Chapter 12

819 29 1
                                    

Chapter 12
Iska’s POV

Napatigil naman ako sa sinabi nito, kaya naman pala may patagong tinginan pa rin sila. I wonder kung bakit sila nagbreak? Kaya pala nakikitaan ko pa rin ng pagmamahal si Ms. Eva and I think ganoon din si Direk kahit na pa mukha siyang walang paki, deep down, mukhang mayroon.

“Mahal mo pa no? Sabihin mong hindi kokotongan kita.”natatawa kong saad.

“No, I don’t do loving.”napatawa ako sa kaniyang tinuran.

“Walang taong hindi nagmamahal.”sambit ko sa kaniya.

Napatitig pa ako kay Ms. Eva dahil ang ganda pa rin nito kahit lasing na lasing na. Ilang baso ng alak ba naman kasi ang sinunod sunod niya.

Naputol lang ang pagtitig ko nang tawagin na ako ni Niel para tumulong sa pag-uwi ng mga staff, mukhang napigilan din ng isang ‘to ang uminom. Sumunod naman na ako sa kaniya para tulungan siyang ipacab ang mga kasama namin dahil hindi naman pupwedeng gamitin ang sasakyan sa production ng hindi nila alam.

Nakailang balik pa kami, si Direk ay tumutulong din. Malapad ang naging ngisi ko sa kaniya nang makita ko siyang ipinasakay si Ms. Eva sa cab. Aba’t ang daming staff na babae pero ito lang ang inalalayan niya. Maissue ako, bakit ba?

"Wow! You really like Ms. Eva? Grabe the great Silvano Lucas Herrera na kinababaliwan ng lahat, hindi pa nakakamove on sa ex? Well! Kahit naman ako'y magkakacrush din do'n, kahit ako hindi rin makakamove on kubg ganiyan ba naman kaganda ex ko!"natatawa kong pang-aasar sa kaniya. Sinamaan niya naman ako ng tingin. Nahiya ata sa lakas ng boses ko.

"What about this? Do you want to date me?"tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng kapal ng mukha para itanong ‘yon.  Kumunot naman ang noo niya sa akin at tumaas ng kilay.

“Lasing ka ba?”tanong niya sa akin.

“Antok lang nabibigay sa akin ng alak, hindi lakas ng loob.”natatawa kong namang sagot sa kaniya.

“So ‘yon nga, do you want to date me? Let’s use each other.”sambit ko sa kaniya.

"I mean the best way to make a girl to tell you how she really feel is to make her jealous."sabi ko pa habang nakangisi. Mukhang kaunti lang ay bibigay din si Ms. Eva.

"Paano mo nalaman? Na experience mo na ba?"tanong niya na nakataas pa rin ang kilay sa akin.

"'Yon nga e! Hindi pa! That's why we should date!”sambit ko naman. When I start writing my new novel, siya ‘tong naiisip kong main lead so why not try it, ‘di ba?

“Let's pretend dating. It's a win win situation for the both of us. I need the experience, you need to make her yours…"nakangisi kong saad.

He's the only one who can makes my heart flutter so pwedeng pwede. Hindi ko naman alam kung anong pumasok sa isip ko at talagang nagawa pang sambitin ‘yon sa kaniya. I mean sobrang dali na lang na akitin si Eva kaya alam kong mabilis lang din siyang mapapasakaniya and I need really need the experience para naman alam ko ‘yong nararamdaman ng character ko. Seems insane but he’s the only one I know that can help me with it.

“Ano? What do you think?”tanong ko sa kaniya. Nakatitig lang siya sa akin habang nakaawang pa rin ang mga labi. Kaunti na lang ay mapapasukan na ‘yon ng mansanas. Magsasalita na sana siya nang may pumagitnang artista sa amin. Si Monique.

Dinuro niya si Direk at mukhang inis na inis ‘to sa kaniya. Paano’y madalas kasi siyang mapuna dahil madalas ngang nagkakamali. Tapos idagdag mo pa ang mga sulsol niyang kaibigan na sina Julian at Kendy, laging nang-aasar kaya lagi rin tuloy umiiyak si Monique kaya pinagagalitan din ng manager niya.

“Tangina mo, Direk, kapag naging superstar ako, who you ka sa akin! Hinding hindi ako sasama sa show mo!”lasing na lasing niyang saad habang dinuduro pa si Direk. Ako itong nahihiya para sa kaniya.

“At ikaw Julian, epal ka! Maganda rin ako, magiging mas sexy pa ako!”aniya na dinuduro rin ako. Mukhang ang dami niyang hinanakit sa buhay at hindi ko naman alam kung paano siya pahihintuin gayong ang dami niya ng sinasabi.

“Monique, iuuwi na kita.”sambit ko na hinawakan pa siya ngunit agad na nanlaki ang mga mata nang magsuka siya sa gitna namin ni Direk. Hindi ko mapigilang mapangiwi roon.

“Tangina…”pabulong kong saad sa sarili. Saka lang naman dumating ang manager niya. Hingi ito nang hingi nang tawad kay Direk na siyang natulala lang. Aba’t ako nga ‘tong dapat matulala dahil sa akin napunta ang mga suka dahil yumakap pa si Monique nang wala siyang makapitan at malapit ng matumba.

“Sorry po talaga, Direk.”ulit ulit na saad no’ng manager niya bago siya hinila paalis doon dahil may mga sinasabi pa rin siyang mga mura.

Nagkatinginan kami at parehas lang na napangiwi. Ang mukha niya’y para ring masusuka kaya lalayo na lang sana ako.

“I have extra t-shirt in my car.”aniya sa akin at hinila ako papunta roon.

Kinuha niya ang baby wipes at t-shirt na nasa kotse niya nga. Sinimulan ko namang alisin ang butones ng blouse ko kaya agad siyang napatalikod sa akin.

“Birheng birhen, huh?”natatawa kong pang-aasar sa kaniya.

“Stop stripping there. Sa kotse ka magbihis.”aniya na iniiwas pa ang tingin sa akin bago ako tinulak papasok sa kotse niya. Napatawa naman ako roon. May tube naman ako sa loob pero mabuti na lang din ay pumasok ako dahil hanggang sa tube nalagyan ng suka. Tinuck in ko lang ang t-shirt niya sa pants ko dahil magmumukha akong rapper kung hindi.

“Okay na, salamat.”sambit ko. Babalik na sama ako sa loob ng shop para tulungan muli si Niel kaya lang ay agad akong nahawakan ni Direk.

“Let’s try that.”aniya sa akin. Ngumisi naman ako roon.

“Alright, starting today, boyfriend na kita.”sambit ko at ngumiti pa sa kaniya.

“Ayy, fake boyfriend pala.”pananama ko sa unang sinabi. Kita kong nakatingin lang naman siya sa akin.

“So what’s the rule?”tanong ko sa kaniya.

“Hmm, it’s up to you tutal ikaw naman ang nakaisip.”sambit ko sa kaniya.

“Alright. We’ll pretend that we like each other kapag naroon si Ms. Eva.”ani ko.

“So kapag nandoon lang siya.”napatango naman siya at parang ninonote niya na sa utak ang mga gusto kong sabihin.

“Do we need to write it down?”tanong ko pa sa kaniya. Nagkibit lang naman siya ng balikat na parang nasa akin kung isusulat ba o hindi.

Nasa akin ang laptop ko kaya umupo kami sa isang bench. Pinanood niya lang ako habang sinusulat ko ng maayos ang contract.

“What about 4 times a week?”tanong niya nang magtanong ako kung anong araw kami pupwedeng magdate para sa novel ko.

“Bakit 4 times? 3 na lang, parehas din tayong busy, kahit 1 nga lang e.”sabi ko naman.

“Para mabilis matapos. It’s up to you, baka mamaya nagkabalikan na kami edi nakaisang date ka lang.”aniya naman kaya napangiwi ako sa kaniya.

“Masiyado ka naman pa lang sure, Direk.”sarkastiko kong saad sa kaniya kaya napatawa na lang siya. Well, hindi rin naman imposible ang sinasabi nito kaya ginawa ko ngang 4 times a week ang date na magaganap sa aming dalawa.

Mayroon ding nakalagay sa contract na kung kakailanganin naming magmeet for business purpose like kapag kakailanganin naming pagselosin si Ms. Eva sa isang event or sa lugar na alam naming naroon siya dapat ay dadalo ang dalawang panig.

Napatawa na lang ako ng mahina nang matapos ang kontrata at kung ano ano lang ang pinaglalagay namin doon.

Nagawa na rin naming pirmahan ‘yon gamit din ang laptop ko.

“Send it to me.”aniya sa akin at ibinigay ang gmail niya. Sinend ko rin naman. Saka lang ako kinabahan nang tuluyan nang nasend sa kaniya. So this is really real, huh? What the heck? I’m really dating this guy for three months kung hindi pa sila nagkabalikan ni Ms. Eva no’n. Well, void agad ang contract kapag naging sila na.

“What?”tanong niya sa akin nang makita ang mukha ko.

“Sa mukha mong ‘yan, parang gusto mo ng magback out.”natatawa niyang saad sa akin. Inirapan ko lang naman siya dahil kinakabahan na agad ako sa pinasok ko. Saka ko lang napagtanto that this game is too dangerous. Gaga ka, Iska, ikaw ang may kagagawan nito, panindigan mo. Ngayon ko napagtanto na tatanga tanga talaga ako sa mga desisyon ko sa buhay.

“Medyo.”natatawa ko ring saad at napakibit ng balikat.

“Tara na, baka nakauwi na lahat.”sambit ko na bumalik na sa shop, gaga ka, Iska, saka ka maaawa kay Niel kung kailang ang tagal mong nagtipa tipa sa laptop mo ng kagagugahan sa buhay.

Mayroon pang natitira sa loob ngunit mangilan ngilan na lang. Si Niel ay nakasandal na lang sa gilid at mukhang antok na antok na.

“Sabay sabay na kami nina Niel at Clark.”sambit ko kay Direk na siyang tumutulong sa paglalabas ng ilang kasama namin. Tumaas naman ang kilay niya roon.

“Kawawa si Niel kung iiwan ko pa, mukhang pagod na pagod na.”ani ko.

“And what about Clark? Bakit kasama pa? Ipacab mo na rin.”aniya sa akin.

“Magpinsan si Niel at Clark, medyo magkalapit lang ng bahay.”sabi ko naman. Noong nakaraan ko lang nalaman na magkapitbahay lang pala sila at nagawa pa akong ihatid ni Clark kahit na doon na rin naman siya.

“Fine. Ihahatid ko na rin.”aniya naman na napairap pa.

“Pwede naman kaming magcab na lang.”saad ko naman sa kaniya.

“You think I will let you take a cab, delikado na.”pagsusungit niya naman. Napakamoody talaga ni Direk. Nakasimangot nanaman hanggang sa huling ilagay namin sa kotse si Clark. Tinapik ko naman si Niel na natutulog na roon.

“Iska,”aniya na napatingin pa sa akin.

“Direk!”medyo gulat niya pang saad. Sinenyasan lang siya ni Direk na sumakay sa lambo nito. Nagtatanong ang mga mata ni Niel sa akin ngunit hindi ko naman magawang sagutin ang tanong niya.

“Thank you po, Direk, ako ng bahala rito kay Clark. Ingat kayo, Iska.”aniya at sinenyasan pa ako na marami akong ikukwento. Nagkibit lang naman ako ng balikat sa kaniya.

“Text ka kapag nakauwi ka na.”aniya kaya tumango ako.

Nang kami na lang maiwan ni Direk, hindi ko maiwasang maging awkward dahil first time kong magkaboyfriend tapos fake pa. Hanep ka rin talaga, Iska.

“Give me your number.”aniya sa akin at iniabot pa ang phone niya. Napanguso naman ako nang makitang plain lang ang wallpaper niya, wala man lang kathrill thrill ‘tong si Direk.

“May password, Direk.”sambit ko naman. Sinabi niya naman ang password ng kaniyang phone. Nagawa ko namang itipa ang number ko sa phone niya. Hindi ko alam kung paano ko nagawang kumalma.

“Pinagsisisihan mo na ba?”natatawa niyang tanong sa akin habang pinapanood ang ekspresiyon ng mukha ko.

“Medyo nga! First bf kita kaya ayusin mo para alam ko ang susunod na gagawin kapag nagkaroon na ako ng susunod na real boyfriend.”sambit ko sa kaniya. Pinanood ko namang maglaho ang mapaglarong ngising nasa labi niya kanina. Hindi siya nagsalita kaya naging tahimik na ang byahe namin hanggang sa makarating sa tapat ng apartment.

“Thank you sa paghatid, Direk.”pasasalamat ko. Pababa na sana ako nang hawakan niya ang palapulsuhan ko.

“Start calling me by my name, ang weird naman kung boyfriend mo ako pero Direk pa rin ang tawag mo, hindi ba?”tanong niya na pinagtaasan pa ako ng kilay. Natigil naman ako roon. Medyo awkward naman lalo na’t nasanay na ako na Direk ang tawag sa kaniya.

“Thank you for tonight and sa paghatid, Silas…”mahinang saad ko. Hindi ko alam kung paano ko pakakalmahin ang puso gayong nagwawala nanaman ito. Ni hindi ko nga alam kung paano ko nasabi ng maayos ang mga katagang ‘yon.

“Hmm,”kita ko ang pagkurba ng ngiti sa kaniyang mga labi.

“Hindi ko alam na gusto ko pala ang pangalan ko hanggang sa bigkasin mo ito…”sambit niya.

“Good night, Iska.”aniya na hinalikan ako sa noo bago ako binitawan. That makes my heart pounding like a blacksmith’s hummer. Fuck, parang nakikipagkarerang kabayo sa sobrang bilis.

Take two, pleaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon