Chapter 23

703 21 0
                                    

Chapter 23
Iska’s POV

Nakakahiya ka talaga, Iska, hindi ka niya dinala rito para ipakilala sa parents niya, dinala ka niya rito para pagselosin si Ms. Eva nang tuluyan na siyang mapasakaniya. Minsan naisip ko na ang tanga ko lang talaga. Ewan ko ba.

Napatikhim naman ako nang palapit na kami sa Mama niya, shit, parang gusto kong tumakbo dahil lolokohin ko lang ito. I mean bigla talaga akong nakonsensiya nang palapit na kami sa gawi ng Mommy niya.

“Mom, Iska, the girl I like. Iska, si Mommy, the girl I look up to.”pagpapakilala ni Silas sa Mommy niya.

“Happy birthday po, Madame…”halos manginig ako sa pagbati ko sa kaniya. Tumaas naman ang kilay niya sa akin dahil do’n. Kinagat ko lang naman ang aking mga labi, napahawak pa ako sa aking mga daliri dahil hindi ko alam ang sasabihin at hindi alam kung paano ibibigay sa kaniya ang letter na ginawa ko. I don’t know what she like so I just made her a written poetry. Dahan dahan ko naman ‘yong iniabot kahit na kinakabahan ako.

“Pasensiya na po, I don’t know what you like, Madame, and baka hindi ko rin po afford.”mahina kong bulong nang tanggapin niya ang bigay ko.

“Stop calling me Madame, Hija, call me Tita instead.”aniya at ngumiti pa sa akin.

“And I like this!”aniya at binuklat pa ang letter na ibinigay ko sa kaniya.

“You have nice handwritten. Parang calligraphy.”aniya habang nakatingin sa sulat kong dikit dikit. Nasilip din tuloy doon si Silas.

“You never give me handwritten letter, daya.”sambit ni Silas kaya tumawa ang Mama niya.

“Looks like she likes me more.”anang Mama niya at malapad pa ang ngiti habang binabasa ang poetry na sinulat ko. Bahagya naman akong nahiya. Hindi ko naman kasi inexpect ‘yon, akala ko nga’y hindi niya babasahin at itatapon na lang. Nagready lang naman ako dahil nakakahiyang magpunta ng walang dapa although sabi ni Silas na kahit huwag na. Her mom isn’t materialistic. Napagtanto ko naman na tama nga talaga siya.

Bukod sa maganda na, ang bait pa. Pakiramdam ko tuloy ay may anghel akong katapat. Napansin niya naman ang titig ko sa kaniya kaya napatawa siya ng mahina at nginitian ako.

“You look so pretty katulad nga ng sinabi ni Lucas.”aniya. Napatikhim naman tuloy ako roon, alam kong close sila ng Mama niya kaya hindi ko alam kung bakit niya rin ‘to niloloko, baka mamaya’y umasa ito na kami talaga. Alam naman niyang palabas lang ang kung anong meron kami.

“Thank you po.”sabi ko at nginitian ito.

“Kain muna kayo, Lucas.”anang Mommy niya.

“Sa loob na kami, My.”aniya kaya tumango ang Mommy niya. Well, medyo nahiya naman ako dahil marami namang table dito sa labas pero sa loob pa kami kakain, masiyado namang pavip.

Nang makarating kami sa loob ng bahay nila, wala talagang tao, kami lang. ‘Yong cater naman din kasi ay nasa labas.

“Nakakahiya, kahit sa labas na tayo.”sabi ko sa kaniya ngunit hindi rin maiwasang pagmasdan ang loob ng bahay nila.

“It’s fine, papasok din si Mama maya-maya. Hinihintay lang si Kuya.”aniya kaya napatango na lang ako. Mas lalong nakakahiya kung ganoon.

“I thought we’re here to pretend? Edi dapat ay sa labas tayo, nandoon si Ms. Eva.”sambit ko sa kaniya. Nilingon niya naman ako dahil sa sinabi.

“Let’s eat muna, Iska, mamaya na ‘yang pretend pretend na ‘yan.”aniya sa akin kaya napatango na lang ako. Muhang gutom na kasi ‘tong kasama ko.

May pagkain naman na sa hapag, medyo nahihiya ako dahil kami lang dalawa pero akala mo pista sa sobrang daming pagkain. May mga katulong pa na nagseserve.

“Si, hindi ka ba nakokonsensiya?”tanong ko sa kaniya bago kami kumain.

“Saan?”tanong niya.

“Niloloko natin ang Mama mo, sana pala ay hindi mo na ako pinakilala.”pabulong kong saad sa kaniya. Nakatingin lang naman siya sa akin dahil sa sinabi ko. Napakibit lang siya ng balikat kaya naningkit na lang ang mga mata ko.

“Ikaw din, konsensiya mo rin ‘yan. Kapag naghiwalay na tayo, bahala kang magpaliwanag. Ikaw din naman ang mahihirapan.”sambit ko sa kaniya kaya pinagkunutan niya ako ng noo.

“Bakit ba hiwalay lagi ‘yang nasa isip mo, Iska?”tanong niya na nakasimangot.

“Bakit? Doon din naman talaga tayo pupunta, huh?”tanong ko sa kaniya. Nakatitig lang naman siya sa akin kaya tinitigan ko rin siya.

“Magagalit ka ba kung hahalikan kita ngayon?”tanong niya sa akin.

“Huh?”napaawang naman ang labi ko dahil sa tanong niya. Wari’y nagwawala ang puso ko lalo na nang dahan dahan siyang lumapit sa akin kaya napapikit na lang ako. Hindi ko alam kung bakit ba laging pumipikit kapag naghahalikan pero ‘yon na lang din ang unang pumasok sa isip ko.

Ramdam ko naman ang malambot na mga labi niya sa akin kasabay ng malakas na tibok ng puso. Shit, kalma ka lang heart.

That answer my question. People close their eyes to let our lips talk. No words. Just lips. Para bang isang iglap nawala ako sa realidad.

Nang matapos ang halik ay parehas kaming hinihingal sa lalim no’n. Nakarinig ako ng tikhim kaya parang sa isang iglap, bumagsak ang kung ano mang nararamdaman ko kanina. Kita ko si Ms. Eva na siyang nakatayo sa gilid kasama ata ang pamilya niya. That when I know I really fuck up. Gago ka ba, Iska? Ano nga bang ineexpect mo? Ramdam ko ang kirot ng puso dahil do’n.

Nakarinig pa ako ng palakpak mula sa gilid at munting halakhak.

“That was a really hot kiss, lil bro.”natatawang saad ni Axel na siyang tuwang tuwa sa nakita. Hindi ko naman nilingon si Silas. ‘Yan, assumera ka kasi, Iska. Tignan mo ngayon! Nasasaktan ka tuloy. Ano bang akala mo? Hahalikan ka niya nang ganoon ganoon lang?

“Mr. Herrera, I thought you’re a good man.”sambit noong tatay ni Eva na siyang nakatayo pa rin sa isang gilid.

“So disappointed.”sambit naman no’ng Mama niya.

“What happened?”tanong ni Tita na kakapasok lang.

“We just saw your son kissing here, Fe.”sambit no’ng Mama ni Eva.

“Oh, they are together. There’s nothing wrong about that. Next time sa kwarto na lang kasi, Nak.”pabulong na saad pa ni Tita sa kaniya. Halos pamulahan naman ako ng mukha dahil sa sinabi nito. Nahihilo na tuloy ako sa sobrang dami kong dapat na isipin.

“Basta, waiting lang ako sa apo ko, Hija.”pabulong pa niyang saad sa akin. Halos itago ko naman na sa hiya ang mukha ko. That was our first kiss tapos sobrang epic pa. Alam ko naman kung bakit niya ginawa at nagpadala naman ako. Parang sira rin talaga. Kasalanan mo ‘yan, Iska, kaya huwag kang maging bitter.

“Masiyado kang kunsitidora, Fe, kaya ka nilolok—“padabog naman na tumayo si Axel dahil sa sasabihin ng Papa ni Eva. Masamang tingin naman ang ibinigay ni Silas.

“Shut up, Tito, you know nothing. Pwede na ho kayong umalis.”sabi ni Direk Axel. Napaawang naman ang labi ng pamilya ni Ms. Eva dahil do’n.

“Bastos! Hindi porket nasa mataas na kayo’y ganiyan na lang kayo magtatrato ng kapwa.”anang lalaki bago hinila ang mag-ina niya palabas. Kita ko naman ang masamang tingin sa akin ni Ms. Eva bago sila tuluyang makaalis.

“Axel! Hindi mo dapat sinabi ‘yon! Ano ka ba? Mas matanda pa rin siya sa’yo!”ani Tita sa kaniya.

“Ma, kahit gaano katanda pa ‘yon, kung babastusin ka’y hindi ko palalagpasin.”galit ding saad ni Mr. Axel sa kaniya. Ilang beses pa siyang pinagalitan ng Mama niya kaya natahimik na lang siya. Napahilot na lang sa kaniya sentino ang Mama nila.

“I’m sorry about that, Hija…”aniya sa akin. Ngumiti lang naman ako at tumango.

“Sorry.”sabi ni Silas sa akin bago siya umupo muli. Para saan ba? Sa halik? Sa nangyari? Sa panggagamit niya sa akin? I don’t know. Ayaw ko ring magtanong kaya ngumiti na lang ako at tumango.

“It’s fine.”sambit ko kahit na hindi ayos sa akin kunh hihingi siya ng tawad para sa halik, ibig sabihin ay pinagsisihan niya. Hindi ko alam kung anong mararamdam ko kung ganoon.

“Kain na muna tayo, pampalamig ng ulo. So kumusta, Iska?”nakangiting tanong sa akin ni Mr. Axel.

“Ayos lang po, Direk.”sambit ko at tipid na ngumiti.

“Lalabas lang ako sandali, iwanan ko kayo riyan, manahimik, okay?”parang bata silang pinagsasabihan ng Mama nila kaya hindi ko maiwaang matawa.

Ang kulit ni Mr. Axel kaya napreoccupied naman ang utak ko, pansin ko pa rin ang paninitig sa akin ni Silas ngunit hindi ko na magawa pang balingan siya ng tingin. Nakipahkwentuhan lang ako kay Direk. As much as possible ay gusto kong iwasan siya ng tingin.

“I’m going to the bathroom.”paalam sa akin ni Silas.

“Anong gusto mo, Lil bro? Samahan ka pa ni Iska?”natatawang tanong ni Mr. Axel. Inirapan lang siya ni Silas bago nagtungo sa cr.

“Nahihiya ka ba sa kapatid ko? O galit ka?”natatawa niyang tanong sa akin. Napatikhim naman ako dahil do’n. Umiling lang ako. Sana nga’y sinamahan ko na talaga siya dahil ayaw kong mastuck dito sa kapatid niya. Sobrang daming tanong at napakamapang-asar. Wow, kanina lang ay ginagamit mo siya para makatakas ka naman sa kapatid niya, Iska. Ano ba talaga?

“We? Bakit mukha kang galit na nahihiya? Huwag mong sabihing first kiss niyo ‘yon? Well, mukha namang hindi ka marunong humalik, baka hindi rin nagustuhan no’ng kapatid ko ‘yon. Bahala ka, baka iwan ka.”natatawa niyang saad sa akin. Kunh hindi ko lang ‘to boss, kanina ko pa siya natapalan ng tape. Nainis ako sa sinabi nito kaya tumayo rin ako.

“comfort room lang din.”sambit ko kaya agad malapad ang naging ngisi niya.

“Don’t tell me you will do things here, huh? Linisin niyo.”sabi niya kaya napakunot ako ng noo. It took me minutes bago ko napagtanto ang sinabi niya. Nakalakad na ako patungo sa bathroom nang sa wakas ay magets ko. Kahit pala ako’y maiinis talaga sa kapatid niya. Parang anytime ay mahahighblood ka, waitings ako sa magpahighblood sa kaniya.

“Hey.”napatingin naman ako kay Silas nang makasalubong ko siya.

“Cr lang.”sambit ko at lalagpasan siya ngunit agad niyang nahawakan ang palapulsuhan ko.

“Galit ka ba?”tanong niya.

“No? Bakit ako magagalit? Nasa contract na pwede ‘yon basta kailangan. And naintindihan ko na kinailangam mong gawin dahil kay Ms. Eva.”sambit ko kaya napakunot ang noo niya. Magsasalita na sana siya nang matikom ang kaniyang bibig dahil napatingin sa likod ko.

“Tangina naman, Pa.”malutong na mura niya. Bahagya naman akong nagulat dahil do’n. Hindi naman kasi talaga ‘to madalas magmura.

“What did you say, Lucas?!”galit na tinig naman ang narinig ko mula sa likod. Dahan dahan akong lumingon at nakita ko ang Papa niya na mayroong kaakbay na sexy’ng babae. Mukhang nakuha lang niya sa kung saan.

“Hindi ka na nahiya, dito ka pa nagdala ng babae mo.”galit na sambit ni Silas. Halatang gigil na gigil na.

“Huwag mo akong sumbatan, anak lang kita.”ana man ng Papa niya.

“Simula no’ng niloko mo si Mama, wala ka ng anak, Pa…”mahinang saad ni Silas bago galit na nilingon muli siya.

“Tangina, birthday ni Mama! Sana naman aware ka, minsan ka na nga lang umuwi!”galit niyang saad habang masamang masama ang tingin sa kamay ng Papa niya na naglalakabay sa katawan no’ng babae. Ngumisi naman ang Papa niya dahil do’n.

“Ayos lang. Patatawarin naman ako ng Mama mo. Saka huwag ka ngang makialam, kung ang mama mo nga ay hindi nagrereklamo, ikaw pa kayang anak ko lang.”sambit niya. Kita ko ang pagkuyom ng kamao ni Silas. Kahit naman ako’y manggigil din talaga rito sa Papa niya.

“Close your eyes, please.”pabulong niyang saad sa akin. Hindi ko naman alam kung anong gagawin ko dahil do’n.

“Please.”ulit niya pa kaya pinikit ko ang mga mata ko. Dinig ko naman ang tili no’ng babae kaya agad din akong napamulagat ng mata. Kita ko si Silas na galit na galit habang sinusuntok sa mukha ang Papa niya.

“S-si, tama na…”pabulong kong saad sa kaniya bago ko siya hinila paalis doon.

Take two, pleaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon