Chapter 40

956 25 0
                                    

Chapter 40
Iska’s POV

Hinihilot ko ang sentino ko nang magising ako kinabukasan, tandang tanda ko pa rin naman ang nangyari kagabi, maliban na lang no’ng nakatulog na ako.

“’Yan, Iska, diyan ka magaling, inom pa.”sambit ni Mama sa akin nang lumabas ako ng kwarto na nakahawak sa sentino. Napanguso naman ako bago ako umupo sa high chair katapat ng countertop dito sa condo.

“Si Chico, Ma?”tanong ko sa kaniya.

“Pumasok na.”sambit niya.

“Uuwi ka na, Ma?”tanong ko sa kaniya.

“Oo, maya-maya, daan ako sandaling orphanage, sama ka?”tanong niya sa akin. Wala naman akong gagawin kaya tumango ako sa kaniya. Iniabot niya naman ang hangover soup sa akin.

“Sino pala naghatid sa akin, Ma? ‘Yong kotse ko ayy?”tanong ko kaya agad niya akong sinamaan ng tingin. Napanguso naman ako dahil sobrang sama ng tingin niya.

“Iinom inom ka tapos hindi mo na alam? Sa susunod huwag kang nagpapakalasing, alam mo na ngang hindi mo kaya.”aniya sa akin. Maling desisyon na tinanong ko pa siya. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain habang naririnig ang sermon niya.

“’Yong ex mo ang naghatid sa’yo. ‘Yong kotse mo, nandiyan na, nagcommute na lang si Silas.”aniya sa akin. Tumango naman ako roon. Edi sana sa driver na lang din nila ako pinahatid, ‘di ba? Although medyo kinilig naman ako nang malaman na si Silas ang naghatid. Kita ko naman na pinagmamasdan ni Mama ang mukha ko. Pinigil ko naman na mangiti sa harapan niya dahil kung ano ano nanaman ang sasabihin.

Nang matapos akong kumain. Pakalat kalat lang ako sa condo habang nagsusulat. Tinabihan ko pa si Mama dahil napagod akong manatili sa kwarto.

“Iska? Naalala mo no’ng ikinuwento ko sa’yo na nakakasama ko ‘yong Mama ng ex mo?”tanong ni Mama sa akin habang naggagantilyo siya ng bonet na ibibigay niya ata sa mga bata na nasa orphanage dito sa manila.

“Bakit, Ma?”tanong ko na huminto sa pagtitipa dahil medyo nadistract ako sa kaniya.

“Wala, naikwento niya lang na may bagong nililigawan na pala ex mo. Dinadala pa sa bahay nila. Naalala mo ‘yong magadang artista na si Saturday? l”tanong niya sa akin. Tumango lang ako. Nakikita ko ‘yon na kasama niya pero hindi ko lang akalain na may bago nga talaga siya dahil ang sabi niya’y wala. Hindi ko na tuloy alam kung pinaglalaruan lang ba talaga ako ni Silas, imposible namang magsinungaling ang Mama niya, ‘di ba? Ganoon din si Mama.

“Oh.”sabi ko na napakibit lang kunwari ng balikat. Bahagya naman akong naguilty sa halik na nangyari kagabi. Pati na rin sa mga katagang binitawan ko. Akala ko si Eva ang girlfriend niya ngunit mukhang lowkey relationship ang mayroon sa kanila no’ng Saturday. Well, nililigawa niya pa lang pero doon din ang tungo noon. He was supposed to remain loyal kahit he’s just courting her pa lang.

Medyo masakit but I already know na hindi kami. Tanggap ko naman. Medyo. Siguro’y masiyado lang kaming nasabik sa isa’t isa pero kahit na ano pang dahilan. Mali pa rin. It’s still cheating. Maling mali. Kahit gaano ko pa siya kagusto, I will never be one of his girls. That’s the thing my father taught me.

“Ayos ka lang? Hindi ka pa nakakamove on do’n, ‘di ba?”ani Mama sa akin. Napakunot naman ang noo ko sa kaniya at bahagya pang napairap. Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa niya. Hindi ko naman ‘yon pinansin at nagkunwari lang akong abala sa pagsusulat ko ngunit masiyado na akong distracted para magpatuloy. Mabuti na lang ay sinabihan niya na akong mag-ayos dahil aalis na raw kami.

Nagsuot lang ako ng t-shirt at pants pagkatapos ay sneakers. Kinuha ko naman na ang susi ng kotse.

Bumili muna kami ng mga coloring book at ilang coloring material sa bookstore bago kami nagtungo roon. Kita ko naman na may katawagan si Mama sa phone niya. Pinaningkitan ko naman siya ng mga mata.

“Ma, sabihin mo nga, mayroon ka na bang jowa?”tanong ko sa kaniya kaya napahagalpak siya ng tawa.

“Ano nanaman ‘yang sinasabi mo, Iska? Ang tanda ko na para riyan!”natatawa niyang saad at naiiling pa habang nasa phone pa rin niya ang tingin. Hindi ko naman siya tinantanan ng tingin. I won’t mind if ever na maghanap siya ng iba dahil alam kong mismong si Papa’y gusto niya rin ‘tong sumaya.

“Tigilan mo nga ako, Iska.”sambit ni Mama na naiiling pa nang makarating kami sa orphanage. Napatawa naman ako roon habang buhat buhat ko ang mga dadalhin namin para sa mga bata.

Nang nasa loob na kami’y ang daming sumalubong kay Mama. Naalala ko sabi niya na hindi niya kami naalagaan ng mabuti noong mga bata kami, bumabawi siya ngayon pero gusto niya ring subukan ‘yon sa iba… gusto niyang bumawi sa paraan ng pag-aalalaga rin ng mga bata rito sa orphanage.

Ngumiti lang ako sa kanila. Sakto lang naman ang pagkahilig ko sa mga ‘to. Naririndi kapag maingay ngunit mabait naman ako sa mga mababait.

“Iska, Hija, nandito ka pala.”napatingin naman ako kay Tita nang makita ko siya. Medyo nagulat ako kahit alam ko naman na nagvovolunteer din siya rito. Nginitian ko naman siya bago ako tumayo.

“Opo, Tita, kasama ko po si Mama.”luminga linga pa ako para hanapin si Mama. Napatingin naman ako sa gilid ni Tita. Si Silas. Iniwas ko lang ang tingin ko. Ayaw kong magkasala.

“Kumusta po?”tanong ko na lang kay Tita.

“Ayos lang, hija, naikwento ko sa’yo na volunteer ako dito, ‘di ba?”nakangiti niya pang tanong.

“Opo, Tita. Nasabi rin po ni Mama.”sabi ko na ngumiti pa sa kaniya.

“Gumanda ka lalo, Hija.”aniya sa akin. Bahagya naman akong nahiya dahil sa tinuran nito.

“Thank you po…”sambit ko naman.

“You look more better now, Tita. Hope you’re doing fine.”ani ko pa.

“I am.”aniya. Mabuti nga’t hindi kami nagkailangan no’ng mga panahong naghiwalay kami ni Silas.

“May pupuntahan ka ba? Sama ka sa amin sa bahay!”aniya sa akin ngunit ngumiti lang ako at umiling.

“Hindi na po, Tita, dumaan lang po kami ni Mama dito, uuwi rin po kaming laguna.”sabi ko na ngumiti sa kaniya. Sakto rin naman na dumating si Mama na siyang malapad ang ngiti kay Tita. Hindi sila kailanman nagkameet nito ngunit mukhang magkasundo sila ngayon.

“Hinahanap ka ni Zeze, Fe. Do’n muna tayo.”pagyayaya ni Mama sa kaniya. Susunod sana ako ngunit sinabi ni Mama na dito muna ako at aalis na rin naman kami mamaya. Hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay. Ang ending ay naiwan kami ni Silas na nakaupo sa may bench. Nilibang ko lang ang sarili sa pagtingin sa mga batang masayang naglalaro.

“Iska…”pabulong na saad ni Silas sa akin. Dumiin naman ang pagkakahawak ko sa aking mga daliri. Hindi naman ako nagsalita, nanatili lang akong nakatingin sa kawalan.

“What happen last nigh—“agad ko siyang pinutol.

“What we did last night is really wrong. Maling mali. I’m sorry but can you stop talking to me? Ayaw kong magkasala.”sambit ko sa kaniya bago ako tumayo. Hindi siya humabol o ano that’s why I kinda knew na it’s really true.

Imbis na manatili pa sa orphanage, nagtungo na lang ako sa kotse at doon hinintay si Mama. Nang makabalik siya’y agad niya akong nilingon.

“Bakit dito ka naghintay?”tanong niya. Nagkibit lang naman ako ng balikat. Hindi na siya nagtanong pa sa akin at hinayaan niya na lang akong manahimik. Inihatid ko naman na siya sa laguna.

Nagstay lang ako dito sa laguna dahil next week pa naman ako magstart magtrabaho. Ang alam ko’y hindi pa naman talaga officially shoot dahil kukuha pa lang kami ng mga artista. 

I was just staying in my room the whole day nang tawagin ako ni Mama dahil may bisita raw ako.

“Hi!”nakangiting saad ni Cedrick.

“Hoy, anong ginagawa mo rito? Akala ko ba nasa cavite ka ngayon?”nakangiti ko ring saad sa kaniya. Nakakasama ko sila ni Cherry sa ibang bansa nitong mga nakaraan dahil lagi nila akong binibisita lalo na’t nahiligan nila ang mamasyal sa kung saan saan.

Si Cherry ang patunay na kapag may gusto ka, patuloy mo lang habulin, malay mo bukas, gusto ka na pala.

“Napadaan lang.”aniya na natatawa.

“You’ll stay here for good?”tumango naman ako at sinenyasan siyang umupo. Nagdala naman si Mama nang makakain namin habang naniningkit pa rin ang mga mata. Hindi ko naman siya pinansin.

“Hindi rin ako magtatagal, Iska. Pinapainvite ka lang kasi ni Cherry sa akin.”aniya.

“Tita, can I invite Iska po? Iniinvite po siya ni Che, dinner lang po sana sa bahay.”sabi ni Cedrick kay Mama.

“Huh? Huwag na, aalis na rin ‘yan.”aniya kaya kumunot ang noo ko sa kaniya. Kahit kailan talaga’y walang humpay ang bunganga ni Mama.

“Bahala ka nga.”aniya sa akin at umirap pa.

“Bakit kasi sa akin nagpapaalam, alam naman na hindi ako papayag.”naiiling niya pang saad bago kami iniwan dito.

“Saglit lang ako, Ced, uuwi rin akong manila. Magsisimula na trabaho ko bukas.”sambit ko sa kaniya at ngumiti.

“Oo, sige lang, Iska. Gusto ka lang talagang imbitahin ni Cheche.”aniya na ngumiti pa sa akin. Tumango naman ako sa kaniya at sumunod doon. Maya-maya lang ay nakarating na rin kami sa bahay nila.

“Good evening po,”bati ko kay Tita. Mayaman ang pamilya nina Cedrick. Nagkakausap din kami ng mga ito lalo na kapag nagtatanong sila kung saan magandang mamasyal.

“Hi,”bati ni Cherry. She ended up marrying Cedrick.

Hindi ko naman mapigilang panggigilan ang pisngi niya dahil talagang tumaba siya dahil nagbubuntis ngayon.

“She was forcing me to bring you here, pinaglilihian ka talaga.”pabulong na saad sa akin ni Cedrick. Hindi ko naman maiwasang mapatawa dahil do’n. Hindi na kasi pupwedeng sumakay sakay si Cherry dahil masiyado ng malaki ang tiyan, baka matagtag.

“Iska, ipinagluto kita ng ginataang kalabasa, ‘di ba paborito mo ‘yon?”nakangiti niyang tanong sa akin habang hila hila pa ako. Hindi ko naman maiwasan ang matawa dahil ‘yon lang ang ulam noong unang beses kaming kumain na dalawa. Inassume na niya na paborito ko ang ginataang kalabasa.

“Nagpagod ka nanaman, Hon, sabi ko sa’yong huwag ka ng magkikilos diyan.”sambit ni Cedrick sa kaniya. Tinignan niya naman ng nakataas ang kilay si Cedrick.

“Hindi ko kailangan ng opinyon ng taong sinundo pa ‘yong babaeng gustong gusto niya dati!”masamang tingin pa ang binigay niya kay Cedrick. Hindi naman maipinta ang mukha ni Cedrick, mukhang gusto niya pang umalma.

“Hon, you were the one who told me na sunduin si Iska—”magpapaliwanag pa sana siya ngunit agad magsalita si Cherry.

“Magpapalusot ka pa?!”tanong niya na masama ang tingin.

Hindi ko tuloy alam kung saan ako lulugar. Naiiling na lang ako dahil ang kulit talaga ng dalawang ‘to.

“Hehe, Iska, kain muna tayo.”biglang nagbago ang mood ni Cherry nang makita niya ako. Hindi ko maiwasang matawa dahil do’n. Sobrang baliktad ng trato niya sa amin ni Cedrick ngayon, kung normal lang siya ngayon, paniguradong hindi ako makakatapak dito sa bahay niya.

“Nga pala, Iska, kita ko ‘yong ex mo no’ng nakaraan. May kasamang chix.”pang-aasar ni Cherry sa akin. Inirapan ko naman siya dahil do’n. Lagi niyang sinasabi ‘yan sa akin pero ngayon ko parang gustong maniwala dahil hindi naman imposible. Iniba ko na lang ang usapan.

Mabilis lang din naman na natapos ang dinner namin. Nagcommute na lang din ako pauwi para hindi na sila mag-away pa na mag-asawa.

Nang makarating ako sa bahay, kita ko si Mama na nakatutok sa cellphone niya. Napatingin naman ako roon, nakita ko ang news tungkol kay Silas at Saturday na nakita raw silang nagdinner sa kung saan.

Oh.

Nice.

“Oh, nandiyan ka na pala. Sabi sa’yo e, sila nga talaga niyang si Saturday.”sabi ni Mama sa akin na pinapakita pa ‘yon.

“Ma, ex ko na ‘yan. Wala na akong pakialam pa sa gagawin niya.”reklamo ko na napasimangot pa. Tinignan niya naman ako na parang hindi naniniwala. Napailing na lang ako bago dumeretso sa kwarto ko.

We? Walang pakialam kaya pala nakatutok ka rin sa cellphone mo ngayon at hinahanap ang article tungkol sa kanila. Ayos na ako e, bakit kasi kailangan pang umasa muli. Para siyang putahe sa handaan na hinuli mo muna para save for the best pero agad na naunahan ng iba. Kainis dahil talaga binasa ko pa ng buo. Wow, Iska. Ayos ‘yan. Saktan mo sarili mo.

Take two, pleaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon