Chapter 42

894 24 2
                                    

Chapter 42
Iska’s POV

“After going back here in the philippines this will be your first break again here, how are you feeling right now?”nakangiting tanong sa akin ng isang reporter. This interview is exclusive kaya medyo komportable naman akong sumagot.

“It’s really exciting lalo na’t isa sa mga paborito ko ang gagawing movie.”nakangiti kong saad.

“And I’m excited to work with our team, they are all fun to be with.”nakangiti ko pang saad.

“What do you think about Mr. Herrera?”tanong pa nito sa akin kaya natigilan ako habang nakatingin sa kaniya, kita ko naman ang tingin niyang may kahulugan.

“I think it will be really awesome to work with him, he was always good with his films.”nakangiti kong saad.

Ang dami pang tanong nito na sinagot ko lang din naman. Maya-maya lang ay natapos na rin naman ang interview kaya lumabas na rin ako. Nasa hall ako nang mapahinto dahil tinawag ako ng isang batang artista na makakasama namin sa set. Ang ganda nito, kikay na kikay.

“Good morning po, Ms. Iska.”nakangiting sambit ng child star. Si Lara. Anak ng isang sikat na artista, si Atlas Garcia.

“Iska? As in Iska Sumilang?”tanong no’ng kasama niyang babae. Mukhang nasa late 30’s na ito pero ang bata pa rin tignan. Mukhang alam ko naman na kung kanino nagmana si Lara, plakadong plakado ang make up nito. She’s really pretty.

“Opo, Mommy.”aniya naman.

“Wow! Ikaw ‘yong anak ni Mang Toni, ‘di ba?”tanong niya sa akin. Bahagya naman akong nagtama habang nakatingin sa kaniya.

“How did you know my father po?”nagtataka kong tanong sa kaniya.

“Hindi mo na siguro ‘to naaalala pero noong namatay ang Papa na, nakiburol kami. Sobrang bait ng Papa mo saka madalas ka niyang ikwento sa amin. Sabi ang taas daw ng pangarap mo! Siguro proud na proud ‘yon sa’yo. Kita ko mga libro mo e. Ang gagaganda!”nakangiti niyang saad sa akin. Bahagya naman akong nagulat do’n. Hindi ko naman maiwasang maluha dahil kahit sobrang tagal na gustong gusto kong marinig ‘yon. Matagal na pero marami pa rin akong natatandaan tungkol kay Papa.

“Chora nga pala. Close ko Papa mo noong nag-aaral pa lang ako. Sobrang bait no’n. Congrat nga pala ahh.”aniya na malapad ang ngiti sa akin bago nagpaalam na aalis na dahil may tumatawag sa kaniya, may audition pa ata ang anak.

Sinunandan ko lang sila ng tingin, hindi ko maalala na nakita ko na ito. Napakibit na lang ako ng balikat.

After that day, nagstart na rin naman ang shoot namin. Maaga na ako ngayon kumpara no’ng first day ko. Ayaw ko lang masabihan ng incompetent. Baka mag-away pa kami niyang si Silas.

Maraming bumati sa akin nang makita nila akong nandito na, ngiti lang naman ang ibinigay ko sa kanila.

“Ang aga natin, Ms. Iska, huh?”nakangiting tanong sa akin ni Jade.

“Sana consistent,”nanliit naman ang mga mata ko nang marinig si Silas nang dumaan siya sa gilid namin. Wow, ako ba ‘tong pinaparinggan niya? Bakit na ako lagi ang trip ng isang ‘yon? Wala naman akong matandaan na ginawa kong masama sa kaniya. Ni hindi na nga ako lumalapit pa dahil ayaw ko silang magtalo ng girlfriend niya, aba.

“Hi, Ms. Iska.”nakangiting bati ng ilang artista. Binati ko lang din sila pabalik. Naging abala naman ako sa pakikipag-usap sa mga ito kaya hindi ko na rin pinansin pa si Silas.

“Hey,”napatingin naman kami kay Tome na pa-up here up here pa sa kaniyang mga nakikita. He’s spirit free. Mukha siyang walang problema sa mundo pero may mga naririnig na problema tungkol sa kaniya, ang sabi nila’y medyo may pagkapariwara raw ito. Madalas sa party, mayroong mga tagong insidente na ang agency lang nila ang nakakaalam but despite all of that, he’s a good actor. Kayang kaya niyang gampanan ang mga role na binibigay ss kaniya. I like him for the leading man.

“Hi, Ms. Iska.”nakangiti nitong bati sa akin. Tipid ko lang siyang nginitian habang inaayos ko ang ilang script na iniabot sa akin kanina. Dinoudoble check ang mga linya sa manuscript.

“Can I get your phone number?”tanong niya sa akin.

“For?”tanong ko na nasa manuscript pa rin sng mga mata. Dinig ko naman ang hagikhikan nina Jade kaya nagtataka ko silang nilingon.

“For myself.”nakangiti niyang saad. Tinignan ko lang siya sandali bago naiiling na napakunot ang noo.

“Not intetested, Mr. Miranda.”sambit ko kaya dinig ang mahina niyang halakhak.

“I’ll make you interested.”aniya pa ngunit hindi ko siya pinansin.

“She’s not interested with you, mas gusto niya ng direktor.”natatawang saad ni Jade. Nailing naman ako dahil do’n. Mapang-asar lang silang tumawa.

Maya-maya ay pinatawag na ako ni Mr. Abadilla dahil nagstart na ang shoot. Actually hindi naman kailangan na lagi akong nandito but I really want to be hands on lalo na’t first movie ko ulit ‘to pagbalik dito sa pilipinas.

“I want that scene to be cut.”sambit ni Silas. Napatigil naman ako dahil sa sinabi niya. Maganda naman ‘yon kaya hindi ko maintindihan kung bakit.

“Bakit?”tanong ko dahil hindi ko mapigilan.

“It’s too plain, hindi naman na kailangan pa sa scene.”aniya kaya napatango na lang ako kahit nanghihinayang ako roon. 

Maya-maya lang ay may isang scene nanaman siyang gustong alisin.

“Bakit?”tanong ko ulit.

“It doesn’t have the feel. The scene will be too boring.”aniya kaya hindi ko na napigil pa ang pagsimangot ko sa kaniya.

“Do you think it’s boring?”tanong ko kay Tome na siyang nakasalang. Nakakatawa kaya ang scene, sadyang kill joy lang talaga siya. Boring ng taste. Hindi ko alam kung propesiyonal pa ako sa lagay na ‘to pero kasi naman halos lahat ng sasabihin ko’y kontra siya.

“I don’t think so. It’s kinda nice, Ms. Iska.”nakangiting saad sa akin ni Tome. Hindi naman ako nagsalita.

“What about you, Ms. Sonya? What do you think?”tanong ni Silas kay Ms. Sonya. Hindi ko naman mapigilan ang palihim na pag-irap ko. Gaya gaya. Nakakainis.

“Hmm, I also think na it’s boring po, Direk.”ani Ms. Sonya na nag-iwas pa ng tingin sa akin.

Para kaming aso’t pusa na nagtatalo sa set, ang dami niyang gustong alisin. Parang gusto niya ata na lahat ay huwag ng isali. Yamot na yamot tuloy ako first day na first day pa lang ng shoot.

“Ayos ka lang ba, Ms. Sumilang?”tanong sa akin ng mga kasamahan ko. Tipid ko lang naman silang nginitian at nagkibit pa ng balikat.

Kinuha ko naman na ang bag ko at ready’ng ready na ring umuwi.

“Miss Iska!”tawag sa akin ni Tome na talagang humabol pa. Tinignan ko lang naman ‘to na nakataas ang kilay. Agad niya naman akong nginitian dahil dito.

“Mukha kang stress, sama ka? Party tayo!”aniya sa akin habang malapad ang ngiti.

“I don’t like parties and same with you. I don’t like you so stop bothering me.”seryoso kong saad sa kaniya.

“Wow, I like that. Pahard to get.”he said, the reason why my forehead creased. Hindi ko na lang din pinansin dahil masiyado na akong stress kay Silas. Huwag na sana niyang dagdagan.

“Hmm, fine. Dinner tayo next time.”aniya pa. Sa mukha nito’y halata na talagang babaero. Napailing na lang ako dahil wala akong balak maging isa sa mga babae niya. Masiyado ng stressful ang buhay ko para idagdag pa siya.

“See you, Miss!”aniya na kinindatan pa ako. Hindi ko na siya pinansin pa at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kotse ko.

Palabas na sana ako ng parking nang humarang ang kotse ni Silas sa akin. Muntikan ko na tuloy ‘tong maatrasan.

Hindi ko na mapigilang ibaba ang salamin ng bintana sa sobrang inis ko sa kaniya.

“You’re so fucking annoying! Stop getting into my nerves! Bad trip sa’yo!”malakas kong sigaw sa sobrang inis, wala ng pakialam sa mga makakakita o makakarinig. Basta inis na inis ako sa kaniya.

Imbis na sagutin niya ‘yon ay agad niyang pinaharurot ang sasakyan niya paalis. Hindi ko mapigil ang pagngiwi ko sa sobrang inis sa kaniya.

“So annoying! Epal.”inis na inis talaga ako sa kaniya. Bakit ba ang lakas niyang mangyamot? Hindi ko alam kung masiyado lang ba akong naiinis sa kaniya dahil hindi pa ako nakakamove on o ano. Basta nakakaasar siya. Tapos.

Dumeretso naman na ako sa condo namin ni Chico. Napaawang naman ang labi ko nang buksan ko ‘yon at nadatnan si Silas, Chico, Lebon at si Kuya Axel na nandito.

“What the heck are you doing here?”kunot noong tanong ko na nakataas pa ng kilay. Imbis na sumagot ay kumaway kaway sa akin si Kuya Axel na siyang ang dami dami pang chips na nasa bunganga.

“We saw Kuya Axel and Kuya Silas sa labas, nasa kabila lang ang condo nina Kuya Axel, Ate. Niyaya na namin dahil balak daw nilang mag-inom at ganoon din kami ni Kuya.”sambit ni Chico. Bahagya naman akong nagulat na may condo pala si Axel dito.

“At dito kayo iinom?”tanong ko sa kanila. Hindi naman sila nagsalita kaya napagtuloy ako sanpag

“Kailan pa kayong natutong mag-inom na dalawa?”kunot noo kong tanong.

“Akala ko ba’y abala kayo sa pag-aaral? May oras pa kayo para riyan?”tanong ko. Agad naman silang napatikhim.

“Kaunti lang naman, Ate.”sabi nila.

“Ang sungit naman, Iska, hindi mo ba ako namiss?”natatawang tanong ni Kuya Axel. Napairap naman ako dahil do’n.

“Paano kita mamimiss gayong lagi mong ginagamit ang account ni Niel para lang magpost ng picture mo?”tanong ko na nakataas ang kilay sa kaniya. Natawa naman siya dahil do’n.

“Basher ka.”aniya na natatawa. Napairap naman ako sa kaniya dahil do’n.

“Anyways, bakit hindi na lang kayo sa condo mo uminom kung may condo ka naman pala dito?”tanong ko sa kaniya na nakataas ang kilay.

“Pinaparenovate pa.”aniya kaya nanliit lang ang mga mata ko. Wow, kakasabi lang nilang mag-iinuman sila roon.

“Come on, kami maglilinis kapag nagkakalat dito.”sambit niya sa akin. Napakibit naman ako ng balikat sa kaniya dahil do’n.

“Sige na, Ate, minsan lang ‘to, medyo nakakapagod lang kasi talaga sa hospital.”sambit ni Lebon. Tinignan ko naman siya, mukha siyang pagod na pagod. Hindi ko rin naman ‘to matiis dahil minsan lang humiling.

“Fine, ligpitin niyo kalat niyo.”sambit ko.

“Daya, favoritism ka talaga, Ate!”ani Chico. Nailing na lang ako sa kaniya bago ako naglakad patungo sa kusina, ni hindi ko tinapunan ng tingin si Silas na siyang tahimik lang na nakaupo rito sa sofa, halatang hinila lang ni Kuya Axel dahil hindi maipinta ang mukha. Sus, kahit pilitin ako, hindi ako pupunta sa condo ng ex ko. Magkasala pa ako.

“Ate! Noodles nanaman?!”patanong na sigaw ni Chico, mukhang naamoy niya ang niluluto kong noodles.

“Oo, gutom na ako.”sambit ko. Bukod sa tinatamad akong magluto, ayaw ko ng lumabas pa para bumili. Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain nang mapakunot ang noo ko nang makita ang paperbag na nilapag ni Silas dito sa table.

Hindi naman siya nagsalita at babalik na sana sa sala ngunit agad ko siya pinahinto.

“Para saan ‘to?”nakataas kilay kong tanong.

“For you, obviously.”aniya kaya agad na napakunot ang noo ko.

“Is this your way of apologizing?”tanong ko pa sa kaniya na nakataas ang kilay.

“Why would I even apologize when I didn’t even do something wrong?”tanong niya sa akin. Napangiwi naman ako dahil sa kaniyang tinuran.

“Asshole.”hindi ko na nilihim pa ‘yon ‘di katulad sa set na finifilter ko pa lahat ng gusto kong sabihin. Pinagtaasan niya naman ako ng kilay dahil do’n.

“What?”tanong niya.

“You heard it perfectly.”sambit ko na nagpatuloy na lang sa pagkain ng noodles. Mukha naman siyang naoffend dahil sa sinabi ko. Hindi ko na lang din pinansin dahil baka mag-away lang kami gayong ganoon naman na ang nangyari kanina sa set.

“If you can’t take critique, stop being a writer.”aniya kaya masamang tingin ang ibinigay ko sa kaniya. What the heck? Kinurot ko naman ang sarili dahil hindi ko talaga mapigilan ang lungkot, this guy is not really my Silas.

Tama naman ang sinabi niya but my Si, instead of saying things like this, he will probably say encouragement. But yeah, it’s not my Si anymore…


Hi! Lilinawin ko lang po ‘yong age gap ni Cho kay Iska. 10 years older po si Melchora sa kaniya.

Melchora’s age
Atlas= 0
Indigo= 0
Esai= 0
Asterin= -2
Pulo= -8
Silas= -8
Iska= -10
Leo= -11
Esme= -12

‘Yan po age gap nila. Sana gets niyo AHAGSGSHAHAHA

Take two, pleaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon