Chapter 8

808 34 0
                                    

Chapter 8
Iska’s POV

“Gaga, hindi ko gusto si Direk Silas no!”medyo napalakas ko pang saad kaya parehas na nanlaki ang mga mata naming dalawa ngunit agad namang napalitan ng ngisi ang kaniya samantalang pulang pula naman ang mukha ko dahil do’n.

“Si Clark kasi tinutukoy ko!”natatawa niyang saad at hindi pa rin naalis ang ngisi sa mga labi.

“So you like Direk, huh?”nakangisi niyang pang-aasar sa akin. Inirapan ko naman siya roon.

“Hindi no!”sambit ko at umiling pa. Hindi siya nagsalita ngunit ang ngisi’y hindi pa rin nawawala.

“Iska! Ano? Makikipagdaldalan ka na lang ba riyan?”tanong sa akin ni Ms. Baltazar. Napakagat naman ako sa aking labi at tumakbo patungo sa kaniya. Tutungo kami sa set ng Hunters ngayon dahil wala raw ang mga production assistant doon ngayon. Kaunti lang naman kasi ang tao roon kaya kaunti lang din ang mga production assistant. Pero kahit na ganoon, sobrang bigatin din ng palabas na ‘yon dahil si Mr. Cornel ang producer. Si Mr. Indigo Cornel, sa sampung taon niya sa industriya, sobrang dami niya ng pelikulang kilalang kilala ng masa kaya maski siya ay sikat na sikat din.

“Tara na.”aniya sa akin. Tumango naman ako. Ubod ng sungit si Ms. Baltazar kaya siya ‘tog ayaw kong nakakasama. Parang bawal kahit ubo man lang. Well, obvious din naman na ayaw niya ako kaya quits lang naman kami. Hindi ko alam kung lagi lang ba talagang mainit ang dugo niya pero kasi mapapansin mo naman ang trato niya sa ibang tao kumpara sa trato niya sa akin or should I say sa amin.

Maya-maya lang ay nakarating na rin kami sa set ng production ng Hunters. Mangha naman ako habang tinitignan ang mga props na makatotohanan sa mata. Kita ko pa si Mr. Cornel na siyang hands on talaga sa lahat ng bagay dito. Abalang abala rin siya habang nagtuturo sa ilang tao dito sa set.

“Faith po and this is Iska, katulong niyo po kami ngayong araw dito sa set.”sambit ni Ms. Baltazar kay Mr. Cornel.

“Oh, nice to meet you two. Indigo.”aniya at malapad ang ngiti. Nakipagkamay pa siya sa amin. May asawa na ‘to at sobrang galing din na director. Siguro’y sa set din sila nagkitang dalawa.

“Thank you for coming, we really need help for some errands. Ayaw ko namang mamatay sa pagod ‘tong mga kasama namin dito.”natatawa niyang biro. Mukha siyang sobrang friendly pero nang magsimula na siyang magtrabaho’y parang ibang tao na ang kaharap mo. Hot daddy talaga ang isang ‘to, kahit 35 na mukhang batang bata pa rin ang mukha.

Napagtanto ko rin na ang lahat ng utos nito’y parang hindi rin dapat suwayin. Dapat magsama sila ni Direk Silas e. Nailing na lang ako sa sarili dahil naiisip ko nanaman siya. Nagpatuloy na ako sa trabaho dahil ‘yon naman ang dapat kong gawin ngayon.  

“Miss, pakibilisan naman diyan! Ang tagal mo, ang dami pang trabahong dapat na gawin.”inis na saad sa akin no’ng isang babae, hindi ko alam kung stress lang ba ‘to o ano pero kahit na pa! Pupwede naman niyang sabihin ng maayos ang utos.

“Kaya nga, hindi pupwede ang babagal bagal dito.”iritado na saad naman no’ng isa at hinila pa sa akin ang box na hawak ko, halos matumba ako sa paraan ng paghila nito.

“I told you that I don’t tolerate that kind of behaviour here, Glaiza.”dinig kong sambit ni Mr. Indigo.

“Sorry po, Sir…”sambit no’ng babae. May sinabi pa si Mr. Indigo sa kanila. Masama naman ang naging tingin nila sa akin dahil do’n. Parang imbis na bumait ay mas lalo lang silang nainis.

Nailing na lang ako dahil ano pa bang magagawa ko kung hindi ang magtiyaga. Babalik din naman ako mamaya sa set ng Dusk dahil saglit lang naman daw kami rito ang sabi ni Ms. Baltazar.

“Ano? Masaya ka na? Napagalitan na kami?”tanong nito. Bahagya akong napangiwi dahil kung makaasta ang mga ito akala mo’y highschool student pa rin. Saka anong mapapala ko naman kung mapapagalitan ang mga ‘to? Anong masaya roon?

Itinulak pa nila ako na akala mo naman sobrang laki ng kasalanan ko sa kanila. Wala akong nagawa kung hindi ang tumayo at sumunod pa rin dahil hindi naman pupwedeng tumunganga na lang ako rito. Hindi lang pala ang mga ‘to ang may hindi magandang pag-uugali, pati na rin ang mga artistang nandito. Well, mayroon din namang maldita sa set ng Dusk. Siguro’y medyo nasanay na kasi ako roon kaya medyo naninibago sa workplace ko rito.

“I said I want hot coffee, hindi mo ba alam ang pinagkaiba ng hot sa cold? Ganoon ka ba katanga?”tanong sa akin no’ng isang artista nang makapasok ako sa tent niya. Hindi pa ‘to gaanong kilala kaya hindi ko rin alam ang pangalan.

Napakagat naman ako sa aking labi dahil wala naman siyang sinabi na hot coffee ang gusto niya. Nilista ko kaya alam ko. Pasimple ko pang tinignan ang sticky note ko. Tama naman ako ng binigay pero baka nga ako ang mali.

“Pasensiya na po, bibilhan ko na lang po ulit kayo.”sambit ko at aalis na sana ngunit napangiwi ako nang ihagis niya ang coffee. Ganito siya kayaman. Nagsasayang talaga ng pera.

“Dapat lang! I want the hot one!”galot niyang sigaw. Pinipigilan na siya ng kaniyang manager ngunit mukhang ayaw pang magpaawat ng isang ‘to. Nagtungo na lang ako sa labas at bumili ng pinabibili nito.

Nang pabalik na natigil ako nang makita ko ang isang pamilyar na mukha. Si Marita. Kaibigan ko ‘to noong high school kami, ‘yong nakatapos ng college at engineer pa ngayon. Isama mo pa na sikat na writer na rin. Hindi ko alam na kasama pala siya sa nagsusulat ng hunters.

“Where have you been? Bakit ang tagal mo? I’m thirsty na oh!”iritadong saad no’ng artista na siyang lumabas pa sa tent niya. Napatingin tuloy sa amin si Marita na siyang sa akin dumeretso ang mga mata. Kausap niya ‘yong dalawang production assistant na nagsusungit sa akin kanina, parehas na malapad ang ngiti ng dalawa.

“Ms. Marita! Omg! Hi po. How are you po? Do you want some coffee? I brought it for you…”nakangiting saad no’ng artista na siyang hinablot lang ang coffee sa akin. Nanatili lang naman akong nakatingin sa kanila. Parang bigla akong nanliit para sa sarili ko. Kitang kita naman kasi kung gaano kalaki ang agwat kung paano nila ito tratuhin at kung paano nila ako lampasuhin kanina. Hawak hawak pa nga no’ng isa ang bag niya.

“Hmm, thanks, Sandra.”nginitian niya lang ng tipid ‘yong artista, halatang tuwang tuwa naman na ‘to ng tanggapin ni Marita ang drinks na ibinigay niya. Gusto ko na sanang umalis doon ngunit hindi ko magawa dahil ayaw maglakad ng mga paa ko.

“Iska, how are you?”nakangiti niyang tanong sa akin. Wala namang halong pang-iinsulto ang ngiti niya ngunit naiinsulto pa rin ako. Ano ba, Iska? Huwag kang magpadala riyan sa inggit na nararamdaman mo.

“Kumusta ka na? It’s been so long simula noong huli nating kita.”nakangiti niya pa ring saad. Ngumiti lang naman ako sa kaniya pabalik. Kaibigan ko rin naman kasi ito kahit ako ‘tong nagbababa nanaman sa aking sarili.

“Ayos lang naman, Marita. Ikaw? Kumusta?”pinilit kong maging casual kahit ang totoo inggit na inggit ako sa kaniya. Punyeta naman, Iska, straigthen your thoughts. Tinignan naman tuloy ako ng ilang production assistant na kasama niya pati ang artistang nasa tapat din namin. They look like they wondering kung bakit kilala ako ng taong halos sambahin na nila samantalang kanina naman ay minamalditahan nila ako.

“Ito, ayos naman. Sobrang stress lang dahil sobrang daming project.”sabi niya pa habang nakangiti. Ngumiti rin ako dahil masaya naman ako para sa kaniya. Kita ko rin naman kasi ang paghihirap niya noon habang nag-aaral pa kami. Deserve niya kung anong meron siya ngayon.

Minsan napapatanong tuloy ako sa sarili kung kulang pa ba ‘yong effort na binibigay ko? Baka may mga bagay pa akong kailangan gawin?

“Kilala mo pala siya, Ms. Marita.”ani Glaiza at ngumiti pa kay Marita. Nang lingunin niya ako bahagya niya akong pinagtaasan ng kilay.

“Yup, she’s also a writer noon. Nagsusulat ka pa rin ba, Iska?”tanong sa akin ni Marita. Tumango naman ako roon.

“Oh! Dapat lang! Tinalikuran mo nga ang pag-aaral mo dahil lang diyan sa pangarap mong sumikat, hindi ba? Kaya dapat lang na panindigan mo kaya lang mukhang hindi ka na makakaangat pa. Baka hanggang diyan ka na lang talaga, ang tagal mo ng nagsusulat, ‘di ba?”mukha pa rin siyang mabait habang ilang katagang nagpawasak sa kumpiyansa ko sa sarili ang pinakawalan niya. Napaawang ang labi ko dahil sa biglaang pagbabago ng ihip ng hangin.

“Oh? Hindi na siya nag-aral, Ms. Marita, para lang magsulat? Baka hindi naman talaga magaling? Ikaw nga nag-aaral pa tapos nagawa mo pang magsulat ng naggagandahang mga nobela. Tapos ang dami mo pang movies!”nakangising saad no’ng isang production assistant. Baka nga.

“Uyy, grabe naman kayo. Magaling naman ‘yang si Iska noon, nakapagpublish nga siya ng libro kaya naman simula noon ay hindi na nag-aral, malaki siguro ‘yong pera mo no’n, Iska no? Kaya hindi ka na tumuloy sa college?”nakangisi pang tanong ni Marita sa akin. Akala mo’y walang halong pag-iinsulto ngunit kabaliktaran naman ng mga salitang sinasambit. Malapad pa ang ngiti niya na akala mo’y kuryoso lang talaga. Artista na nga talaga ang isang ‘to.

“Oh! Siya ‘yong kinukwento mong kaibigan na mali ang desisyon sa buhay, Ms. Marita!”sabi ni Glaiza. Hindi ko naman mapigil ang ngisi ko, bakit nga ba nagexpect pa ako?

“Iba talaga kapag pure talent lang no? Minsan kahit doon ka na nakapokus kung hindi para sa’yo, hindi para sa’yo.”sambit no’ng artista.

“Uyy, grabe naman kayo, you should continue pa rin, Iska, malay mo naman kaso baka magsayang ka nanaman ng ilang taon.”natatawang saad naman ni Marita.

“Sana kung gaano kayo kagaling magsalita, ganoon din kayo kagaling magtrabaho.”sabay sabay naman kaming napatingin sa isa sa mga batikang manunulat. Agad nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Frida Fuente, siya ‘yong isa sa pinakauna kong na kilalang manunulat sa mga pelikulang filipino.

“Do your job, stop wasting my time.”sambit naman ng isa pa. Si Mr. Cornel. Tila ba ang salita nito’y isang batas kaya kaniya-kaniyang balik sa trabaho ang mga tao.

Nakatulala lang naman ako sa gilid, pinroproseso pa rin ang mga narinig mula sa kanila. Iska, maging masaya ka na lang, atleast nakita mo si Mrs. Fuente. Idol mo ‘yon, ‘di ba?

Pero kahit na ganoon, buong araw, kahit noong nakabalik na ako sa may set ng Dusk. Hindi ko pa rin nakakalimutan kahit na isang salita sa mga katagang binitawan nila sa akin. Lahat ng ‘yon parang nakasulat na sa puso ko. Baka tama naman kasi talaga sila? Hindi naman talaga ako magaling? Baka magsasayang nanaman ako ng ilang taon para sa pangarap ko na wala naman ng patutunguhan. Kapag naiisip ko ‘yon, kumikirot ang puso ko. Natatakot ako sa ideyang nagtapon ako ng ilang taon para sa pangarap ko.

“Iska.”napatingin ako sa tumatawag sa akin. Nakita ko si Direk na siyang nakatayo sa may pintuan.

“Hindi ka pa uuwi?”tanong niya sa akin. Napatikhim naman ako nang napagtanto na ako na lang pala ang tao rito sa office at tuloy tuloy pa ang pagpiprint ng papel kahit na wala naman ng ipiprint.

“Uuwi na po.”sambit ko naman at inayos lang ‘yon sandali bago ako naglakad palabas. May iilang tao pa sa loob ngunit lahat sila’y pauwi na. Kaniya-kaniya pa silang paalam kay Direk nang tuluyan ng maayos ang kanilang mga gamit. Inayos ko na rin naman ang akin bago ako nagpaalam sa kaniya. Minsan talaga ay late na ‘to umuuwi. 

“Iska.”tawag niya nang paalis na ako. Akala ko’y may iuutos ito sa akin o ano.

“Are you okay?”tatlong salita lang ‘yon pero sapat na para bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Take two, pleaseWhere stories live. Discover now