Chapter 26

729 25 0
                                    

Chapter 26
Iska’s POV

I became really close with Silas’ Mom. Makalipas ang ilang buwan, halos araw araw ako sa bahay nila. Akala ko hindi ko makikita si Silas ngunit araw araw niya akong sinusundo para magtungo roon. Her Mom wants to see me. Wala naman kaso sa akin dahil gusto ko rin namang nakikita si Silas. It’s a win win situatiom for me dahil nag-eenjoy din ako sa company ng Mommy niya.

Katulad na lang ngayon, she’s been busy with her plants. Ginagawa akong assistant.

“Iska, what about this? Maganda ba?”tanong niya sa akin. Ngumiti naman ako.

“Maganda po, Tita, but you think na mas pretty kapag nasa taas?”tanong ko naman. Bahagya siyang napasimangot, hindi naman kami madalas magkasundo dahil iba ‘yong gusto naming dalawa pero still, hindi ko alam kung bakit gustong gusto niya pa rin akong nagtutungo rito. Maybe she’s too bored at wala rin naman siyang ibang makausap.

“Fine, let’s ask Silas.”aniya. Tumango ako dahil honest naman si Silas kapag may ganito. That was I like about him, may sarili talaga siyang opinyon.

“Hmm, baka akyatin ng pusa kapag nasa baba, My.”aniya kaya napanguso na lang ang Mommy niya. After how many months, maayos na rin ang divorce nito with his father. She was now trying to move forward. Minsan makikita mo siyang nakatulala ngunit madalas she was genuinely happy. She’s now in her healing process. Minsan hinahanap siya ng Papa ni Silas ngunit matatag na talaga ang Mommy niya.

“Hmp, kinakampihan mo lang naman ‘yang si Iska dahil girlfriend mo.”anang Mommy niya kaya napatawa ako. Aba’t kapag siya ang pinanigan ay hindi naman ako nagsasalita.

“Ma…”napakamot na lang si Silas dahil do’n ngunit natawa lang din ang Mama niya bago nilagay ang halaman sa taas.

“Iska, ayaw mo bang dito na matulog?”tanong niya sa akin.

“May trabaho pa po ako bukas, Tita.”sambit ko naman.

“Awwe, balik ka bukas, huh?”tanong niya sa akin. Tumango lang naman ako. Sobrang bait kaya ni Tita, sa araw araw ko rito, alagang alaga talaga ako. Hindi na ako magtataka kung bakit Mama’s boy ang kaniyang dalawang anak. Minsan pa’y dinadala niya rin ako sa mall at binibilhan ng kung ano ano. Parang ginawa niya pang libangan ang pagshoshopping.

After that day, inihatid na rin ako ni Silas sa bahay dahil may trabaho pa ako kinabukasan.

“Girl, ano ng lagay niyo ni Silas?”tanong ni Leo sa akin isang gabi. Natigil naman ako dahil sa tanong niya sa akin. Right.

“Hindi ko rin alam.”sambit ko. Nilingon naman niya ako dahil do’n. Tapos na ang tatlong buwan, noong nakaraan pa. Hindi namin ‘yon gaanong napag-usapan dahil nga abala siya masiyado sa Mama niya kaya hindi rin namin gaanong napag-uusapan ang tungkol kay Ms. Eva. But the contract is now done.

“Uyy, ayos ka lang?”tanong sa akin ni Leo. Tumango naman ako sa kaniya roon.

“Sorry kung natanong ko pa. But I think that guy won’t really let you go naman kahit anong gawin mo.”natatawa niyang saad. Well, as of now we’re friends. Hindi ko nga lang sure kung hanggang kailan.

Simula tuloy ng paalala ‘yon ni Leo, hindi ko na magawang kalimutan, I mean tama naman talaga siya. I know Leo just want me to find genuine happiness kaya ganoon. Kahit halos ilang buwan pa lang kaming magkakilala, tinuturing na namin ang isa’t isa na kaibigan. Sa sobrang dami ba naman na rin naming napagdaanan together. I like her. Siya ‘yong definition ng friend na balance lang. Minsan kukunsitihin ka sa kalandian mo, madalas hindi.

“Hoy, lalim niyan ahh.”sambit ni Mr. Axel or should I say Axel dahil ang tagal niya akong kinukulit na I should drop the Mister. Halos lahat naman ay kunukulit nito, wala ng bago doon.

“Edi sana nalunod ako?”natatawa kong biro. He’s not that bad. Medyo naging close ko rin siya sa lagi ko ba namang paglalagi sa bahay nila.

“Korni mo,”aniya na nailing.

“Susunduin ka ni Silas? Birthday niya ahh.”aniya sa akin.

“I don’t know, hindi niya ulit na nasabi but sa bahay niyo lang naman, ‘di ba? Si Tita ang nag-invite sa akin.”sambit ko.

“Matic na ‘yon. Baka hindi mo rin binabanggit? Isip bata pa naman no’n, magtatampo kapag hindi mo naalala birthday niya.”natatawa nitong saad.

“As if naman makakalimutan ko.”nakangiti kong saad. Last month ko pa ata pinaghandaan iyon. Katulad ng Mama niya, hindi naman siya materialistic na tao. Sobrang simple lang kaya ng taong ‘yon nang makilala ko siya. Akala ko no’ng una’y sobrang parich boy chuchuness niya but he’s not. Sobrang kabaliktaran.

When his birthday came, ang Mama niya ang nangungulit sa akin na pumunta roon. Medyo nahihiya naman ako dahil pagkatapos akong imbitahan ni Silas noong nakaraang linggo. Hindi niya na inulit pa. Hindi ko tuloy maiwasan ang pagooverthink. Why ba ang hilig mong magoverthink, Iska?

Baka kasi biglang hindi na pala ako invited. Nakakahiya dahil hindi rin naman ako kinakausap ni Silas tungkol do’n. Nagtetext kami ngunit madalas na hindi tungkol do’n. Ni hindi niya na talaga nabanggit pa kung anong plano niya kahit kapag nag-uusap kami. Ayaw ko naman ibring up dahil hindi niya inuumpisahan.

“Iska, talaga bang ganiyan lang susuotin mo? Paniguradong maraming kilalang tao na darating sa party niya. Mag-ayos ka naman kahit kaunti lang.”ani Leo sa akin habang pinagmamasdan ako. Bahagya naman akong napairap dahil do’n.

“Dali na! Dami kong damit dito, ipahihiram ko.”aniya na iniabot pa ang iba’t ibang klase ng damit na pang party. Namili na lang ako dahil kinukulit talaga ako ng isang ‘to. Nang matapos, as usual, inayusan lang ulit niya ako.

“Oh, pak, ganda talaga nyarn.”aniya habang nakangiti sa akin. Hindi ko naman maiwasang natawa bago napairap sa kaniya. Lagi kasi talagang bolera ang isang ‘to.

Sa isang hotel gaganapin ang birthday ni Silas, sumakay na ako ng cab dahil baka masira ang ayos ko kung hindi. Napatitig naman ako sa phone ko nang makarecieve ng text mula sa kaniya.

HB kong bf:

Have you eaten?

Hindi ko naman maiwasang mapanguso, bakit parang tunog talagang hindi ako invited sa tanong niya. Pakiramdam ko tuloy ay hindi na dapat pa akong pumunta pero ininvite niya naman kasi ako. Ewan ko, bahala na. Edi uwi kung hindi invited. Ayaw ko nga lang magpakita kay Leo dahil paniguradong susugurin niya si Silas kung sakalu dahil nag-ayos ayos pa ako.

Nang makarating doon ay inayos ko lang ang suot na kulay itim na dress. Pakiramdam ko’y tumutunog ang malaking hikaw na ipinihiram ni Leo sa akin. Ang lalaki kaya ng mga hikaw ng isang ‘yon, parang porselas na ang nga bilog bilog niyang hikaw.

Habang naglalakad ako papasok, hinarang pa ako no’ng isang guard.

“Ma’am, may invitation card po ba kayo?”tanong niya sa akin. Napakagat naman ako sa aking mga labi dahil naiwan ko ang invitation card na ibinigay ng Mommy ni Silas.

“Naiwan ko po, Manong…”sambit ko.

“Sure po ba kayong invited kayo rito, Ma’am?”tanong niya pa sa akin. Halos magdugo na ang aking labi dahil sa pagkakagat.

“Nako, Miss, hindi ka pwede rito, umuwi ka na lang.”sabi naman ng isang babaeng kumukuha ng invitation. Masungit niya pa akong tinignan. Hindi ko naman maiwasan mapahigpit na lang ang paghawak sa bag ko.

“Sa damit mo pa lang, halatang hindi ka na belong.”sambit niya pa. Hindi ko naman maiwasan ang pagkunot ng noo ko dahil sa sinabi niya. I mean it’s Leo’s clothes. Hindi niya naman pwedeng laitin na lang ‘to.

“It’s fine, Mae, she’s with me.”napatingin naman ako nang may magsalita sa gilid ko. Si Ms. Eva.

“Ayy sorry po, Ma’am!”mabilis na paghingi ng paumanhin no’ng babae dahil lang sa pagdating ni Ms. Eva. Hindi ko naman maiwasan ang paghigpit ng pagkakahawak ko sa aking bag.

“Sorry po talaga.”aniya pa. Hindi naman ako umalis ka kinatatayuan ko. Nanatili lang akong nakayuko, hindi alam kung ano bang dapat kong maramdaman.

“Let’s go.”sambit naman sa akin ni Ms. Eva at ngumiti pa.

“Hey,”bahagya ng tumaas ang kilay niya dahil hindi pa rin ako sumusunod sa kaniya.

“Come on, you want to see Si, right?”tanong niya. Tumango na lang ako at sumunod sa kaniya papasok dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Tita at Leo kung uuwi ako.

“Hindi ka na ininvite ni Si?”tanong niya sa akin. Napatikhim naman ako at hindi nagsalita.

“Why? Hindi ka niya binigyan ng invitation? Si Silas talaga.”aniya at mahina pang tumawa na naiiling. I was just silently walking beside her.

“Thank you, Ms. Eva.”sambit ko bago naunang naglakad. Ayaw ko lang na marinig pa ang mga sasabihin nito. Hindi ko alam kung dahil ba gusto ko si Silas kaya medyo naiilang ako sa kaniya o dahil lang sa nalaman kong hindi naman talaga siya ‘yong nagsusulat ng mga nobela. Hindi ko alam. Baka dalawa. Nagpatuloy na ako sa paglalakad ng tawagin niya ako.

“Iska.”nilingon ko siya dahil do’n.

“I’m really guilty about this… hindi ko alam kung paano ko siya sasabihin sa’yo.”aniya sa akin nang makalapit siya.

“Hindi ako pinapatulog ng konsensiya ko…”sambit niya pa na hindi alam kung paano niya sasabihin ang kung ano. Hindi ko naman maiwasang mapakunot ang noo dahil do’n.

“Silas and I are already back together… he said na you two are already done… but seeing you here makes me think na kayo pa rin… that’s why I’m saying this to you…”sambit niya, nilabas niya pa ang cellphone niya at pinakita ang litrato niya habang nasa dibdib ni Silas, tulog si Silas sa picture na ‘yon. Hindi ko na ‘yon gaano pang tinitigan. Nilayo ko na lang din ang tingin sa kaniya.

Nasasaktan ako, oo, but this is the reason kung bakit kami mayroong contract but now, it’s done. Tapos na kung anong meron kami. Nginitian ko na lang si Ms. Eva.

“We’re just friends now, Ms. Eva. Don’t worry. Babati lang ako, hindi na rin ho ako magtatagal.”sambit ko naman sa kaniya. Bigla namang tumaas ang kilay nito sa akin.

“Hindi na pala kayo, bakit nandito ka pa? Hindi ka na nga ininvite,  nagpunta ka pa, kung hindi ka ba naman din gaga.”aniya sa akin kaya agad kumunot ang noo ko sa biglang pagbabago ng mood nito. May mood disorder ba siya? Bakit ganito siya?

“Umuwi ka na, hindi ka belong dito.”sambit niya pa bago niya akong binangga. Napakuyom lang ako ng kamao dahil do’n. She’s really different from the girl I look up to. Hinayaan ko na lang siyang magtungo sa party hall.

Bakit hindi man lang sinabi ni Silas na sila na pala? Sabagay, tapos naman na talaga ang contract, wala naman na dapat pa akong habulin sa kaniya. But still, magkaibigan na kami, sana sinabi niya. Para hininto ko na talaga ang kung anong nararamdaman ko sa kaniya.

Kita ko ang mga kilalang direktor na papasok sa party hall, ganoon din ang ilang mga sikat na artista at marami pang kilalang tao. Halos lahat ay nakasuot ng magagarang damit. Napangiti na lang ako sa aking sarili. That’s why he didn’t invite you again, Iska. You don’t belong here. Bakit nga ba kasi pumunta ka pa?

Napakagat na lang ako sa aking labi. Umpisa pa lang ay hindi na sang-ayon sa’yo ang lahat. Bakit ba nagpumilit ka pang pumasok sa loob? Ewan ko ba, bakit ba hindi pa ako nakahalata sa text niya? Ni hindi niya na nga binibring up ang party na ‘to, Iska. Kung hindi ka ba naman din tanga. ‘Yan, nabengga ka tuloy. Sakit ba masampal ng katotohanan?

Expected ko naman na na magkakabalikan sila but still, it hurts. Sinabi ko rin sa sarili ko na ihihinto ko na agad ngunit ano nga bang ginawa mo, Iska? Pinalala mo pa ‘yong dapat umpisa pa lang ay inagapan mo na.

Shit. Ang sakit pala…

Take two, pleaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon