Chapter 6

842 26 0
                                    

Chapter 6
Iska’s POV

“Te, parang sobrang stress ka riyan sa work mo ahh? Nagpunta ka ritong fresh na fresh pero ngayon, para kang lantang gulay!”natatawang saad sa akin ni Leo na siyang mukhang may pupuntahan ngayon. Paano ba naman kasi’y araw araw atang high blood si Direk Silas kaya araw araw ding kailangan mong tansahin ang mga kilos mo.

“Ewan ko ba,”sambit ko nang nakanguso. Pero kahit na ganoon masaya pa rin ako dahil nagagawa kong makipag-usap sa ilang assistang writer, ni hindi ko nga nakikita si Ms. Eva dahil busy daw ‘to ngayon sa kaniyang trabaho. Baka sa susunod na linggo raw. Excited naman ako na mameet siya. Aba’t inspirasiyon din ‘yon no.

“Gala tayo, iwas stress.”aya niya sa akin. Tinignan ko naman siya at pinaningkitan ng mata.

“Huwag mong sabihing crush mo talaga ako, huh?”tanong ko sa kaniya.

“Te, may pagka-ggss ka, te.”aniya kaya napatawa ako.

“Hindi kita type, nota din gusto ko.”sabi niya kaya nginiwian ko siya at hinagis ang mga unan na nandito sa kama ko. Ang bunganga talaga ng isang ‘to’y dire-diretso.

“Gago.”napatawa pa ako sa kaniya. Madali lang maging kaibigan si Leo dahil madali lang siyang pakisamahan, sa ilang linggo kong nananatili rito sa apartment, siya lang ‘tong masasabi kong nakakausap ko ngayon dahil mailap at minsan lang makita ang ilang kasama rito sa apartment.

“Ano g ka?”tanong niya sa akin. Umiling naman ako.

“Busy ako.”sambit ko sa kaniya dahil balak kong magpahinga lang dahil day off ko naman at mas gusto kong magsulat lang buong araw.

“Ano ba ‘yan?”tanong niya at sinilip ang ginagawa ko.

“Nagsusulat ka?”manghang tanong niya sa akin. Nagkibit naman ako ng balikat doon.

“Wow!”hindi niya mapigilang sambitin habang nakatingin sa akin.

“I know some place that can really help ypu write. Sobrang payapa kaya sa silence tea.  Sure me magugustuhan mo roon. Tara!”anyaya niya sa akin.

“Bakit hindi na lang dito? Parehas lang din naman, gagastos lang ako kung tutungo pa ako riyan sa sinasabi mo.”sabi ko sa kaniya.

“Ang arte! Tara na! Minsan ka lang naman gagastos!”aniya na inirapan pa ako. Nailing na lang ako at tumango na lang. Lalabas din naman ako mamaya dahil natanggap ko naman na ang kauna-unahan kong sahod dahil nag15 na nitong nakaraan at balak kong palitan ang stock na naubos ko na.

“Ilang linggo na kitang nakakasama ngunit wala pa rin akong alam sa trabahong mayroon ka.”sambit ko sa kaniya. Totoong sa tinagal kong nandito, wala pa rin akong alam tungkol sa kaniya.

“Baka hindi mo na ako kausapin pa kapag nalaman mo, bet ka naman kita.”aniya sa akin kaya agad ko siyang pinanliitan mg mata.

“I told you, hindi ako nagkakagusto sa may flower din.”natatawa kong pang-aasar. I think she’ll say it in time. Well, ilang linggo pa nga lang naman talaga kaming nagkakasama kaya mukhang wala rin siyang balak sabihin. Walang kaso sa akin.

Maya-maya lang ay nakarating kami sa silence tea na sinasabi nito. Mukhang kilala na siya ng may-ari dahil binati lang siya nito nang makapasok. Nagmamasid lang naman ako sa paligid. Hindi ko maiwasang mapasulyap sa ilang taong nakikita. Tahimik nga talaga ang lahat dahil abala sa kung ano ano.

Pumwesto naman kami sa kung saan ni Leo. Umorder na rin ‘to ng maiinom namin.

“Libre ko na para quits na tayo sa utang kong 250,”aniya sa akin.

“Buti naman at hindi tayo nagkakalimutan ng utang dito, Ineng.”biro ko bago nilapag ang laptop sa lamesa. Ganoon din naman ang ginawa niya. Laging may dalang malaking bag ‘yang si Leo e. Ang alam ko lang ay may dala siyang laptop na lagi niya ring ginagamit, hindi ko naman na alam ang iba pa. Minsan ay nagtataka pa ako sa kaniya dahil hating gabi na’y lumalabas pa ng apartment. Minsan nga kakauwi ko’y siya namang alis niya.

Hindi ko alam kung hawak niya ba ang oras ng trabaho niya o siya ang hawak ng trabaho niya. Minsan kasi’y tambay siya ngunit madalas ay wala siya.

Naging abala naman na kaming parehas, nagtitipa rin siya sa laptop niya habang ganoon din ako, ang mga tunog lang mula sa keyboard ang nangingibabaw sa aming dalawa. Mas lalo naman akong ginaganahang magsulat kapag naririnig ko ang tunog ng keyboard.

Parehas lang kaming natigilan nang tumunog ang cellphone niya at mukhang may tumatawag. Sinagot niya naman ‘yon. Napatayo pa siya nang may sabihin ang kausap.

“Saan?”tanong niya. Maya-maya lanh ay nagpapack na siya ng gamit.

“Bayad na ‘yong drinks natin, Iska. Sorry, something came up. Babalik ako, text na lang kita!”aniya na nagmamadali pang tumakbo palabas. Nakatingin lang naman ako sa kaniya hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Halos masamid naman ako sa sarili kong laway nang makita ko si Direk Silas na siyang papasok dito sa silence tea.

Aba’t araw araw akong stress dahil sa kaniya tapos ngayong linggo ay makikita ko pa siya? Agad naman akong yumuko para hindi niya makita. Ayaw ko lang na batiin ‘to. Para tuloy akong tang rito sa kinauupuan ko. Akala mo naman ay may utang akong hindi nabayaran sa kakatago ko rito. Ni hindi ko nga rin alam sa sarili kung bakit ko nga ba ‘to ginagawa.

“Miss, ito na ho order niyo.”halos mapatalon pa ako sa gulat nang kalabitin ako no’ng waiter dito sa silence tea.

“Thank you po.”sambit ko na lang at tinggap ‘yon. Nang ibalik ko ang tingin kay Direk, kita kong napatingin siya sa gawi ko. Nagkunwari naman akong ang mga snacks na nasa tabi niya ang tinitignan at hindi siya nakita. Alam kong para na talaga akong tanga pero dahil naumpisahan ko na, panindigan ko na.

Pero dahil mataas ang pride nitong si Direk, umupo talaga siya sa katapat kong lamesa. Wala tuloy akong choice kung hindi ang batiin siya. Boba ka naman kasi, Iska, babati lang akala mo naman ay malaking kahihiyan na sa pagkatao mo.

“Sir! Nandito po pala kayo, hehe!”bati ko sa kaniya. Hindi ko alam kung mukha ba akong ewan o ano pero hindi ko na alam ang sasabihin kung hindi ang mag-maang maangan.

“Yeah, kararating ko lang.”aniya naman habang inaayos ang kaniyang mga gamit.

“Looks like you didn’t see me, huh?”aniya at tumaas pa ang kilay. Napatikhim naman ako dahil do’n, si Direk kasi ‘yong tipo ng taong para bang kailangan lagi mong pinapansin. Aba’t para bang natatapakan ang pagkatao nila kapag alam nilang hindi talaga sila pinansin o ano.

“Medyo, Sir, medyo busy po kasi e.”sabi ko naman at tumikhim pa para lang malusot ang sarili. Hindi naman siya nagsalita at nagkibit na lang ng balikat. Naging abala naman na siya sa laptop niya. Noong una’y hindi pa ako makapagconcentrate sa presensiya niya ngunit kalaunan ay naging abala rin ako sa sarili kong kwento.

Kung anong atmospera ng scene ay ganoon din ang reaksiyon ng mukha ko. Hindi ko lang maiwasang isipin ang nararamdaman ng characters ko sa sinusulat. Matagal akong nakatingin lang sa screen ng laptop ko. Kalaunan ay tumayo para magtungo sa cr. Kita ko naman si Direk na siyang abala rin sa ginagawa.

Nang makabalik ay napatingin siya sa akin. Awkward naman akong ngumiti bago nagpatuloy sa paglalakad.

“Mukhang hindi ka na sisiputin.”aniya. Kumunot naman ang noo ko roon at bahagyang nagtaka. Nino? Ako ba kausap nito?

“Ako ba, Sir?”tanong ko ng nagtataka sa kaniya. Kumunot naman ang noo niya tila ba sinasabing sino pa ba ang kausap ko rito. Napakibit na lang ako ng balikat dahil do’n.

“I’m just by myself po, akin din po ‘yan.”sambit ko dahil napatingin siya sa milk tea na nasa harap ng lamesa ko. Napa’oh’ shape naman ang bibig niya. Hindi ko alam na may pagkachismoso pala ‘tong si Mr. Herrera.

“I’m not chismoso, I’m just curious.”aniya naman kaya halos tuktukan ko na lang ang sarili, bakit ba lagi na lang akong nagsasalita nang kung ano mang nasa isip ko. Parang tanga kasi.

“Wow, curious? Hala ka riyan, Sir, baka crush mo na ako.”biro ko sa kaniya na agad kong pinagsisihan. Wow, Iska, nagawa mo pa talagang magbiro, huh? Paano ba naman kasi’y medyo awkward pero mas lalo lang naging awkward dahil sa sinabi ko.

Kita ko ang tingin niya sa akin at ang mapaglarong ngisi na nasa kaniyang labi. Hindi siya nagsalita kaya napatikhim ako at inabala na lang kunwari ang sarili sa laptop kahit na ang totoo wala naman talaga akong maitipa.

Gustong gusto ko ng tumayo at umalis kaya lang pakiramdam ko’y kailangan ay may dahilan. Nang tumunog ang phone ko at tumatawag si Leo ay agad kong sinagot.

“Iska! Sorry talaga kanina! Bawi ako next time hehe!”aniya sa akin.

“Hello, Leo, kailangan mo ako riyan? Emergency? Ahh, sige, ito na. Paalis na.”sambit ko kunwari habang nililigpit ang mga gamit. Hindi ako makakapagconcentrate kung nasa iisang lugar lang kami nitong si Direk.

“Gaga ka, anong pinagsasabi mo riyan?”naguguluhan niyang tanong. Nagpatuloy naman ako sa pagsasalita kaya hinayaan niya na lang ako.

“Sir, alis na po ako, may emergency kaibigan ko.”sabi ko at bahagyang ngumiti lang sa kaniya. Bakit kailangan may dahilan, Iska? Nailing na lang ako sa sarili bago nagpatuloy sa pag-alis.

“Sorry about that,”sambit ko kay Leo nang tuluyan ng makaalis doon.

“Why? May tinatakasan ka no?”natatawa niyang tanong.

“Meron.”hindi ko naman na ‘yon dineny pa.

“Siya sige na, patayin ko na, bye, Iska!”aniya bago pinatay ang call.

Naggrocery lang din ako no’ng araw na ‘yon pagkatapos ay nagsimba and just like that my day off come to end.

Kinabukasan, maaga kaming pinapapasok dahil maaga kaming mag-aayos ng set. Maaga pa lang tuloy ay para ka ng malalanta sa sobrang daming ginagawa. Isa isa pang nagdadatingan ang mga staff at nagpapabili na rin ng kani-kanilang drinks. Tumulong naman ako kay Noel dahil medyo marami rin ‘yon.

“Good morning.”dinig kong bati ni Direk nang dumating siya.

“Mukhang good mood si Direk, huh? Sana naman ay huwag mainit ang dugo.”bulong sa akin ni Niel kaya bahagya akong natawa.

“Te, lagi namang good mood ‘yan ng umaga pero tignan mo lang maya-maya, para nanamang bulkan ‘yan.”bulong ko naman pabalik ngunit agad napatikhim nang mapagtantong narinig ni Direk na siyang malapit lang sa gilid namin. Pinagtaasan niya tuloy ako ng kilay dahil do’n. Napaiwas na lang ako ng tingin dahil do’n. Well, aware naman siguro siya sa kasungitan niya. Sana.

“Iska!”tawag sa akin nina Julian na maaga rin ngayon.

“Pahelp ako later, huh?”nakangiti niyang saad sa akin. Tumango naman ako roon. Tinutulungan ko kasi sila how to deliver their lines ng mas maayos. Well, I won’t say na I’m professional pero madalas as a writer, alam ko ang emosiyon ng characters ko, alam ko kung paanong mas maayos na maideliver ‘yong lines dahil may idea ako. Ewan ko ba, may pagkapakialamera rin talaga ako. Nahawa siguro sa mga kapitbahay namin. Wow, Iska, nandamay ka pa.

Nagtungo naman na kami ni Niel sa coffee shop, medyo nagtagal din kami roon dahil ang dami ng order namin. Nang matapos ay agad din kaming bumalik sa set.

Nanlaki naman ang mga mata ko habang nakatingin sa isang babaeng may balingkinitang katawan at malaniyebeng balat.

“Tara na, Iska.”ani Niel na niyaya ako palapit sa kanila. Sumunod naman ako ngunit titig na titig pa rin sa babae.

“Ang ganda niya!”hindi ko mapigilang sambitin habang nakatingin kay Ms. Eva. Mas lalo lang akong natulala nang makalapit kami, mas lalo pang gumanda sa malapitan.

“Where’s mine?”hindi ko naman maproseso ang mga sinasabi nila dahil nakatingin pa rin ako kay Ms. Eva.

“Uyy.”kung hindi pa ako siniko ni Niel ay hindi pa ako gagalaw.

Iniabot ko kay Direk ‘yong coffee na para sa kaniya ngunit ang tingin ko’y nasa kay Ms. Eva pa rin.

“What the heck?”tuluyan lang akong nagising sa pagkatulala ko nang makitang bumagsak lang sa sahig ang inumin.

Take two, pleaseWhere stories live. Discover now