Chapter 45

977 25 3
                                    

Chapter 45
Iska’s POV

“Uy, Ms. Iska, nagswimming ka pala hindi ka nagsam—“natigil si Jade nang makita kung sino ang nasa likod ko. Agad na ngumisi ito at mapang-asar akong tinignan. Nailing na lang naman ako dahil do’n.

Well, he already said sorry kaya magkasabay kaming naglakad pabalik dito, mahirap na rin, baka mamaya’y may ahas pa akong makasalubong.

“Uyy, haba talaga ng hair mo, Madam.”aniya pa. Nailing naman ako sa kaniya dahil do’n. Ang kulit talaga ng isang ‘to, wala nga akong interes na pumatol sa may jowa na.

“Una na ako, labas na rin kayo maya-maya, the dinner is on me.”aniya sa amin ni Jade.

“Yes, Papi!”nakangising saad ni Jade ngunit agad ding tinapalan ang bibig.

“Yes, Direk.”pagtatama niya. Nailing na lang akong pumasok sa loob ng kwarto namin. Hahabulin ko pa sana si Silas dahil sa tuwalya niya na nasa balikat ko, nilagay niya no’ng naglalakad kami.

Ngunit bago ko pa magawa ‘yon ay sunod sunod na ang tanong ng mga kasama ko.

“Seryosong tanong, Ms. Iska? Kayo ba? Lq lang ba kayo no’ng mga nakaraang linggo?”natatawa nilang tanong sa akin. Hindi ko naman maiwasang mapatawa roon. Kung may Lq man kami ni Silas, hindi aabot ng isang linggo. Noong kami pa, kapag nag-aaway kami’y madalas na inaayos din agad, noong naghiwalay lang naman talaga hindi.

Parehas mataas pride namin, oo, pero parehas din namang binababa kapag may hindi pagkakaunawaan, basta kung sino ang mali. Hindi naman kasi one sided ang relasiyon, hindi pwedeng ‘yong isa na lang lagi ang magpakumbaba kung alam niyo naman sa sarili niyo na parehas kayong mali.

Nang matapos akong maligo ay sumabay na rin ako sa mga kasama kong bumaba. Talagang good mood kaming lahat. Aba’t sino bang hindi gayong worth it ang ginawa mo?

“It’s Direk treat today, sulitin na natin.”nakangiti nilang saad bago kaniya-kaniyang kuhanan ng pagkain.

“Iska, sama ka bukas?”tanong sa akin ni Mr. Matt.

“Saan po?”nagtataka ko namang tanong.

“Our team will visit the warehouse para sa last scene. I want your opinion sana kayo ni Direk.”aniya sa akin. Tumango lang naman ako roon dahil gusto ko naman.

“Sure.”sambit ko at ngumiti. Nginitian niya lang din ako pabalik.

“Iska, para sa’yo raw. Fan mo raw ‘yong may-ari.”ani Ate Esther at tinuro pa ‘yong isang matandang lalaki. Ngumiti lang din naman ako ng tipid bago sumimsim sa inumin ko.

Napatingin naman ako kay Silas nang may iabot siyang bread. Nagtataka ko naman siyang tinignan ngunit nagkibit lang siya ng balikat.

“Sorry gift.”aniya bago ako nilagpasan. Napailing na lang ako nang magsitikhim-an ang mga nakarinig.

“Sana all may tagasuyo.”sabi ni Jade. Sa team namin, ‘tong si Jade ang malakas mang-asar. Nakakamiss tuloy si Niel. Napailing na lang ako at hindi pinansin ang asaran nila.

“May girlfriend na ‘yan.”seryoso kong sambit para huminto na sila.

“Saan mo naman nalaman, Madam? Sa news? Hindi lahat ng nasa news totoo. Sanay na kaming makabalita ng mga ganiyan. ‘Yong ibang binalita nila, enemy pa sa real life.”sabi Jade na natatawa.

“True nga naman, Ms. Iska.”sabi pa nila ngunit umiling ako.

“Realible source ko.”natatawa kong saad.

“Stop shipping us together, it’s kinda awkward.”ani ko kaya napanguso sila.

“Sorry, Ms. Iska…”sambit ng mga ito.

Take two, pleaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon