Chapter 5

874 29 0
                                    

Chapter 5
Iska’s POV

“Ano ‘yon? Nilalandi mo ba si Direk? Trabaho ang atupagin mo, Sumilang.”sambit sa akin ni Ms. Balatazar nang makita niya akong lumabas kasama si Direk Silas. Grabe naman, landi agad? Magkasama lang naman kami lumabas oh, advanve masiyado ‘tong si Ms. Baltazar.

Hindi na lang ako sumagot at hinayaan siyang magalit sa akin. Kahit naman ipagtanggol ko ang sarili ko, alam ko na agad na hindi nito paniniwalaan. I just hate it, ‘yong tipong bumubuo na agad sila ng sarili nilang pananaw sa isang bagay kahit na hindi naman totoo kaya minsan nakakatamad magpaliwanag. Nagsasayang ka lang ng laway.

Ipinamigay ko na rin ang script kalaunan dahil ‘yon ang kailangan kong gawin. Maya-maya lang din ay inutusan din kaming mamili ng inumin sa labas. Sina Ms. Balatazar kasi ang nag-aayos dito sa set.

“Manager daw ni Lexa, Niel.”sambit ko nang may tumatawag. Iniabot ko naman ‘yon kay Niel. Laking pasasalamat ko na lang na mabait ito at matiyagang magturo, siguro dahil napagdaanan niya rin ang pagsusungit ng ilang mas matagal na production assistant dati.

“Seryoso ba? Hala, magwawala si Direk!”ani Niel sa kausap niya. Nagtataka naman akong nakatingin sa kaniya habang hinihintay namin ang order dito sa cashier.

“Sure na ‘yan? Siya rin, huh? Sure ako na hindi na ‘yan kukuhanin ni Direk, alam mo naman na ‘yon, basta nakasama sa set, ayaw niya ng umilit pa.”sambit ni Niel. May sinasabi pa ang kausap niya at patango tango lang naman siya kahit hindi naman nakikita. Nang matapos ang usapan nila’y nilingon ako ni Niel.

“Lagot, siguradong mag-iinit ang dugo ng lahat sa set nito.”ani Niel sa akin habang tinutulungan akong buhatin ang mga inorder namin.

“Bakit?”kuryosong tanong ko.

“Hindi raw makakapunta si Lexa sa shoot ngayon, lagot na, kapag nakaplano pa man din kay Direk, kailangan ay sure na mangyayari. Ang dami pa namang scene ni Lexa ngayong araw!”sambit ni Niel.

“Bakit daw hindi makakapunta?”tanong ko naman na nakanguso.

“May hang over daw.”sambit naman ni Niel kaya napatango ako. Para pa siyang nanginginig nang magtungo kami sa may set. Ganoon ba katindi magalit si Direk Silas? Mukha naman siyang mabait. Minsan. Well, madalas talagang suplado siyang tignan pero mukha naman siyang ayos.

Si Ms. Baltazar ang unang sinabihan ni Niel. Mukha namang hindi maikalma si Ms. Baltazar dahil do’n. Tinanong niya ang cause at mas lalo lang napasampal sa noo dahil sa naging sagot ni Niel.

“Sana kasi umpisa pa lang ay chineck niyo na! Paano tayo nito?”kunot noong tanong ni Ms. Baltazar at mukhang stress na stress na agad.

“Iready mo na ang sarili mo.”pabulong na saad ni Niel sa akin.

“Bakit ganoon ba kalala?”tanong ko naman sa kaniya. Napakibit naman siya sa akin ng balikat.

Kita ko naman ang pagdadalawang isip ni Ms. Baltazar nang magtungo siya kay Direk Silas. Sa huli’y hindi niya rin nagawa.

“Ikaw ang magsabi.”aniya sa akin kaya agad nanlaki ang mga mata ko. Bakit ako? Hindi ko naman tuloy alam kung anong gagawin ko habang nakatayo rito.

“Naririnig mo ba ako?”tanong ni Ms. Baltazar. Napatango na lang ako at walang choice kung hindi ang maglakad patungo roon. Pakiramdam ko kasi’y bawal suwayin ang utos nito. Kinakabahan ako dahil may pagood luck good luck pa si Niel, akala mo naman ay kakainin ako kapag nagkamali.

“What is it?”tanong niya nang mapansin ang presensiya ko.

“Sir… hindi raw ho makakapunta si Ms. Lexa…”sambit ko halos manginig pa habang sinasabi ‘yon.

Take two, pleaseWhere stories live. Discover now