Chapter 36

829 23 1
                                    

Chapter 36
Silas’ POV

“Niel, hot coffee, please.”sambit ko kay Niel na siyang tumango sa akin.

“Roger, Direk.”aniya na mabilis pa sa alas singkong umalis. Nakikipag-usap lang ako kina Mr. Tan tungkol sa ilang gusto kong baguhin na scene nang dumating sina Ms. Baltazar para ipakilala ang mga bago. For the sake of formalities. Isa-isa naman silang bumati. Tango lang ang ibinigay ko sa mga ito. Friendly naman sina Clark kaya panay ang bati nila sa mga ito. Maya-maya lang ay nakita ko ang isang babaeng nagmamadaling lumapit sa gawi namin.

Mukhang kasama niya si Niel na bumili ng coffee ko.

“Iska po.”aniya sa akin.

Nice name. But that’s not what I’m asking. Mukha siyang distracted sa paghahanap kung kanino. Hindi ko naman maiwasan ang pagtaas ng kilay sa kaniya. Isa rin ba siya sa mga pumapasok dito para sa mga idol nila? Tsk.

“I’m asking about the drinks, where is it?”nang mapagtanto ang sinabi ko’y mukha siyang nataranta at hindi alam ang sasabihin sa akin. That’s what you get from being distracted.

“Punyeta naman, bakit ngayon pa?”I was talking with Ms. Sumera nang marinig ko ang nagsalita mula sa gilid ko. Napatingin naman ako roon. Kita ko si Ms. Sumilang na siyang mukhang nayayamot, napatingin naman ako sa paa niyang kaniyang kinaiinisan. Mukhang nasira ang heels na suot niya.

I was about to offer her my slippers ngunit dali dali siya sa paglalakad na wari ba’y may tinatakasan. Pinanood ko lang siya habang inaalis niya ang heels na suot at nagmamadaling nanakbo na sa malapit na coffee shop. Napakunot pa lalo ang noo ko, paano kung may bubog siyang matapakan? Ang init init pa ng semento.

I’m not that nice but I found myself na kinukuha ang tsinelas sa loob ng kotse ko para lang ipahiram sa kaniya. Ang tagal niya bago bumalik kaya pumasok na lang muna ako sa loob kaya lang ay nakatakbo ito palagi, pagkapasok pa lang ay nananakbo nanaman palabas. Hindi ko alam kung pangarap niya bang maging runner o ano. Nailing na lang ako sa naisip bago ko siya sinundan. I ended up giving her my slippers kahit na mukhang ayaw niya pa.

“Where’s the script?”kunot na tanong ko nang may lumapit na production assistant sa akin. Nagturuan naman sila kaya nailing na lang akong tumayo. Kailangan ng magsimula, ayaw kong nahihinto ang shoot. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad sa loob ng office.

I was about to get mad but I ended up watching Ms. Sumilang while she’s reading the script. Napatikhim lang ako nang mapagtanto na kailangan ko na nga pala ang script.

“Boba, Iska, huwag ka ngang panghinaan ng loob, if you want your script to be like that, write better.”dinig ko pang saad niya.

“If you still want to work here, work better.”sambit ko sa kaniya kaya agad nanlaki ang mga mata niya at napatikhim.

“Narinig niya! Kainis, chismoso!”mahina lang ‘yon ngunit dinig na dinig ko pa rin.

“I’m not chismoso, you’re blabbering to yourself.”sambit ko naman sa kaniya kaya agad siyang patikom ng bibig. Nailing na lang ako dahil do’n.

“Sorry, Sir!”nakanguso niyang paghingi ng tawad. Hindi ko na lang din pinansin at nagpatuloy na lang sa paglabas.

“You won’t come?”tanong ko.

“Susunod na po.”bahagya pa siyang nataranta. Hindi naman sa nagmamadali ako pero parang ganoon na nga.

“Pupwede naman kasing mauna na, hindi ko naman hawak ang camera.”hindi nanaman niya namalayan na nasabi na ang mga nasa isip.

“Pero hawak mo ang script.”sambit ko na nakataas ang kilay sa kaniya. Agad siyang napanguso at nagsorry na lang.

I don’t like liars but I won’t say na hindi ako nagsisinungaling. I’m no saint. Iritado ako sa mga taong hindi alam kung ang buhay ba sa labas ang aatupagin o ang kanilang trabaho. Hindi ko lang gusto ang mga hindi sumusunod sa usapan. I don’t like pa-vip. Kaya nga ginawa ang rules ara sundin. I was irritated nang may mabago sa schedule dahil lang hindi makakarating ang isang artista. Ayaw kong mag-adjust para lang sa iba.

“Direk, relaks ka lang, masiyadong mainit ulo mo.”natatawang saad sa akin ni Mr. Tan. Nagkibit lang naman ako ng balikat bago nagsimula ng magligpit ng gamit. Napatingin naman ako sa paper bag na nasa gilid ng table ko.

Thanks for your slippers.

Alam ko na agad na galing ‘to kay Iska. She really annoyed me earlier. Ang kulit masiyado. Pinagtatakpan ang mali. I was about to walk agad nang makita ko ang nakacrumpled na papel sa baba. Hindi man lang sinakto sa basurahan. Pinulot ko ‘yon para itapon ngunit napataas ako ng kilay nang makita kong sulat niya rin ‘yon.

Hi, thanks for your comfortable slippers. Sorry for lying. Huwag kang masiyadong masungit, Sir, nakakatanda. Hehe. Chos.

Cute.

“Treat mo?”tanong ni Red nang mag-aya akong uminom Napailing naman ako dahil sa tanong nito. Ayaw na ayaw talagang gumastos, napakakuripot. Tumango na lang ako at hinayaan sila.

Iska. That girl can’t stop running around my head. She’s very hard working, madalas ko siyang nakikitang nakaupo lang sa isang gilid habang nagtitipa sa kaniyang laptop kapag breaktime. I don’t know what she’s doing but I heard her talking with Niel, she’s a writer. While looking at her? I just wished her success.

“Mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa, Si. Anong problema mo?”tanong ni Red na lumapit sa akin.

“There’s this girl I’m kinda interested with and I saw her have dinner with this not so handsome boy. What should I do?”tanong ko.

“Layuan mo.”mabilis na saad ni Red sa akin. Napatikhim naman ako dahil do’n.

“Delikado ka na.”natatawa niya pang saad.

“Wow, Si? Having problem with a girl? I kinda like it.”natatawa pang saad ng chismosong si Pulo. Masamang tingin lang naman ang binigay ko sa kaniya.

“I have tons of girls here, bigyan kita.”suggestion niya pa. Hinagisan naman namin siya ng kung ano ano. Kapag nagkaaids ‘to, hindi na talaga ako magtataka, masiyadong malandi.

“But seriously tho. You’re in danger.”natatawa niyang saad sa akin. Hindi ko na lang pinansin dahil ganiyan lang naman talaga ang siraulong ‘yan.

I kinda knew they were right when I saw her the other day. I tried to never think about what I feel but I can’t lalo na kapag nasa iisang set lang kami.

“What’s wrong with her?”tanong ko kay Niel nang makita ko si Iska na siyang mukhang bagsak ang balikat nang matapos sila sa kabilang set. Her eyes look so sad. Mapang-asar lang naman akong tinignan ni Niel bago siya nagkibit ng balikat at umalis.

“Iska.”tawag ko sa kaniya nang makitang tulala lang siya habang nagpiprint ng papel.

“Hindi ka pa uuwi?”ko sa kaniya dahil kanina pa nagsisiuwian ang mga kasama namin dito.

“Uuwi na po.”I knew there’s something wrong, she’s not her usual self na laging nakangiti ang mga mata na para bang manghang mangha sa lahat ng bagay.

“Iska.”hindi ko ulit natiis na tawagin siya dahil pakiramdam ko dapat lang.

“Are you okay?”tanong ko. And just like that she burst into tears. Hindi ko alam ang sasabihin o gagawin ko. Iyak lang siya ng iyak habang nakaupo sa may gilid. Ang ending auy iniabot ko na lang ang panyo ko sa kaniya.

She’s very straightforward pala kapag bad mood or may pinagdadaanan siya.

“Kapag sinabi nilang hindi mo kaya, edi ipagawa mo sa kanila.”sambit ko sa kaniya.

“Paano ‘yon? Easy lang sa kanila?”tanong niya bago suminga sa panyo. I hate it because she’s not even shy na gawin ‘yon in front of me. Pakiramdam ko’y wala akong epekto sa kaniya.

“Kaunting hiya naman oh.”bulong ko.

“Hindi ka naman matuturn off dahil una pa lang hindi ka naturn on.”aniya pa. We? Paano ka naman nakasiguro?

“Uwi na ako, Sir, salamat ho sa panyo, balik ko na lang bukas pero kung gusto niyo naman po balik ko na ngayon.”sambit niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako, she’s getting braver and bolder.

“Want to grab a drink?”tanong ko sa kaniya. Agad naman ‘tong pumayag. I want to give her best drinking experience but I think I was wrong nang makita ko na marami nga pa lang usisero rito. For me, I won’t really mind linking with her, but I think siya ayaw niya. Kita ko kaya kung paano ito lumayo habang papunta kami roon. Halatang ayaw kaming makitang magkasama.

That night we really drink together, saglit lang dahil bagsak agad ang kasama ko. Tulog na tulog siya, hindi talaga ‘to nakikiinom kahit kanino, hindi siya magising kahit na anong gawin ko para itanong ang bahay niya.

I ended up bringing her to my house tuloy bago pa ‘yon nang madaanan ko ang mga kaibigan ko. Gusto pa akong suntukin dahil nandrugs pa raw ata ako ng babae. As if kaya ko ‘yong gawin? I’m not that type of guy. I won’t ever do that. I know how disgusting it feels like.

“What? Hindi ako ganoon. I won’t do that.”masamang tingin ko sa kanila.

“Siguraduhin mo lang, ayaw naming makakita ng kaibigang nasa presinto.”anila sa akin.

“Of course.”sambit ko naman. Well, kahit na mukhang gago mga kaibigan ko, they won’t force themselves with someone na makipagsex sa kanila o ano. They won’y drug someone’s body para roon.

Nang makarating sa bahay nilapiag ko lang si Iska sa kwarto ko. She’s peacefully sleeping. Kahit gusto ko mang palitan ang damit niya, I won’t. I don’t want to do things without her consent. Iniwan ko na lang siya roon bago ako naglinis ng katawan at natulog na rin. But it’s not easy to sleep thinking that your crush is just three door apart. Wow, you have crush now, Si.

We started being close starting that night, paminsan minsan ay nag-uusap sa set, I know she’s not comfortable kapag tinitignan siya ng mga tao kaya iniiwasan ko rin minsan na kausapin siya. Pero minsan ay hindi ko rin maiwasan because I really want to talk with her.

“I think she likes someone. What should I do?”tanong ko kay Red. Siya lang naman ‘tong matinong kausapin dito. Si Milton, isa rin ‘yong walang kwenta, edi lalo na si Pulo na walang alam kung hindi babae.

I saw Iska looking at Clark and Eva. It feels like she was jealous. Hindi ko sure.

“What should you do? Stop with your nonsense.”natatawa niyang saad sa akin. Bakit nga ba ako nagtatanong pa sa isang ‘to? Tama rin naman siya.

Habang patagal ng patagal ang araw inaasar ako ng inaasar ni Iska kay Eva. I don’t actually have feelings for her. She’s my ex, no’ng grade 7 ata. Tagal na no’n. Panay kalandian lang ang alam ko. 1 month lang kami dahil masiyadong selosa, pati teacher pinagseselosan. I wasn’t really interested with her but when Iska suggested the cobtract. Hindi ko alam kung anong katangahan ang pumasok sa isipan ko ay napapayag na lang din ako.  Yeah, I want to date her. I really do.

“What about 4 times a week?”tanong ko nang magsuggest siya na 2 dates sa isang linggo. If I’ll sign this contract mind as well enjoy it. Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ng gabing ‘yon, pakiramdam ko nga’y pumikit lang ako at hindi talaga nakaidlip man lang.

“Ma, what should I cook for someone special?”tanong ko kay Mama.

“Para sa akin?”tanong niya.

“Yeah and for someone pa.”sambit ko.

“Who’s that someone?”tanong niya sa akin.

“Basta po, Ma, someone I really like.”sambit ko.

“Kailan mo ipakikilala?”tanong niya sa akin.

“I don’t know pa po, Ma. Saka na siguro baka matakot lang ngayon.”ani ko.

“You mean to say nakakatakot ako?”tanong niya na nakataas pa ang kilay. Hindi ko naman maiwasang matawa roon. 

“No, Ma…”nagkulitan lang kami habang abalang abala akong nagluluto.

Nang matapos ay nagpaalam na rin ako na maglalunch sa labas.

“Pogi, sinong hinihintay mo riyan?”tanong no’ng landlord nila.

“Si Iska po.”sambit ko.

“Nako, nakaalis na ata!”aniya sa akin kaya napatango na lang ako. Hinintay ko lang ang reply niya sa text ko. Kahit matagal, it was worth it, kahit na sa tapat lang kami ng tindahan kumain ayos lang basta siya ‘tong kasama.

When I met her brothers? Hindi ko mapigil ang ngiti ko dahil sobrang dami kong natutunan sa kaniya like she likes Adobo, she don’t really know how to cook, she have a lot of suitors when she was in highschool and she’s the author of the book that saved me.

“And this is Ate’s first publish book, Kuya!”tulala lang ako nang makitang ‘yong librong sobrang dami kong copy ang first publish book niya. I didn’t know she’s the author of that book.

I still can vividly remember how that book saved me…

“Simpleng halik lang ‘yon, Lucas, hindi mo pa magawa, lifetime opportunity na ang kapalit no’n.”sambit sa akin ni Papa. Puta.

“Pahipo ka lang kaunti tapos ayos na. Sex nga noong una e kaso masiyado kang maarte.”aniya pa. Pahipo ka lang. Wow. Hindi ko alam na ganito siya katangina. He’s fucking disgusting. I can’t believe I look up at him when I was young.

Iniwan niya ako roon, pinilit kong hindi masuka habang hinahawakan ng kaibigan niya. Fuck him. I can’t believe na tatay ko siya. Kadiri. Kahit ilang beses akong maligo, hindi ko pa rin maiwasang maalala kung paanong nakakadiri akong hawakan ng kaibigan niya.

I was in the middle of my class nang maisip kong pagod na ako. Pagod na akong marinig ang hagulgol ni Mama dahil kay Papa, pagod na akong marinig ang paninisi sa akin ni Kuya tuwing umaga. Pagod na akong paulit ulit na maalala ang pang-aabuso sa akin ng kaibigan niya pati na rin ang pakikipaghalikan niya sa kung sino.

Fuck. Everything is just fucking fuck up. I want to end everything.

“Ma’am, cr lang po.”sambit ko. Nilingon ako ng guro na may iritasiyon sa mukha dahil nadistract sa klase ngunit nang makita niyang ako ang nagpapaalam, ngumiti siya sa akin at tumango. Pagod na rin ako sa mga taong mabait lang sa akin dahil napapakinabangan nila ako.

I want to end everything.

Alam ko kung saan pupwedeng huminto ang mundo. Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa rooftop hanggang sa napahinto na lang ako nang makita ang isang libro.

‘Hi, hope you continue living’

“Fuck.”sambit ko nang maramdaman ang luha mula sa mga mata. Pagod na ako e. Bakit kailangan ngayon pa? Hindi ko alam kung paano pero napaupo na lang ako sa tabi ng libro. Ang luha’y patuloy pa rin sa pagtulo.

The book saved me. I wasn’t really fan of reading but I red it. I brought many copies. I said I will thank the person who wrote it so I did go in that book signing but the author didn’t show up. But still, tinago ko ang libro para pasalamatan ang kung sino.

My life became what is it right now dahil do’n and now the author of the book is in front of me. Hindi ko alam kung paano siya babatiin at pasasalamatan. Hindi rin tuloy ako nakapagsalita, baka isipin niyang ang weird ko.

“Silas…”tawag niya sa akin habang nakatingin kami sa palubog na araw.

“Salamat…”aniya.

“Wala naman akong ginawa?”I was the one who should be thanking her. She’s the one who help me.

“Basta, salamat. Tanggapin mo na lang, dami pang sinesay.”napatawa naman ako dahil do’n.

“Fine. Welcome. Thanks din.”sambit ko. Kanina ko pa gustong sabihin kaya lang hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung ready na rin ba akong ikwento ang nangyari sa akin noon.

“For?”tanong niya.

“Basta rin. Tanggapin mo na lang, dami pang sinasabi.”sambit ko na napatawa. Nailing na lang din siya sa akin dahil do’n. But I was really thankful. Sobra.

“Do I look like shit ba? Parang tanga ‘to. Magsalita ka naman oh.”hell, she look so hot. Ang ganda niya. I wish she was really my girlfriend. Parang ayaw ko na siya biglang dalhin sa bar at itakas na lang.

Maski nang nasa resto kami’y sobrang bagal kong kumain para hindi na kami magtagal sa bar. Hindi ko alam kung bakit ba kasi kailangan pang paselosin si Eva buti sana kung siya ‘tong magseselos, ayos pa but heck, it will took me million times para roon gayong siya pa nga ‘tong nagtutulak sa akin kapag nakakakita ng sexy’ng babae. She’s the type of girl na bigla na lang bubulong ng…

‘Damn, twerk that booty, Girl’

‘Damn, that’s hot. Sexy.’

‘Wow, she’s so pretty!’

Minsan nga’y mas interesado pa ‘to sa mga makikita niyang babae kaysa sa lalaki kaya minsan iniisip ko baka trip niya rin si Leo, ilang beses ko kaya siyang tinanong ngunit tinawanan lang ako.

“Silas.”tawag sa akin ni Eva nang nasa tapat ako ng cr pagkalabas niya. Casual naman kami sa isa’t isa dahil kasama ko siya sa shoot at kausap minsan sa mga gustong baguhin pero madalas lang talaga si Mint.

“Do you really like that girl? Bakit siya pa? Ang tagal ko ng nakikipagbalikan sa’yo!”sambit niya sa akin kaya kunot lang ng noo ang ibinigay ko sa kaniya.

“I don’t like you.”sambit ko na ikinainis niya. Nagwalk out pa siya dahil narinig niyang pabukas na ang pinto. Nailing na lang ako roon.

“Ma! Si Lucas nasa set kanina.”masayang pagkukwento ni Kuya kay Mama. Masamang tingin naman ang ibinigay ko sa kaniya dahil do’n. Kahit kailan chismoso ang isang ‘to. I never knew I like Iska that much not until I showed up in my brother’s set. Kahit kailan ay hindi ako nagpupunta roon dahil naiinis lang ako sa pagmumukha niya. Ang lakas kasing mang-asar niyan. Laging namimikon.

“He was waiting for a girl!”pagkukwento niya pa. Wala namang epekto ang masamang tingin sa isang ‘to kaya iritadong iritado ako sa kaniya.

“Huh? Sino? Bakit hindi mo ipinapakilala sa akin?”tanong ni Mama na pinagtaasan pa ako ng kilay.

“Wala po, Ma.”sambit ko na lang ngunit mas lalo lang nang-asar si Kuya.

“Dalhin mo ‘yon sa birthday ko, magtatampo talaga ako kapag hindi.”aniya kaya napanguso ako. Paano ko sasabihin sa kaniyang gusto siyang mameet ni Mama?

I ended up telling her lies tuloy na pagseselosin namin si Eva when the truth is I’m not even interested with her.

“Si, hindi ka ba nakokonsensiya?”tanong ni Iska sa akin kaya naningkit ang mga mata ko bago siya pinagtaasan ng kilay.

“Saan?”tanong ko naman sa kaniya.

“Niloloko natin ang Mama mo, sana pala ay hindi mo na ako pinakilala.”sambit niya pa. Wala akong maalalang nagsinungaling ako kay Mama. I told her the truth she’s the one I really like.

“Ikaw din, konsensiya mo rin ‘yan. Kapag naghiwalay na tayo, bahala kang magpaliwanag. Ikaw din naman ang mahihirapan.”sambit niya ulit. I was always annoyed kapag binabanggit niya ang salitang hiwalay, I mean she’s really ready to break up with me when the truth is I was just waiting to tell her to make it real.

“Bakit ba hiwalay lagi ‘yang nasa isip mo, Iska?”tanong ko na nakakunot ang noo.

“Bakit? Doon din naman talaga tayo pupunta, huh?”tanong niya sa akin pabalik.

“Magagalit ka ba kung hahalikan kita ngayon?”tanong ko. I don’t know what’s wrong with me but I really don’t want to lose her. That kiss feel so real. Para bang kapag natikman mo na ang labi nito’y hindi mo na gusto pang tigilan.

That night she started to know the real me. I was embarrassed but I can’t even find na hinuhusgahan ako nito. She was just looking at me and listening to my story.

“There’s no need to thank me, you were the one who choose to keep going. Ikaw ‘yong lumaban, ikaw ‘tong nagpatuloy, you were the one who help yourself na tumayo muli. Maybe it was also God’s way to save you… it’s not me or my book, It’s Him.”if that’s the case, I was really thankful that it was you. I was just really glad He let me meet her the first time through her book and that He let me meet her again.

She was there when I was in my lowest and she’s also here again when I was facing my problem.

It was really hard to meet with Dad’s family. Ayaw nilang pumayag sa annulment na gusto ni Mama, ayaw nilang masira ang pangalan nila. Ayaw nilang maging dahilan ng pagkalugmok nila ‘yon. Pahirapan din ang pag-alis sa bahay.

But I was really glad na naroon si Iska noong mga oras na ‘yon. Simple food with her simple message will always make my day.

Kahit no’ng mga panahong medyo nakakabawi na rin kami, si Mama na lang ang hindi, nandoon pa rin siya para samahan kami. Kapag nakikita ko siyang nakikipagtawanan at pilit na pinapagaan ang loob ni Mama. Damn, I knew to myself that this girl is the girl I really want to marry.

“Baka nakalimutan na. Sad.”mapang-asar na saad ni Kuya nang nasa loob na kami ng birthday party ko.

“Ano ba, Kuya?”inis kong saad. Hindi siya nakakatulong. Nakakapikon. Tinawanan niya naman ako at tinaas pa ang dalawang kamay habang natatawang umalis.

“Hoy, birthday na birthday mo bad trip pa.”sambit sa akin nina Red. I wasn’t in the mood to talk with them, kung hindi lang dahil kay Mama ay mas gusto ko na lang umuwi. I tried to chat Iska baka sakali naman na maalala niya. Ni hindi ko alam kung anong ititipa ko.

Ako:

Have you eaten?

Nakakatampo. Noong sinundo ko siya kanina para ihatid sa trabaho’y hindi man lang niya ako binati kaya hindi ko mabring ko na susunduin ko siya para sa party. Ewan ko.

I don’t really want to go in her apartment but I ended up going there kahit on going ang party.

“Oh, anong ginagawa mo rito?”tanong niya sa akin. Nakapajama. She didn’t realky bother to go.

“Nagpunta ka ba?”tanong ko sa kaniya. Sabihin niya lang na oo, wala na tampo ko.

“Anong meron?”tanong niya kaya agad akong napasimangot.

“It’s my birthday.”hindi ko maiwasang mairita dahil parang wala lang sa kaniya.

“Ahh, oo nga pala, sorry, nakalimutan ko.”aniya. Gusto kong mainis pero anong karapatan ko? Hindi rin naman required na maalala niya ‘yon. Siguro nga’y masiyado lang akong nagexpect. 

“Ahh,”sambig ko.

“Sige, alis na ako. Good night.”kahit pahabol na ‘happy birthday’ lang, ayos na kaya lang ay maski paghabol sa akin hindi niya ginawa.

I tried to wait pa rin dahil hindi pa naman tapos ang birthday ko but I ended up being disappointed lang din.

I tried not to talk to her ngunit maski siya ay hindi na ako kinakausap. Maski kapag nakakasalubong ako nito’y hindi na rin ako pinapansin. Mataas ang pride ko. Alam ko ‘yon pero mas mataas ang kaniya dahil kahit kausapin ko siya’y tinatapos na agad niya ang usapan.

“Hindi pa rin kayo nag-uusap?”tanong ni Kuya sa akin. Hindi ko siya pinansin dahil naiinis ako kapag nasa set nila ako at talagang nilalandi niya pa sa harapan ko si Iska. Parang sira. Nakakapikon.

“Kausapin mo na kasi, ikaw lang din naman nahihirapan.”natatawang saad niya sa akin.

“Shut up.”sabi ko na sinamaan pa siya ng tingin. Natawa naman siya sa akin dahil do’n. Nagkibit lang siya ng balikat habang nang-aasar. But it was really true. Ako nga lang talaga ang nahihirapan. Kapag nakikita niya ako’y agad siyang lumilihis ng daan wari ba’y may virus akong dala.

Kung ano ano na nga ring pinaggagawa ko oara lang makita siya dahil hindi ko rin matiis.

“Ma, nagbunga na halaman mo, celebrate tayo.”sabi ko kay Mama. Agad naman siyang pumayag doon.

“Invite ka po, Ma. Bili ako cake.”sambit ko pa. Napatawa naman siya sa akin dahil do’n.

“Fine, I’ll invite Iska.”aniya ngunit nagkunwari lang akong nagkibit ng balikat. Kahit ano ng pagpapansin ko roon ngunit siya pa ata ‘tong galit ma hindi na talaga ako pinapansin. Sa huli’y hindi ko na rin talaga natiis.

“Iska.”tawag ko ng papasok na siya sa apartment nila.

“Hanggang kailan mo ako hindi kauusapin?”tanong ko sa kaniya.

“Ako ‘tong dapat na galit… pero nakakagago dahil hindi kita matiis…”sambit ko pa. Kahit anong pigil ko sa sarili, doon pa rin ako sa kaniya diretso.

“Ano namang dapat mong ikagalit? Saka tapos naman na tayo, natural lang na bumalik na sa normal ang buhay nating dalawa.”aniya kaya agad akong napasimangot.

“Don’t give me the bullshit that it was all for the contract, hindi ko tatanggapin ‘yon.”ang dami naming napagsamahan pero para lang sa contract? Lol?

“Then let’s make it exclusive without any contract. The only thing that’s needed here is you and me. Our feelings. “ sambit ko. Nag-umpisa naman na siyang magtanong tanong ng kung ano.

“What about no’ng party ni Tita? You just kissed me dahil nandoon siya!”panunumbat niya. Napakunot ang noo ko roon. I was waiting for her to bring that up. I want to ask her kung ano na kami but I’m too scared na matakot ‘to.

“You think I’ll kiss you for that?”tanong ko sa kaniya.

“I kiss you because I want to taste your lips, punishment I think? You’re always upsetting me, always thinking na maghihiwalay din agad tayo.”ani ko.

“Dahil ‘yon naman ang totoo.”saad niya kaua napasimangot na lang ako.

“Dahil ‘yon ang gusto mo.”sambit ko.

“Paano mo nalaman na ‘yon gusto ko? Bakit mind reader ka ba?”tanong niya naman

“Then?”tanong ko na nakataas ang kilay.

“Then?”tanong niya rin.

“Then you don’t want it to happen?”tanong ko.

“Yeah?”patanong din na sagot niya.

“Do you like me?”tanong ko ulit.

“Oo?”patanong na sagot niya ulit. What the heck? Halos lumuwa ang puso ko dahil sa sagot niya.

“Do you like me?”tanong ko nanaman.

“Oo nga.”mas sigurado niya ng saad. I can’t believe she really likes me.

“Do you like me?”tanong ko ulit.

“Oo nga, gusto nga kita!”inis niya ng saad. Fuck. This girl really like me. I can’t believe she’s finally mine.

Take two, pleaseWhere stories live. Discover now