Chapter 11

788 26 0
                                    

Chapter 11
Iska’s POV

“What was that?”tanong ni Direk nang magtungo siya sa may office nang nagpiprint ako. Break kaya nakatambay siya rito ngayon.

“What?”natatawa kong tanong. Gusto kong asarin siya ngunit baka isipin niyang fc ako. Nakataas lang naman ang kilay niya habang nakahalukipkip.

“Hmm, you like Ms. Eva no?”hindi ko na napigilan ang bunganga ko.

“What?”hindi niya pa maiwasang matawa sa sinabi ko ngunit nanatili lang ang mapang-asar na ngisi mula sa aking mga labi.

Huminto lang ako sa pang-aasar nang makitang may tumatawag mula sa phone.

“Hello, this is media star, how may I help you?”tanong ko sa kausap. Tumalikod naman ako kay Direk dahil bahagyang nahiya dahil nakatitig lang siya sa akin, this guy can easily make my heart flutter. Nakakainis dahil kahit ayaw ko, kinakabahan ako kapag nasa tabi ko siya o ano pa man. Ewan ko ba kung bakit din ako nacoconscious dahil sa kaniya.

“Iska, saan ka? Sunduin mo nga ‘tong si Julian, nakainom, kailangan niyang magpunta diyan kung hindi patay na talaga.”sabi ng PA ni Julian. Kaya pala wala pa rin ang isang ‘yon. Lagot talaga siya kapag hindi siya umabot.

“Sige, sandali lang.”sambit ko at pinatay ang tawag. Nagtatanong naman si Direk kubg bakit ngunit hindi ko siya sinagot dahil baka bukas lang ay palitan niya na agad ‘tong si Julian. Pinapahirapan niya talaga ang mga writer niya na palitan ang story line. Hindi naman na siya nakapagsalita pa dahil tumatakbo na ako palabas.

Nang makarating sa tapat ng condo ni Julian ay napakamot ang PA niya.

“Sorry, Iska, wala kasi ‘yong manager namin. Hindi naman ako marunong magmaneho, baka mamaya’y masira ko pa kotse nitong si Ms. Julian, edi imbis na kumita, mas lalo lang akong nawalan ng pera?”natatawa niyang tanong sa akin. Pinasok naman namin si Julian na siyang tulog pa.

“Nakakaloka, Sis, stress ako sa kaniya, ako nanaman ‘tong pagagalitan ng manager namin.”ani Melissa na napasandal pa ang likod ng ulo sa bintana ng sasakyan. Napatawa naman ako dahil do’n, mukhang pagod na pagod ‘to, sa sobrang pagkapasaway ba naman kasi ng alaga niya.

“Psst.”napatingin kami kay Julian nang bigla ‘tong bumangon. Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot sa paraan ng tingin nito sa akin. Akala mo kasi’y anytime ay handa niya akong patayin.

“Mabuti naman ay gising ka na, Ms. Julian! Nakakalerkey ka, akala ko’y malilintikan na tayong dalawa.”sabi ni Melissa. Ipinahinto niya pa ang sasakyan para maayusan na si Julian na siyang hindi pa rin inaalis ang masamang tingin sa akin.

“Kayo ba ni Direk?”tanong niya na pinagtaasan pa ng kilay. Mabuti na lang ay nakahinto na ang sasakyan, kung hindi’y baka magkaemergency talaga kami ng wala sa oras. Natigil din si Melissa dahil sa tanong ng alaga niya habang ako naman ay awkward na natawa.

“Baka medyo hilo ka pa, Julian.”sambit ko sa kaniya na tumatawa pa na parang tanga.

“Nakita ko kayo kagabi na magkasama!”aniya kaya nanlaki ang mga mata ko. Sabi ko na nga ba! Maling mali talaga ang desisyon kong ‘yon. Napatikhim naman ako dahil do’n.

“Baka namamalikmata ka lang naman, Ms. Julian.”sambit ni Melissa sa kaniya.

“Oo nga, hehe.”dagdag ko naman ngunit parehas niya lang kaming sinamaan ng tingin.

“Anong tingin niyo sa akin? Bulag? I saw her! Buhat buhat pa nga siya ni Direk habang palabas sila. Akala mo bagong kasal!”sambit niya kaya gusto ko na lang magpalamon sa lupa.

“Ahhh!”malakas pa siyang sumigaw na akala mo’y nagwawala, hindi tuloy siya maayusan ng maayos ni Melissa.

“Crush na crush ko pa naman ‘yon, hindi ko pa nga nalalasahan!”inis na saad niya.

“Akala ko ba natikman mo na?”parang gusto ko na lang sampalin ang bibig dahil sa mga pinagsasabi.

“Hindi pa! Base lang sa nakikita.”nakasimangot niyang saad. Nailing na lang ako dahil do’n. Nagsimula naman na ulit akong magmaneho habang si Julian ay rant lang ng rant. Naiiling na lang si Melissa sa kaniya.

“I hate you.”sambit niya sa akin nang makalabas kami sa kotse at nagmartsa pa patungo roon. Awkward na ngumiti na lang sa akin si Melissa at pinanghihingi ng tawad ang alaga niya. Ngumiti na lang ako.

Nakasunod lang ako nang maya-maya lang ay nagmamartsa nanaman pabalik sa akin si Julian.

“Masarap?”tanong niya kaya halos masamid ako sa sarili kong laway. Kung ‘yong luto ang tinatanong, oo, masarap pero knowing Julian, alam ko na agad ang tinatanong nito.

“Hindi ko alam. Walang ganoong naganap.”sambit ko kaya pinanliitan niya ako ng mga mata at ngumiwi pa.

“Ang damot mo, Iska!”aniya na inirapan pa ako.

“Argghh.”iritado pa siyang umalis sa harap ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kaniya o ano. Napailing na lang ako bago ako nagpatuloy sa paglalakad.

Nagpatuloy naman na ako sa trabaho. Minsan naisip ko na having crush in your workplace is not that bad. I mean ang sarap sa feeling kapag may inspirasiyon ka tapos tamang sulyap lang sa hot na hot na si Direk. Wait, so I have a crush with Direk? Tanda mo na, Iska, ngayon ka lang nagkacrush, ano ka high school?

Nakakainis! Hindi ko tuloy maiwasang iiwas ang tingin kapag nagkakatinginan kaming dalawa. Parang tanga, Iska. Para kang teenager na hiyang hiya sa crush mo. Awkward tuloy.

“Want to grab some snacks?”halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko siyang nasa tapat ko habang inaasikaso namin ang ilang pagkain.

“May snacks na rito?”tanong ko naman pabalik sa kaniya at pinakita pa ang styro. One thing I’m good at? Pretending to be calm kahit galit or naghuhurumendo ang puso.

“That’s just my excuse.”aniya kaya napaawang ang mga labi ko.

“Huh?”tanong ko naman.

“I want to breathe some fresh air.”sambit niya kaya napatango ako.

“Ahh.”saad ko at tumango tango pa.

“Then breathe.”ani ko.

“Tara na.”aniya sa akin kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.

“Hindi ka mamakahinga mag-isa?”tanong ko naman kaya napatawa siya.

“Saka hindi ka makakalanghap ng sariwang hangin diyan, usok pwede pa.”sambit ko pa. 

“Ang pangit mo kabonding, sana aware ka.”aniya kaya napatawa na lang ako. Napatikhim lang ako nang makitang nakatingin sa amin ang ilang staff. Bahagya naman akong lumayo ngunit parang walang pakiramdam ‘tong si Direk, mas lalo pang lumapit. Naginuman lang kami pero ito kami ngayon, akala mo’y sampung taon ng magkaibigan.

“Hey, I have some question, Direk, can you come with me?”lumapit si Ms. Eva sa amin na may malapad na ngiti. Napatingin naman ako kay Direk bago siya nginisian. Kumunot naman ang noo niya sa akin at napailing pa dahil sa pang-aasar ko.

Ang ganda talaga ni Ms. Eva, parang wala man lang kapores pores sa mukha, mukha talagang model, kung magiging sila ni Direk, hindi na ako magtataka dahil bagay naman talaga sila.

“Can I borrow her, Iska, right?”tanong ni Ms. Eva. Nakatingin lang naman ako sa kaniya. Parang utos ng isang anghel kaya mabilis akong napatango. Kinindatan ko pa si Direk na siyang sinimangutan ako. Nahiya pa.

Mabuti na lang din ay tinawag na ako ni Niel kaya nakaalis na rin naman ako roon para bigyan silang espasiyong dalawa.

Lumipas ang mga araw na parang mas lalo lang kaming napalapit ni Direk sa isa’t isa pero syempre, hindi naman ako lumalapit kapag alam kong maraming matang nakatingin. Nakakahiya. Kay Direk, wala lang ‘yon. Well, wala naman kasi atang pakialam ‘yon sa image niya. Pero huwag niyang ieexpect na mawala ang kasungitan niya dahil parte na ata talaga ‘yon ng pagkatao ng isang ‘yon.

“What about grapes?”tanong niya sa akin habang nag-aayos ako rito ng mga papel. Nagliligpit na sila sa labas kaya nakatambay siya ngayon dito sa office.

“Apple ba ‘yon? Apple nga lang.”sambit ko.

“Bakit ayaw mo?”ulit niya nanaman sa tanong niya kanina.

“Ayaw ko lang.”sambit ko naman. Hindi ko alam kung paanong umabot sa mga ayaw kong pagkain ang usapan namin gayong kanina lang ay nagkukwentuhan kami tungkol sa shoot.

“What about you?”tanong ko naman.

“Carrots.”sabi niya naman.

“Bakit?”tanong ko.

“Ayaw ko lang.”kita mo ang isang ‘to, gaya gaya rin ng sagot.

“Direk, Iska, patuloy pa ba kayong maglalandian diyan? Team dinner na.”irap ni Julian, siya lang ‘tong nakakaalam no’ng sa bar, hindi pa rin naman niya sinasabi sa iba ang nakita kaya laking pasasalamat na rin sa kaniya. 

Humiwalay naman na ako sa kaniya  at sumunod na kina Niel.

“Ikaw ahh, napapalapit ka na riyan sa crush mo.”aniya sa akin. Kung paano ko asarin si Direk, doble naman no’n ang pang-aasar nitong si Niel. Kahit nga magkatinginan lang kami ni Direk kung makakurot ‘tong si Niel ay walang katapusan kaya minsan ay napapagalitan kami ni Ms. Balatazar. Idagdag mo pa kasi ang ingay niya.

Napuno naman ang ingay ng shop na pinasukan namin. Punong puno ‘yon ng staff ng dusk. Napangiti na lang ako dahil buhay na buhay ang mga ito. Mabuti nga at hindi kj si Direk. Nagawa niya pang makipagtawanan sa mga kasama. Hindi ko maiwasang pagmasdan siya, he’s kinda hot kapag nagsusungit pero he’s not that bad kapag nakangiti. Nakakalaglag panty. Napangiwi na lang ako sa iniisip ko at napailing. Punyeta ka, Iska, malala ka na.

“Iska, do you want this?”tanong sa akin ni Clark na siyang tumabi pala sa akin. Hindi ko namalayan.

“Ayos lang, Clark, ako na lang ang kukuha.”sambit ko at tipid na ngumiti.

Pinaghiwa niya pa rin ako ng barbeque kahit pinipigilan ko na siya.

“Umiinom ka ba, Iska?”tanong niya pa.

“Kaunti lang.”sambit ko nang lagyan niya ang baso ko. Hindi naman natatahimik dahil magaling ding mag-isip ng topic ‘tong si Clark. Nagkukwentuhan lang kami sa kung ano ano, ikinukwento niya silang magpipinsan. Naiiling na lang ako dahil siya ata ‘tong pinakapasaway. Natatawa na lang ako sa kaniyang kwento.

“Clark.”tawag ni Ms. Eva sa kaniya. Napalingon naman kami rito, nagpaalam lang sandali si Clark bago siya nagtungo sa tabi ni Ms. Eva. Hindi ko naman mapigilan ang mapatitig sa kaniya. Sobrang ganda niya, tapos ang bait bait pa. I wonder kung bakit kaya hindi siya mapormahan ni Direk? Takot ba na mabasted ‘yon? We?

Nakikita ko naman ang palihim na pagsulyap sulyap ni Ms. Eva kay Direk kaya ano bang kinatatakot ni Direk? Mukha namang gusto rin siya nito. Halata naman sa paraan ng tingin niya.

Napatingin tuloy ako kay Direk, nahuli ko siyang nakatingin sa gawi nina Ms. Eva at ni Clark. Noong una’y inaasar asar ko lang ‘to pero ngayon parang sure na ako na may gusto ito dito. Nang dumako ang kaniyang mga mata sa akin, nginitian ko lang siya bago ibinigay ang atensiyon sa niluluto. Hindi rin ako gaanong uminom dahil mukhang walang tutulong sa mga taong ‘to na mag-uwi. Kawawa naman ang kung sinong matitira.

Parang lahat kasi sila’y handang maging wasted, hindi ko sila masisisi dahil patapos na ang Dusk, iba iba nanaman panigurado ang makakatrabaho pagkatapos nito. I’m scared to have a new environment, mahirap kumilatis ng bagong tao.

“Ako na.”napatingin ako kay Direk nang agawin niya ang thong sa kamay ko. Mga shenglot na ang halos lahat ng kasama namin, iilan na lang talaga ang matatag. Hinayaan ko naman siyang maggrilled ng mga meat na ibibigay sa mga kasama niya na nagkukwentuhan lang sa gilid. Para kina Mr. Tan.

Halos mapatalon kami sa gulat na dalawa nang makita si Kendy na pumagitna sa amin. Mukhang lasing na lasing na ang isang ‘to.

“Gwapo mo sana, Direk, kaso ubod ka ng kasupladuhan!”ani Kendy, hindi ko alam kung mahihiya ako para sa kaniya o ano. Hinila naman na siya ng manager niya palabas. Bahagya naman akong natawa dahil kita kong medyo pikon ‘tong si Direk.

“Medyo true naman ‘yon, Direk.”natatawa kong saad kaya pinagtaasan niya ako ng kilay.

“What?”tanong niya na pinanliitan pa ako ng mata. Nag-asaran lang kaming dalawa, huminto lang nang nagsisiuwian na ang mga kasama namin.

“Si Ms. Eva, Direk, lasing na rin ata.”sambit ko sa kaniya. Tinignan niya naman ako at pinagtaasan ng kilay ngunit binalik ko lang din ‘yon, binigyan din siya ng mapang-asar na ngisi. Gustong gusto ko kapag naiirita na ito sa akin. Ang hot kaya niya!

“Eva… she’s my ex so stop with your ship.”aniya.

Take two, pleaseWhere stories live. Discover now