Chapter 20

796 25 0
                                    

Chapter 20
Iska’s POV

“Silas, you’re finally here.”nakagising saad no’ng kaibigan niyang si Pulo nang makarating kami sa vip room. Napatikhim naman ako nang makitang marami silang babaeng kasama, namumukhaan ko ‘yong iba, mga artista, nakita ko si Ms. Eva na nasa tabi nina Red na siyang ngumiti lang sa akin nang makitang dumako ang mga mata ko sa kanila.

“Ang tagal mong hindi na bumalik, Si, akala ko nakalimutan mo na kami.”anang isang babae na ikinawit pa ang kamay kay Silas as if hindi ako nakita. Medyo naoffend naman ako dahil do’n.

“Stop clinging into me, Vanessa, my girlfriend is here.”ani Silas bago niya inalis ang kamay no’ng babae. Hindi niya naman inaalis ang pagkakahawak sa akin. Kumunot naman ang noo no’ng babae habang nakatingin sa akin. Nginiwian niya ako bago inirapan. Sobrang daming babae ni Silas at ang dami pang maldita.

“I thought everyone is just exaggerating.”anang isang babae habang nakalingkis kay Pulo na siyang tatlo pa ang nakalingkis sa kaniya. Halos kumandong pa ‘yong isa. Nailing na lang ako habang nililibot ang mga mata sa kanila.

“Ilang beses ka ng tumanggi, busy sa trabaho, huh? Busy lang pala sa jowa.”sambit no’ng Milton, ‘yong kaibigan ni Silas kanina.

“Well, chix naman pala kasi.”natatawang saad no’ng ilan. Nang magtagpo ang mga mata namin ni Ms. Eva, sinubukan ko siyang ngitian ngunit walang ekspresiyon ang kaniyang mukha. Napanguso ako dahil do’n, she always look friendly kapag nasa set kami, baka hindi natutuwa na makita ako ngayon na kasama ang ex niya? Hindi ko rin alam. Ibig bang sabihin effective talaga ‘tong pinaggagawa namin? Pero bakit parang kinakabahan ako kahit na ganoon.

Umupo kami ni Silas sa may dulong upuan. Tahimik lang ako kahit na binabati ng mga kaibigan niya. ‘Yong excitement ko para kay Silas kanina’y parang bigla na lang naglaho dahil hindi na maproseso ng utak kung ano bang dapat kong gawin.

“Are you okay?”bulong ni Silas sa tainga ko. Halos masapak ko siya sa sobrang gulat.

“Ayos lang.”sambit ko.

“Iska, shot!”sambit ni Milton sa akin, ibibigay pa sana ang alak ngunit agad ding sinalo ni Silas. Agad naman silang ngumisi dahil do’n. Sinasalo niya ang akin kaya palihim ko siyang kinurot.

“I can handle that.”pabulong na sambit ko sa kaniya kaya nilingon niya ako.

“Yeah, right. So you’re going to fall asleep.”pabulong niya ring saad.

“Right! So we can go home earlier.”aniya na ngumisi pa. Akala mo’y nagliwanag ang mga nata. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil do’n. Natawa siya ng mahina. Hindi ko naman maiwasang mapatingin kay Ms. Eva na siyang nakatingin lang sa amin. I think she’s really affected, mukhang mabilis nga lang talagang maibabalik ni Silas ang kung anong meron sa kanila, maganda ‘yan para hindi na ako masanay pa.

We just talk ni Silas, noong una’y nagprepretend pa ako na nanlalandi ngunit sa huli’y talagang natatawa na lang ako sa kwento niya. Paano’y kinukwento ang mga katangahan nila no’ng mga kaibigan niya. Magkakaibigan na rin pala kasi sila nina Pulo noong high school pa lang. Syempre school ng mayayaman.

Napatingin ako kay Ms. Eva nang bigla siyang tumayo habang nakasimangot.

“Saan punta, Eva?”tanong ni Red sa kaniya.

“I’ll just want to party outside.”sambit nito bago padabog na naglakad palabas. Napatingin naman ako kay Silas na mukhang hindi naman napansin ‘yon o nagkukunwari lang ba siya?

Tuloy tuloy lang kasi siya sa pagkukwento.

“Nakikinig ka pa ba?”tanong niya sa akin dahil tahimik lang ako.

“Hmm, wala naman na si Ms. Eva?”tanong ko naman sa kaniya.

“So?”tanong niya.

“So?”kunot noo kong tanong.

“So ‘yon nga—“ipinagpatuloy niya lang ang kwento niya kaya napatawa na lang din ako at nawala na rin sa isip ko ang pag-alis ni Ms. Eva. Nagtuloy tuloy lang ang kwentuhan namin, minsan ay napapahampas pa ako sa kaniya sa sobrang tawa.

Nadistract lang ako nang makita kong nakikipaglaplapan na ang ilan niyang kaibigan sa mga kasamang babae dito sa loob lalong lalo na si Pulo na siyang dalawa-dalawang babae pa ang kahalikan. Napatingin tuloy si Silas sa mga kaibigan niya dahil do’n. Agad niyang tinakpan ng kaniyang katawan ang kaibigan.

“Gago ‘yan, nakipagsex sa clinic kaya ‘yon talagang napagalitan ng Tatay niya.”pagkukwento niya, napatingin tuloy ako kay Pulo at bahagya pang nailing habang natatawa. 

“Tangina ka, Si, sinisiraan mo ata kami.”sabi ni Pulo na hinagisan pa si Silas nang mapansing tumatawa si Silas habang nagkukwento.

“As if naman hindi ka ganiyan, isa ka rin.”ani ko sa kaniya.

“Of course not! Hindi naman ako sobrang libog na sa clinic pa makikipagtalik.”pagpaparinig ni Silas kay Pulo na siyang ngumisi lang.

“Mas masarap ang bawal.”aniya na nakangisi. Napangiwi na lang ako at napailing.

“Do you want to change room?”tanong niya dahil kaniya-kaniyang landian na ang kaniyang mga kaibigan. Si Red nga lang ata ang walang nilalandi rito. Akala mo’y sobrang lalim din ng iniisip dahil nakatulala lang sa kung saan.

“Huwag na, uwi na lang tayo.”sabi ko sa kaniya.

“Yeah, it’s late na rin. Tara.”aniya.

“Teka, cr lang saglit. Kanina pa ako ihing ihi.”sambit ko kaya tumango siya at hindi pa rin ako binibitawan. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay dahil do’n.

“Sasamahan na kita.”aniya kaya napairap na lang ako.

“Ano? Huwag mong sabihing pati sa cr ay sasama ka?”nakataas kilay na tanong ko sa kaniya.

“Puputulin ko ‘yang kamay mo, Silvano, parang tanga, diyan lang ‘yon oh.”sabi ko kaya napanguso na lang siya at hinayaan na ako. Napairap na lang ako bago naglakad patungo sa gawi ng banyo.

Papasok na ako sa isang cubicle nang may tumalisod sa akin. Napabuntong hininga na lang ako dahil paniguradong isa nanaman sa babae ni Silas ito. Nang lingunin ko’y agad nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Ms. Eva ang nag-iisang taong narito.

“Hey there, Ms. PA.”nakangisi niyang saad. Malayong malayo sa mukhang inosenteng Ms. Eva na siyang tinitingala ko. But still idolo ko pa rin ito. Siguro’y nadala lang siya ng damdamin niya. She probably like Silas kaya ganoon o baka hindi niya lang sinasadya? Hindi ko rin alam.

Tumayo naman ako ngunit nabasa ang damit ko dahil sa pagkakaupo. Why naman laging sa cr ang confrontation ng mga babae? Hindi ba pupwedeng sa labas ng bar o kaya kahit sa may gitna lang ng dance floor? Shit ka, Iska, nagawa mo pang mag-isip ng ganito. Nailing na lang ako sa sarili bago nilingon si Ms. Eva na siyang humalukipkip lang habang nakatingin sa akin. She’s still pretty despite her looking me as if I’m a piece of shit.

“Anong ginawa mong kalandian at naging kayo ni Silas?”tanong niya na nakataas ang kilay sa akin. Bahagya namang napaawang ang mga labi ko dahil para siyang ‘yong kontrabida sa mga sinusulat niyang nobela. Napakagat na lang ako sa aking labi habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin kaya naman tinikom ko na lang ang bibig ko.

“Hindi pa sapat si Clark? Ngayon ay si Silas naman?”natatawa niyang tanong sa akin.

“Oh baka namn kaya ka pumasok bilang PA para manungkit ng mayayaman?”tanong niya pa sa akin. Hindi ako nagsalita kahit na medyo naooffend na ako rito. Well, mas malala pa si Mama riyan, sanay na ako.

“PA lang ‘yan, Eva?”tanong ng isang babaeng kalalabas lang ng cubicle. Napangiwi naman ako sa pagkakalang niya ng trabaho ko. Lang. Wow.

Kita ko naman ang matalim na mga mata niya habang nakatingin sa akin.

“That’s why she looks really fake. Hindi ka bagay dito, Girl. Balik ka na lang sa pinanggalingan mo.”aniya pa sa akin.

“Right, mukhang trying hard no? You look like a janitress, do’n ka na lang mag-apply, Ms. PA.”nakangisi pang saad ni Ms. Eva. Parang kada salitang sinasabi nito’y wala lang.

“Hindi ko alam kung anong nakita ni Silas diyan, we should just go back together kung diyan lang din naman pala ang bagsak niya.”ani Ms. Eva bago umirap.

Naghanda na ako na mabuhasan ng tubig gaya sa mga nababasa ko ngunit laking pasasalamat ko na lang nang banggain lang ako ng mga ito bago sila nagpatuloy sa paglabas.

Napabuntong hininga na lang ako, hindi ko magawang magalit kay Ms. Eva dahil katunayan ay guilty pa nga ako because mukha namang mahal pa rin niya si Silas pero ito kami, parang tangang pinagseselos siya. Atleast, sure na ako na babalik talaga siya. Hindi ko na kailangan pang umasa pa. Kaunting push lang ‘yon, siguradong babalikan niya na si Silas.

Saka isa pa, sobrang idol ko talaga siya kay hindi ko magawang magalit, inis siguro dahil sa ilang sinabi nila but still, baka nasasabi niya lang ‘yon dahil sa selos.

Nang makaihi na ako’y lumabas na ako para puntahan si Sila ngunit halos mapatalon ako sa gulat dahil sa kaniya. Kitang kita ko siyang nakatayo rito sa tapat ng cubicle.

“Tagal mo.”aniya sa akin.

“May nangyari ba?”tanong niya dahil kita ata sa mukha ko. Bahagya naman akong napatango. I won’t tell him about the confrontation, baka mamaya’y maisip niya pang sinisiraan ko ang love of his life.

“May naririnig akong ungol do’n sa kabilang cubicle.”nakanguso kong saad. Napangiwi siya dahil do’n.

“Tara na nga.”naiiling niya na lang saad at hinila na ako. May nakakasalubong pa rin kami na panay ang bati kay Silas. Marami pa nga akong nakitang naghahalikan na sa harap ng madaming tao e. Hindi ko pa maiwasang mapasulyap dahil mukhang lasing na lasing na sila.

“Hey, brother!”nahinto lang kami sa paglalakad nang may humarang na isang lalaki sa amin. Si Mr. Herrera! ‘Yong kapatid ni Silas, si Axel. Direktor ‘to ng Channel ngunit ni isang beses ay hindi pa pumapasok, sabi nila’y nasa business trip pa raw ngunit mukhang nagpaparty lang naman dito.

Laging pinagtatambal ang mga palabas nila. Rival nga kung ituring ang dalawang ‘to.

“Hindi mo ba ako miss, my dear brother?”ani Mr. Herrera sa kaniya.

“Oh, you’re with someone.”aniya nang mapansin ako. Ngumiti pa ito sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik.

“Let’s go.”nakasimangot na saad ni Silas sa akin ngunit bago pa kami tuluyang makaalis ay nasa tapat na ulit namin ang kapatid niya.

“Hindi mo naman nabanggit na may sexy ka pa lang kasama, Lil bro.”ani Mr. Herrera sa kaniya.

“Tigilan mo ako, Kuya, wala ako sa mood para makipag-usap sa’yo.”sabi ni Silas sa kaniya.

“Wala ka naman lagi sa mood para kausapin ako.”natatawang saad no’ng Kuya niya habang pinaglalaruan ang baso ng alak.

“Hi, I’m Axel. You’re?”nakangiti niyang tanong.

“Iska po,”magalang kong saad dahil magiging boss ko ‘to.

“Oh, nice to meet you, Iska!”nakangiti niyang saad at kumaway pa sa akin. Halatang makulit ang isang ‘to. Nang lumabas kami ni Silas ay busangot na busangot ang kaniyang mukha. Hindi ko naman maiwasang matawa habang nakatingin sa kaniya.

“Mortal enemy ba talaga kayo ng Kuya mo?”tanong ko sa kaniya. ‘Yon kasi ang nakasulat sa mga headline kapag binabalita silang dalawa. Tapos ‘yon din ang sabi sabi sa work.

“Nah, he’s just really annoying.”aniya naman na napakibit pa muli ng balikat.

“Mukha nga. Pero infairness, gwapo rin.”sabi ko dahil talagang gwapo rin ang Kuya nito, well, mas gwapo lang si Silas para sa akin dahil alam kong may nararamdaman ako para sa kaniya but Mr. Herrera is not that bad.

“Ilang taon na siya?”tanong ko pa. Mukha kasing hindi nagkakalayo ang edad nila.

“Are you interested with my borther, Iska? 33 na ‘yon. He’s too old for you.”aniya sa akin na busangot pa rin ang mukha.

“Grabe ka, nagtatanong lang! Saka 8 years lang kaya. Both adult naman, buti sana kung 13 ako tapos 23 siya, ‘di ba?”patanong ko naman saad. Pinapakita lang ang point ko ngunit nakataas na ang kilay niya sa akin.

“So you really like him, huh?”patanong na saad niya.

“Hindi nga. Kulit mo.”sabi ko. Hindi ko alam kung bakit ba ako nagpapaliwanag? Ewan ko ba, ayaw ko lang na mag-isip siya ng ganoon. Siguro dahil na rin alam ko sa sarili kung sino talaga ang gusto.

Take two, pleaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon