Chapter 37

792 25 0
                                    

Chapter 37
Iska’s POV

“Ate!”malakas na sigaw ni Chico bago tumatakbong niyakap ako. Hindi ko naman maiwasang matawa sa kaniya. Kahit nasa twenties na siya, hindi pa rin mawawala ang pagiging malambing.

“Hi, kumusta?”nakangiti kong tanong sa kaniya.

“Ayos lang, Ate! Miss ka!”nakangiti niyang saad.

“Hindi raw makakapunta si Kuya, Ate.”aniya sa akin.

“Naiintindihan ko, of course, malapit na tayong magkafuture doctor.”natatawa kong saad. Nang magtrabaho ako sa ibang bansa saka ko lang nalaman na gusto niya pala talagang maging doctor pero dahil wala kaming ganoon kalaking perang pagpapaaral, nagtrabaho na muna siya at nagiipon. But he have me and it’s for them. Isang taon pa lang naman ang nakalipas nang umalis ako ng pilipinas para magtrabaho sa ibang bansa.

I mean I was freelance writer. Kung saan saan akong bansa nagtungo. I was enjoying my life right now but I really need na ‘yong pangmatagalan na trabaho dahil may doctor at future lawyer pa akong pag-aaralin.

“Hi, Ma! Miss mo ba ako?”nakangisi kong sambit kay Mama na siyang may hawak ng banner. Halos kutusan niya naman ako dahil do’n. Napatawa naman ako sa kaniya bago ko siya niyakap ng mahigpit.

“Miss kita.”nakangiti kong saad. I still remember the day I broke up with Silas.

I was really devastated that time, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Para bang dalawang bagay ‘yong nawala sa akin no’ng araw na ‘yon. Pangarap at hinaharap.

“Pwede bang iwan mo na ako rito?”tanong ko kay Silas dahil kahit naghiwalay na kami, hindi niya gustong iwanan ako sa la union.

“Please, I can’t look at you the same way again. I’ll tell you kapag nakauwi ako. Huwag mo na akong pahirapan pa.”sambit ko. He was just looking at me.

“Please. Kahit hatid lang. After this, I won’t bother you…”pabulong na saad niya. Tumango na lang ako para matapos ang usapan.

“Sa Laguna.”sambit ko nang itanong niya kung saan niya ako dapat ihatid. Pinipigilan ko lang ang sarili kong umiyak habang nasa byahe kami. Tinulog ko lang ‘yon para hindi na siya makausap pa.

“Thank you…”sambit ko nang makarating sa bahay namin. Tumango lang siya, mukha ring wala sa sarili. Nang paandarin niya ang sasakyan niya paalis saka lang ako unti-unting napaupo at napahagulgol ng iyak. Mas lalo lang akong napaiyak nang may isang kamay na humawak sa pisngi ko.

“Ma…”pabulong kong saad.

“I made a wrong decision again…”umiiyak kong saad.

“Ano pa nga ba?”tanong niya naman bago ako hinila at niyakap ng mahigpit. Iyak lang ako ng iyak habang nasa bisig niya. I’m never been close with my Mom but here I am. Siya pa rin ang tinatakbuhan sa kabila ng lahat. She was the only one who know me the most.

“Mama… anong gagawin ko? Tama ka, nagtapon nga lang talaga ako ng ilang taon sa pangarap ko. Hindi naman talaga ako magaling tapos ngayon…”hindi ko maituloy ang sasabihin habang umiiyak. Hinaplos niya lang ang buhok ko habang mahigpit pa rin ang yakap sa akin.  

Ganoon pala talaga ‘yon no? Kung sino pa ‘yong taong hindi mo ineexpect na masasandalan mo sa mga panahon na kailangan na kailangan mo, sila pa pala ‘yong malalapitan mo. Sila ‘yong nandiyan para sa’yo.

“Shh… hindi… hindi ka nagtapon. Walang taon na nasayang dahil naging masaya ka, hindi ba?”aniya.

“Magaling ka. Nabasa ko ang mga manuscript mo… sabi mo hindi ako laging nagtitiwala sa’yo pero, Nak… alam kong dadating ka rin doon.”aniya sa akin. That was the first time she called me ‘Nak’ again.

Take two, pleaseWhere stories live. Discover now