Chapter 33

751 23 1
                                    

Chapter 33
Iska’s POV

“Good morning!”pinaliguan ako ng halik ni Silas nang makitang gising na ako.

“Let’s go, marami pa tayong pupuntahan ngayong araw.”sambit niya sa akin. Inaantok ko pa siyang nilingon.

“Teka lang. 5 minutes muna, bf.”ani ko sa kaniya mgunit mas lalo lang niyang siniksik ang sarili sa akin.

“Come on, Love, bangon na.”sambit niya sa akin.

“Oo na…”saad ko ngunit tinalikuran ko lang siya. Natatawa naman niya akong kinulit kaya masama ang loob kong tumayo.

“You’re so annoying!”inis kong sambit na nakasimangot sa kaniya. Napatawa naman siya sa akin dahil do’n.

“Bukod sa may call ka galing sa mga kapatid mo, sayang ang araw. Sulitin na natin dito sa sairgao.”aniya kaya inirapan ko lang siya bago ako tumayo. Matagal lang akong tulala dahil hindi naman ako agad nagigising, hinayaan niya lang ako dahil alam niyang buong araw na akong bad trip kung sakali. Inabutan niya pa ako ng warm water kaya napanguso lang ako.

“Hindi ba pwedeng malamig na tubig na lang? Ang init.”sambit ko. I’m not really fan of warm water.  Siya lang ‘tong mahilig sa mainit.

“Come on, para magising ‘yang diwa mo.”aniya sa akin. Nang sa wakas ay magising na ako. Kinuha ko ang phone dahil nakita kong tumatawag na nga si Chico.

“Ate!”bati niya sa akin. Malapad naman ang naging ngiti ko sa kaniya habang pakaway kaway pa sa camera.

“Nasa siargao ka talaga ngayon? Daya niyo naman ni Kuya! Hindi man lang nagsasama.”aniya sa akin. Napatawa naman ako dahil do’n.

“Biglaan lang saka may klase ka paano kang makakasama?”tanong ko naman na pinagtaasan lang siya ng kilay. Napanguso naman siya.

“Wala man lang kayong picture ni Kuya Si, tinitignan ko kung magpopost kayo pero ni isa’y wala man lang. Gusto ko pa namang makita siargao.”aniya kaya natatawa na lang akong lumabas para ipakita ang lugar sa kaniya. Tuwang tuwa naman ‘to habang pinapakita ko sa kaniya.

“May cliff jumping ba riyan, Ate?”tanong niya.

“Mayroon ata. Sa Magpupungko rock pool kami pupunta ngayon.”sambit ko sa kaniya.

“Send pic!”aniya sa akin.

“Sus, search mo na lang.”natatawa kong saad sa kaniya. Inirapan niya naman ako dahil do’n.

“I’ll bring you here soon, ipon lang muna si Ate.”nakangiti kong saad sa kaniya.

“Sabi mo ‘yan, Te, ahh?! Yayain natin si Kuya Leb. Mukhang stress na stress sa hospital ang isang ‘yon.”natatawang saad niya.

“Kaya huwag ka ng pasaway pa, huwag mo ng dagdagan pa ang pasakit ng Kuya mo.”sambit ko sa kaniya.

“Ingat kayo riyan, Ate! Papasok na po ako!”aniya bago kumaway kaway pa sa camera. Napangiti na lang din ako bago ko siya kinawayan pabalik.

Nagbihis na rin ako after that dahil naghihintay na sa akin si Silas. Nang matapos ako’y inaya ko na rin siya.

“Saan tayo?”tanong ko sa kaniya.

“Let’s eat breakfast first in white banana beach club then let’s go to magpupungko.”aniya sa akin. Tumango naman ako dahil excited na talaga ako na mamasyal.

Kumain lang kami sandali sa beach club, kahit dito lang ay busog na busog na rin ang mga mata mo. Ang sabi nila’y mas maganda ito sa gabi, ang ganda niya na sa umaga so I think worth it din puntahan.

Nang matapos kami rito’y nagtungo naman na kami sa magpupungko. Medyo excited ako na magswimming sa rock pool nila.

“Are you into cliff diving?”tanong ko kay Si.

“Sakto lang.”aniya naman na napakibit ng balikat.

Maya-maya lang ay nakarating na rin kami roon, malapad naman ang ngiti ko habang naglalakad kami palapit sa rock pool.

“I’ll try to dive, ayos lang ba?”tanong niya sa akin.

“Are you sure it’s safe?”tanong ko naman sa kaniya habang tinitignan ang mga nagdadive sa gilid. Mukha namang ayos kaya nagtungo rin siya roon. Hindi ko maiwasang mapangiti habang tinitignan siya. Ang hot talaga ng boyfriend ko.

Napanguso ako nang pabalik siya’y mayroong mga magagandang babae na lumapit, mukhang may tinatanong sa kaniya. Well, alam ko namang lapitin talaga ng chix ang isang ‘to. Mabuti nga’t napansin niya ako gayong mukha akong patatas.

“Bakit daw?”tanong ko sa kaniya nang makalapit siya sa akin.

“Nagtatanong ng places na bibisitahin.”aniya naman na napakibit ng balikat.

“Mukha bang tagarito ka?”tanong ko naman na nakataas ang kilay.

“Ewan ko. Mukha ba?”balik niya sa tanong ko.

“Hindi. Mukha kang foreigner.”sambit ko na napakibit ng balikat. Ang ganda kaya ng gray niyang mata.

“Bakit parang galit ka?”tanong niya naman sa akin.

“Bakit ako magagalit?”balik tanong ko rin.

“Bakit nga ba?”tanong niya rin kaya napairap ako.

“Bakit may ginawa ka ba na dapat kong ikagalit?”tanong ko rin.

“Wala?”patanong na sagot niya. Para lang kaming sirang natawa rin kalaunan.

Nagkwentuhan lang kami habang nakababad dito sa rock pool. Ang ganda pa ng tubig, asul na asul habang payapang payapa ang lugar. Hindi gaanong crowded ngayon.

Umalis na rin kami roon para magtungo sa sugba lagoon dahil ‘yon ang isa sa suggestion ni Manong na magandang puntahan daw dito. Nang nasa bangka na kami at nasa kalagitnaan na saka ko lang naalala ang request ni Chico.

“Hala!”hindi ko mapigilang sambitin kaya napatingin siya sa akin.

“Why?”tanong niya na medyo nag-aalala pa.

“I forgot to take photos of magpupungko. Sabi ko sesend-an ko si Chico ng vid or pic.”nakanguso kong saad. Nawala sa isip ko dahil nabighani na ako sa ganda ng lugar. Nalibang ako masiyado sa pagrerelaks.

“Dalhin na lang natin sila dito next time. Si Mama rin nagpapasend, nakalimutan ko rin.”aniya. Bahagya naman akong napanguso. Ang sarap sarap pa ng kwentuhan namin mayroon pa pala kaming mga dapat na gawin. 

“Let’s just take picture here para hindi na magreklamo.”natatawa kong saad at nagpeace sign lang sa camera niya. Nang matapos ay binalik niya na rin sa travel bag niya dahil abala na kami sa pagtingin sa paligid.

Ang tubig ay kulay esmeralda na may pagkakulay asul. Hindi ko tuloy maiwasang maalala sina Esme. Maasar nga ‘yon sa susunod. Alam ko’y sobrang special din sa kaniya ng siargao.

“Do you want to dive?”tanong sa akin ni Silas nang ituro niya ang diving area sa akin. Agad naman akong napatikhim dahil do’n. Hindi kaya ako malunod diyan? Tumango naman ako. I was always unsure naman sa mga desisyon ko sa buhay kaya alam kong ganoon din dito. ‘Tsaka mo lang din naman malalaman kung susubukan mo. Baka mamaya kapag gabi na pagsisihan kong hindi ako nagtry.

The feeling is unfamiliar. Nang tumalon ako’y ramdam ko ang kaba but still I manage to land properly. Hindi ako sigurado noong una kung paano ako babagsak pero sa huli’y ang sarap din pala sa pakiramdam. Napangiti ako dahil do’n. Always unsure but always satisfying.

Hindi ko alam kung tungkol pa ba sa diving ang iniisip ko but I was really glad that I hold on to my dream. Kahit hindi ako sigurado kung saan ako dadalhin, atleast sinubukan ko, atleast alam ko ‘yong pakiramdam… hindi ko na kailangan pang isipin sa gabi kung anong mangyayari kung sakaling hindi ko tinuloy. Some may think that it’s wrong but ngayon ko lang napagtanto na tama nga si Si. Wala naman talagang maling desisyon nasa iyo lang talaga kung paano mo itatama ‘yong desisyong mali para iba.

“Isa pa!”natatawa kong saad dahil ang sarap sa feeling. Natawa rin siya sa akin. Nalibang lang kaming dalawa sa lagoon, saka lang din kami nakaramdam ng gutom nang makarating kami sa restaurant sa medyo malayo pa rito. Aba’t halos alas tres na kaya no’ng makaalis kami sa lagoon dahil parehas kaming ayaw pang magpaawat. Parehas tuloy nalipasan ng gutom.

“Next time bawal na 10 mins pa. Baka maging unhealthy tayo pareho.”aniya sa akin habang kumakain kami. Napatawa naman ako roon pero sang-ayon din naman.

“Fine.”sambit ko na napakibit ng balikat.

Kwentuhan lang kami habang nasa restaurant dito sa genaral luna hanggang sa mag-4:30 na at pupunta pa kami sa may cloud 9. Ang sabi kasi nila ang ganda ng sunset at sunrise doon. Hindi naman kami nagising ng maaga ni Silas kaya hindi namin naabutan or should I say hindi ako nagising.

Nang makarating doon, hindi ko maiwasang mamangha habang naglalakad sa boardwalk para magtungo sa surfing tower. Hindi naman kami magsusurf dahil malalaki na ang alon pero nakakalibang pa rin kasing manood sa mga sumusubok. Hindi ko lang maiwasan ang ngiti ko.

“Hi, Miss, do you have a boyfriend or what?”tanong sa akin ng isang lalaki nang mapansin niya akong nakatingin lang sa grupo nila. Mukha kasing sanay na sanay magsurf kahit ang tataas ng alon.

“Mayroon.”nakangiti kong saad.

“Oh.”aniya at ngumiti rin sa akin. Agad ko naman naramdaman ang kamay sa baywang ko, alam ko naman na agad na kay Silas ‘yon. Ngumiti ‘yong lalaki bago siya nagpaalam at humingi ng despensa.

“Akala ko ba bibili kong inumin?”tanong ko sa kaniya. Kita ko naman ng may hawak na siya. Hindi ko naman maiwasang matawa nang makita ko couple drinks pa ang binili niya.

“What?”tanong niya na inirapan pa ako. Natatawa ko naman siyang inasar ngunit nahinto lang ako nang halikan niya ako sa labi habang papalubog ang araw. Hindi pa nakuntento at halos iupo na ako sa railings. Hiyang hiya naman ako nang marinig ko ang hiyawan mula sa mga tao. Hindi ko mapigilan ang pagkapula ng mukha ko.

Namumula naman na rin talaga dahil nga sa araw ngunit mas lalo pa dahil sa kahihiyan.

“Gago ka.”sabi ko na inirapan siya. Patawa tawa lang naman ang isang ‘to, parang wala lang sa kaniya kung hinalikan niya ba ako o ano. Sinamaan ko lang siya ng tingin kaya natawa siya at napakibit pa ng balikat.

“So they can know that you’re already taken. Para wala ng lalapit.”aniya kaya mas lalo akong napairap.

“Gago, akala mo naman sobrang ganda ng girlfriend mo.”sambit ko.

“Why? Hindi ba?”tanong niya naman bago ako hinapit sa baywang at niyakap, ang landi landi talaga ng isang ‘to.

“I love you…”pabulong na saad niya sa akin habang nakatingin na rin sa kalangitan at karagatan na mukhang nagsasalubong sa gitna.

“Mahal kita.”nakangiti ko ring saad.

Bumalik na rin naman kami sa rest house nila kalaunan. Naligo lang ako sandali para presko akong matulog at ganoon din naman siya. Parehas lang kaming nahiga sa may papag nang matapos. Nakahiga lang ako sa braso niya habang pinagmamasdan ang magandang tanawin sa harapan namin.

“Thank you sa pagdala sa akin dito, Cap…”nakangiti kong saad.

“Hmm, hindi pa tapos ang trip, bakit nagpapasalamat ka na riyan?”natatawa niyang tanong.

“Gusto ko lang.”natatawa ko ring saad.

“May ilang days pa tayo…”aniya naman.

“Yeah! Excited na agad ako!”dinig ko naman ang munting halakhak mula sa kaniya dahil sa sinabi ko.

Matagal lang kaming nag-uusap habang nakatingin lang sa payapang lugar. I really like it when I’m with him.

“Kahit saan basta ikaw ang kasama nagiging payapa.”sambit ko sa kaniya.

“Sige nga, hatid kita sa may war, tignan natin kung payapa pa rin.”aniya kaya agad akong napasimangot.

“Pangit mo kabonding!”sambit ko na napairap pa. Natawa naman siya sa akin dahil do’n.

"Remember when I said that I don't like guys who can make me feel so small?"tanong ko sa kaniya. Agad siyang napaayos ng upo dahil sa sinabi ko.

"Do I make you feel that way?"mabilis niyang tanong.

"No. I think it's the other way around... you make me feel I'm good enough... lagi... kahit ako mismo'y iba ang tingin sa sarili."sabi ko at nginitian siya.

“Thank you for staying in my life.”bulong ko pa sa kaniya.

“There’s no need to say thank you… I’m here because I wanted to stay…”aniya naman bago ginulo ang buhok ko.

Nang matapos kaming magemote-an, napagpasiyahan ko ng tignan ang message ng mga kaibigan at ng mga kapatid ko. Napatitig pa ako sa may email na aking natanggap. Sinubukan ko pang gusutin ang mga mata ko dahil baka namamalikmata lang o ano.

Napaupo pa ako ng maayos dahil din do’n. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o ano. Baka joke lang ‘to?

“What’s wrong?”tanong niya nang mapatingin sa akin dahil tulalang tulala lang habang nakatingin sa email na natanggap.

“I finally receive the email from media star, they want my manuscript!”hindi ko makapaniwalang saad. Hindi ko mapigilan ang mapatalon sa sobrang tuwa. Shit.

“Really? Congrats, Love! You did well! You deserve it!”aniya na tumayo rin bago ako niyakap ng mahigpit. Hindi ko naman mapigil ang ngiti mula sa aking mga labi. 

Ang dami kong beses na nagsend sa kanila ng manuscript ko pero ilang beses din akong nabigo. But now? Wow… my dream will finally come true… It was worth the wait… I’m glad that I waited…


Take two, pleaseWhere stories live. Discover now