Chapter 41

895 28 0
                                    

Chapter 41
Iska’s POV

“Fuck.”bulong ko sa sarili habang magmadaling tinali ang kulot kulot kong buhok. First day na first day late ako. Late na akong nakatulog kagabi dahil sa kung ano ano pang iniisip.

“Kailangan mo ba kotse ngayon, Chico?”tanong ko sa kapatid habang naglalagay ng lipstick.

“Hindi naman, Ate, nagmamadali ka? Cocommute na lang ako.”aniya na abalang abala sa binabasa. Noon puro laro lang ang isang ‘to, ‘di ko rin akalain na magseseryoso siya sa pag-aaral ngayon.

“Sorry, hindi na kita maihahatid pa. Late na ako!”sabi ko sa kaniya.

“Ayos lang, Ate. Ingat ka.”aniya at ngumiti pa sa akin bago binalik ang mga mata sa binabasa. Wala na akong panahon para asarin pa siya. Nagmamadali na akong bumaba ng condo unit ko.

Halos maipukpok ko pang ulo dahil sa sobrang traffic. Bukod sa late na akong bumyahe kagabi, hindi pa ako nakatulog ng husto kaya ito ako ngayon. Nakakahiya kina Mr. Abadilla, ngayon pa man din ang araw na titingin kami ng cast. Medyo kinakabahan din ako dahil paniguradong nandoon si Silas dahil siya ang direktor ng May it happen. Hindi ko sigurado kung paano ako makikipag-usap sa kaniya.

Sana lang ay mas maging propesiyonal pa ako. Nanakbo pa ako nang makarating doon. Hindi ko ako sa media star. Medyo hinihingal pa nang makarating sa pagdadaungan ng audition. Nang makarating ako roon ay nagmamadali akong pumasok sa loob.

“I’m really sorry, medyo traffic po.”nahihiya kong saad. Kita ko kasing nagsstart na ang audtion. Ang dami rin talagang artista na naghihintay sa turn nila.

“Ayos lang, Ms. Sumilang, upo ka na.”ani Mr. Abadilla at tinuro ang upuan ko. Tumango naman ako at tipid na ngumiti. Katabi ko lang ang upuan ni Silas kaya narinig ko ang sinabi niya.

“How irresponsible.”dinig kong saad ni Silas. Napatikhim naman ako dahil ako ata ang pinaparinggan nito.

“Sorry.”sabi ko na lang dahil ako naman talaga ang mali, alangan naman magmataas pa ako, ‘di ba? Natuto naman na akong magbaba ng pride kahit paano.

Hindi niya rin naman pinansin ang paghingi ko ng tawad dahil nakatingin na rin siya sa mga nag-aaudition. Nagnonotes naman ako ng mga artistang babagay sa manuscript na sinulat ko. Magkakaroon din naman kami ng meeting para sa mga napiling artista. Seryoso lang naman ako sa ginagawa. Ganoon din naman ang katabi ko. Hindi kami nagsasalita habang ang mga kasama namin ay nag-uusap usap na sa mga tumatatak sa kanila.

Nang matapos ang lunch ay pinatawag na kami sa meeting room. Friendly naman ang mga assistant writer na kasama ko kaya medyo nakakasundo ko rin sila kahit ngayon ko lang sila nakita sa personal.

“For our leading lady, I’ll give my vote to Ms. Glenda.”sambit ko.

“It’s Ms. Sonya for me, I already work with her and she can easily act that way.”ani Silas.

“As you can see the leading lady have a a soft personality, Ms. Glenda have that. Hindi niya na kailangang umarte.”sambit ko dahil nakita ko naman kung paano makitungi si Ms. Glenda sa mga tao kanina, she already have the character. Napakunot naman ako ng noo nang makita kong tumawa si Silas. Bahagya naman akong sumimangot dahil parang nakakainsulto ‘yon.

“Hmm, that’s why they are called actress. Hindi kailangan ng tunay nilang ugalis sa harap ng camera. Trabaho nila ang umarte, Ms. Sumilang.”nakangisi niyang saad. Hindi naman ako nakasagot agad kaya napagpasiyan na nilang si Ms. Sonya ang gaganap. Natahimik naman ako dahil do’n.

“I personally think that this guy will be good with the role of our leading man.”sambit ni Mr. Abadilla.

“What’s do you think, Ms. Sumilang?”tanong sa akin ni Mr. Abadilla.

“That guy is not that bad. I think he suit this role. I watched some of his films, madali lang din siyang makahatak ng audience bukod do’n he’s a great actor. It will be good for our movie.”sambit ko. Agad naman kumontra si Silas. Palihim akong napangiwi ngunit pinanatili ko pa rin ang pagiging propesiyonal. Ayaw kong makipag-away sa kaniya baka mamaya’y sabihin pa nila personalan.

“But he’s very hot temper, it will be win or lose situation for us and I think Dave will suit it more. He’s a good actor. Mapag-aaralan niya pa ang role.”sambit niya.

“But Tome already had the vibes. Hindi niya na kailangan pang pag-aralan and you said it yourself. They are actor and actresses, hindi kailangan ang tunay nilang ugali sa harap ng camera.”sabi ko naman. Pabalik balik lang ang tingin sa amin ng ilang higher ups habang tinitignan kaming nagtatalo.

“Let’s just vote.”sambit ni Mr. Abadilla na nakangiti.

“I’m glad we have you both, ang dami niyong ideas pareho.”aniya sa amin. Hindi ako nagsalita. Ganoon din naman si Silas na tahimik lang din sa kaniyang kinauupuan, dapat lang.

Hindi rin maganda na pinagsasama ang dalawang maraming ideas dahil minsan nagcclash ang mga ‘yon, nagdudulot ng hindi kagandahan sa team.

We ended up taking Tome, bahagya naman akong napangiti sa naging desisyon. Nang tignan ko naman si Silas, parang wala lang naman sa kaniya ‘yon. Propesiyonal lang din talaga siya sa kaniyang trabaho but I’m not dahil pakiramdam ko pinapersonal niya ako.

Ilang beses pa ata kaming nagtalo hanggang sa matapos kaming mamili ng mga artistang gaganap sa bawat role. Akalain mong umabot kami ng gabi sa pamimili lang ng mga ‘yon. Hindi pala ganoon kadali ‘to.

“Ms. Sumilang, Mr. Herrera, saan kayo pupunta? Hindi pa tapos.”natatawang saad ni Mr. Abadilla nang parehas kaming tumayo at nagbabalak ng umalis.

“We still have dinner together, nagmamadali ata kayong parehas.”nakangiti nitong saad. Tipid lang akong ngumiti at hindi na tumuloy sa pag-alis. Ganoon din naman si Silas na kinakausap ang assistant ni Mr. Abadilla.

“Ms. Sumilang, sobrang fan niya po ako. Pupwede ba akong magpapirma sa inyo?”tanong sa akin Leana na siyang assitant writer. Kanina pa ‘to nahihiyang lumapit sa akin. Bahagya rin tuloy akong nahiya sa kaniya. Akalain mong may fan na rin ako? Wow?

“Oo naman.”sambit ko, bahagya naman akong namangha nang makitang nilabas niya sa bag niya ang halos lahat ng libro ko.

“Lahat ‘yan, Leana? Papagurin mo talaga si Ms. Sumilang?”natatawang tanong nina Jade sa kaniya. Napanguso lang naman siya dahil do’n at dahan dahan niyang pinasok ang iba.

“No, it’s fine.”sambit ko na kinuha ‘yon at pinirmahan. Ang huling libro ay sinulatan ko lang ng maikling mensahe ko sa kaniya. Kita ko naman ang malapad na ngiti niya dahil do’n.

“Salamat, Ms. Iska.”aniya na parang gusto pang yumakap. Natawa na lang akong tinapik siya bago ko nilapitan sina Mr. Abadilla na siyang tinatawag na kami para magtungo na sa restaurant na kakainan namin.

It was kinda awkward habang naglalakad ako sa tabi ni Silas dahil nga nasa unahan na sila Mr. Abadilla at kaniya-kaniya na silang usapan. Parehas lang kaming tahimik habang nakasunod kami sa mga ito. Ano naman kasing pag-uusapan namin? Alangan naman sabihin kong bagay sila ng girlfriend niya kaya selos na selos ako ngayon. Gusto kong magtanong sa kaniya kung sila ba talaga kaso natatakot ako. Ewan ko rin kung bakit.

Mabuti na lang ay may ilang staff na kumausap sa akin kaya hanggang sa makarating doon ay ayos naman ako.

“Medyo tahimik ka pala talaga sa personal, Ms. Sumilang.”anila sa akin. Ngumiti lang naman ako roon. Nagtanong naman sila sa journey ko sa pagsusulat.

“Nabasa ko ‘yong Journey of thousand words mo, Ms. Sumilang. Naiyak na lang ako roon. At the age of 25 katulad mo rin gusto kong maging successful, nasa isip ka nga no’n na baka may pamilya na ako pero wala nga talagang oras ang mga bagay na ‘yon no?”nakangiting tanong ni Mrs. Pontanilla. She’s our editor.

“Grabe ‘yong iyak ko sa libro mong ‘yan.”sabi niya pa. Hindi ko naman maiwasan ang matuwa dahil sa sinabi nito. Ang sarap lang sa feeling na makarinig ng mga puri para sa libro ko.

“Thank you po, Mrs. Pontanilla.”nakangiti kong saad.

“Ano ka ba? Esther na lang.”aniya ngunit alam ko’y mas matanda ‘to sa akin ng sampung taon.

“Or Ate Esther.”aniy na nakangiti dahil kita niya ang reaksiyon ko. Napangiti na lang din ako roon pati sa ilang beses na pamumuri ng ilang kasama namin dito. Minsan ay nahihiya na lang din ako dahil naiisip kunh deserve ko ba ‘yon?

Masaya rin ang dinner dahil kwela ang mga kasama namin. Saka madalas din akong kausapin ng mga kasama ko. I don’t know of they’re like this with other people na mas mababa sa amin pero sana ganito rin. Mas gusto ko ‘yong mga taong totoo para alam ko kung sino ‘yong nandiyan kahit nasa baba na ako.

“Ms. Iska, ‘di ba ex mo si Direk, grabe, ako ang nasstress sa inyo habang nagtatalo kayo kanina. Wala ba kayong closure? Sikat na sikat kayo no’n.”pabulong na saad sa akin ni Jade. Nailing na lang ako sa tanong nito.

“Oo, we’re both fine. Move on na kami parehas. Trabaho lang ‘yon.”sabi ko na ngumiti lang sa kanila. Sinungaling ka talaga, Iska. Move on? Kailan? Saan? Bakit hindi ka aware?

“We? Bakit parang may kaunting hinanakit pa sa isa’t isa?”natatawang tanong ni Jade.

“Alam mo, Jade, issue ka.”natatawa ko ring sambit sa kaniya.

“Bagay naman kayo, hindi ko alam talaga sa mga tao kung bakit ang hilig nilang mangialam sa relasiyon.”aniya na umiling iling pa.

“Sayang nga lang hindi kayo nagkatuluyan.”sambit niya pa. Ang daldal talaga ng isang ‘to.

“Paano mo nasabi? Hindi pa naman tapos ang buhay.”natatawang saad naman ni Leana.

“May girlfriend na si Direk e, si Saturday. Kaya pala nakita ko silang magkasabay umuwi.”ani Jade.

“Live in sila?”sabay naming tanong ni Leana at agad naman akong napatikhim nang makita ko na nasa akin ang tingin nila at nakangisi pa. Natatawa naman akong napairap doon.

“Curious lang.”sambit ko bago tumayo dahil may tumatawag. Nagexcuse naman ako sa mga kasama ko rito sa dinner.

“Hi,”bati ko kay Clark mula sa kabilang linya.

“Hey, nasa manila ka na raw?”tanong niya sa akin.

“Yup, why? Miss mo ako?”natatawa kong biro sa kaniya.

“Medyo. Sunduin kita, dinner tayo!”aniya sa akin. I didn’t lose contact with him and Niel kaya madalas ko pa rin siyang nakakausap through video call. Saka noong nakaraang nagshoot sila sa japan, nagtravel ako roon kaya nabisita ko rin siya. Mas naging close kami dahil do’n. Laging tumatawag.

“Nagdidinner na ako ngayon.”sambit ko sa kaniya na napakibit pa ng balikat.

“Awwe, kahit saglit lang?”tanong niya naman sa akin pabalik.

“May kotse ako.”sabi ko ulit.

“Edi ako sunduin mo.”aniya kaya napatawa ako sa kaniya.

“Wow, huh?”naiiling na lang ako dahil do’n.

“Come on. I just want to see you.”aniya pa.

“Pag-iisipan ko.”ani ko kaya dinig ko ang reklamo niya. Natawa na lang ako at nailing.

“Oo na. Kulit mo.”sambit ko bago binaba ang phone dahil sa taong nasa gilid ko. Mukhang may kausap din sa phone Nawala ang ngiti sa mga labi ko. Kita ko naman kung gaano kaseryoso ang mukha nito. Napatikhim lang ako at hindi siya pinansin. Kita ko naman ang pagbaba niya ng phone. Diretso lang ako sa pagpasok sa loob.

“Pasensiya na po pero kailangan ko ng umalis.”nakangiti kong sambit sa mga kasama namin.

“Ganoon ba? Sayang naman,”anila sa akin. Ngumiti lang naman ako roon.

“See you sa work.”sambit nila at kumaway pa sa akin, ibinalik ko rin naman ‘yon sa kanila.

“Boyfriend?”halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita sa gilid ko nang palabas na ako ng resto. Bahagya akong napahawak sa dibdib ko. Bakit ba nanggugulat ang isang ‘to? Kainis.

“Huh?”tanong ko.

“Is that your boyfriend?”tanong niya na tinuro pa ang tumatawag sa phone ko. Napatikhim naman ako dahil do’n. Magpapaliwanag sana ako na hindi kaya lang ay bakit pa?

“Paki mo ba?”tanong ko naman na nakataas ang kilay sa kaniya bago nagsimulang maglakad paalis sa tapat niya.

“Don’t let your boyfriend interfere with your work.”sambit niya sa akin. Binalikan ko naman siya ng tingin.

“Don’t worry. It won’t.”ani ko na napakibit ng balikat. Ni wala naman akong boyfriend paano ‘yon magiging sagabal?

Take two, pleaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon