Chapter 21

752 26 0
                                    

Chapter 21
Iska’s POV

“Ate, kailan ulit ang uwi mo?”tanong sa akin ni Chico. Nangungulit nanaman itong umuwi ako. Noong umuwi ako na magkaaway kami ni Mama’y agad silang tumawag sa akin. Humihingi ng tawad dahil do’n. Alam kong ayaw nilang nagkakasagutan kami ni Mama dahil naiipit sila. Parehas nila kaming mahal.

“Miss ka na rin ni Mama, Ate.”aniya kaya napatawa ako.

“Lokohin mo lelang mo, Chico, alam kong mas gugustuhin ni Mama na narito ako sa manila kaysa nakikita ang mukha ko dahil mag-aaway lang kami. Laging mainit ang ulo no’n sa akin kaya tigilan mo ako.”ani ko sa kaniya.

“Nagpadala na ako,”pang-aasar ko sa kaniya.

“Hindi naman ‘yon ang gusto ko. Miss ka na kaya namin. Sobrang saglit mo lang sa bahay no’ng nakaraang bumisita ka…”pabulong na saad niya.

“Uuwi rin ako. Pakabait na lang muna kayo ni Lebon diyan.”sambit ko sa kaniya.

“Siya sige na, papasok na si Ate, Chico, tawag ulit ako bukas o kaya mamaya.”paalam ko sa kaniya.

“Bye, Ate! Ingat ka riyan! Huwag mong kakalimutang kumain saka healthy naman, huwag panay noodles.”sambit niya sa akin. Ngumiti na lang ako at tumango.

“Alright, Ingat din kayo riyan, huwag makibasag ulo, Chico, sinasabi ko sa’yo.”paalala ko pa bago ko pinatay ang tawag.

Lumabas na ako after no’n, nagcommute lang ako dahil wala naman kasing Silas na susundo sa akin ngayon dahil may shoot sila. Nagtext naman siya kaya ayos lang. Alam kong ayaw ayaw niyang nalelate saka hindi niya ako kailangan ipriority, trabaho muna bago ang lahat.

Isa pa, hindi naman kailangan araw araw kaming magkita gayong 4 dates lang kada linggo. Except nga lang kung kakailanganin naming magkita para lang pagselosin si Ms. Eva.

Nang makarating ako sa set, kita kong nakahilera ang ilang staff kaya nagmadali akong tumabi kay Niel. Kita ko naman na kausap nila si Mr. Axel.

“So you’re really working here, Iska Sumilang.”nakangiting saad ni Mr. Axel nang makita ako ritong nakatayo habang binabati namin siya. Ngayon lang kasi siya pumasok after how many days na nagsisimula na ang shoot.

“Good morning, Direk.”bati ko na lang. Kita ko ang tingin sa akin ng ilang staff na bumabati rin sa kaniya. Nginitian lang nila ako nang makita ang tingin ko sa kanila. ‘Yong iba ay hindi na nagtataka dahil alam naman nilang boyfriend ko si Silas at kapatid niya ang lalaking nasa harap namin.

“Good morning din, Iska. Ibati mo ako sa kapatid ko,”aniya at kumindat pa sa akin. Nailing na lang ako dahil alam kong may pagkababaero ito. Kita ko kung paano niya lapitan ang ilang artista na kasama namin dito sa shoot. He’s very different with his brother. Napakibit na lang ako ng balikat at nagpatuloy na sa trabaho.

“Close ka rin sa kapatid niya, Iska?”tanong ni Niel sa akin nang magtungo kami sa café para bilhin ang ilang drinks na gusto nila.

“Hindi, nakita lang namin no’ng nakaraan.”sambit ko. Actually wala talagang nakakaalam kung ano ba talaga ang totoong relasiyon namin ni Silas maliban na lang kay Leo na nahuli lang ako dahil nadulas. Sobrang imbistegadora ng isang ‘yon, hindi mo talaga magagawang lokohin.

“Halos lahat sila may itsura no?”tanong pa ni Niel. Tumango naman ako dahil dalawa lang naman ata silang magkapatid, saka lahi na ata ng mga Herrera ang pagiging gwapo, ang papa kasi nilang producer ay gwapo rin talaga.

Naging abala na rin kami buong araw sa trabaho. Magkaibang magkaiba talaga si Silas at si Mr. Axel. Si Mr. Axel kasi’y nagagawa pang humarot habang nagshushoot habang si Silas, propesiyonal ang dating kapag nasa set na, ibang iba naman sa nakikita nilang Silas sa ibang lugar.

see“You should do deliver it in more sexy way, babe.”aniya sa isang artista at bahagya pang kumindat. Naiiling na lang ang ilang kasama namin dito.

“Alam mo bang nasuntok ‘yang si Direk noong nasa show siya ng Devil inside me? Paano ba naman kasi’y nilandi niya ‘yong isang artista, may boyfriend na pala sa backstage. ‘Yon ang ending nasapak siya. Kita sa camera ‘yon, mabuti na lang mapera sila kaya napagtakpan.”natatawang kwento sa akin ni Niel. Naiiling na lang ako dahil do’n.

“Sa lahat ng mayaman, sa mga tulad niya dapat talagang mag-ingat.”sambit pa ni Niel ngunit narinig ni Mr. Axel.

“Wow there, Lil Missy, tsinitsismis mo ba ako?”nakangising tanong sa kaniya nito habang nakaakbay.

“That’s sexual harrasment, Direk.”matamis ding ngumiti su Niel bago niya inalis ng pagkakaakbay ni Direk sa kaniya. Si Niel ‘tong allergic sa mahaharot. Hindi ko naman mapigil ang tawa ko dahil do’n.

“Kain na muna tayo, Girl.”aniya na hinila na ako palayo roon. Natawa naman sa kaniya si Mr. Axel at hinayaan na lang kaming umalis.

Nagkwentuhan lang kami ni Niel habang nagmemeryenda rito sa labas. Bumili lang kami ng mojacko at tiglilimang pisong palamig, ‘yon solve solve na.

Nagtatawanan pa kami pabalik nang matigil ako sa nakaupong si Silas may bandang likuran ng set. Anong ginagawa niya rito?

Kinakausap siya no’ng producer at ilang writer dito sa set, mayroon pang nagtatanong na production assistant sa kaniya. Nang makita niya ako’y may sinabi lang siya sa mga kasama bago niya ako kinawayan. Nakapamulsa pa siya nang maglakad papalapit sa akin.

“Hi,”nakangiting saad niya.

“Anong ginagawa mo rito? Wala ba kayong shoot?”tanong ko na nanliliit ang mga mata.

“Mabilis na natapos.”aniya na napakibit pa ng balikat.

“Aba, napapadalas ‘yang maagang tapos ng shoot niyo, huh? Baka mamaya’y minamadali.”sambit ko kaya pinagtaasan niya ako ng kilay.

“You think so?”tanong niya.

“Maaga lang nagsimula, alasais ay nagsisimula na kami sa shoot.”aniya kaya napakibit na lang din ako ng balikat.

“And I miss you, so here I am saying hi.”nakangiti niyang saad. Paasa rin talaga ang isang ‘to. Hindi ko tuloy alam kung mapapairap ba ako o ano.

“Pares after shoot?”tanong ko naman na iniiba na ang usapan dahil ayaw kong isipin mapaasa roon.

“Sure.”aniya.

“Saan ka galing?”tanong niya na inalis pa ang powder ng mojacko na nasa gilid ng bibig ko.

“Hindi halatang kumain ka ng donut.”aniya.

“Mojacko, hindi, Donut.”sabi ko sa kaniya. Napatikhim pa ako dahil kita ko ang ilang kasama sa trabaho na mukhang nakatingin sa gawi namin.

“What are you doing here, my dear brother? Busy spying?”nakangising saad sa kaniya ni Mr. Axel nang lumapit ito sa gawi namin. Parang wala namang narinig si Silas at hindi niya pinansin ang sinabi ng kapatid. Para ngang wala ‘tong nakita.

“I’ll wait here until you’re done with your job.”pabulong na saad niya sa akin at hindi man lang nilingon ang kapatid. Dinig na dinig naman ang halakhak ng kaniyang kapatid.

“Oh, medyo hurt naman ako, hindi ako ang dinalaw mo rito. Akala ko miss mo na ako, baby bro.”ani Mr. Axel na umakbay pa kay Silas.

“Stop annoying me, Kuya. I’m not here for a fight.”inis na saad sa kaniya ni Silas. Hindi na natiis na hindi pansinin ang Kuya niyang papansin. Mukhang natuwa naman si Mr. Axel doon kaya mas lalo pang nangulit.

“Wala ka na bang trabaho at tumatambay ka na rito?”tanong pa sa kaniya ni Mr. Axel. Hindi niya ‘yon pinansin, kinausap na lang niya ako.

“Anythig I can help you with?”tanong niya sa akin. Nagsalita ulit si Mr. Axel, hindi talaga titigil hangga’t hindi siya pinapansin.

“Wala ka na bang trabaho at tumatambay ka na rito?”ulit niya sa tanong niya kanina. Kita ko naman ang pag-irap sa kaniya ni Silas at wala na lang nagawa kung hindi ang sagutin ang Kuya niya.

“My job is already done, Kuya.”aniya na napairap pa.

“Oh, so you’re here para magmasid? Hindi ko alam na nag-iba ka na pala ng strategy.”mapang-asar na saad ni Mr. Axel. Mukhang wala talagang balak na tigilan ang kaniyang kapatid. Mukha namang mapipikon na si Silas dahil dito kaya tinapik ko siya.

“Iska, pahelp naman, paprint.”ani Ms. David, ang kasama namin na head dito sa production assistant team. Nahinto siya nang makita ang mga kasama ko. Napatingin ako sa relo, it’a already time na para magtrabaho kaya nagpaalam na ako kay Silas.

“Later na lang, I’ll talk to you. Time to work.”sabi ko sa kaniya.

“You don’t really want to change set?”tanong niya sa akin. Umiling naman ako sa kaniya dahil do’n. Nakakahiya naman, baka mamaya’y sabihin pa nilang masiyado kong nilulubos lubos na boyfriend ko’y Direktor.

“It’s fine, maayos naman ang trabaho ko rito.”sabi ko.

“Yeah, trinatrato naman namin siya ng maayos dito.”sabi ni Mr. Axel. Palihim naman akong natawa dahil ngayon lang kaya ‘to pumasok.

“Una na ako, Si, Direk.”paalam ko bago sumunod kay Ms. David sa loob ng office. Kita ko naman ang tingin nila sa akin nang makapasok ako. Mukhang nagkukwentuhan ang mga ito. Natahimik sila nang makita ako at nagsenyasan pa. Pakiramdam ko na ako ang pinag-uusapan nila. Napakagat na lang ako sa aking mga labi at hindi na lang ‘yon inisip pa.

Ayaw kong madagdagan pa ang kaaway, masiyado ng mahirap ang buhay ko para roon. Sapat na ang number 1 enemy kong si Mama saka ang mga kapitbahay namin, idagdag mo si Ms. Eva na hindi ko sure kung kaaway ko rin ba. Masiyado ng madami para dagdagan.

“Girl, akalain mo ‘yon, napapapunta mo rito si Direk Silas? Ni hindi magkasundo ‘yang si Direk Silas saka si Direk Axel.”sambit ni Niel sa akin habang nagsstapler ng mga piniprint namin.

“Wala ata siyang magawa kaya nandito.”sabi ko na lang na napakibit ng balikat.

“Sis, kahit walang magawa ‘yon, never ‘yon pupunta sa set na naroon ang kapatid niya. Allergic ata ‘yon sa pamilya niya.”natatawang saad ni Niel. Ewan ko rin.

Hindi ko rin maimagine nasa ibang set si Silas gayong may sarili rin siyang movie na dapat niyang punan ng pansin.

Napatingin tuloy ako sa kaniya nang lumabas ako para ibigay ang mga script. Kita ko siyang nakaupo lang sa isang tabi, nakatingin lang siya sa kaniyang laptop ngunit nang masulyapan ako’y napadiretso siya nang upo. Nginitian niya pa ako. Hindi ko naman siya magawang lapitan dahil agad akong tinawag ni Direk Axel nang makita ako.

“Iska, pakibili naman akong blue berry drink.”aniya kaya napatango ako. Madadaanan ko naman sa labas si Silas kaya nilingon niya ako.

“Where are you going?”tanong niya sa akin.

“Bibili lang blue berry, gusto mo rin ba? Isasabay na kita.”sambit ko sa kaniya. Bigla namang sumigaw si Direk Axel mula sa kaniyang upuan.

“Bawal kang bumili ng para sa iba, Ms. Sumilang! Nasa contract ‘yon! Para lang sa mga nandito sa shoot, hehe!”aniya pa na malapad ang ngisi sa akin. Kita ko namang napipikon sa kaniya si Silas ngunit hindi na labg din pinansin.

“Sama ako.”ani Silas bago tumayo at sumunod sa akin. Bahagya akong napangiti nang makita ko siyang sinaabayan ang lakad ko at tinatakpan ako sa sinag ng araw.

“Para kang bampira no?”tanong niya sa akin.

“Ayaw na ayaw mong nasisikatan ng araw.”aniya sa akin habang tinataas pa ang mga kamay para takpan ang sikat ng araw sa akin.

“Hindi kaya saka paano mo naman nalaman?”tanong ko na pinagtaasan pa siya ng kilay.

“You’re always trying to hide behind any shadow kapag mainit.”aniya sa akin. Hindi ko naman maiwasang mapanguso para pigilan ang ngiti dahil kahit ‘yong maliliit na bagay lang na ganoon ay napapansin niya.

Nang makabili kami ng blue berry para kay Direk Axel, nanliliit agad ang mga mata nito. Pakiramdam ko’y ito na ang magiging kontrabida ng buhay naming dalawa. Bahagya naman akong natawa sa sarili kong naisip.

“I didn’t know that you’re this whipped, lil bro.”nakangising saad ni Direk Axel sa kaniya. Halos hindi siya tinantanan nito sa pang-aasar, mabuti na lang ay naging abala rin siya sa shoot hanggang sa matapos na ‘yon.

Naglakad lang kami ni Silas oara bumili ng pares. Suking suki na kami rito sa sobrang dalas naming kumain ng pares, well, masarap naman kasi talaga. Maliban doon ay masarap lang talagang kumain lalo na kung ang kasama mo masarap din. Joke.

Take two, pleaseWhere stories live. Discover now