Chapter 31

744 25 0
                                    

Chapter 31
Iska’s POV

“Pwede talaga, Kuya? Sure ka? Kapag nagasgasan ba ipapabayad mo sa akin?”tanong ni Chico kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“So may plano kang ipagasgas?”tanong ko na nakataas ang kilay.

“Wala! Of course wala, Ate!”nakanguso niyang saad kaya pinagtaasan ko na lang siya ng kilay.

“Ayos lang, basta ipambayad mo Ate mo.”biro ni Silas kaya agad na napaalis sa fromt seat si Chico.

“Ayaw ko na pala, Kuys.”aniya bigla kaya nailing na lang kami. Silas is not the type of a guy na isusumbat sa’yo ang lahat like kunwari kapag nag-aaway kayo, wala kang maririnig na sumbat sa kaniya sa lahat ng kung ano.

“I’m just kidding. I won’t mind.”ani Silas na natatawa.

“Huwag na, hayaan mo na.”sambit ko naman ngunit sa huli’y nagmamaneho na sila. Nagpunta sa trabaho si Mama kaya si Nurse Lebon ang kasama namin. Wala lang gusto ko lang sulitin, aba’t pinaghirapan niya ‘yon e.

“Ate, I think you’re in the good hands…”sambit sa akin ni Lebon kaya nagtataka ko siyang tinignan.

“I kinda like Kuya Si for you…”aniya sa akin. Napangiti na lang din ako roon. Ako rin. Gusto ko siya para sa akin.

“Syempre! Ako pa ba? Ate mo ako, magaling akong mamili.”natatawa kong biro sa kaniya kaya natatawa na lang siya sa aking napailing.

Paikot ikot lang kami rito sa lugar namin hanggang sa mapagpasiyahan nilang mamasyal sa may enchanted kingdom. Sinamahan lang din naman namin ang mga ito.

“Next time let’s go to la union, isasama namin kayo.”sabi ni Silas sa kanila kaya agad silang napalapit kay Silas.

“Talaga, Kuya? Dagat ba?”excited na tanong ni Chico. Tumango naman si Silas doon kaya napatalon na lang ang kapatid ko sa tuwa. Hindi ko naman maiwasang matawa dahil do’n.

“Sige, Kuya, sabi mo ‘yan ahh, bawal tokis dito.”sabi niya pa kaya nailing na lang ako. Maya-maya lang ay hinila na ni Chico si Lebon sa kung saan saan, ang kulit talaga ng isang ‘to, buti’y natitiis ng Kuya niya. Sobrang pasensiyoso rin talaga nitong si Lebon. Manang mana talaga kay Papa.

“Ayaw mo bang mag-aral ulit?”tanong ko kay Silas na siyang nasa gilid ko. I know how much he loves to travel, kahit gustong gusto kong nasa bahay lang kapag nagyayaya na ito, hindi ko na matanggian dahil alam kong mag-eenjoy din naman ako.

“Pwede ka pa naman maging pilot, kakayanin pa.”sabi ko na nakangiti sa kaniya. Kahit para lang sa sarili niya, alam ko’y hindi naman talaga kailangan ng degree kung gusto mong maging private pilot or what.

“Hmm, I don’t know, I can actually study but baka wala na akong oras—“agad ko naman siyang pinulot doon.

“’Yon naman pala e! Edi g!”sambit ko na nakangiti.

“What about you?”tanong niya.

“What about me?”tanong ko naman.

“Paano ka? Wala akong oras.”sambit niya, nagkibit lang naman ako ng balikat doon.

“We are both in this relationship, hindi kailangan laging ikaw ang mag-adjust.”sabi ko na napakibit pa ng balikat sa kaniya.

“I’ll train din, to be better writer.”nakangiti kong saad.

“I can send your manu—“

“No. Sinasabi ko sa’yo, Silvano, kapag nalaman ko lang na tanggap ang manuscript ko dahil sa’yo, malilintikan ka talaga sa akin.”sambit ko sa kaniya.

“Of course not, you’re talented.”sabi niya na nginitian pa ako. Kung talented talaga ako sana noon pa, ‘di ba?

“Ano aaral ka ulit?”tanong ko sa kaniya.

“I’ll think about it.”sambit niya naman kaya napatango ako. I’ll support him no matter what.

After namin magtungo sa kung saan saan, inuwi na rin namin sina Lebon at Chico dahil balak kong magpunta sa bookstore.

“Can I come?”tanong sa akin ni Silas.

“Baka mainip ka?”tanong ko naman.

“I just want to see kung saan ka nagpart time noon.”aniya kaya napakibit ako ng balikat at tumango.

Dumeretso kami sa bookstore para bisitahin ang mga kaibigan ko.

“Iska!”napatingin ako kay Marisa nang makita niya akong papasok sa may bookstore. Agad niya akong dinamba ng yakap.

“Hi! Kumusta?”nakangiti kong tanong sa akin.

“Gaga ka! Miss na miss kita! Hindi mo man lang ako binibisita kapag umuuwi ka rito.”ang ingay nanaman niya, natawa na lang ako dahil ang dami na agad nitong chika sa akin.

“Nandito na nga ako, ang dami mo pang say!”natatawa kong saad sa kaniya.

“Hi, Iska.”napalingon naman ako sa nasa likod niya.

“Uyy, hi, Ced, kumusta na?”nakangiti ko ring tanong dito.

“I miss you, Iska.”sambit niya. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak sa kamay ko. Hindi ko maiwasang matawa kay Silas. As if naman ipagpapalit ko pa ‘to gayong tama naman ang mga kapitbahay namin, jackpot na ako rito. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

“Silas, si Ced, kaibigan ko, Ced, Silas. Boyfriend ko.”pagpapakilala ko kay Silas. Kita ko naman ang pag-awang ng labi ni Cedrick.

“Sabi sa’yo e! Edi naniwala ka rin sa akin! Nanlandi na nga talaga ‘yan sa manila!”sabi ni Cherry na inirapan pa ako. Hindi ko naman maiwasang matawa dahil kahit paano’y namiss ko ang pagiging maldita nito.

“Wow, kay Cedrick pinakilala mo? Paano ako? Ako bestfriend mo rito!”sambit ni Marisa, kaunti na lang ay maririndi na talaga ako sa bibig ng babaitang ‘to. Natawa na lang ako bago ko pinakilala si Silas na siyang ngumiti lang ng bumati.

“Infairness, marunong ka rin talagang lumandi.”sambit sa akin ni Cherry.

“Gray eyes, wow.”aniya pa na namamangha. Ako naman ang napasimangot doon. Halos itago ko sa likod ko si Silas kahit na ang liitbliit ko naman. Half foreigner half abnoy ang papa niya kaya naman may lahi din talaga ‘tong kasama ko.

“Wow, Si Iska? Territorial? Anong pinakain mo riyan, Mister?”natatawang tanong ni Cherry. Miss na miss ata talaga akong asarin ng isang ‘to. Masamang tingin lang ang ibinigay ko sa kaniya. Parang sira amp. Mas lalo lang siyang nang-asar sa akin. Inis na inis naman ako sa kaniya dahil do’n.

“Ang sarap mo pa lang pikunin no?”natatawa niyang saad sa akin kaya inirapan ko siya.

“Bawi lang ‘yan, ako ang lagi mong iniinis.”aniya. Aba’t siya lang ‘tong laging nauuwing pikon.

“Grabe, hinihintay ka pa naman ni Ced ma umuwi dahil liligawan ka na, huli na pala.”natatawang saad no’ng mga nasa cashier. Nailing lang naman ako dahil do’n. Ang lalakas talaga ng mga trip nila.

“Ced, shot na lang tayo mamaya.”sambit naman ni Cherry.

“Alam niya naman kasi, ayaw lang maniwala sa akin, ‘yan, shocker ka ngayon.”sabi naman ni Marisa na natatawa sa tulalang si Cedrick. Bahagya naman akong nahiya dahil do’n. Mga siraulo talaga ang mga ito. Ang iingay.

Napatingin naman ako sa katabi kong tahimik lang sa tabi ko.

“Iska, wait mo ako sa bahay niyo, chikahan kita! Huwag kang aalis hangga’t hindi mo ako nakikita roon.”sambit ni Marisa nang magpapaalam na akong aalis dahil nagdadagsaan na ang mga customer nila.

“Susunod ako sa manila, baka makahanap din ako ng the one ko.”sabi niya pa kaya napatawa ako. Gaga talaga kahit kailan.

Nang pasakay na sa kotse, kita kong tahimik pa rin ‘tong si Atlas. Nilingon ko siya dahil dito.

“Galit ka ba?”tanong ko sa kaniya.

“Bakit ako magagalit?”tanong niya naman na hindi ako nililingon. Napatawa naman ako ng mahina kaya agad niya akong tinignan at pinagtaasan ng kilay.

“Galit ka nga.”ani ko.

“I’m not. I was just annoy on how they tease you to that guy kahit na alam naman nilang may boyfriend ka.”aniya sa akin.

“Sorry… ganoon lang talaga sila roon. Noon pa man inaasar na nila sa akin ‘yon.”ani ko kaya mas lalo lang kumunot ang noo niya.

“But you know, it’s nothing. Hindi ko naman ‘yon gusto. Ikaw lang gusto ko.”sambit ko sa kaniya. Kita ko naman ang pagkalma ng kaniyang mukha kaya napangiti na lang ako.

“Pares tayo?”tanong ko sa kaniya. Hindi naman na ‘to nagpakipot pa at tumango na. Maya-maya lang ay bumalik na rin kami sa normal na pagkukwentuhan naming dalawa.

Maya-maya lang ay nakarating kami sa bilihan ng pares. Umupo lang kami roon habang naghihintay ng order. Sinubukan niya rin ang ilan pang pagkain dito. Si likes eating minsan nga naisip ko na pagkain talaga ang pinupunta niya sa mga lugar. Kitang kita ko naman kung paano siya malibang sa pagkain.

“What?”tanong niya nang mapansin ang titig ko. Umiling naman ako at bahagyang natawa. Kumain na lang din ako.

“Ayaw mo bang maging personal assistant ko na lang, gf?”tanong sa akin ni Silas. Ang cute talaga.

“Bakit? Maayos naman ang trabaho ko. Noon siguro takot akong makisalamuha sa ibang tao but as the day passed by, nasasanay naman na ako. I’m enjoying my job, Si.”sambit ko sa kaniya. Napanguso naman siya at napatango.

“Fine but if you change your min—“

“I won’t change my mind.”natatawa ko namang sambit ko inirapan niya ako.

“Ikaw halatang patay na patay ka sa akin. Gusto mo akong kasama 24/7.”pagbibiro ko sa kaniya.

“Right.”sambit niya.

“Ideny mo naman kahit kaunti.”natatawa kong biro dahil kinikilig ako. Tsk. Landi kasi talaga ng isang ‘to.

“Why would I? ‘Yon naman ang totoo.”aniya na napakibit pa ng balikat.

Matapos kaming magkwentuhan at tumambay dito. Napagpasiyahan na rin naming umuwi sa bahay dahil kinukulit na ako ni Marisa na papunta na siya.

“Are you sure you’ll be fine?”tanong ko kay Silas nang makitang sinasama siya ni Chico palabas ng bahay.

“Yeah.”aniya naman at ngumiti sa akin. Tumango na lang ako at hinayaan siya.

“Ano ka baby sitter?”dinig ko pang pambabara ni Mama sa akin nang dumaan siya sa harap ko. Well, mild pa lang ‘yan. Hindi ko na lang pinansin dahil mag-aaway lang kami.

“Grabe, ang dami mong dapat ichika sa akin! Hindi sapat ang 30 mins kaya bukas ka na umuwi!”ani Marisa na kararating lang.

“Hi, Tita!”bati niya pa kay Mama na tinanguan lang siya. Si Marisa ‘tong sanay na sanay kahit na dakdakan pa ako ni Mama sa harapan niya. Naalala ko no’ng unang beses niyang narinig ‘yon, talagang iniwasan ko siya dahil hiyang hiya ako pero ang babaita hinarang ako sa may hagdan, bakit ko raw ba siya iniiwasan. Tinatanong pa kung may ginawa raw ba akong mali sa kaniya at kung naguguilty daw ba ako. No’ng sinabi kong nahihiya ako’y tumawa lang siya at sinabing ‘lahat naman nasesermonan, special lang sa’yo, may audience ka.’

Halos ilang oras kaming nagkukwentuhan, halos sakalin niya ako ng sinabi ko ang totoong relasiyon namin ni Silas noon.

“Alam no’ng Leo ‘yan?”tanong niya na nakataas ang kilay. Tumango naman ako.

“FO.”sambit niya na tumayo pa. Natatawa ko naman siyang hinila pabalik.

“Gago ka, ako bff mo rito! Bakit sa kaniya mo lang sinabi?”tanong niya.

“Fo ka diyan, best friend forevs nga, ‘di ba?”nagtalo pa kami ngunit sa huli’y nagkasundo rin. Nakailang explain pa ako sa kaniya. Para kaming magjowang nagsusuyuan.

“Late na, uwi na ako, hinahanap na ako ni papapips.”aniya kaya napailing na lang ako.

Our stay is quite good, sobrang nalibang ako rito sa laguna kahit ang ikli lang ng oras. Minsan minsan ay nambabara si Mama ngunit hindi naman na sobrang lala. Mild mild lang. 

“Ate, Kuya, balik kayo ahh.”sambit ni Chico nang pauwi na kami.

“Syempre oo,”sabi ko naman at ngumiti.

“Ate oh, buko pie, bumili si Mama kanina, dalhin niyo na lang, bili na lang din kami dito.”aniya sa akin. Hindi naman na ako nagpakipot pa. Kinuha ko na rin ‘yon.

“Thanks, Chico, alis na kami! Pakabait kayo rito.”sambit ko sa kanila.

“Okay! Balik ka agad, Ate! Mamimiss kita!”aniya sa akin.

“Bye, Ate, Kuya, ingat kayo sa pag-uwi.”sambit ni Lebon na ngumiti pa sa amin.

“Congrats ulit sa nurse namin.”sabi ko na ginulo pa ang buhok niya.

“Alis na kami, Ma.”sambit ko kay Mama nang madaanan siya sa sala. As usual hindi niya rin ako pinansin, ganoon din ng batiin siya ni Silas. Famouser talaga ‘tong si Mama.

“Did you enjoy our stay here?”tanong ko sa kaniya.

“Of course, I’m with you e.”aniya.

“Kunwari pa ‘to, basta pasiyalan naman ay nag-eenjoy ka. Idamay pa ako.”sambit ko kaya napatawa siya.

“Well, it’s extra special when I’m with you.”


Take two, pleaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon