Chapter 9

795 29 2
                                    

Chapter 9
Iska’s POV

Ang mahihinang hikbi ko kanina’y unti-unting lumakas hanggang sa mapaupo na lang ako habang umiiyak. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Nakakainis dahil nasa point nanaman ako ng buhay ko na kinukwestiyon ko ang sarili kung may talento ba talaga ako.

To the point na tatanungin mo ang sarili kung hanggang saan pa ba? Na kaya ba talaga o sadyang iniisip ko lang na darating din ako sa point na maaabot ko. Na ayaw ko lang lalo pang pagsisihan ‘yong mga desisyon ko sa buhay noon.

“Bakit kasi tanga ka, Iska?”tanong ko pa sa sarili habang humahagulgol.

Magkasabay lang kami ni Marita pero ito ako, napag-iwanan na. Ni hindi ko na alam kung bumagsak pa ako o talagang nasa baba na ako noon pa.

“Lord, kung ibibigay mo, ibigay mo naman na po… kung hindi para sa akin, please give me a sign. Hihinto na po ako… pagod na ako kakahabol sa pangarap na hindi ko naman alam kung saan nga ba talaga ako dadalhin…”iyak kong saad. Ito nanaman ako… Iska, ikaw ang nagdesisyon niyan. Sana noon ka pa huminto kung may balak ka rin naman pa lang tigilan.

Nagbigay lang ng panyo si Direk Silas habang nakatayo lang sa harapan ko. Ni hindi niya alam kung pakakalmahin niya ba ako o ano. Ayos lang dahil kahit naiyak ko naman na lahat, ayos na ako.

Nang tuluyan ng kumalma, kinurot ko ang sarili ko kaya nagulat siya at hihilain sana ang kamay ko ngunit nagawa ko na. Kita ko ang pamamalkat no’n sa akin pero ito ang isa sa mga paraan ko para ihinto ang mga negative thoughts sa akin.

“Kapag sinabi nilang hindi mo kaya, sampal mo sa kanila na kinaya mo…”sambit ko sa sarili. ‘Yon lagi ang sinasabi ko sa aking sarili pero madalas na nabibigo lang din ako. Baka isa rin naman talaga ako sa mga taong hindi nagtitiwala na aabot ako roon.

“Kapag sinabi nilang hindi mo kaya, edi ipagawa mo sa kanila.”aniya sa akin.

“Paano ‘yon? Easy lang sa kanila?”tanong ko naman na suminga pa sa panyo niya.

“Kaunting hiya naman oh.”bulong niya kaya bahagyang tumaas ang kilay niya.

“Hindi ka naman matuturn off dahil una pa lang hindi ka naturn on.”hindi ko alam kung bakit malakas ang loob kong makipag-usap sa kaniya ng ganito. Siguro dahil I’m in the verge of giving up my dream.

“Uwi na ako, Sir, salamat ho sa panyo, balik ko na lang bukas pero kung gusto niyo naman po balik ko na ngayon.”sambit ko sa kaniya. Kita ko ang mukha niyang hindi maipinta kaya bahagya akong natawa. Nasisiraan ka na talaga, Iska.

“Want to grab a drink?”aniya nang paalis na sana ako. Nahinto naman ako at napatingin dito.

“G, sakto balak ko pa namang bumili ng red horse.”sambit ko. Mukha akong tangang ang daming sinasabi pagkatapos umiyak at magdrama drama dito sa loob ng set. Kulang na lang ay magbest actress ako sa kagagahan ko sa buhay. Nang makasakay sa kotse niya saka lang ako nakaramdam ng hiya.

“1v1 ba tayo nito, Sir?”natatawa kong tanong para mawala ang awkwardness mula sa aming dalawa.

“I just want take a sip. Hindi ako iinom ng marami and stop calling me Sir, I’m not even a teacher or anything.”sabi niya sa akin pero scammer ang gago. Sa bar niya ako dinala at ang dami pang inorder na alak. Bago kami pumasok sa vip room, ang dami kong artistang nakita sa paligid kaya ang daming bumabati kay Direk. Lumayo pa nga ako dahil ayaw ko namang isipin nila na magkasama kami kahig na ‘yon naman ang totoo. Nakakahiya lang dahil production assistant lang ako tapos nakikisama pa sa isang direktor na tulad niya.

Tila naniniwala naman na ako ngayon sa sinabi nitong marami siyang koneksiyon dahil halos hindi kami makapasok sa vip room sa sobrang daming lumalapit sa kaniya. Parang pinagsisihan ko tuloy na sumama pa ako rito.

May mga napapatingin pa sa akin, nakakahiya kung kailan naman may uhog uhog pa ata ako. Halos gumapang na ako para lang makalayo kay Direk dahil agaw atensiyon talaga ang isang ‘to.

“Direk, want to come in my condo tonight? Just like the old times?”nakangising saad no’ng isang babaeng nadaanan namin. Infairness, ganda rin talaga ng taste nitong si Direk. Sobrang sexy kaya no’ng babae at mukha pa model. Tapos ang amo pa ng mukha. Talagang halatang playboy din ‘tong si Direk e. Sabi ko na nga ba nambabalibag talaga ‘to sa kama.

“I’m busy.”sabi niya at napakibit ng balikat.

“Sayang, sexy pa naman no’n.”bulong ko sa sarili. Napalingon naman sa akin si Direk dahil do’n. Lakas din talaga ng pandinig ng isang ‘to. Pinagtaasan niya lang ako ng kilay.

“Direk, sino ‘yan? Bagong artista? Pakilala mo naman kami!”sabi ng isang grupo ng kalalakihan. Hindi naman ‘yon pinansin ni Direk Silas, dire-diretso lang siya sa paglalakad. Mas lalo pa akong nahiya dahil hinawakan niya na ako sa palapulsuhan para bumilis ang lakad namin. Aba’t siya lang naman ‘tong ang daming kilala.

Nang makarating sa vip room, talagang mag1v1 lang kami dito samantalang sobrang lawak. Magkatapat lang kami habang hinihintay ang mga alak na inorder niya. Napatingin pa ako sa wallet ko dahil pakiramdam ko’y wala akong maipambabayad dito.

“Nang-iinsulto ka ba?”tanong niya sa akin.

“Don’t worry about the bill, sagot ko.”aniya sa akin. Dapat lang, siya ‘tong nagyaya. Dapat nga’y gin lang ako mamaya sa bahay.

“Hindi ko naman alam na dito pala tayo, sa kanto lang namin mura lang.”mahina kong saad.

“So?”tanong niya naman at pinagtaasan pa ako ng kilay.

“Nakakahiya lang, baka ano pang isipin ng mga kaibigan mo, Sir.”sambit ko naman. Kunot ang noo niya at bago pa siya makapagsalita, pumasok ang ilang waiter na may dalang alak. Ni hindi ko man alam ang mga brand ng alak na nandito. Lahat mukhang mamahalin.

“Wala bang red horse dito?”tanong ko. Mukhang wala dahil high end bar ito.

“Wait, I’ll ask.”aniya. Nag-aalinlangan naman na tumango ‘yong lalaki. Mukhang kahit wala sila, basta ‘tong si Direk ang nagtanong, magkakaroon.

“Huwag na kung wala.”sambit ko naman at ngumiti pa. Mukhang hindi naman papayag si Direk kaya sinenyasan niya ang waiter na umalis na.

“Ayos na ‘to.”sabi ko na umiling pa.

“Nakakahiya, ayos na talaga, promise, Sir.”sambit ko pa muli. Nagkibit naman siya ng balikat doon.

“Sir, medyo pavip ka talaga no?”siguro nga’y pangarap kong matapos na ang pangarap dahil sa mga pinagsasabi ko ngayon. Kita ko ang pagkunot ng noo niya sa akin at hindi nanaman maipinta ang mukha. Mabuti na lang ay dumating ang waiter kaya bago pa ako mabulyawan kumaway kaway pa ako. Baka ‘to na ang huling araw ko sa trabaho. Sulit-sulitin ko na. Hindi na ako magtataka kung bukas lang ay aalisin niya na ako sa trabaho. Mukha pa naman kasi siyang pikon sa akin.

Maya-maya lang ay natahimik na kaming dalawa. Parang bumabalik nanaman sa akin ang lahat. Kahit anong pilit ko talagang pagaanin ang loob ko, dadating at dadating ka pa rin sa puntong magdodoubt ka sa kakayahan mo.

“Sir…”tawag ko sa kaniya.

“I told you stop calling me Sir.”aniya sa akin.

“Direk.”tawag ko muli.

“You think it’s worth it?”tanong ko habang sumisimsim sa red horse na binili pa ata sa labas.

“Sa tingin mo ba worth it ipagpatuloy ‘yong bagay na hindi mo sure kung saan ang tungo?”tanong ko sa kaniya.

“Do you like that thing you’re talking about?”tanong niya naman at nangalumbaba pa habang tinitignan ako.

“Hmm, do I like that thing?”tanong ko sa sarili at nag-isip pa kahit alam ko naman ang sagot.

“Sobra.”sambit ko. Kahit nakakapagod kapag nagsulat na ako, alam kong masaya ako. Hindi ko naman tatalikuran ang ibang bagay kung hindi ko ‘yon gusto.

“Then I think it’s worth it.”aniya sa akin at tipid na ngumiti. Napatitig naman ako sa kaniya dahil sa kaniyang sinambit. Parang sa isang iglap, nawala ang doubt ko at pag-aalinlangan na ipagpatuloy ‘yong bagay na noon pa man gusto kong matupad.

Natahimik nanaman kaming dalawa kaya sunod sunod na ang tungga. Hindi ko naman na maiwasan pang magkwento sa kaniya, dala na rin siguro ng alak.

“You know what? Kanina… na kita ko ulit ‘yong kaibigan ko noong high school, alam mo ba, engineer ‘yon tapos writer pa, galing niya no? Tapos ako ito, palamunin pa rin.”natatawa kong saad habang nakatingin lang sa alak.

“Maybe I was just really jealous, kasi 25 na ako e. ‘Yong ibang batchmate ko naabot na nila ‘yong mga bagay na gusto nilang makamit. ‘Yong iba sa edad na bente singko, may sasakyan na… may bahay na… natravel na ang mundo. Samantalang ako, nandito, pinagsisisihan pa rin ‘yong desisyon ko sa buhay.”sambit ko bago tumungga ng alak.

"Hindi karera ang buhay, Iska, ano naman kung naabot na nila ang pangarap nila sa edad mong 'yan? Walang tamang edad para sundan ang pangarap."aniya sa akin ngunit sarkastiko akong natawa.

"Ano namang alam mo, 'di ba?"nakangisi kong saad sa kaniya.

“17 ka noong naabot mo ang iyo… 17 ka lang noon…”pabulong na saad ko.

“Do you really think that being a director is my dream?”natatawa niyang tanong bago siya sumimsim sa alak na hawak. Agad naman akong napatingin sa kaniya dahil sa kaniyang tinuran. Hindi ba? Mali ba ako?

“I’m 27 now, but just like you… my dream remain unfulfill…”aniya na napakibit pa ng balikat.

“We?”tanong ko kaya napatawa siya sa akin.

“Mukha ba akong joker sa paningin mo?”natatawa niyang tanong at naipiling pa sa akin.

“Medyo.”sambit ko naman kaya naoatawa siya.

“Medyo ampota.”aniya kaya ako naman ang natawa. He was always calm kahit na nagsusungit, hindi siya nagmumura kaya mangha ako nang magmura ‘to.

“Isa pa nga.”sabi ko kaya nailing lang siya sa akin. Sumimsim lang siya alak na nasa kaniyang tapat.

“Ijujudge mo ba ako kapag sinabi kong hindi ako nag-aral kahit mayroon namang pampaaral?”tanong ko, nasa unang hakbang na ako ng pagiging lasing ko, dumadaldal nanaman.

“Hmm, why would I? Diyos ba ako?”tanong niya naman kaya bahagya akong natawa.

“Noong makatapos ako ng senior high, hindi na ako tumuloy mag-aral dahil wala akong gustong gawin kung hindi tuparin ang pangarap ko. Pangarap kong maging writer, halos araw araw lang akong nagusulat, kahit anong pilit no’ng lola ko na mag-aral ako, hindi ako pumayag, ang tanga ko nga raw sabi ng mga kapitbahay namin e, may pera namang pampaaral pero dahil daw sa katamaran ko, mas lalong wala akong mararating…”pagkukwento ko sa kaniya. Nakikinig lang naman siya sa akin. Pinaglalaruan lang din ang baso niya.

“Pero hindi pala ganoon kadali ang buhay no? Hindi pala lahat ng ginusto mo, makukuha mo.”sambit ko.

“Maraming nagsabi na mali ako kaya minsan naiisip ko na baka nga tama sila, na baka nga talagang ako ‘tong mali, na baka mali nga ako ng tinahak na landas. Minsan tuloy hindi ko maiwasang magsisi sa mga naging desisyon ko.”pabulong na saad ko. Minsan naaapektuhan ako no’ng opinyon ng mga tao.

“Hindi ko tuloy maiwasang mapatanong sa sarili na kung nag-aral kaya ako? Na saan kaya ako ngayon? Mas maganda kaya ang buhay ko?”tanong ko sa sarili. Ramdam ko naman ang titig niya sa akin. Pinapanood lang ako nito habang ako naman ay kung ano ano lang ang pinagsasabi.

“Ewan ko… hindi ko na maintindihan… mali ba ako? Mali ba talaga ang desisyon ko?”tanong ko pa. Pinitik niya naman ang noo ko.

“I think walang maling desisyon, if they think that your desisyon is wrong, nasa sa’yo kung paano mo itatama. Best way para hindi pagsisihan ang desisyon ay ang hindi pagsisisi.”aniya sa akin. Hindi ko alam kubg nahihilo na ba ako sa alak o sa sinasabi nito.

“Isa pa…”aniya na tinignan ako. Medyo napapapikit na ako dahil inaantok na.

“There's nothing wrong on choosing what makes you happy.”sambit niya sa akin kaya natigil ako. Kusa na lang kumurba ang ngiti mula sa aking mga labi bago ako tuluyang kainin ng antok.

Take two, pleaseWhere stories live. Discover now