Chapter 19

722 24 0
                                    

Chapter 19
Iska’s POV

“Hoy, ano ng mayroon sainyo ni Direk?”tanong sa akin ni Niel.

“Huh? Anong meron?”tanong ko naman.

“He’s here. Sinusundo ka raw.”aniya sa akin kaya agad napaawang ang labi ko. Ang usapan namin ay dinner. Hindi pa nga tapos ang trabaho ko. Excited din masiyado ‘yang si Silas na mapasakaniya si Ms. Eva e.

“Luh? Ang aga?”patanong na saad ko ngunit lumabas din naman para silipin si Silas. Tapos naman na rin ako sa trabaho.

“Bakit hindi mo sinabing pupunta ka pala agad? Ang aga pa. Hindi pa ako nakakapagbihis!”sabi ko sa kaniya nang makita ko siyang nasa tapat ng lambo niya at nakasandal lang doon. Akala mo’y model talaga ang isang ‘to. Ang gwapo masiyado. Hindi healthy para sa puso.

“Maagang natapos ang shoot.”aniya.

“I’ll just wait for you, hatid na lang muna kita sa apartment mo or should we just buy you clothes?”patanong na suggest niya. Palibhasa kasi’y nakapag-ayos na. Fresh na fresh na ito, mukhang galing pa sa bahay niya.

“Uwi na lang. Bibili pa, isang gamitan lang naman.”sambit ko rin na napakibit pa ng balikat. Tinignan niya lang akonat dahil hindi niya naman ako mapipilit ay tumango na lang siya.

“Okay, Love.”aniya kaya masamang tingin ang ibinigay ko rito. Hindi pa rin kasi siya nagsasawa sa pang-aasar. Kainis.

“Isa, Silvano, pagod ako, tigilan mo ako.”natawa naman siya at naroon pa rin ang mapaglarong ngisi mula sa kaniyang mga labi. Hindi ko na lang maiwasang mapairap dahil do’n. Paano’y kahit sa text, nang-aasar siya.

Nagtungo na rin ako sa apartment ng makarating. Naglinis lang ako ng katawan bago ako naghanap ng maisusuot.

“Leo, anong damit ang nababagay sa isang bar?”tanong ko kay Leo na siyang nag-eexercise dito sa tabi. Sobrang active niyang si Leo e kaya ang ganda ganda talaga ng katawan tapos ang ganda pa.

“I have dress here, Iska, gusto mong hiramin?”tanong sa akin ni Leo na siyang huminto sa pageexercise.

“Sige.”sabi ko dahil I really want to look nice, para naman hindi ako mukhang tanga kung pagseselosin man namin si Ms. Eva. Baka mamaya imbis na magselos ay matawa lang ‘yon kapag nakita niya kung sinong kadate ni Silas.

Iniabot niya naman ang dress na siyang medyo revealing dahil sisilip ang boba mo kapag sinuot but I like the cut, above the knee man, hindi naman sobrang ikli.

“Anong klaseng itsura ‘yan, Girl?”natatawa niyang tanong habang tinitignan ang ekspresiyon ng mukha ko.

“Wala bang mas maayos diyan?”tanong ko sa kaniya.

“Gaga ka! Maayos naman ‘yan!”natatawa niyang saad at inirapan pa ako.

Pinakita pa ang ilang dresses niya na mas maikli pa roon, mas revealing din ‘yon kumpara sa pinakita niya. Hindi ko naman maiwasang mapanguso at kinuha na lang ‘yon.

Nakakahiya dahil nilagyan pa ako ng make up ni Leo, kanina pa naghihintay si Silas doon, sana’y hindi siya mainip.

“You look really nice. Ganda mo, Girl. Pakiss nga.”aniya kaya agad ko siyang tinulak. Tawang tawa naman ‘to sa mukha ko. Siraulo talaga ‘tong si Leo. Ipinahiram niya rin ang sandals niya sa akin, hiniram ko na rin naman para sulit na.

“Tara na, sorry kung matagal, dami kasing alam ni Leo.”nakanguso kong saad ngunit mukhang wala roon ang atensiyon niya. He was just looking at me. Bahagya tuloy akong nahiya.

“Ano? Bar next destination natin after dinner, ‘di ba?”tanong ko.

“Do I look like shit ba? Parang tanga ‘to. Magsalita ka naman oh.”sabi ko. Well, lagi kasi’y casual lang ang damit ko. Pants and shirt, ‘yon lang.

“Nah, you just look extra sexy today. You look good… ”aniya naman na nakatitig pa rin. Napatikhim naman ako dahil do’n. Sanay na sanay mamuri ang isang ‘to, halatang marami ng nadala sa matatamis niyang salita.

“Ulol mo, boobs lang ang puhunan ko, mukha akong tingting.”sambit ko dahil sa hiya. Well, the dress is really nice. Malalim ang pagkav-neck nito kaya sumisilip ang boobs, kulay itim na bagay naman sa kulay ko, well, bagay naman talaga sa kahit na sino ang itim, idagdag mo pa ang kumikinang kinang na maliliit na pekeng diamante rito.

Kumunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko.

“Stop body shaming yourself, your body is good no matter what shape, size, weight you are in. It’s perfect. You don’t really need to have that perfect body that society wants you to be. You don’t need to have big boobs, big booty, perfect waste or anythinh. You look good, that’s it.”aniya kaya napatitig lang ako sa kaniya. Silas is a guy that will tell you how pretty you no matter how ugly you think you are. Stop being my ideal guy, Silas, hindi maganda sa heart.

“It made me want to keep you for myself.”pabulong niya pang saad kaya nanlaki ang mga mata ko. Gago talaga, ito nanaman siya sa mga linyahan niya para raw makapagsulat ako ng maayos. Hindi maganda sa puso amp. Akala mo’y isang presong nagwawala sa kaniyang kulungan ang tibok ng puso. Hindi ko alam kung paano ko pakakalmahin.

“Tara na nga! Dami mo pang sinasabi!”sabi ko na bahagya pa siyang tinulak para pumasok sa kaniyang kotse. Nakakainis dahil pakiramdam ko sobrang delikado na nitong pinasok ko dahil kada araw ata na nakakasama ko siya, lumalala lang ng lumalala ang kung anong nararamdaman ko.

Nang makarating kami sa hotel na siyang kakainan namin. Nililibot ko lang ang aking mga mata dahil sobrang classy nang mga taong papasok. Hinapit ni Silas ang baywang ko bago kami naglakad patungo roon. This is just dinner pero nag-aaksaya siya ng malaking pera. Parang sira. Pwedeng pwede naman kaming magdinner sa mumurahin lang.

“Sana nagbeef pares na lang tayo.”pabulong na saad ko sa kaniya.

“We’ll do that, sa ngayon, let’s eat here.”aniya. Wala pa namang Ms. Eva ngunit kung makadikit na ‘to’y akala mo may pinagseselos na. Well, dami nga namang babaeng mukhang inggit na inggit sa akin. Wala silang dapat ikainggit dahil panandalian lang ‘to.

“So it’s really real that you already find yourself a girlfriend, Direk.”sambit ng ilang nadaanan namin. Famous talaga ‘tong si Silas, pwedeng pwede na siyang tumakbong congressman sa sobrang dami niyang kakilala.

“Yeah, if you may excuse us.”aniya. Well, maybe this is part of the plan. Para hindi naman mabigla si Ms. Eva na biglang may girlfriend na si Silas. Sigurado naman akong makakarating ‘to kay Ms. Eva dahil imposible namang hindi, may pakpak ang balita.

“Ang mahal naman, tubig na lang ako.”sabi ko nang tumitingin na kami ng makakain.

“Just buy whatever you want.”aniya sa akin. Nagturo lang naman ako ng isa ngunit si Silas ay ilang putahe pa ata ang dinagdag. Hindi ko naman maiwasang mapanguso. Maya-maya lang ay dumating na ang pagkain namin. Ang mahal. Sayang pera. Nanghihinayang naman akong kumurot sa pagkain. Pakiramdam ko’y dalawang buwan ko ng allowance ‘yon, ilang noodles na ang mabibili no’n.

“Stop looking as if the world ends.”natatawa niyang saad sa akin. Halos ilagay niya lahat ng inorder niya sa akin. Inirapan ko na lang siya bago medyo masama ang loob na kumain.

“Ang mahal talaga.”bulong ko sa kaniya.

“Just eat, hayaan mo ‘yong presyo.”sabi niya na nailing na lang. Nagkwentuhan na lang kami habang kumakain. Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang makita si Red na may kasamang mga lalaki, mukhang palabas na sana. Nahinto lang sila nang mapatingin sa gawi ni Silas na siyang kumunot lang ang noo nang makita sila.

“Kaya pala tumangging uminom, may babae pala.”natatawang saad no’ng isang lalaking mukhang masiyahin.

“Shut up, Milton.”ani Silas na siyang masama lang ang tingin dito.

“So, aren’t you going to introduce the girl you’re with, Si?”nakangising saad naman no’ng isang lalaki. Inisip ko naman kung saan ko ito nakita.

“He won’t, ang damot niyan, hindi nagkukwento. Hi, Iska!”nakangiting saad sa akin ni Red.

“Hi, Miss, I’m Pulo.”pagpapakilala no’ng lalaking nakangisi. Agad nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko na siya ‘yong CEO ng media star. Pinamana sa kaniya ng Papa niya at ginawa na atang playground dahil sobrang daming babaeng nalink sa kaniya.

“She’s not like the girl you bedded with Pulo, tangina ka.”dinig kong mura sa kaniya ni Silas, agad naman akong napatingin sa kaniya. Mukhang sanay na sanay naman na silang magmurahan.

“Easy, I won’t touch your girl then.”nagtawanan pa sila dahil do’n.

“We’ll get going, see you later? Bar?”tanong ni Red sa amin. Hindi naman sumagot si Silas kaya tawang tawa ang mga ito, halatang gusto lang talagang asarin ang kaibigan. Nailing na lang ako dahil do’n.

“That’s the CEO of media star, ‘di ba?”hindi ko maiwasang itanong.

“Yeah, don’t talk to him.”sabi niya kaya bahagya akong natawa. Hindi ko alam kung ayaw niya lang ba sa kaibigan niya o ano.

Nang patapos na’y mukhang ayaw pa rin niyang umalis. Mukhang gusto ng manatili rito buong gabi.

“Let’s just stay here for a while. Pahinga muna.”aniya.

“Paano kapag wala na si Ms. Eva roon? Edi wala tayong naabutan?”tanong ko na pinaningkitan siya ng mga mata.

“It’s fine, meron ‘yan, relaks ka lang.”aniya pa.

“Huwag na kaya tayong tumuloy, medyo late na rin.”aniya kalaunan kaya kunot na kunot lang ang noo ko sa kaniya.

“Scammer ka talaga!”ani ko kaua inirapan niya ako.

“Sira ka ba?”tanong ko sa kaniya. Aba’t kaya nga kami nagkita ngayon para maisagawa na ang plano. Pakiramdam ko kasi kapag nagtagal pa, ako lang ‘tong kawawa. Naghukay talaga ako ng sarili kong libingan.

“Fine.”parang masama pa ang loob niya nang tumayo siya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa itsura nito o ano.

“Let’s go.”aniya bago sumakay sa kaniyang kotse.

“Wow, bakit parang napipilitan ka pa?”natatawa kong tanong nang makita ang itsura niyang parang ayaw talagang umalis. Umirap pa siya na akala mo naman may ginawa akong kung ano.

Nang makarating kami sa parking, hindi pa kami nakakapasok ay nakahawak na siya sa baywang ko, parang wala itong balak na pakawalan ako buong gabi. Well, I know naman what’s the real reason. Nasa iisang place lang kami ni Ms. Eva. Napatikhim naman ako at ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso habang papasok. Sinasabayan nito ang ritmo ng tugtog. Sobrang ingay. Hindi ko alam kung mabibingi pa ako sa lakas no’n o ano.

Ngunit ayaw ding paawat ng kaba ko dahil ang daming matang nasa amin ang tingin, of course, Silas is here. Paniguradong ang dami ng usap-usapan tungkol sa aming dalawa. Shit, ano ba ‘tong pinasok ko? Tingin mo ba’y magkakaroon ka pa rin ng payapang buhay pagkatapos nito, Iska. Ngayon mo sabihing tama ang mga desisyon mo sa buhay, gaga ka.

“Fuck, this is why I don’t like to bring you here.”dinig kong saad niya kaya kumunot ang noo ko. Bakit ba kasi nagpumilit pa ako? Ngayon ay nasasaktan tuloy ako sa katagang binibitawan niya.

“Sorry, sana umpisa pa lang hindi mo na sinabi pa.”ani ko kaya napatingin siya sa akin bago kumunot ang noo. Parang nasira na tuloy buong araw ko dahil lang sa sinabi niya.

“I don’t mean it that way. It’s just that, there’s so many guy looking at you…”aniya kaya kumunot ang noo ko. Nilingon ko pa ang paligid. Wala naman, mas marami pa nga ang babae dahil mukhang naiintriga sila sa kung sinong kasama niya. Hindi ko mapigilang maalala ang unang beses na nagtungo kami rito, ibang iba sa itsura ko noon na nakatshirt at pants lang. Well, medyo masama ang loob ko noon kaya hindi ko na naiisip pa ang mga bagay na ganito pero ngayon nasa tamang pag-iisip ko, hindi ko tuloy maiwasan ang hiya ko.

“But you’re mine. Just mine. I’m gonna show you off.”ani Silas bago niya ako mas lalong hinapit papalapit pa sa kaniya. Right. I think I’m really his kahit hindi siya sa akin, sa kaniya ako. Punyeta, Iska, is this really what you want? He’s really a living heartbreak… you’re going to get your heart break.

Fuck, this is getting dangerous.

Take two, pleaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon