Chapter 2

1.1K 30 0
                                    

Chapter 2
Iska’s POV

“Seryoso ba ‘yan, te?”tanong ko na hindi mapigil ang ngiti nang sabihin ni Marisa na kasama nga talaga ako sa natanggap bilang production assistant sa media star.

“Oo! Sabi ni Tita pupwede ka na raw magsimula sa biyernes kung gusto mo!”aniya sa akin mula sa kabilang linya.

“Kahit bukas ay pupwede na akong magsimula.”sabi ko kaya natawa siya.

“Gaga, kailangan ka pa sa bookstore bukas last day mo na nga e.”natatawa niyang saad. Oo nga pala, may trabaho pa ako rito na kailangan kong tapusin. Kapag natapos ko’y aalis na talaga ako. Gustong gusto kong makapasok sa industriya para naman kahit paano’y may experience ako.

“Sure na sure na ba yarn, Te? Hindi mo pa ata nasasabi sa Mama mo, baka hindi ka payagan.”sabi ni Marisa sa akin.

“Papayagan ako,”saad ko kahit hindi ako sigurado roon.

“Wow, sure na sure ahh. Ganiyan ka ba kaayaw makita ni Tita diyan sa bahay niyo?”natatawa niyang tanong.

“Medyo.”ani ko kaya napatawa siya.

“Siya sige na, kita na lang ulit tayo bukas, alam ko naman kung gaano ka kabusy diyan sa buhay mo. Tinawagan lang talaga kita para magbalita. Bye!”sambit niya at ibinaba na ang tawag.

Inspired naman ako habang gumagawa ng script, minsan novel ang isinusulat ko, depende sa mood. I really want to write, lagi, gusto ko lang na matupad ang pangarap ko na makasulat ng mga sikat na pelikula.

Buong gabi lang akong nagsulat, inabot na nga ako ng madaling araw dahil ayaw ko pang tigilan.

Kinabukasan, nagising lang ako sa ingay mula sa labas ng bahay. Napakunot ang noo ko nang tumayo at magtungo sa labas. Tirik na tirik ang araw kaya siguro kumukulo rin ang dugo ng mga tao rito sa amin.

“Tangina mo, Linda, matuto ka namang magbayad!”malakas na sigaw ni Aling Rina kay Mama.

“Magbabayad din naman ako, tangina mo rin!”sigaw naman ni Mama sa kaniya. Napahawak na lang ako sa sentino ko dahil alam kong hindi magpapaawat ‘tong si Mama.

“Ang lakas mong tumaya sa sugalan pero utang ka naman ng utang, tangina ka! Ikaw pa matapang, ikaw na nga nangutang!”malakas na sigaw ni Aling Rina. Medyo may tama naman siya roon, hindi ko naman kakampihan ang mali.

“Aba, pinamumukha mo ba ritong mayaman ka, Rina? Kung hindi lang naman diyan sa asawa mong kano, hindi ka magkakaroon ng pera, isa ka ring batugan!”napapikit na lang ako nang marinig ang sigaw ni Mama. Kita ko pa ang ilang kapitbahay namin na nakasilip dito sa tapat ng bahay. Mga chismoso’t chismosa talaga. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil kahit ako’y manonood din kung may magsisigawan at mag-aaway man sa mga kapitbahay namin. Kaya lang ay Mama ko ang nakikipag-away ngayon at medyo nakakahiya.

“Ma, tama na po, kayo ang may utang, kayo ang magpakumbaba.”bulong ko sa kaniya. Kami lang ang nakarinig. Akala mo’y si Goku nang tignan ako, pakiramdam ko anytime ay sasabog ‘to.

“Anong sabi mo? Bakit ako magpapakumbaba riyan kay Rina?! Maayos ang usapan naming sa susunod na linggo ko siya babayaran pero putanginang ‘yan, nandito na agad martes pa lang, mukha rin talagang pera ang gaga.”aniya sa akin. Dinig na dinig naman ni Aling Rina ang bulalas ni Mama kaya mukhang mas lalong pahirapan ang pakikipag-usap dito.

“Wow, ang galing mo no’ng nangutang ka, Linda, sa ating dalawa ikaw ang mas mukhang pera. Tangina ka, bakit kasi hindi mo pagtrabahuin ‘yang anak mong batugan?”tanong pa ni Aling Rina.

“Aba, putangina mo rin, huwag mo akong utusan. Hindi ba nga’t ikaw sarili mong anak, ibinugaw mo para lang may makain kang hinayupak ka.”ani Mama sa kaniya. Sa galit ni Aling Rina ay hihilain niya na sana ang buhok ni Mama kaya lang ay laki atang eskwater ‘to at hobby na noon pa ang makipagbasag ulo kung hindi lang nakilala si Papa.

Wala man lang isang segundo’y nasa sahig na si Aling Rina. Isa rin ‘to sa dahilan kung bakit hindi magawang magsalita ng mga kapitbahay patungkol kay Mama, alam nilang gegerahin sila kapag may narinig lang ma kung anong salita tungkol sa kaniya o kahit sa mga kapatid ko.

“Idedemanda talaga kitang hayop ka.”sabi ni Aling Rina sa kaniya.

“Demanda mo gago, ‘yan 600 mo. Saksak mo sa baga mo. Sampal ko ‘to sa’yo e.”umamba pa siyang sasampalin ‘to ngunit agad kong naharang at nahila na rin papasok sa loob.

“Ano? Bakit ba? Kanina ka pa ahh, babasagin ko nguso no’ng Rina na ‘yon!”nagwawala pa siya habang hinihila namin ni Chico papasok. Kahit na bungangera si Mama kahit paano naman ay hindi niya kami sinaktan ng mgakapatid ko. Lulong lang talaga sa sugal.

Kumuha naman ng tubig si Chico nang maiupo namin si Mama sa kahoy naupuan namin dito sa loob. Masamang tingin ang ibinigay niya sa akin dahil dito.

“Kung hindi ka ba naman kasi pariwara, edi sana’y hindi tayo pinag-uusapan ng mga kapitbahay, kung nag-aral ka sana edi maganda buhay mo! Nakaalis ka sana rito sa pesteng bahay na ‘to!”ani Mama sa akin. Excpeted ko na na sa akin mapapapasa ang galit nito. Pasok sa tainga labas sa kabila. Ganoon lang ang nangyari dahil kung iisipin ko pa ng iisipin, mas lalo lang akong magsisisi na hindi ako nag-aral at kung mag-aaral naman ako, ano namang kukunin kong kurso when in fact, pagsusulat lang ang mayroon ako. ‘Yon lang ang gusto ko.

Napakalma naman na siya nina Chico at si Lebon na siyang kagigising lang dahil abalang abala sa inaaral, malapad na akong magkaroon ng nurse na kapatid. Masaya ako kung sakaling makapagtapos siya ng pag-aaral.

“Aalis na ako, Ma.”paalam ko nang makitang kalmado na siya at abalang abala sa pag-aayos ng mga baraha. Aba’t magsusugal nanaman. Hindi niya naman ako pinansin pa kaya dire-diretso na lang din ako sa paglabas. Well, wala naman kasi talaga siyang pakialam sa gawin ko sa buhay. Ang mahalaga lang sa kaniya ay ang mga kapatid ko. Kapag daw kasi pariwara na, wala ng pag-asang magbago kaya mas mabuting tutukan ‘yong mga pahinog pa lang kumbaga. Mahuhubog pa. Ayos lang naman sa akin ‘yon dahil mas gusto ko ngang pagbalingan niya ng pansin ang mga kapatid ko.

Saka noon pa man paborito niya na talaga ang mga ito, si Papa lang ang may paborito sa akin. Ayos lang, gusto ko ngang ibalik ‘yong buhay na ganoon kaya lang wala naman akong choice kung hindi ang mamuhay sa kung anong meron na ngayon.

“Iska, totoo bang aalis ka raw dito?”tanong sa akin ng ilang naging kaibigan ko rito sa bookstore. Ngumiti naman ako sa kanila at tumango.

“Gaga ka, bakit hindi ka nagsasabi, last day mo na pala rito!”sabi ni Jelly. Well, I hate goodbyes, as if naman hindi na magkikita ulit. It was as if doon na nagtatapos lahat.

“Saan ka?”tanong sa akin ni Cherry na nakataas pa ang kilay. Hindi ko alam na ganito pala siya kainteresado sa akin.

“Why, Girl? Susundan mo si Iska?”natatawang tanong sa kaniya ni Marisa. Masamang tingin naman ang ibinigay ni Cherry sa kaniya.

“Aalis ka, Iska?”tanong nang kararating lang na si Cedrick.

“Oo, magfufull time na ako.”sambit ko.

“Bakit? Ayaw mo ba rito? Maganda naman dito, huh? Hindi ka ba tinatrato ng maganda? Sabihin ko kay Daddy.”aniya sa akin.

“Ayos lang, Ced. ‘Yon na talaga ang plan ko noon pa.”sabi ko at nginitian siya. Pinilit niya pa ako muling manatili na lang dito ngunit walang kahit na sinong magpapabago ng desisyon ko.

Gustong gusto ko na ring umuwi kaya lang ay hindi pumayag si Cedrick dahil balak niya raw kaming ilibre dahil nga raw aalis na talaga ako. Sa totoo lang ay atat na atat na akong magtipa sa laptop ko at magsulat kaya lang ay dapat ko lang din naman sigurong pagbigyan sila.

“Mamimiss kita, Iska.”sambit sa akin ni Cedrick.

“Mamimiss ko rin kayong lahat.”nakangiti kong saad sa kanila.

“Awit, Ced.”natatawang pangangantiyaw ni Marisa kah Cedrick.

“Bakit naman kasi biglaan, Iska, talagang mamimiss kita ng sobra!”sabi naman no’ng manager namin na sobrang close din naman namin dahil kaunti lang naman kaming nagtatrabaho sa bookstore.

“Grabe, para namang hindi na tayo magkikita nito, babalik din naman ako rito dahil dito pa rin naman kami nakatira.”natatawa kong saad sa kanila.

“Kahit na! Mamiss ko mga kwento mo!”anila sa akin.

Natapos kaming kung ano ano lang ang mga sinasabi ng mga ito. Naappreciate ko naman kahit paano na ayaw nila akong umalis kaya lang ay hindi pa ba sila nasasanay? Halos lagi namang may umaalis at nawawala. Parte na ‘yon ng buhay ng tao. But I’ll never say na hindi masakit dahil alam ko. Naranasan kong mawalan ng ama. Gigising ka na tila ba may kulang at ganoon din kapag matutulog ka, maiisip mo ‘yong buhay mo na wala ‘yong taong ‘yon. And that fucking makes you uncomplete… empty…

Hindi na tuloy ako nakapagsulat nang matulog ako sa bahay. Sobrang antok ko na rin dahil sa alak. Natatandaan ko pa ngang nasermonan ako ni Mama ngunit masiyado nang tuliro ang utak ko at gustong gusto na lang matulog.

“Ate, lagot ka kay Mama!”sambit sa akin ni Chico nang lumabas ako ng kwarto ko.

“Bakit daw?”tanong ko naman. Hindi ako gaanong uminom kaya lang ay mababa lang ang alcohol tolerance ko. Madali tuloy malasing at kapag nalalasing pa naman ako’y gusto ko kasama ang kama ko dahil hinehele ako ng antok.

“Anong bakit daw? Uminom ka kagabi, nagsuka ka pa riyan sa sahig, siya ang naglinis, gigil na gigil sa’yo.”sabi ni Chico.

“Sana hindi niya na nilinis, lilinisin ko rin naman kapag kagising ko.”sambit ko kaya agad napangiwi si Chico sa akin.

“Kadiri ka talaga, Ate!”aniya kaya natawa na lang akong nagtungo sa kusina. Nagpainit lang ako ng tubig dahil mayroon naman akong cup noodles dito.

“Saan si Lebon?”tanong ko kay Chico.

“Pumasok na, Ate.”aniya naman kaya agad naningkit ang mga mata ko sa kaniya.

“At ikaw?”tanong ko.

“Papasok pa lang po, hehe. Promise!”sambit niya pa dahil alam na masesermonan ko siya.

“Ibigay mo ‘to kay Lebon, pandagdag sa project niya at ito sa’yo, aral hindi lakwatsa.”ani ko sa kaniya kaya napatango siya sa akin.

“Pupunta akong manila.”sambit ko kaya agad siyang natigil sa pagkain.

“Huh? Hindi ba pupwedeng dito ka na lang, Ate?”tanong niya sa akin.

“Hindi. Gusto ko ring tumapak ng isang hakbang papalayo sa kung nasaan ako ngayon.”sambit ko sa kaniya. Ngumiti naman siya at ginulo ang buhok ko, palibhasa’y mas matangkad sa akin.

“Goods ‘yan, Ate.”aniya kaya kinaltukan ko siya. Ilang reklamo naman ang narinig ko sa kaniya ngunit tinawanan ko lang.

Maya-maya lang ay nag-ayos na ako dahil balak kong magtingin tingin ng apartment na matutuluyan malapit sa media star.

“Saan ka pupunta?”tanong ni Mama nang makitang may dala dala akong maliit na bag, may laman ng mga gamit ko. Well, madalas kasi kapag umaalis ako, shoulder bag lang at nakawhite na polo shirt tapos nakapants na black kaya lang ay nakacasual na damit ako kaya hindi na ako magtataka kung magtatanong si Mama.

“Ma, nabanggit ko na po sainyo noong nakaraan na magtatrabaho na ako sa manila.”sambit ko sa kaniya. Kumunot naman ang noo niya sa akin dahil do’n.

“Hay nako, Linda, bantayan mo ‘yang anak mong ‘yan, baka mamaya paguwi’y may dinadala na rin. Ganiyan ‘yong nangyari sa anak ni Pinang, ‘di ba? Nagmanila para magtrabaho raw kuno pero pagbalik! ‘Yon! Buntis na!”sambit ni Aling Susan. Kasama ni Mama na nagsusugal dito sa labas ng bahay.

Napailing na lang ako, hindi ko lubusang maintindihan kung bakit ganito ang mga tao? Akala ata nila’y pare-pareho ang kwento ng lahat. Hindi naman ibig sabihin na nangyari sa kaniya’y mangyayari na rin sa akin. Magkakaiba ang utak ng tao.

“Alis na po ako, Ma.”sambit ko na hindi na pinansin pa ang pinagsasabi nila.

“Huwag ka naman sanang mabuntis agad, Hija.”kunwari pang concern na saad ni Aling Susan.

“Ilaan niyo na lang ho ang dasal niyo para sa anak niyo, Aling Susan. Pero salamat po sa concern.”ani ko at malapad pang ngumisi sa kaniya.

Take two, pleaseWhere stories live. Discover now