
Iska’s POV

“Iska!”tawag sa akin ng kaibigan kong si Nica.

“Uyy, anong balita? Nakapasa ka ba?”tanong ko sa kaniya.

“Oo, Sis! Pasado!”nakangisi niyang saad at tumalon talon pa.

“Congrats!”malakas kong sigaw at niyakap pa siya.

“Grabe, magiging teacher na ako, Girl!”malakas niyang sigaw at patalon talon pa habang niyayakap ako. Hindi ko mapigilang maging masaya para sa kaniya ngunit hindi ko rin maiwasang malungkot para sa sarili.

Huwag kang maglungkot lungkutan diyan, Iska, panindigan mo ‘yang naging desisyon mo sa sarili. Wala kang oras para manghinayang sa ginawa mo noon.

“Libre na yarn!”natatawa kong saad sa kaniya.

“Oo, Girl, punta ka later sa bar, nandoon lahat ng kaibigan natin!”aniya sa akin at yumakap pang muli. Ngumiti naman ako sa kaniya at tumango.

“Siya sige na, Iska, punta na ako sa bahay!”paalam niya sa akin at kumaway pa, nasa kabilang bahay lang siya, kaibigan ko na ‘to noong high school ako, no’ng lumipat kami rito sa laguna pagkatapos ng ilang taon nang mamatay si Papa. Bahay ‘to nina Lola, nakikitira lang kami nina Mama dahil matapos mawala nito, nagkandaletse letse na ang buhay namin.

Guard ang Papa ko sa dati naming tinitirhan, respetado dahil kilala ng mga tao bilang isang may prinsipyong tao. Simple lang ang buhay namin ngunit masaya. Nang tuluyan na siyang mawala, parang nawalan din ako ng ina dahil nagpatuloy sa pagsusugal si Mama, nalubog sa utang kaya maski ang bahay namin ay naibenta. Isang taon pa lang si Chico no’n habang si Lebon, tatlong taon, ako naman ay walong taon.

Pinanood ko si Nica na siyang niyakap ng kaniyang ina matapos niyang sambitin na nakapasa siya sa board exam. Mas matanda ako ng ilang taon sa kaniya pero mukhang malayo na ang mararating nito.

“Ano? Inggit ka sa kapitbahay natin no? Tanga ka e, binigyan ka ng pagkakataon ng lola mo na mag-aral pero anong ginawa mo? Masiyado kang nabulag sa isang librong napublish mo? Ano ka ngayon? Nganga?”nakangising saad sa akin ni Mama. Hindi ko na pinansin pa ang gusto nitong sabihin, nagpatuloy na lang ako sa pagpasok sa loob.

Araw araw kong naririnig ang panunumbat sa akin ni Mama. Hindi ako nagsasalita dahil alam kong tama naman talaga siya. Hindi ako nag-aral simula ng makatapos ng senior high dahil gusto kong sundan ang pangarap kong maging writer at screenwriter ng mga sikat na palabas. Ang sabi ko noon, bakit pa ako mag-aaral kung iba naman ang gusto kong mangyari. Simula no’ng araw na ‘yon, I chase after my dream, kaya lang hindi pala ganoon kadali ang buhay. Ilang taon na akong naghahabol at haggang ngayon wala pa rin akong napapala.

“Ano? Bastos ka talaga? 25 ka na pero wala ka pa ring nararating sa buhay.”aniya pa sa akin. Napakuyom na lang ako ng kamao dahil alam ko naman ‘yon. Araw araw niya kayang pinamumukha na wala na talaga akong mararating. Na hanggang dito na lang ako. 

“Oo na, Ma, hindi ka pa ba sawa sa mga lintaya mong ‘yan?”tanong ko na masamang masama na ang loob. Nakatingin lang naman sa amin ang mga kapatid kona siyang kumakain sa kusina. Sa halos araw araw nilang naririnig ang mga sinasabi ni Mama, hindi pa ata sila nasasanay.

Dire-diretso lang akong pumasok sa kwarto na para sa akin. Kay Lola ‘tong bahay ngunit wala na siya kaya kaming pamilya na lang ang natitira rito, hindi naman pinapakialaman ng nga kapatid ni Mama dahil sa kanilang magkakapatid, ang pamilya namin ang pinakakulelat. Kami ‘yong pinakamahirap kaya hindi nagsasawa si Mama kakasumbat. Pagkatapos niyang malulong sa sugal, nalulong naman ‘to sa pagpapamukha kung gaano ako katanga sa mga desisyon ko sa buhay.

“Pa, miss na kita…”mahinang bulong ko sa sarili habang nakatingin sa litrato ni Papa na siyang nasa tabi ng kama ko. Siya ‘yong nag-iisang taong nagtitiwala sa kakayahan ko ngunit baka pati siya’y disappointed na rin sa akin dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin natutupad ang mga pangarap. 25 na ako pero nganga pa rin.

“Siguro bigong bigo ka na sa akin no, Pa? Sorry po…”pabulong na saad ko at niyakap pa ang mga tuhod habang nakatingin sa litrato niya. Laging sinasabi sa akin ni Papa noon na alam niyang malayo ang mararating ko sa buhay, lagi niya pang kinukwento sa ibang tao kung gaano kataas ang pangarap ko.

Matagal lang akong nanatili sa ganoong posisyon nang may kumatok sa kwarto ko.

“Ate, kain ka na.”sabi ni Chico nang pagbuksan ko siya ng pinto.

“Hindi na, aalis na rin ako para sa part time ko.”sambit ko naman sa kaniya. Kita ko naman ang kagustuhan niyang mamilit ngunit natatawa ko na lang siyang kinotongan.

“May kailangan ka no?”tanong ko na pinagtaasan siya ng kilay. Natawa naman siya sa tanong ko at bahagyang napanguso.

“Grabe, Ate, ginawa mo naman akong mukhang pera.”sambit niya.

“Hindi ba?”natatawa ko namang tanong sa kaniya.

“Gusto lang naman kitang bigyan, grabe ka.”aniya sa akin na akala mo’y nagdadrama pa. Palihim ko na lang siyang inabutan ng pera dahil kapag nalaman na naman ni Mama, may masasabi na naman.

Nang palabas na ako’y kita ko si Lebon na seryosong nag-aaral sa sala. Sa aming tatlo, si Lebon ang pinakamasipag mag-aral, si Chico naman ang pinakamaloko.

“Psst.”tawag ko kay Lebon. Nilingon niya naman ako.

“Ate?”tanong niya sa akin.

“Dagdag mo sa baon mo.”bulong ko at palihim na ibinigay sa kaniya ‘yon.

“Daya! Mas mataas kay Kuya!”bulong bulong ni Chico na nakikisilip pa sa inabot ko kay Lebon.

“Thank you, Ate. Oh, bente pandagdag.”ani Lebon na inabutan naman si Chico. Nagpaalam naman na ako sa kanila na aalis na.

Nagtungo na ako sa part time job ko rito sa bookstore, hindi pupwedeng wala akong pagkakitaan dahil wala akong kakainin kung sakali, kung magiging palamunin pa ako sa bahay, paniguradong hindi lang ‘yon ang maririnig ko mula kay Mama.

“Good afternoon, Iska!”bati sa akin ng ilang mga kasamahan ko. Binati ko naman sila pabalik bago ko iginiya ang ilang customer dito.

“Ate, may book 2 pa po ba kayo ng spaire me twice?”tanong sa akin no’ng isang batang babae. Agad naman akong napangiti sa taste nito. Sobrang ganda ng librong ‘yon at worth it basahin.

“Yup, mayroon din kaming book 3 and 4 dito at kung interested ka rin, mayroon kaming spare my time with the same author.”sabi ko at medyo na excite pa habang sinasambit ‘yon. Nakatingin lang naman ‘to sa akin.

“Ahh… ano po… book 2 na lang po muna, ‘yon lang ang keri ng budget ngayon saka nabasa ko na rin po ang spare my time.”aniya. Gusto ko pa sanang magtanong kung anong paborito niyang scene doon kaya lang ay baka masisante pa ako sa trabaho. Well, hindi naman sa bawal pero syempre kailangan pa ring maging propesiyonal kahit paano.

“Iska, sikat na sikat na ‘yong kaibigan mo no’ng high school.”nakangiting saad sa akin ni Cherry.

“Oo nga e.”nakangiti kong saad habang inaayos ang ilang librong nagulo dahil sa paghahalungkat ng ilang estudyanteng pumasok kanina.

“Engineer na ‘yon, ‘di ba? Tapos writer pa! Mapapasana all ka na lang.”nakangisi niyang saad sa akin. Halatang gusto lang akong inisin.

“Sana all nga.”sambit ko na lang at hindi na pinansin pa ang pang-aasar nito. Hindi ko gusto kapag nilalamon ako ng inggit kaya hindi ko na lang din pinansin pa ang mga katagang naririnig mula sa kaniya. Hayaan ko na lang na magsawa ito kaysa mapikon niya ako.

“Kunwari ka pa, inggit na inggit ka naman, palibhasa wala ka pa ring nararating, mananatili ka na lang dito sa bookstore.”aniya sa akin. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay dahil sa sinabi niya. Napangisi na lang ako dahil lumalabas nanaman ang kung anong gusto niyang sabihin, ayaw nanaman magpaawat ng kaniyang bibig.

“Wow, huh? Sige palit na tayo. Mas aware ka pa ata sa nararamdaman ko, Girl?”nakangisi kong saad sa kaniya.

“Sis, inggit lang ‘yan sa’yo kaya ganiyan, huwag mo ng patulan.”bulong sa akin ni Marisa.

“Te, anong kaiinggitan niya sa akin, letseng letse na buhay ko oh.”sabi ko na nailing na lang.

“Te, bukod sa maganda ka at crush ni Cedrick na siyang crush ni Cherry, madiskarte ka rin sa buhay, higit pa roon, ang gaganda ng mga nobelang sinusulat mo, hindi ko nga alam kung bakit hindi patok sa panlasa ng iba, palibhasa’y laging gusto ‘yong mga love story na hindi naman makatotohanan.”aniya sa akin.

“Marisa, kung totoong madiskarte ako, edi sana pinili kong mag-aral, saka kung talagang magaganda ang mga nobela ko, edi sana ang dami ng offer sa akin?”tanong ko naman pabalik sa kaniya.

“Sis, hindi porket hindi ka na nag-aral, hindi ka madiskarte, girl, hindi naman lahat ng bagay nakaikot sa eskwela. Bakit? Sa tingin mo ba kung hindi dahil sa’yo, lubog pa rin kayo sa utang hanggang ngayon. Baka nga hindi na rin nag-aaral ang mga kapatid mo.”sambit niya sa akin. Pinapagaan ang loob ko. Kaibigan ko na si Marisa noon pa at siya ‘tong tumulong sa akin para makapasok dito sa bookstore.

“’Yan, nagsama ang dalawang boba. Parehas na walang pinag-aralan.”ani Cherry at tumawa pa. Sa aming lahat dito, siya ‘tong nakatungtong ng college kaya ang lakas mangantiyaw. Pare-parehas lang kaming tatlo ng highschool na pinasukan noon kaya may alam din siya tungkol sa amin.

Hindi na lang namin siya pinansin pa ni Marisa. Bumalik na sa counter si Marisa habang ako’y naging abala sa pag-aayos ng ilang nagulong gamit.

“Iska, may gagawin ka pa ba mamaya?”tanong sa akin ni Cedrick.

“Labas tayo! Treat ko!”sabi niya at nginitian ako.

“Anong meron?”tanong ko sa kaniya habang tinatali ang paalon alon kong buhok.

“Birthday ko ngayon, gusto sana kitang imbitahan.”aniya sa akin. Nakita ko naman ang masamang tingin ni Cherry sa akin. Agad akong napangisi dahil do’n. Aba’t kahit na anong maging sagot ko’y mas lalo lang ‘tong maiinis sa akin.

“Sorry, Ced, busy kasi ako.”sabi ko na nginitian na lang siya. Totoong busy ako dahil magsusulat ako mamaya, mas gumagana ang utak ko kapag gabi.

“Oh… ayos lang.”mukha siyang disappointed ngunit dinaan niya na lang sa ngiti.

“Kahit saglit lang, Iska? Ako na rin maghahatid sa’yo pauwi.”aniya na napanguso pa.

“Ako, Ced, hindi mo yayayain? Pupwede ako.”ani Cherry sa isang gilid habang malapad ang ngiti. Bilib na bilib talaga ako rito kay Cherry, minsan nga’y magpapaturo ako ng mga moves niya para sa ilang characters ko.

Iniwan ko naman na silang dalawa na nag-uusap doon. Nang matapos ang oras ng trabaho’y painat inat na lang akong lumabas ngunit agad akong hinarang ni Cedrick.

“Iska, sige na, kahit saglit lang oh, birthday gift mo na sa akin.”aniya sa akin.

“Oh, para wala kang masabi.”natatawa kong saad at iniabot ang maliit na balot, binili ko lang din sa bookstore ang mumurahing ballpen.

Napanguso naman siya dahil do’n. Anak ng boss namin si Cedrick, ang Daddy niya ang nakafranchise sa bookstore dito sa amin kaua lagi rin siya rito. Lalagpasan ko na sana kaya lang ay hindi pa rin nagpaawat at nangungulit pa rin.

“Tara na, Ced, ang arte masiyado ni Iska, hindi naman kagandahan.”ani Cherry kaya napairap na lang ako at hinayaan siya roon.

Umuwi naman na ako na may dala dalang donut para sa sarili. Napakunot pa ang noo ko nang makita sina Mama na nasa tapat ng bahay at nagsusugal nanaman. Maliit na ang taya ngayon pero kahit na, sugal pa rin ‘yon, piso man o ano.

“Wow, sarili mo lang talaga iniisip mo. Hindi mo man lang naisipang bilhan ang mga kapatid mo.”ani Mama sa akin. Sulsol pa ng nga kalaro niya ang narinig ko, hindi ko na lang din pinansin pa at nagpatuloy na sa paglalakad papasok ng bahay.

Naglinis na ako ng katawan at agad na pumwesto sa harap ng laptop na panahon pa ni kopong kopong no’ng binili ko. Galing ‘to doon sa unang libro na napublish ko at pagakatapos no’n? Hindi na nasundan pa.

“Iska!”halos ilayo ko sa tainga ang cellphone sa malakas na sigaw ni Marisa mula sa kabilang linya.

“Tanggap ka na raw!”aniya.

Take two, pleaseWhere stories live. Discover now